Chapter 23: ISABELLA "He is trying to help!" mariin na sinabi ni Adonis pagkaharap na pagkaharap niya sa amin ni Tita Alison. Kitang-kita at damang-dama kong nagtitimpi lang siya. May tensyon sa paggitan nila ni Tita Alison. "Ilan beses ko bang kailangan sabihin sa 'yo na hindi ko ipagkakatiwala ang pamangkin ko sa kahit na kanino!" Halos mapapitlag ako nang nagtaas na ng boses si Tita Alison. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat para pakalmahin. Nasa gilid niya lang ako habang nasa harapan namin si Adonis. "Yet I'm here, Madame. Anong gusto mong gawin ko, tumunganga ako rito, walang gagawin para maibalik ang alaala ni Bella?" "Then help without him-" "I tried! Pero ninyong humingi ng tulong sa doktor, ayaw ninyo ring humingi ng tulong sa mga kaibigan niya!" halos magtaas na rin

