Chapter 5

2079 Words
Chapter 5: ISABELLA Marahan akong umiling kay Adonis at dahan-dahan nang humiwalay. "I... I don't know. Adonis, wala akong maalala. I just saw that in my dreams but I don't even know if its true..." napatitig ako kay Adonis. Nakikinig lang siya sa akin pero naroon pa rin ang titig niya. "Is that really happened?" Huminga siya ng malalim bago marahang tumango. "You are counting the days that time, so..." Naigulo ko ang buhok ko. Bumaba ako sa kama habang hawak ang magkabilang parte ng ulo ko. Pinipilit kong pigain ang utak ko para maalala pa ang ibang nangyari, kahit na sumasakit nanaman ito ay wala akong pakialam. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin. Pilit kong inisip kung ano ang nakita ko sa panaginip ko, kung bukod ba sa natatandaan ko ay may iba pa bang nangyari. The more that I realising that there's nothing more, the more that I'm getting upset. I need more. Hindi ko namalayan na nalapitan na ako ni Adonis. Kinuha niya ang dalawang kamay ko na nasa may ulo ko at marahan akong inilingan. Direkta ang mga mata niya sa akin, nangungusap. "I told you, don't force yourself." Mabilis ang paghinga ko habang nakatingin sa kaniya. "I'm getting closer, right? Baka bukas, makalawa mas marami pa akong matatandaan. Babalik na ang alaala ko, 'di ba," magkakasunod kong sabi, humihingi ng sagot na oo, ngunit sa halip ay pumungay lang ang mga mata niya at nanatiling nakatitig sa akin. Napahikbi ako. "Gusto kong makaalala, Adonis." Mula sa kamay ko ay gumapang ang kamay niya sa braso ko para iharap ako ng diretso sa kaniya. Pinagmasdan niya akong maigi. May kung ano sa mga tingin niya ang nag-uudyok sa akin na salubungin ang mga mata niya. "Hindi mo kailangang ipilit na ibalik ang alaala mo, Bella, kusa iyan babalik, pero hanggang hindi pa, just do whatever you want, without thinking your condition. Tell me, what do you want?" Natigilan ako at napatungo. "But I don't know what I want." Napataas uli ang tingin ko sa kaniya nang lumipat ang kamay niya sa may pulsuhan ko sa leeg. Mas lumalim ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung paano niya napakakalma ang loob ko, pero ngayong nasa pisig niya ako ay pakiramdam ko hindi ko na kailangang mag-alala. "It's okay, even the person who has their memories don't really know what they want, you'll know yours soon." Hindi ako sumagot, niyakap ko lang siya bilang pagtugon. Hindi ko rin alam kung bakit ko pa siya kailangang hagkan, pero ito lang ang kaya kong isukli sa pagiging mabuti niya sa akin. Sa pagpapakalma niya sa akin. "Salamat." Ramdam kong nagulat din siya sa pagyakap ko sa kaniya dahil hindi siya nakagalaw kaagad, pero makaraan ay ipinalibot niya rin sa akin ang mga braso niya. *** Tanghali na kaya nagpasya na rin akong lumabas ng kuwarto. Matapos kong kainin kanina ang almusal na dala ni Adonis ay siya na ang naglabas niyon, ang kaso ay hindi na siya bumalik. Isang oras na yata ako sa kuwarto mag-isa nang maisipan kong lumabas na. Masyadong malaki ang bahay kaya naman hindi madali para sa akin ang paghahanap sa hinahanap ko, pero ano nga ba ang hinahanap ko? "Señorita, may kailangan ka po?" tanong sa akin ng isang chinita na kasambahay matapos niyang magalang na bumati. Napahawak ako sa may batok ko at mabilis na nag-isip ng dahilan sa pagbaba ko. "Nakita ninyo po ba ang asawa ko?" sorry pero si Adonis lang ang naisip kong idahilan. "Nasa kitchen po siya, nakikipagkuwentuhan po sa mga kasambahay." Tinagiliran ko siya ng ulo. Iniwan niya ako para makipagkuwentuhan sa mga kasambahay? "Gusto ninyo po ba tawagin ko?" Mabilis akong umiling. "No! Ako na lang ang pupunta. Salamat." Ngumiti lang siya sa akin kaya nagtuloy na ako sa kitchen. Muntik pa akong maligaw dahil sa dining ako nagpunta imbes na sa kitchen. Nang sumilip ako roon ay nakita ko kaagad si Adonis na naka sandal sa sink habang kausap ang ilang kasambahay. "Ikaw po, gaano ka na po katagal dito?" tanong ni Adonis sa isang katulong. "Sir, isang taon pa lang po ako rito. Kung gusto ninyo po ng mahabang kuwento, si Manang Kelly po ang pinaka matagal na rito," ani ng isang katulong. "Ate, sabi ko naman po sa inyo huwag na po Sir ang itawag ninyo sa akin. Adonis na lang po." "Hija?" Halos mapapitlag ako nang biglang sumulpot si Yaya Kelly sa may likuran ko. Nahihiyang ngumiti ako pero hindi ko naman siya magawang tingnan nang diretso. Umulit sa isipan ko ang mga sinabi ko sa kaniya, at ang imahe ng kaniyang mga mata na ginuguhitan ng sakit dahil sa mga sinabi ko. Bukod sa nakabastos ako ay alam kong nakasakit din ako. "May kailangan ka ba?" Umiling ako. "Wala po, hindi ko nga rin po alam kung bakit ako nandito." Napatingin ako sa kaniya nang hawakan niya ako sa braso at marahang hinila pabalik sa dining. Nang tingnan ko ang mukha niya ay nakita ko ang malambing niyang ngiti, parang walang nangyari kanina. Hindi ko tuloy mapigilan ang mag-guilty. How can she be so nice and kind to me? Pinaupo niya ako sa harap ng dining at sinimulan na magbalat ng prutas. "Gusto ko sanang isipin na tinatawag ka na ng kitchen dahil iyon ang paborito mong parte ng tahanan, pero baka ang dahilan mo ay si Adonis." Naitikom ko ang bibig ko. Parang may nasabi nga sa akin si Tita Alison na kaya raw ako nasa Italy ay para mag-aral at maging International chef. Napatingin tuloy ako sa kamay ko. Unfortunately, hindi ko na maalala kung paano magluto. Ni hindi ko nga alam kung magaling ba ako? Five years akong nasa Italy pero wala akong maalalang kahit anong experience mula roon. "Alam mo, nagulat ako nang sabihin ni Madame Alison na may asawa ka na." Nabalik kay Yaya Kelly ang atensyon ko. Alam kong secret marriage ang meron sa amim ni Adonis, pero may parte sa akin na umaasa o humihiling na sana ay may mapagtanungan akong ibang tao tungkol sa relasyon namin ni Adonis. "Noong una hindi ko matanggap na kasal ka na, pero mabait naman pala si Adonis." Ngumiti ako nang marahan. "Mabait nga po siya," halos hangin lang na nasabi ko. Wala rin naman kasi talaga akong alam kung bakit ako basta na lang nagpakasal kay Adonis kahit kamamatay lang ng magulang ko. "Mahal mo siguro talaga." Napaiwas uli ako ng tingin. Mahal? Gusto ko man isipin na iyon nga ang dahilan, pero may parte sa akin na hindi na iyon madama. Pakiramdam ko ay may kulang. "Bella, may problema ba? Gusto mo tawagin ko si Adonis?" nag-aalala si Yaya Kelly. Basang-basa ko iyon sa kaniya. Umiling kaagad ako at humugot ng malalim na hininga. "Hayaan ninyo na lang po muna siya roon. Pakiramdam ko po ay mabo-bore lang siya sa akin kung lagi niya akong kasama. I don't even know what we should talk about, baka po kaya iniwan niya ako sa kuwarto." "Nagtatampo ka ba?" Mabilis akong umiling. "Hindi po, naiintindihan ko lang po si Adonis." Hinawakan niya ang kamay ko. "Kasal kayo, kaya dapat siguro ay pinag-uusapan ninyo iyan," anya at natigilan habang nakatingin sa kamay ko. "Wala kayong wedding ring?" Napatingin din ako sa mga daliri ko na tinitingnan ni Yaya Kelly. Marahan akong umiling. "Wedding ring? Wala po." Napatango siya. "Kita mo na, marami pa kayong dapat pag-usapan." Hindi ako nakaimik. Napabaling na lang ako sa daan patungo sa kitchen nang maramdaman ko ang mga yabag galing doon. Nagtagpo kaagad ang mga mata namin ni Adonis. Malalaki ang hakbang na nilapitan niya ako. "Bella, bumaba ka na pala." Tumango lang ako at tumingin sa kamay niyang inilapad niya sa backrest ng silyang inuupuan ko. May silver siyang singsing na suot. Iyon ba ang wedding ring namin? Nasaan ang akin? "Are you okay?" Nalipat ang tingin ko sa mukha niya at mabilis na tumango. "Puwede ba tayong mag-usap?" Pinagmasdan niya muna ako na para bang pinag-aaralan ang ekspresyon ko saka marahang tumango. "Halika," aniya at iginaya ako sa pagtayo. Dumiretso kami sa veranda. Halos mapatitig ako roon. Maganda ang views ng mga bulaklak na nakapalibot sa fishpond. "Bella, what's wrong?" Napabalik ang atensyon ko kay Adonis. Nagtataka ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Humalukipkip ako at ibinaba ang mga mata sa kamay niya. "Nasaan ang wedding ring natin?" Nangunot-noo siya at para bang otomatikong napahawak sa palasingsingan niya. Kinuha ko ang kamay niya at kinapa ang singsing niya. "Ito ba? Nasaan ang akin?" Tumikhim siya at pinisil ang kamay ko. Magkahawak na kami ngayon. "You lost it at the car crash." Nangunot-noo ako at napaisip. "Paano? Buo naman ang daliri ko?" tiningnan ko pa iyon nang hindi bumibitiw sa kamay niya. Umiling siya. "I... don't know. Basta wala na iyon nang makita kita uli." Naitikom ko lang ang bibig ko. Hindi ko maisip kung paano iyon nawala dahil sa aksidente. Maybe someone removed it for the operation? Nabalik ang atensyon ko sa kaniya nang itaas niya ang kanang kamay ko, para bang pinag-aaralan niya iyon. Nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya ay ngumiti siya sa akin. "We can buy a new one." Tinagiliran ko siya ng ulo. Hindi ko siya pinigilan sa pagsusukat sa daliri ko, pinanood ko siya. "Or maybe we can ask Tita Alison? Baka natabi niya?" Ngumiti siya nang walang laman. Hinila niya ako at inikot. Nagulat ako nang yakapin niya ako sa likuran ko. Pareho na kami ngayong nakatanaw sa view. Gusto ko sanang i-appriciate ang views pero hindi ako makapag-focus. Nadi-distract ako sa puwesto namin. Nakayakap siya sa baywang ko at ang tanging nagawa ko lang ay ang higpitan ang kapit sa kamay niya at hinayaan ko ang sarili kong sumandal sa katawan niya. "Let's just buy a new one," bulong niya sa tuktok ng ulo ko. Tumingala ako sa kaniya para makita ang mukha niya. Ngumiti lang siya sa akin. Tumango na lang ako at tumingin sa tanawin. Gusto ko sanang makita ang nauna naming wedding ring, baka makatulong iyon sa akin para maalala ko ang mga nakalimutan kong alaala. Pero sa halip na sabihin ay hinayaan ko na lang siya at tinanggap ang desisyon niya. "May trabaho ako mamayang gabi, okay lang ba na iwan muna kita mamaya?" Nawala ang iniisip ko at muling napabaling sa kaniya. "Mamayang gabi?" Gumalaw ako para sana humarap sa kaniya pero hinigpitan niya ang yakap sa akin. "Night shift ako sa trabaho." "Anong trabaho mo?" Bigla kong na-realised na hindi pa ako nagtatanong ng kahit ano tungkol sa mga ganitong bagay. Nagulat din ako na may trabaho pala siya dahil ilang araw ko na siyang kasama, hindi naman siya umaalis. "Uh, a bartender." "Bartender?" Nilingon ko siya kahit na para bang ayaw niyang tingnan ko siya. Diretso ang tingin niya sa views. "Oo, bartender." "Kaya ba hindi ikaw ang umako ng mga responsiblidad ko sa kompaniya ng magulang ko?" Huminga siya ng malalim. Damang-dama ko iyon sa magkadikit naming katawan. "Wala akong alam sa business ninyo, Bella. We haven't talk about that before." Humarap ako sa kaniya, this time ay hindi niya na ako pinigilan, pero hindi niya sinalubong ang mga mata ko. Itinuon niya ang mga mata sa may balikat ko. "There's nothing wrong of being a bartender. Kung limang taon ako sa Italy at walang pamilya roon, siguradong puro kaibigan ang kasama ko, and bar is the best place to hang out with friends, I guess." Pinanliitan ko siya ng mga mata nang salubungin niya na ang mga mata ko. "So, have I seen you there, flipping bottles, mixing drinks?" I imagined him mixing and doing a lot of stans as a bartender. Natawa siya. Napangiti ako. Parang ito ang unang beses na nakita ko siyang tumawa. Magmula rin yata nang magising ako ay ngayon lang ako nakipag-usap ng ganito. "We actually met there." Umirap ako. "Great, you just met a vulnerable me and maybe still on grief that's why I was there." Pinagmasdan niya ako at masuyong umiling. Hinawakan niya ang magkabilang pulsuhan ko sa leeg hanggang sa may panga ko. "No, Bella. I actually met a strong and fierce woman that night," he said as if he's adoring me. Nagpilit ako ng ngiti. Why do I feel that he lost that girl?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD