Chapter 6:
ISABELLA
"Bella?"
Napatingin ako kay Adonis nang tinawag niya ako pagkalabas na pagkalabas niya ng banyo. He's now wearing a black pants. Nakasabit sa balikat niya ang puting tuwalya kaya kahit wala siyang top ay halos takpan pa rin niyon ang katawan niya. Pinigilan ko ang sarili kong ibaba ang mga mata sa matipuno niyang tiyan. Kahit hindi ko iyon pagmasdan ay kitang-kita ko pa rin ang abs niyang mukhang alaga sa gym, isabay pa ang braso niyang matipuno rin.
Hinarap ko siya nang lumabas siya sa salaming pinto para puntahan ako. Kasalukuyan siyang naliligo nang magpasya akong magpahangin sa terrace. Bukod sa maganda ang views ng papalubog na araw ay masarap din ang hangin dito kaya naman nakaka-relax. Wala naman akong iniisip pero feeling ko ay stress na stress ako. I need this.
Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay naamoy ko kaagad ang mabango niyang singaw. He took a shower because he's about to leave for his job at the bar, unfortunately hindi ko puwedeng samantalahin ang masarap sa ilong niyang amoy.
"Can I request something?" tanong niya saka tumukod sa riles ng terrace. Sumandal ako roon. Nasa gilid ko ang kamay niya.
"Anything."
Pinaglaruan niya ang pisngi niya gamit ang dila niya habang nakatingin sa malayo saka bumalik ang mata sa akin. Napakurap ako nang ma-realised kong nage-enjoy akong panoorin ang bawat ekspresyon ng mukha niya. Nanliliit ang mga mata niya dahil sa kahel na liwanag ng papalubog na araw. Tanaw iyon dito.
"Kapag alis ko, puwede bang 'wag ka munang lalabas dito, puwede ka naman sa labas ng kuwarto pero huwag na sa garden o sa garage. Just stay inside of this house."
Hindi ako nakasagot, sa halip ay pinagmasdan ko lang siya ng may pagtataka. Para siyang nag-aalala sa hindi ko alam na dahilan, kung para saan o bakit. Para bang may mangyayaring masama kapag wala siya?
Umiling-iling siya. "Nevermind, hindi na lang ako aalis." Pagkasabi niya niyon ay iniwanan niya na ako at bumalik sa loob. Naguguluhan na sinundan ko siya. Isa pang punas sa basa niyang buhok saka siya dumiretso sa closet at kumuha ng plain na tee. Kinuha ko ang long sleeve polo na nilabas niya kanina, ito dapat ang susuotin niya paalis. Nilapitan ko siya bago pa niya masuot ang t-shirt na hawak.
"Adonis," tawag ko kaya hinarap niya kaagad ako. Magkasalubong ang kilay niya. "I don't know why you are asking me that, but okay, I will."
Pinagmasdan niya lang ako. Bumuntong-hininga ako bago kinuha sa kamay niya ang shirt. Hinayaan niya naman ako habang pinagmamasdan ako.
"Are you sure?"
Tumango ako habang tinutulungan siyang isuot iyon.
"Hindi ako lalabas, promise."
Hinawakan niya ako sa may braso ko. "Babalik din ako kaagad."
Tumango lang ako at sinimulang ibutones ang polo niya. Huminga siya nang malalim habang pinapanood ang ginagawa ko. Nasa ikatlong butones pa lang ako nang pigilan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa mukha niya. Mariin siyang umiling sa akin.
"Ako na," sinabi niya lang at humakbang paatras. Naguguluhan na pinanood ko lang siya.
Bakit pakiramdam ko ay dumidistansya nanaman siya sa akin? Kanina lang ay ang lambing pa niya, pero bakit iba nanaman ngayon? Hindi ako puwedeng magkamali, hindi lang ako ang nakararamdam ng nakatutuksong init sa paggitan namin, pero bakit siya lumalayo? Ganito rin siya sa akin kagabi...
Napatingin ako sa may pinto nang may kumatok doon. Hindi pa ako nakakakilos ay inunahan niya na ako. Siya na ang nagbukas ng pinto habang hawak ang paggitan ng damit niya kaya hindi masyadong expose ang katawan niya. I just crossed my arms over my chest and sat down at the bed. Ang bilis niyang kumilos, tingin ko tuloy ay pinagbuksan niya lang ang kumakatok para mawala sa akin ang atensyon niya.
"Sir Adonis," bati ng isang kasambahay. "Nandito na po si Madame Alison, hinahanap kayo ni Señorita Bella."
Bumaling sa akin si Adonis nang hindi sinasara ang pinto. "Umuna ka na Bella, tatapusin ko lang ang pagbibihis."
Tiningnan ko lang siya saka tinatamad na tumayo. Gumilid siya nang makalapit ako sa may pinto para bigyan ako ng daan. Nagkatinginan kami pero napailing din ako kaagad at sumama na sa kasambahay. May pagdududa ako sa parte ng isip ko pero hindi ko alam kung para saan. Ang sabi ni Tita Alison nang sinabi kong hihiwalayan ko na lang ang asawa ko ay bigyan ko muna siya ng chance. Mahal na mahal daw ako ng asawa ko at sobrang problemado at apektado nang malaman na may amnesia ako. Pero hindi iyon ang nararamdaman ko galing kay Adonis. Maging siya ay parang hirap na hirap na maging asawa ko. Naguguluhan tuloy ako.
Nasa hagdanan pa lang ako ay nakita ko na si Tita Alison na umiinom ng orange juice sa couch. Nang mapansin niya ang presensya ko ay tumayo kaagad siya at sinalubong ako pagkababa ko.
"Hey Sweetheart, how are you today?"
Pinaupo niya ako sa couch sa tabi niya saka hinagod ang buhok kong nakaladlad lang.
Bumuntong-hininga ako at umiling. "Hindi ko po namalayan na patapos na ang araw," pag-amin ko. Halos hindi ko matandaan kung anong ginawa ko maghapon. Ang alam ko lang ay nagkausap kami ni Adonis, tapos.
Masuyo siyang ngumiti. "Siguro na-bored ka rito. Dapat namasyal kayo ni Adonis, but don't worry, puwede kayong kumain sa labas, I'll make a reservation for two." Kukunin niya na ang cellphone niya sa kaniyang shoulder bag marahil para sa reservation, pero pinigilan ko siya sa braso kaya natigilan siya at napatingin sa akin. Marahan akong umiling.
"Hindi na po, Tita Alison, aalis po kasi si Adonis."
Tumaas ang kilay niya at biglang sumeryoso ang mukha. "Saan daw siya pupunta?"
"Sa trabaho niya po," kaagad kong sinabi at biglang napaisip. "Alam ninyo po ba na sa bar siya nagtatrabaho?"
Napatango siya. Parang isang bula na nawala ang kaninang seryoso niyang mukha at muling lumambot sa akin.
"Yes, as a bartender, right?"
Tumango ako. "Kanina ko lang po nalaman."
Ngumiti siya. "Maybe there's a lot of things you should ask him. Get to know him, especially now that you know what's his job. Bar isn't a safe place for marriage."
Nangunot-noo ako. "Tita, ano pong ibig ninyong sabihin? Bakuran ko ang asawa ko?"
Magkakasunod siyang umiling at hinawakan ang kamay kong nasa kandungan ko, as if pinakakalma niya ako. "Not like that, it's just that, newly wed lang kayo at may pinagdadaanan pa dahil sa kondisyon mo."
Tumingala ako sa may hagdanan, at nang makita kong sarado pa ang kuwarto namin ay humarap ako kay Tita Alison. I think I need to open up to her to get an advice.
"Tita Alison, para po kasing may mali, para pong dumidistansya siya sa akin. Kagaya po kagabi, hindi po siya tumabi sa akin, as if he don't wanna touch me. He even pulled away when we kissed."
Napaangat ang kilay niya na para bang nagulat siya sa sinabi ko, pero hindi nagtagal ay ngumiti siya na para bang natuwa siya sa binalita ko.
"You two already kissed?"
Nag-init ang pisngi ko nang ma-realised kong sa lahat ng sinabi ko ay doon siya pinaka naging interesado. Mag-iiwas na sana ako ng tingin nang tumawa siya ng malambing at hinaplos ang pisngi ko.
"You should thank him for his action, Bella, he's just too gentle and doesn't want to rush you to be his wife."
Natigilan ako at hindi makapaniwalang pinagmasdan siya. "That's it?"
Tumango siya. "Yes! That's it! Come on, my Sweet Bella, he's your husband after all, he care for you more than everyone's do. Giving you space means he respect you a lot, he respect you because he loves you."
Napangiti ako. Biglang gumaan ang loob ko. Tumayo ako habang napapaisip. Tama si Tita Alison, giving me space isn't bad at all. It means he understood me, alam niyang naguguluhan pa ako sa sitwasyon, at hindi niya ipipilit na magpakaasawa ako sa kaniya kahit kasal kami. Nakangiti pa rin na hinarap ko si Tita, nakatingin siya sa akin na para bang sinusubukang basahin ang isipan ko.
"Tita, what if I need this space that he's giving me? I mean, maiintindihan niya rin siguro kung hihilingin kong maghiwalay muna kami-"
"No!" Hindi pa ako tapos ay sumagot na siya at mabilis akong tinungo. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Bella, don't hurt his feelings. Adonis is doing everything just to make you feel comfortable, but don't take it for granted. He's still your husband so you have to be a good wife to him." Hinagod niya ang buhok ko habang marahan akong pinagmamasdan. "I want your marriage to work, and being together is the only way. Please don't hurt him."
Napatungo lang ako. I was desperate to survive on this, I almost forgot to think what he's gonna feel. Maybe I'm too selfish to ask too much from him.
She hold my chin so I look at her again. Malumanay ang mga tingin niya habang pinagmamasdan ako.
"Bella, I want you to cut the distance he's giving you. Know him more, fill all his needs."
Napailing ako. "Tita..." hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Alam ko ang ibig niyang sabihin, but all I want is the space he's giving me. Hindi pa ako handa, marami pang gumugulo sa utak ko.
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. "Its okay, don't rush things. You don't have to, just start with a kiss, hanggang sa kaya ka na niyang tabihan ulit sa kama, hanggang sa siya na ang hahalik sa 'yo nang kusa."
Napailing ako. "Hindi ko po maintindihan, bakit ninyo sa akin pinagagawa ito?"
Bumagsak ang balikat niya na para bang napapagod na siya sa kaka-explain sa akin. I know it's annoying but I need an answer, an explanation. Why can't I start my whole life without him?
"Dahil ayokong pagsisihan mong hinayaan mo siyang mawala sa oras na bumalik na lahat ng alaala mo! Bella, you just lost your parents, Adonis is the only person who made you less miserable that time, that's why I know he can heal you again." Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi para idirekta ang mga mata sa akin. "Kaya hindi siya puwedeng mawala sa 'yo ngayon, naiintindihan mo?"
Napahugot ako ng hininga. May kung anong kumirot sa dibdib ko dahil sa sinabi ni Tita Alison. Maybe she's too worry for me that anytime I'm gonna lose it. She just don't want me to be left alone.
Napabalik ang atensyon ko sa kaniya nang ayusin niya ang bawat hibla at dulo ng buhok ko.
"Pull yourself together, because while you can't have your memories back you will be the best wife he would ever have."
Tumigil kami pareho nang marinig namin ang yabag galing sa itaas at alam kong si Adonis iyon. Nang balingan ko siya ay saktong nakalapit siya sa amin. Hawak niya ang cellphone niya na maaring dahilan kaya siya natagalan.
"Adonis!" bati ni Tita Alison. Humalukipkip lang ako at pinanood silang magbatian.
"Good evening, Madame. I'm sorry but I have to go tonight."
Ngumiti si Tita Alison at tinapik siya sa balikat. "Its okay, nasabi nga ni Bella."
Sumulyap sa akin si Adonis bago muling tiningnan si Tita Alison.
"If ever something happens, tawagan ninyo lang po ako kaagad."
"Sure."
Muling ibinalik ni Adonis ang tingin sa akin. "Can we talk for a second?"
Tumuwid ako ng tayo at sumama sa kaniya sa may pinto. Bago siya lumabas ay hinarap niya ako at hinawakan sa may braso ko.
"'Yong pangako mo sa akin."
Pumikit ako at tumango. Pagmulat ng mga mata ko ay sinalubong ko ang mga mata niyang nakasilip sa akin.
"I'm not gonna leave and I'll stay here, inside."
Ngumiti siya. "I'll see you later."
Tatalikod na siya nang pigilan ko siya sa braso kaya natigilan siya. Walang pagdadalawang-isip na hinalikan ko siya sa labi.
Dama ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko. Nakita ko pa ang pagpikit niya at pagsasalubong ng mga kilay niya. Mabilis lang at mababaw ang halik na iyon pero sapat na para magbigay ng kakaibang kaba sa puso ko. Nang bitiwan ko ang labi niya ay nadama ko kaagad ang malalim niyang paghinga.
"I'll see you later," bulong ko na halos hangin lang.
Tumingin na muna siya kay Tita Alison bago ako tingnan na para bang binabasa ang nasa isipan ko. Umiwas lang ako ng tingin at binitiwan na ang braso niya. Ang paghakbang ko paatras ang naging cue niya para tuluyan nang lumabas. Napabaling ako kay Tita Alison nang lumapit siya sa kinatatayuan ko at siya na ang nagsara ng pinto. Ngumiti siya sa akin habang tinatagiliran ako ng ulo.
"Good, Bella. You should always give him a goodbye, hello, and a goodnight kiss."
Hindi ako sumagot. Naupo lang ako sa couch at napaisip. Heto nanaman ako, ginagawa ang isang bagay na hindi ko alam kung dapat ko bang gawin, o hindi. Maybe because I don't even know what to do for myself anymore.
***
Napakabigat ng ulo ko, pakiramdam ko ay hindi ko iyon maigalaw. I'm gasping for air but I can't figure out if I can have some. Pakiramdam ko ay wala akong hangin na malanghap. Hindi ako makahinga.
May mga bulungan akong naririnig pero hindi ko makuhang pakinggan ng maayos, dahil sa sobrang sakit ng ulo ko ay parang ayaw gumana ng pandinig ko. Gusto kong isipin kung anong nangyayari sa akin pero para bang pati sa pag-iisip ay wala akong lakas.
Naramdaman ko ang paggalaw ng kinaroroonan ko, naging dahilan iyon para lalo akong mahilo. Sa kagustuhan na malaman kung anong nangyayari ay pinilit kong imulat ang mga mata ko kahit gaano kabigat ang mga talukap ko.
Nanlalabo ang mga mata ko, halos wala akong makita dahil sa maliit na pagkakamulat ng mga ito, ngunit sapat na iyon para makita ko ang mga kamay ko. Hindi lang dahil sa sakit ng ulo ko kaya hindi ako makagalaw, kundi dahil nakagapos ako, ang palapulsuhan ko.
Parang isang alon na bigla ko na lang naramdaman ang masasakit na bawat parte ng katawan ko. Pinipilit kong alalahanin ang mga nangyari, kung bakit ako nasa situwasyon na ito ngayon, pero wala akong maalala...