Chapter 26

465 Words

Chapter 26: ISABELLA Nagulat ako sa mahigpit na yakap sa akin ni Chloe. Bandang tanghali, after lunch ay dumating siya. Hindi ko alam na bibisita siya ngayon, matapos kasi nang awayin ni Tita Alison si Tristan ay akala ko hindi na rin siya makapapasok dito. Pinagbawal nang papasukin dito si Tristan kahit sabihin kong kaibigan ko pa siya. Mabuti naman at hindi nadamay si Chloe doon. Matapos ang ilang minuto sa puwesto namin ay hiniwalay ko siya sa akin para makita ang mukha niya. I don't know why but there's sadness in her eyes. Hindi ko alam kung bakit o para saan, pero nag-aalala ko. "Are you okay?" Nagpilit siya ng ngiti at tumango. Bumuntong-hininga siya na para bang pinakakalma niya ang sarili. I don't know what is happening, pero alam kong malungkot siya. Pinipigilan niya lang.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD