CKESMIR
Naloloka na talaga ako sa mga nangyayari ngayon, patagal ng patagal gumagaan ang loob ko kay Theara and I'm happy with that lalo na at—
"Hoy!"biglang pinitik ni Janus ang noo ko.
Nasa canteen kami ngayon at uwian na, maagang dinismiss ang klase dahil sa may meeting ang mga teacher. Pero ayaw ko pang umuwi lalo na at madadatnan ko si Dad sa bahay, gusto kong umuwi ng gabi kung saan kelan wala siya dun at aalis pag paparating na siya.
"Kumusta yung plano mo?"tanong ni Janus.
"Going good."
Oh that plan.
***FLASHBACK***
First time kong kakain kasama ni Theara at ng mga kaibigan niya, I'm a bit nervous pero bakit naman ako kakabahan?
"Ckesmir!"napalingon ako at tinawag pala ako ni Janus.
"Sandali lang ha?"paalam ko at pumunta kay Janus.
"You're not going to have a lunch with me?"tanong ni Janus
"Di ba nakuwento ko yung babaeng laging kasama ni Yvetrick?"
"Yes."
"Naconfirm kong si Theara yun."
"Oh, that girl."napatingin siya kay Theara.
"She's his sister."
"Oh."gulat na sabi ni Janus. "Then?"
"I will going to get closer to her. And maybe I could be friends with Yvetrick."
"Crush mo nga siya."
"Kaya, habang di pa nagsasucceed. Sila muna ang kasabay ko sa pag-lunch."
"Okay. Sige aalis na ako."paalam ni Janus. "Good luck."
***END OF FLASHBACK***
Nung una akala ko girlfriend siya ni Yvetrick, kaya medyo naging mataray ako. Oo na, pero di ko rin siya matiis eh. Ang bait niya sobra sakin.
Nakita ko pang wallpaper siya ni Yvetrick, inaakbayan siya, at tinawag pa siyang baby. Pero baby sister pala yun di lang natapos. Di ko pa napansin na parehas silang Suarez, tanga ko rin eh.
I have a crush on Yvetrick since my first year in highschool. Kaya kumpirmado ko talagang bakla ako. At yung nakuwento ko kay Theara about my first love, totoo yun
Ang awkward ngang tawagin ko siyang first love kasi ilang oras lang kami nagkaroon ng time, di ko man lang alam pangalan niya. But I know her mother's face. Pero di ko alam kung nagbago na mukha nun, lalo na at 10 years na ang lumipas at 16 na ako ngayon.
"You're going home?"
"Later."
"Sige alis na ako."paalam ni Janus.
Pero di rin ako tumagal sa canteen, ilang minuto ang lumipas nang umalis si Janus ay umalis na rin ako.
"Samantha."narinig ko si Dad.
Samantha? Di naman yun ang pangalan ni Mama ah.
Namatay si Mama, 5 years ago dahil sa sakit niyang leukemia. At di ko ngayon matanggap na nangbabae si Dad.
Pumasok ako para tingnan kung sino ang kausap ni Dad. At nadatnan kong nakaback-hug si Dad sa kung sinong babae.
"Ckesmir."tawag sakin ni Dad.
Napatingin ako sa kaharap kong babae, maganda siya.
"Ikaw ba ang babae ni Dad?!"tanong ko.
Hindi ito umiimik pero maluha-luha itong nakatingin sa akin.
"Sumagot ka!!! Ikaw ba ha?!!!"sigaw ko.
"Ckesmir, tama na."awat sakin ni Dad.
Maluha-luha siyang napatingin sakin. Nanlambot ang puso ko at ramdam kong tumutulo ang luha ko.
"Siya ba si Ckesmir? Clyde?"tanong nung babae kay Dad.
Dahan-dahang tumango si Dad.
Hinawakan nito ang pisngi ko at bahagyang pinunasan ang luha sa mata ko gamit ang hinlalaki niya. At bigla akong niyakap.
Ramdam ko ang emosyon sa yakap niya. Nadala ako at naalala ko si Mama.
Nabalik ako sa huwisyo ko at inalis ang kamay niya sa pagkakayakap sakin.
"Sino ka ba ha?!"galit kong tanong.
"Masaya na akong makita siya Clyde, pero mukhang ayaw niya akong makita."sabi nung babae.
"Samantha, wag."pigil ni Dad. "Alam kong labing-anim na taon mo itong hinintay."
Anong ibig sabihin nila? Labing-anim na taon? Hinintay? Ano ang hindi ko alam?
Lumapit ang babae kay Dad.
"Sa susunod nalang kung di na siya galit."sabi nito kay Dad. At aalis na sana nang hawakan ko ang braso nito.
"Teka?! Sino ka ba ha?! Anong konek—"pasigaw kong sabi pero bigla akong hinatak ni Dad dahilan para matumba ako sa sahig.
"Wag mong gagawin yan sa INA mo!!!"sigaw ni Dad.
Dagling lumapit sakin yung babae.
"Clyde tama na. Anak mo siya."
Teka... INA... INA... INA... Nanay, Mama... MAMA?!
Napatingin ako sa babae.
Hawak nito ang likod ko at nakahiga ako sa hita niya habang akap ng isa niyang kamay niya ang ulo ko.
''Ckesmir, makinig ka naman sakin."sabi ni Dad. "Di ko gustong saktan ka pero kung yun lang ang kaya kong gawin para tumigil sa lahat ng salitang binitawan mo laban sa tunay mong Ina, wala akong magagawa."
"T-tunay k-kong I-ina?"
"Siya ang Mama mo. Ang tunay mong Mama. We loved so each other before that no one can separate us. Hanggang sa malaman ng parents ng Mama mo at pinaghiwalay kami. That time buntis ang Mama mo sa'yo. Inadvice pa nilang ipalaglag ka pero di kami pumayag, tinanggihan ko ang perang ibinigay nila sakin. Nung lumabas ka, they were planning to sell you pero nalaman 'to ng Mama mo kaya inihabilin ka niya sakin and promise me to come back once na okay na siya sa parents niya."
So... All this time... Ang sama ko.
Napatingin ako sa babaeng yakap ako. Di ko lubos matanggap ang nalaman ko.
Kumawala ako sa yakap niya at tumakbo palabas.
I hate it! I hate myself!!!! Bakit ba ang bobo ko?! Bakit ba ang tanga ko?!
Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa napadpad ako sa may tabing-dagat.
Dun ako umiyak at wala akong magawa kundi ang humagulhol dahil di ko na alam ang gagawin ko sa sarili ko... May mukha pa ba akong ihaharap sa kabila ng mga pinaggagawa ko?
Ang sama kong anak.
Mahal nila ang isa't isa at ako pa ang may ganang pumigil dun.
"Ckesmir?"napalingon ako sa tumawag sakin. "Oh, ikaw nga."
Bakit palagi siyang dumadating tuwing down na down ako? Bakit parang lagi siyang andyan para tulungan ako? Ganun ba ako kapathetic para lagi niyang pagaanin ang loob ko.
"A-anong g-ginagawa mo dito?"
"Hinahanap ko kasi ang kapatid ko, at nakita kita. Sorry sa disturbo. Sige al—"
"Di naman."ngumiti ako.
"O— Umiiyak ka ba? Hala—"gulat niyang sabi.
Pinunasan ko ang luha ko at napangiti sa reaksyon niya.
"D—"
"Ate!"napalingon ako sa batang tumawag sa kanya. Nasa 10 o 11 years old na'to.
"Balik ka na dun kela Mama."utos niya dito.
"Pero—"
"Punta ka na dun okay? Bigyan kita chocolate mamaya."pang-uuto nito.
Natawa ako sa ginawa niya.
"Maliban kay Yvetrick eh may kapatid ka pa pala."
"Ah yun, si Haji yun. May isa pa nga, babae, si Yasmine, pero Yassi tawag namin."
"Dami niyo na ah."
"Oo nga eh, bilis gumawa nila Mama."natatawa niyang sabi.
Pagkabanggit niya ng salitang yun ay parang nadurog uli ang puso ko. At may luha na namang tumulo sa mata ko, nagulat ako nang pinunasan niya ito gamit yung panyo niya.
"Hala, may nasabi ba akong mali? Sorry."
Di ko alam papano sasagot.
"Sorry na. Di ko sinasadya. Di ko din alam anong sinabi ko. Di ko rin alam kung bakit ako nagsosorry pero sorry na talaga."
Napangiti ako, ang kulit niya rin eh.
Nagulat ako nang bigla niya akong yinakap.
"Di ko alam paano ka papatahanin, pero kapag umiiyak ako yinayakap ako ni Mama."
Bakit parang ang bigat pakinggan ng salitang yun? Yinakap ko siya pabalik at umiyak sa umiyak sa balikat niya.
"Theara!"tawag sa kanya.
"Yinayakap niya ako at—"
Humiwalay siya at binigyan ako ng smack sa labi.
"Ngumiti ka na. Mas guwa— gumaganda ka."tumakbo siya papunta sa babaeng tumatawag sa kanya.
Napahawak ako sa labi ko at maya-maya sa puso ko.
What's with that kiss?
Ang bilis ng t***k ng puso ko, dahil ba first time akong mahalikan ng isang babae? At sa labi pa? Bakit mabilis ang t***k ng puso ko? Ano ang ibig sabihin nun?
Everything was UNEXPECTED today.