Chapter 10 - Kapatid

1049 Words
THEARA "Alam mo ang galing talaga sumayaw ni Jon at Mika."sabi ni Ran habang may tinitingnan na video sa cellphone niya. "Kahit may nahahawakan na ano, gora lang." At ipinakita niya ito kela Nami. "Ganyan talaga pag bakla wala silang nararamdaman para sa babae. Kahit halikan man sila o ano wala silang spark na mafefeel o pagka awkward."sabi ni Nami at agad siyang siniko ni Venus. "Ay sorry." "Okay lang. Alam ko naman yun." tulala akong nakatitig sa malayo. Wala akong tulog kagabi dahil sa paulit-ulit na sumasagi sa isip ko yung kahalayang ginawa ko kagabi kay Ckesmir. Ba't ko siya hinalikan? Ang bobo ko naman. Napafacepalm nalang ako. "Asan pala si Ckesmir? Parang di ko siya nakitang sumama saten."pansin ni Venus. "Di nga pumasok eh." Napatingin sila sakin. "Ano?" "Una... Matamlay ka, at lutang na lutang ang sarili mo ngayon. For short, wala ka sa sarili."pagsisimula ni Venus. "Ikalawa... Kanina ka pa walang imik, which is abnormal sa'yo."pagbibiro ni Nami. "At ikatlo... Di pumasok so Ckesmir."dagdag ni Ran at napatingin sila sakin. "Isinuko mo ba ang Bataan?!"pasigaw nilang tanong, sabay pa talaga. "Mga baliw. Di no."at bigla akong napayuko. "More like, isinuko ko ang... UK." Nagulat naman si Nami at Venus na parang nakuha agad yung ibig sabihin ko, samantalang si Ran... "Ha?"tanong ni Ran. "UK as in Unang Kiss."paliwanag ni Nami. "Whaat?"late reaction -___- "Ganito kasi yun..." Ikinuwento ko sa kanila ang lahat at nakinig naman silang mabuti. "WAAAAAAAAAHHH!!! May pag-aasa si Fafa Ckesmir.''tili ni Ran at Venus. "Ah basta, Fafa Lester ako." "Edi ikaw na jumowa dun sa tukmol na yun."singit ni Venus tapos tumawa sila ni Ran. "Huwag may Nate na yan."dagdag ni Ran at tinawanan nila uli si Nami. "Ah basta."pagmamatigas ni Nami. "The more you hate, the more you love."pagpaparinig ni Ran. "Tumpak ganern!"at nag-apir sila ni Venus. Nagkakaisa sila ngayon laban kay Nami. Napatingin ako sa oras, baka andun na si Papa sa gate kaya nagpaalam ako at pumunta kay Jameson. Nakita ko siyang nakaupo at mukhang nagpapahinga. When he's on public he has this cold and emotionless aura, parang bubuga siya ng apoy pag nalingat ka. Naalala ko nung ipinaliwanag niya sakin yun... "I just don't want to be attach to a person anymore excluding my family. I don't wanna be hurt just like what Hailey did to me. If I can still pretend that I'm as cold as ice, I will. I don't wanna care for anybody except my family." Grabe talaga epekto sa kanya ni Hailey eh no? Para siyang sinaktan ng bonggang-bongga, even though mga bata pa sila nun. I remember Hailey was the one who helped Jameson when I'm not there with him. At dun siya simulang humanga kay Hailey, until mas lalong lumalim yun at iniwan siya ni Hailey dahil sa di malamang dahilan he still loves her. Di niya kayang buksan ang puso niya magmahal uli, though andyan naman sana si Venus pero nagmamatigas parin siya. Kumaway ako at nakita niya ako, nagpaalam siya sa coach nila at pumunta sa direksyon ko. "Mabuti naisipan mo akong puntahan dito."sabi nito habang nagpupunas ng pawis. "Naalala ko kasi na napaghintay kita dun sa room ko kahit wala ako dun, so I just think that kailangan kong bumawi sa'yo." "That's nice of you..."sabi nito at ginulo ang buhok ko, nakita namin si Papa na naghihintay sa may gate. Tumakbo kami dito at yumakap. Pumasok kami sa kotse at umuwi na. "Hi Ma!"sabay naming bati ni Jameson. "Hi Tita Samantha."bati namin kay Tita Sam. Dito siya natulog for a couple of days. Inoffer ni Mama ang bahay namin since malaking gastos pa kung sa hotel siya titira. May importante daw kasi siyang sadya dito at di namin alam yun. *** Alas diyes palang nang magising ako. Kumuha ako nang at bababa sana nang marinig ko ang boses ni Mama, Papa at Tita Sam. "You mean nagkaanak kayo ni Clyde?"boses yun ni Mama. "Oo, at itinatakwil niya ako." Kawawa naman si Tita Sam. "You should explain."ngayon si Papa naman ang narinig ko. "I don't know how. Masyado ko siyang nasaktan kaya 'ata binabalik niya sa akin ang lahat ng iyon." "You should endure it. Walang patutunguhan ang pagpunta mo dito kung di mo siya kakausapin." Tama nga naman si Mama dapat kausapin ni Tita Sam yung anak niya. "I hope I can do that, lalo na at hinihintay siya ng mga kapatid niya." "May iba pa kayong anak ni Clyde?!"gulat na tanong ni Papa. "After mamatay ni Jessie, nagkita kami ni Clyde and—" Nagulat ako nang biglang nahulog yung flashlight na hawak ko. Ooops. Napatakbo si Papa at nakita ako. Ngumiti lang ako. "You're still not asleep?"tanong ni Papa. "Sa totoo po tulog na sana ako, kaso—" "Come on. I'll let you sleep." Sumenyas siya kela Mama ng go-on-keep-talking sign at binuhat ako. "Nag-eexpla—" "Ssssh." Linagay niya ako sa kama at kiniss niya ako sa noo. "Sleep now my princess." Hinintay ko lang ang pag-alis ni Papa at agad dumilat. Hmmm... Clyde. Cl... Ck... Ckesmir... CKESMIR?! Ano uli pangalan ng Mama ni Ckesmir?... Ah, Jessie Perez. Teka.. E di naman yun Sam— ' After mamatay ni Jessie, nagkita kami ni Clyde and—' Omooooo. Namatay si Tita Jessie 5 years ago... At yung Clyde, posible bang? Si Tito Clyde yun? Yung childhood friend ni Mama? Na pinagseselosan ni Papa noon? Na tawag niya kay Mama eh 'Yanyan'? Madrigal si Tito Clyde eh. Hala!!! Baka tama. Pero ang alam ko eh ang asawa ni Tita Sam eh si Tito Jomari? Which is Austria... Which is apelyido ni Coby... O.O OMG!!! I should sleep, I should really sleep. Pinikit-pikit ko ang mata ko para antukin ako pero buhay na buhay ang diwa ko. Kailangan kong matulog, bukas ko malalaman ang lahat. Matulog ka na diwa ko... Pleeeeaaaaasseeeeee. Magbibilang nalang ako ng tupa, baka mas effective yun. Tatayo na sana ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Papa. "Theara, still awake." Ngumiti ako at tumango. "Okay, I'll sing a song to you." Maganda ang boses ni Papa kaya madali akong makakatulog nito kaya sana paggising ko umaga na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD