Chapter 2

1459 Words
Chapter 2: ISABELLA Nagising akong mag-isa sa aking silid. Tahimik, tanging ingay lang mula sa aircon ang naririnig ko. Napabuntong-hininga kaagad ako nang blanko lang ang isipan ko. Kinailangan ko pang isiping mabuti kung anong nangyari bago ako makatulog. Sa rami ng isinaksak na gamot at bitamina sa akin ay basta na lang akong hinatak ng antok. Ang huling natatandaan ko ay nang magpaalam sa akin si Tita Alison na may kailangan daw siyang ayusin sa negosyo. Marahil ay kaya mag-isa lang ako ngayon dahil hindi pa siya nakababalik. Dahan-dahan akong bumangon nang makaramdam ako ng uhaw. Tumingala ako sa wall clock. Alas seis na ng gabi. Sa pagkakaalam ko ay ala una lang nang makatulog ako. Inilibot ko ang paningin ko. Walang laman ang basong nakapatong sa bedside table, kaya naman kahit nanghihina pa ay pinilit kong bumangon mula sa kama. May kalayuan ang  wheelchair ko kaya pilit akong tumayo. Dahan-dahan ang hakbang ko sa nanginginig na mga tuhod. Tatlong hakbang pa lang ang nagagawa ko pero halos hingarin na ako. Iilang hakbang na lang ang distansya ko sa mesa nang bigla na lang nanghina ang mga binti ko, kaya bumagsak ako sa sahig. Pumikit ako nang mariin nang maramdaman ko ang sakit niyon. Mabilis din na nag-init ang mga mata ko, hindi dahil sa sakit, pero dahil sa awa ko sa sarili ko. Gusto kong tumayo pero wala akong sapat na lakas. I feel so helpless. Tumungo ako nang bumukas ang pinto. Dahan-dahan iyon nang una, pero siguro nang makita ang puwesto ko sa lapag ng kung sinong pumasok ay biglang bumilis ang kilos nito at dinaluhan ako. "My God, Bella! What happened?" Napatingala ako sa taong dumalo sa akin nang matunugan ko ang panlalaki nitong boses. Kunot ang noo niya na lalong nagdepina ng  tsokolate niyang mga mata. Hinawakan niya ako sa braso, mukhang bubuhatin niya ako, pero kahit walang lakas ay pilit kong hinawi ang mga kamay niya. Ngayon ko lang siyang nakita, hindi ko siya kilala. "Sino ka?" halos paos ang boses kong iyon. Napatitig siya sa akin. Hindi nagtagal ay tumango siya. "Just let me carry you back to your bed." Hindi ako nagsalita. Mataman niya akong tiningnan, tila nagpapaalam nang hawakan niya ang kamay ko para ilagay sa batok niya. Hindi na ako pumalag at kumapit na lang sa batok niya kasabay ng tuluyan niyang pagbuhat sa akin. Dahan-dahan niya akong nilapag sa kama. Iniayos pa niya ang pagkakapuwesto ko. "Tell me what you need?" sabi niya at bumaling sa mesa bago muling bumaling sa akin. "Are you thirsty?" Tumikhim ako. "Please." Tumango siya at siya na ang kumuha ng tubig para sa akin. Inalalayan niya ang pag-inom ko at kaagad na kumuha ng tissue para sa akin pagtapos kong uminom. "Salamat." Tumango lang siya sa akin at inilapag sa bedside table ang baso. "Are you okay?" Tumango ako. "Sino ka nga uli? Pasensya na, may amnesia kasi ako," paliwanag ko kaagad. Tinawag niya ako sa pangalan ko kanina kaya alam kong kilala niya ako. Pero hindi ko siya kilala, hindi ko siya matandaan, at hindi rin siya pamilyar sa akin. Tumikhim siya at dumiretso ng tayo habang nakayuko sa akin. "Nasaan si Tita Alison mo?" "Umalis siya, kailangan daw niyang i-check ang negosyo. Pero babalik din daw siya." Saktong pagkasabi ko niyon ay bumukas ang pinto. Sabay kaming bumaling doon. Iniluwa niyon si Tita Alison. Kaagad siyang ngumiti nang mabilis na nahanap ng mga mata niya ang lalaking kasama ko. "Adonis! Nandito ka na pala." Nangunot-noo ako, habang ang lalaki ay magalang na sinalubong niya si Tita Alison. Pumikit ako nang bigla kong maalala ang mga sinabi sa akin kanina ni Tita Alison. Adonis... Ang asawa ko. "Mabuti naman at nagkakilala na kayo," narinig kong sabi ni Tita Alison bago ako nilapitan. Naimulat ko ang mga mata ko at napatingin kay Tita Alison nang hawakan niya ako sa balikat. "Hija, si Adonis, ang nabanggit ko sa 'yo kanina." Naiilang na tiningnan ko si Adonis at naabutan ko siyang sinisilip ang mukha ko. Napalunok ako nang muli akong makaramdam ng panunuyo at bara sa lalamunan ko. "I'm sorry, hindi kita maalala," hindi ko nakontrol ang pagkabiyak ng boses ko. Ang bigat ng loob ko. Bakit pati ang asawa ko hindi ko maalala? Bakit wala akong maramdaman? Tumungo lang siya at bumagsak ang mga mata sa sahig. Si Tita Alison naman ay narinig kong bumuntong-hininga bago lumipat sa may harapan ko. Nakabaling siya kay Adonis at umiling. "Lumabas ka muna, kakausapin ko lang siya." Isa pang tingin ang ibinigay sa akin ni Adonis bago sumunod kay Tita Alison at lumabas nga ng silid. Pagkaalis ni Adonis ay umupo siya sa gilid ng kama paharap sa akin. "Sabi ko 'di ba bigyan mo siya ng chance?" Umiling ako. "Tita hindi ko po siya maalala!" "Of course! You're sick, Bella! Hindi mo siya maaalala, wala kang maalala! You have to face it!" Napaiwas ako ng mukha ko nang maramdaman ko ang paglandas ng luha ko. Para akong sinampal ng katotohanan. Wala naman talaga akong maaalala kahit anong gawin ko. Kahit ayoko, mahirap, hindi ko kaya, wala akong magagawa dahil ito na ang kondisyon ko. Pigil ko ang hikbi ko nang iharap ni Tita Alison ang mukha ko sa kaniya at marahang pinunasan ang mga luha ko. Ang kaninang parang nauubusan ng pasensya ay biglang naglaho. Siguro ay napapagod na rin siya sa akin. Pasalamat na lang akong hindi niya ako sinusukuan. "You have to get through these, Bella. Hindi pa natin alam kung makaka-recover ka nga ba sa amnesia na 'to, kaya kailangan mo nang tanggapin ang kondisyon mo ano mang mangyari. Don't worry, hindi naman kita pababayaan." Tumango ako. "Salamat po, Tita," may hikbi ko pang sabi. Mariin ko pang pinunasan ang mga luha ko at pilit pinakalma ang sarili. "Tita, puwede po bang magsabi na muna kayo sa akin tungkol kay Adonis. Para kahit papaano, hindi ko siya kailangang harapin nang walang kaalam-alam kung sino siya?" Ngumiti siya nang marahan at nag-isip. "Secret wedding ang meron kayong dalawa ni Adonis. Nagluluksa ka pa kasi nang magpakasal kayo kaya ayaw mong mag-party. Maski ako ay hindi kaagad nalaman na kinasal ka, nalaman ko na lang nang makilala ko si Adonis at ipinakita niya sa akin ang married certificate ninyo." Napailing ako. "Kami lang ang nakakaalam?" "You two fell in love in unexpected way. Siguro mas maganda kung sa kaniya mo na maririnig ang buong detalye." Napatango lang ako. Sinundan ko siya ng tingin nang tumayo na siya at kinuha ang dala niyang bag na ipinatong niya kanina sa kama. "Iiwan ko na muna kayo. Kilalanin mong muli ang asawa mo. Make your new memories with him." Hindi na ako umimik. Hanggang sa tuluyan na ngang nagpaalam si Tita Alison at lumabas na ng kuwarto. Pagod na isinandal ko na lang ang likod ko sa mababang headboard ng kama. "Tanggapin mo ang situwasyon mo, Bella. Tanggapin mo," mariin kong bulong sa sarili ko. Ilang minuto bago may kumatok sa pinto ng tatlong beses, saka ito bumukas at iniluwa niyon si Adonis. Tumutok kaagad ang mga mata niya sa akin. Pinigilan kong iwasan ang paningin niya. Natatakot akong ipakita sa kaniya na hindi pa ako handang harapin ang pagiging mag-asawa namin. Pagkasara niya ng pinto ay lumapit kaagad siya sa akin ng nakapamulsa. "May dala 'kong mga pagkain, ipaghahain kita." "Hindi pa ako nagugutom." Tumango lang siya at hindi nagsalita. Bumuntong-hininga ako bago magsalita. "Maari ka bang umupo?" iminuwestra ko ang gilid ng kama ko. Tumikhim siya at umupo sa tabi ko. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para mapagmasdan siya. Kahit na naka-long sleeve siya at hindi kita ang braso niya, kitang-kita pa rin ang pagiging matipuno nito mula sa balikat niya hanggang baywang. Tanned ang kulay niya ngunit makinis tingnan. Kahit na naka asul na pantalon lang siya at long sleeve na itim, mukha na siyang pormal. Hindi kataka-takang nagkagusto ako sa kaniya noon, siguro dahil sa anyo pa lang niya ay madali ka talagang mahuhulog. Hindi maitatanggi ang kagwapuhan niya. Sana lang ay muli kong maramdaman ang dahilan kung bakit ko siya pinakasalan, kahit wala akong maalala. "Sorry, wala akong maalala. Pero pangako, pipilitin kong alalahanin ang nararamdaman ko noong wala pa akong amnesia." Bahagyang magkasalubong ang kilay niya at bahagyang kinakagat ang ibabang labi. Tumango siya. "Don't have to rush yourself. You cannot force yourself to remember everything. It'll recover by themselves. You're just stressing yourself trying to remember them." "Thank you for understanding, but I just can't help but-" "Bella, it's okay. You just lost your memories, but it doesn't mean that I'll be gone, too. I'll stay." Bumagal ang paghinga ko nang makaramdam ako ng init sa puso ko. Para iyon hinaplos. Somehow, I felt grateful that he's my husband.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD