Chapter 22: ISABELLA Hindi ako mapakali kakapabalik-balik sa loob ng kuwarto ko. Ang dami kong iniisip, iniisip ko kung anong dapat kong iakto o kung paano ko ba dapat harapin si Tristan, after all ay alam kong may pinagsamahan kami. Iniisip ko rin kung anong pinag-uusapan nila ni Adonis. Kanina nang magpakilala si Tristan ay inaya siya sa baba ni Adonis. Sila raw muna ang mag-uusap. Alam kong ginawa iyon ni Adonis dahil alam niyang hindi ko alam kung paano ko haharapin si Tristan, pero alam ko rin na hindi puwedeng hindi ko siya harapin. Ako ang ipinunta niya rito at parte siya ng nakaraan ko. Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-ring iyon. Mabilis kong kinuha iyon sa ibabaw ng kama nang masilip kong si Chloe na. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot. Siguro ngayo

