Chapter 25: CHLOE Hindi ako mapakali habang nasa taxi ako. Nakatuon ang paningin ko sa daanan na kita sa bintana habang naiwan na yata ang utak ko kay Paris. Basta ko na lang siya iniwan, walang paalam, walang pasabi. Napapikit ako nang mariin at naisandal ang ulo sa backrest ng inuupuan ko. Halos mapamura ako nsng maalala ko ang nangyari sa amin. For fùck sake, I gave him myself. He took my virginity, and I am here running away, don't wanna face him. Pagmulat ng mga mata ko ay siya ring pagpatak ng mga luha ko. I'm adults now, hindi ko na dapat iniiyakan ang ganitong bagay, pero bakit ako nasasaktan? Hindi ko rin alam kung para saan ang nararamdaman ko. Pero ano man ang dahilan nito ay isa lang ang gusto ko, burahin ito. Pagkarating ko sa hotel ay nagbayad kaagad ako sa driver. Yes,

