Chapter 3

1777 Words
Chapter 3: ISABELLA Lumipas ang tatlong araw ay pinayagan na rin akong makalabas ng doctor. Ang sabi ay puwede na akong magpagaling sa bahay. Basta siguruhin kong susundin ko ang lahat ng payo nito at ang mga gamot na kailangan kong inumin ay hindi ko kakaligtaan. Nangako naman si Tita Alison at si Adonis na sila nang bahala sa akin at hindi ako pababayaan. Sa loob ng tatlong araw na pananatili sa hospital na si Adonis ang nagbantay sa akin. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang umalam ng ilang impormasyon tungkol sa kaniya. Adonis David daw ang pangalan niya, na kahit hindi niya sabihin ay siyang apelyido ko na rin. Ang sabi niya ay lumaki raw siyang walang ina. Nang tinanong ko kung bakit ay sabi niya lang ay 'long story' at sa tingin ko ay iyon na ang cue ko para tumigil na sa katatanong. Hindi ko alam kung alam ko ba talaga ang storya ng buhay niya, nakalimutan ko lang. Pero sa ngayon ay nagpasya akong hindi muna siya kulitin na magsabi sa akin. Kahit na pinipilit kong mag-adjust sa buhay ko ngayon at pinipilit na pakitunguhan siya nang maayos, may times pa rin na mas pinipilit kong manahimik at iwasang makipag-usap sa kaniya. Aaminin kong hindi pa rin ako komportable. Ayokong magpaka-hard to get, o hard to be with, pero kailangan ko pa rin talaga minsan ang magpahinga mula sa pamimilit sa sariling tanggapin ang kondisyon ko. Ang hirap maging asawa sa isang taong hindi ko kilala. Pagkarating sa bahay ay inilibot ko kaagad ang paningin ko. Ang sabi ni Tita Alison ay mansion daw ito ng pamilya namin. Sabi ni Tita Alison ay ako lang daw ang nanirahan sa Italy ng limang taon para mag-aral ng college upang maging professional chef. Ang magulang ko raw ay naiwan dito para sa mga negosyo. Puti at pure wooden color ang kulay ng bahay. Puti ang pader, ceiling, at hanggang sa tiles nitong lapag. Kulay wooden brown naman ang bawat haligi, pinto, bintana at pati ang riles ng hagdanan hanggang terrace. Itim na wooden color naman ang ilang kagamitan, kagaya ng mesa, pasemano at iba pang mga disenyo nito. Sa kulay nito ay nababagay ang mga malalaking frame na naka dikit sa dingding. Magaganda ang mga frame na mukhang ginawa pa ng mismong artist, ngunit ang umagaw sa paningin ko ay ang isang family portrait na nakadikit sa pinaka malapad at maluwang na parte ng bahay. Ako ang isa sa nasa larawan. Nakaakbay ako sa isang lalaking may edad na nag-iisang nakaupo sa silya. Sa kabila ng lalaking may edad na ay naroon ang isang ginang na hindi nalalayo ang anyo sa akin. Sila ba ang magulang ko? "Part of me thinking that you're lucky that you forgot them, at least nalimutan mo rin ang sakit nang mawala sila." Saglit ko lang tiningnan si Tita Alison dahil sa sinabi niya. Muli ay tumingala ako sa family portrait at tumitig doon. Naroon ang matatamis naming mga ngiti, hindi lang sa mga labi, umaabot din iyon sa kanilang mga mata. Hanggang tainga pa nga. Gusto kong sumang-ayon sa sinabi ni Tita Alison, pero hindi ko kaya. Dahil pakiramdam ko ay alaala lang nila ang nawala ko, pero ang sakit ay nandito pa sa puso ko. Nakatanim. At sa hindi ko inaasahan na pagkakataon, may kung anong bumuhos na emosyon sa puso ko. Gusto ko silang makilala. Gusto kong makita ang sarili ko na kasama sila. Gusto kong magkaroon ng alaala kasama sila. Pero nasaan? Pilit ko na lang inignora ang lungkot na bumalot sa akin at nagsabing gusto ko nang magpahinga sa kuwarto ko. Kaya naman sinamahan ako ni Adonis papunta sa kuwarto. Ang sabi niya ay hindi pa raw siya nakapapasok dito mula noon. First time din daw niyang makarating sa mansion. "Mukhang talagang tago ang relasyon natin," nasabi ko na lang pagkaupo ko sa kama. Nakabawi na ako ng lakas. Tanging maliit na lang na benda sa ulo ang meron ako, na ang sabi ng doctor ay maari ko nang alisin kung nasa bahay lang naman ako. Mas maganda rin daw iyon para makalanghap ng sariwang hangin ang sugat ko sa gilid ng noo ko, nang sa ganoon ay mas madaling matuyo. Sumandal siya sa pinto habang nakapamulsa. "Oo, kaya hindi kita masisisi kung talagang maninibago ka." Pinagmasdan ko siya kahit na medyo malayo siya sa kinapupuwestuhan ko. "Bakit hindi mo sa akin ipakita 'yong mga pictures natin na magkasama? May kakaiba akong naramdaman nang makita ko ang portrait ng magulang ko, kaya siguradong may mararamdaman din ako sa pictures natin." Nakita ko ang paggalaw ng jawline niya at ang pagkunot ng noo. Mayamaya ay kinuha niya ang kaniyang cellphone mula sa bulsa at nagkalikot doon. Mayamaya ay umiling siya. "Lahat ng pictures natin ay nasa cellphone mo, which is nasira sa car crash." Napatango ako. A secret relationship? Kung walang ibang nakakaalam ng tungkol sa amin, posible bang makakita pa ako ng copy ng mga pictures namin sa social media? Parang may kumurot sa isipan ko nang bigla akong mapaisip kung mayroon nga ba ako niyon? Dahil kung mayroon nga, hindi ko na naman matandaan ang account ko. "Are you okay?" Naalis ang pagkakahawak ko sa sentido ko na halos hindi ko namalayan, nang lapitan niya ako sa may nag-aalalang mga mata. Imbes na sagutin ang pag-aalala niya ay nagtanong pa ako. Mga tanong na dapat simula pa lang ay inalam ko na. "Saan tayo nagkakilala?" Pinagmasdan niya ako. Hindi ko iniwas ang mga mata ko. Gusto kong sagutin niya iyon nang direkta ang tingin sa akin. "Sa bar." Nangunot-noo ako. "Bar? Sa bar lang?" "Bakit? Saan ba dapat?" seryoso niyang tanong. Umiling ako. "Hindi ko alam! Naguguluhan kasi ako, e. Sabi ni Tita minahal natin ang isa't isa sa hindi inaasahang pagkakataon. Kakamatay lang ng magulang ko pero nagawa ko pang magpakasal sa 'yo? Tapos sa bar lang? Ano ba talagang set up natin?" naguguluhan at sunod-sunod kong tanong. Naguguluhan ako. Kahit pilit kong pagdugma-dugmain lahat ng detalyeng ibinigay nila sa akin, hindi ko pa rin ito makonekta. Ang labo. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ako sa dalawang kamay na nakapatong sa tuhod ko. "We met at the bar and we became friends, more than a friend. That time sobrang lungkot mo dahil kamamatay lang ng magulang mo, you thought that you'll be alone forever, but it changed when we met and fell in love. Kaya nagpakasal tayo, tinanggap mo ang proposal ko." Iniwas ko ang paningin ko at hindi na nakaimik. Lahat ng sinabi niya ay lihim kong idinidiin sa utak ko. Pakiramdam ko ay kailangan ko ang bawat detalye na iyon araw-araw upang ipaalala sa akin kung paano ko dapat pakitunguhan ang asawa ko. Lumipas ang buong araw at kinailangan na naming magpahinga. Nakaupo lang ako sa dulo ng kama habang nakayakap sa kumot ko. Hinihintay ang paghiga ni Adonis. Ito ang unang gabing magtatabi kami sa isang kama magmula nang magising akong may amnesia. Sa katunayan ay hindi ako komportable. Pero hindi ko naman siya puwedeng paalisin, hindi ba? Pagkalabas ni Adonis ng banyo ay naka boxer short na lang siya at sandong puti. Pakiramdam ko ay namula ako nang makita ko ang makisig niyang pangangatawan dahil sleeveless ang damit niya. May kung anong katanungan tuloy ang sumagi sa isip ko... Na pakiramdam ko ay mali. Napatingin siya sa akin. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya kasabay ng paghugot niya ng malalim na hininga. "Sa sofa ako matutulog hangga't hindi ka pa komportable sa akin." Napaiwas ako ng tingin. Masyado ko bang naiparamdam sa kaniya iyon? "Adonis," tawag ko sa kaniya na nakapagpatigil sa kaniya sa pagpuwesto sa isang long sofa sa isang parte ng kuwarto na nakaharap sa kama. "May nangyari na ba sa atin?" Kahit na medyo nahihiya ako sa tanong kong iyon ay pinilit ko pa rin siyang tingnan. Naroon pa rin ang pagkakasalubong ng kilay niya at bumagsak ang tingin sa sahig. Nanahimik lang siya at tiningnan ako. "Am I still a virgin?" tanong ko uli. Hinilamos niya ang palad sa mukha niya at tumayo mula sa sofa. Lumuhod siya sa kama habang umiiling. "Let's not talk about that tonight, okay?" "What? Why?" Imbes na sumagot ay bahagya niya akong itinulak sa may balikat at inihiga. "Just go to sleep. Let's talk about it tomorrow. Goodnight," mabilis niyang sinabi at hinalikan lang ako sa noo. Nagtatakang pinigilan ko siya sa braso nang tangkang aalis na siya sa kama. "We're married, right? Then why don't you kiss me?" Wala sa sarili kong tanong. Napapansin ko kasing sa loob ng tatlong araw na kasama ko siya ay para bang takot siyang hawakan ako. Pero kasal kami, at hindi ko alam kung hanggang saan na ang nagawa namin noon. Umiwas lang siya ng tingin sa akin, pero hindi niya inalis ang kamay ko sa braso niya. Muli akong umupo at lumapit sa kaniya. I pulled his chin to kiss me. Mababaw lang iyon. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko kasabay ng pagbitiw ko sa labi niya. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya. Bakit pakiramdam ko may mali? Bakit pakiramdam ko ay hindi lang ako ang nakaramdam ng mali? Lalayo na sana ako nang pigilan niya ako sa batok at muli akong hinalikan sa labi. Sa gulat ko ay hindi ko kaagad naipikit ang mga mata ko. Nakita ko pa ang pagtitig niya sa akin bago tuluyang ipikit ang mga mata. Hindi kagaya kanina, malalim ang kaniyang mga halik. Tila inaangkin at tinitikman ang bawat parte ng labi ko. He knocked his tongue on my lips, without realising it I opened my mouth and welcome him. Napapikit na ako at napahawak na ako sa balikat niya, habang pinipigilan niya ako sa batok na lumayo sa kaniya. We both moan as our kisses gets deeper. Hindi ko matandaan kung paano ka natutunang suklian ang mga halik niya. All I know is I want the taste of his tongue inside of my mouth. I like the feeling of his hot breath on me. Huminto siya sa paghalik pero nanatiling magkalapit ang mga labi namin. Pareho kaming hinihingal at kinakapusan ng hininga. Hindi ko na magawang imulat ang mga mata ko. Hindi ko alam pero sa pagiging komportable ko sa pisig niya ay para bang wala na akong pakialam kahit wala akong makita. Para akong hinehele sa init na dala niya. "Bella," bulong niya sa labi ko. "Goodnight." Pagkasabi niya niyon ay basta na lang siyang bumitiw sa akin at iniwanan ako sa kama. Dahan-dahan kong naidilat ang mga mata ko at ang tanging nakita ko na lang ay ang paglabas niya sa pinto patungong veranda. Ano'ng nangyari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD