Chapter 4: Study Hard!

2752 Words
Pagkatapos nilang magmeryenda ay nagpaalam na si Onyx sa apat na kailangan na niyang mag-review para sa exam niya kinabukasan. Kahit na ayaw pang umalis ni Lily, wala itong nagawa dahil nakiusap mismo dito si Onyx na tatapusin lang ang pagri-review sa gabing iyon dahil may exam sila kinabukasan. Pagkatapos naman noon ay makakapaglaro na silang dalawa. Noong makaalis ang apat, kaagad na kinuha ng dalaga ang kanyang mga notes at nag-review para sa mga exam na iti-take niya. Alas dos na ng madaling araw nang makatulog ang dalaga. Kaya naman noong mag-ring ang kanyang alarm makalipas lang ang ilang oras ay punong-puno pa ng antok ang mga mata ni Onyx. No choice, kailangan niyang bumangon para hindi masayang ang magdamag niyang pagpupuyat. Naghihikab na tiningnan ni Onyx ang kanyang cellphone para tingnan kung tama ba ang alarm na ginawa niya. Baka naman napaaga siya ng alarm? Baka naman may itutulog pa siya kahit na fifteen minutes pa? Kaya lang nasira ang munting pangarap ni Onyx noong makitang alas sais na ng umaga. Maryosep! Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang dalaga pagkakita sa oras. Kaagad na siyang bumangon. Tsk. Sa kasamaang palad, hindi na niya pwedeng i-entertain ang antok sa pagkakataong iyon. May mga aralin na kailangan pa siyang i-review dahil hindi na niya natapos kaninang madaling araw. Urgh! Being a student is stressful! ***** Nanlalambot na naupo si Onyx sa pang-isahang upuan saka umunan sa kanyang braso. Pakiramdam ng dalaga pati ang kaluluwa niya ay napagod sa maghapong exam na ginawa nila. "I hate exams!" bulalas ng babaeng nasa left side ni Onyx. She looked like a Thailander. Slim, fair and tall. Nakapusod pataas ang buhok nitong natural ang pagkaka-straight. "Me too!" sang-ayon naman ng estudyante na nasa right side ni Onyx. Halatang-halata din ang pagod sa maamo at maganda niyong mukha. She's a pure Chinese. Matangkad, maputi at singkit ang mga mata. Maamo ang kanyang mukha na kahit matagal pang titigan ay hindi nakakasawang tingnan. Umunat mula sa kanyang pagkakaupo si Onyx. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa sandalan ng upuan. Narinig niya ang sinabi ng mga kaibigan pero hindi na niya iyon ginatungan. Iisa lang sila ng nararamdaman. Sa totoo lang. This two are her close friends. First year college pa lang ay magkakakilala na silang tatlo. Tinagurian silang the Asian Trio ng mga kaklase nila dahil simula noon pa, sila lang talaga ang nasa kanilang grupo. Halos tatlong taon na ang lumipas pero walang ibang dumagdag o umalis sa kanilang pagkakaibigan. Marami ang naiinis sa kanila at marami din naman ang naiinggit. But they don't care. At isa pa, hindi naman sa ayaw nila sa iba nilang kaklase. Nagkataon lang na noong nagkaroon ng groupings, may kanya-kanya ng grupo ang mga kaklase nila. At wala silang choice na tatlo kung hindi ang magsama sa iisang grupo. Mabuti na lang at nagkakasundo sila kahit na mas maraming pagkakataon na nagtatalo at nagbabangayan sila. Mga simpleng bagay lang naman ang pinagtatalunan nila gaya na lang halimbawa ng kung saang canteen sila kakain ng lunch or kung sabay ba silang maghahapunan sa labas after school. "Argh! I want to sleep already!" hindi matiis na bulong naman ni Onyx. Pakiramdam niya ay lalaglag na ang talukap ng kanyang mga mata dahil sa sobrang antok. Magkasabay na lumingon ang dalawang kaibigan ni Onyx sa kanya. "Uy, Jeirah Onyx. Hindi ka na naman nagpunta kahapon sa tagpuan natin? Sabi mo ay hahabol ka? Anong nangyari sa paghahabol na sinasabi mo?" nakataas ang kilay na tanong ng estudyante Thai gamit ang native language nito. "Can you lower your voice Ra? Ang sakit sa ulo ng boses mo. Hindi mo naman ako maiintindihan kahit na magpaliwanag pa ako sa'yo. Palibhasa walang naghihintay sa'yo sa bahay mo," marahang sinermunan ni Onyx ang kaibigang Thai na si Arpa Rueng. Sa ilang taon na pagsasama nilang tatlo, natutunan na nila ang kani-kanilang mga native language. Kaya naman labis na natutuwa si Onyx kapag naririnig na nagtatagalog ang mga kaibigan. "Xiao Sha. Kausapin mo nga ang isang 'yan at baka masabunutan ko lang 'ya. Nangako sa atin na sasama siya tapos kung kailan naka-order na tayo saka magt-text na hindi siya makakarating?" asar na inutusan na lang ni Arpa ang Chinese na si Ning Sha. Pero sa halip na sundin ang nagtataray na si Arpa, ngumiti lang ang magandang intsik at yumupyop na sa sarili nitong armchair. "Next week na lang tayo magreklamo at maggala, Rara. Itulog muna natin ng maaga ang pag-uwi natin mamaya," ani Ning Sha sa wikang mandarin at English. "See?" nang-aasar na nilingon pa ni Onyx ang kaibigang si Arpa. "Don't pollute Xiao Sha, don't make her as unreasonable as you," dagdag na sabi pa ni Onyx. "Hmmp! Huwag niyo akong pagtulungan ha," asar na inirapan ni Arpa ang nakatitig dito na kaibigan. Mas lalo lang gumanda ang mapang-asar na ngiting nasa labi ni Onyx. "Tigilan mo ako sa mga tingin-tingin mo na ganiyan Jeirah Onyx ha. Baka dukutin ko na 'yang mga mata mo," nagbabantang saad ni Arpa. Natatawang nag-iwas na lang ng paningin si Onyx. After 1 hour pa ang next class nila kaya naman kinuha ng dalaga ang kanyang cellphone at ini-alarm iyon saka iniyupyop ang kanyang ulo sa armchair. Ganoon ang gawain nilang tatlo kapag may vacant time. Ang matulog. ***** Madilim na ang buong kapaligiranm noong makarating si Onyx sa kanyang condo. Nagtungo siya sa kabilang unit para sa hapunan dahil naipangako niya sa batang si Lily na sasabay siya sa hapunan ng mga ito since hindi na nga sila nagkita buong maghapon. Gusto na nga niyang mag-kagebunshin technique para lang mapagkasya ang sarili sa dami ng mga activities na ginawa nila. Pero dahil ginusto niya ang propesyong napili, tiniis niya ang stress at sakit ng ulong nararamdaman. Para sa mataas na marka! Pagkatapos nilang kumain ng hapunan, nagpaalam na ulit si Onyx sa apat para makapaligo at makapagpahinga na. Ayaw pa sanang pumayag noong una ni Lily pero kinonsensya ito ng kanyang mga yaya. "Tingnan mo si tita Danda mo beh oh, konting-konti na lang magmumukha ng aswang," turo ni Maria sa mukha ni Onyx. Napahawak tuloy sa mukha niya si Onyx. Alam naman niyang hindi na siya nakakapaglagay ng mga dapat niyang ilagay sa kanyang mukha tuwing umaga at gabi, pero hindi ba parang sobrang-sobra naman yata sa mukha na siyang aswang? "Nooo! My tita iih not ahwang!" galit na tiningnan ni Lily ang kanyang yaya. Hindi siya papayag na may magsabing pangit ang tita Danda niya! "Naku beh, ang iitim na ng mga mata ni Ma'am Xixi. Magiging panda na 'yan kapag hindi mo pa pinatulog!" exaggerated naman na sabi ni Jonalyn. Takot na napatitig si Lily sa mukha ni Onyx. Totoo ba? Hindi magiging aswang ang tita niya pero magiging panda? Nagluha ang mga mata ni Lily at napuno ng takot ang cute na cute na mukha nito noong makita na nangingitim na nga ang paligid ng mga mata ni Onyx. Dahil likas na maputi si Onyx, obvious masyado ang pangingitim ng mga mata nito. Hindi tuloy malaman ng dalaga kung pupurihin ba o pagagalitan ang tatlong yaya ng bata. Sobrang effective nang ginagawa nilang pananakot! "Hindi mo na talaga pwedeng maging mommy si Ma'am Xixi kapag naging panda na siya, beh," seryosong sabi ni Jonalyn. "Buntot na lang ang kulang beh oh," segundan naman ni Joan. Tuluyan ng tumulo ang luha ng bata. Hindi yata nito nakayanan ang mga sinabi ng mga yaya kaya napahikbi ito habang paulit-ulit na bumubulong ng 'No'. "A-am sowwy tita! am sowwy. Downt be a panda otay? You dow west na and sweep," Tiningnan ni Onyx nang nakahalukipkip ang tatlong salarin. Naiiling at nangingiti na lang tuloy siya noong kindatan siya ng tatlo. "I'm sorry baby. Babawi ako okay? Medyo busy lang si tita sa school," Sunod-sunod na tumango ang batang umiiyak. Kulang na nga lang ay ipagtabuyan siya nito pauwi. Parang bigla tuloy nakonsensya si Onyx. "It's otay, tita. West pwopewwey otay?"' Lumapit si Onyx sa bata at hinalikan ito sa ulo. "You too. Go to bed early and have a good rest," Sunod-sunod na tumango si Lily. "You sweep otay? Downt be a panda, otay?" Natawa na lang si Onyx. "Don't worry, hindi na magiging Panda si tita Danda," tukoy ng dalaga sa sarili niya kung paano siya tawagin ng bata. Marahang tumango si Lily at unti-unti na rin itong tumahan. Tumayo si Onyx at naglakad palabas ng pintuan. Kumaway pa siya ulit kay Lily bago tuluyang lumabas sa pinto at isinarado na iyon. Pagkarating sa kanyang bahay at kaagad na nagtungo sa itaas ng kanyang kwarto ang dalaga. Naghanap ng isusuot na damit, dinampot ang tuwalya at saka pumasok sa loob ng banyo. Dahil magna-nine na ng gabi, hindi na nagbabad pa sa banyo ang dalaga. Mabilis siyang nag-shampoo at conditioner ng buhok, kuskos ng katawan at banlaw. Hindi nga inabot man lang ng kalahating oras ang dalaga. Nang makatapos sa pagbibihis ay maingat na niyang ibinalot sa tuwalya ang kanyang buhok. Ganoon ang kanyang ayos noong bumaba sa first floor ng kanyang bahay si Onyx para kuhanin ang ilang libro sa kanyang school bag at para magtimpla na rin ng kape. Saktong humihigop na siya ng kape ng may mag-door bell sa pintuan ng kanyang unit. Tiningnan ni Onyx ang orasan. Nine thirty na ng gabi. Wala naman siyang inaasahang bisita kaya malakas ang kutob niyang ang mga nilalang sa kabilang unit ang nasa pintuan ng unit niya. "Ano kayang problema ng apat at alas diyes na ng gabi ay hindi pa nagsisitulog?" Nagtatakang tanong ng dalaga sa sarili. Ibinaba niya sa lamesa ang kanyang kape saka marahang pinunasan ng maliit na tuwalya ang kanyang buhok. Walang pagmamadaling tinungo ng dalaga ang pintuan ng kanyang unit. At tama nga ang hula niya. Nasa labas nga ang apat na pare-parehong hindi maipinta ang mukha! "Anyare?" Sabay-sabay na nagyuko ang mga ito ng ulo. Walang ni isa mang sumagot sa tanong ng dalaga. "Bakit?" Nag-aalalang tanong ni Onyx. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa apat. Anong nangyayari? "D-daddy...he won't be toming home. A...a tan't sweep pwopewwy when he's not home," Ha??? So ano ang ibig sabihin nito? Hindi naman siya ang daddy nito, diba? At saka paano iyong mga araw na wala itong daddy at hindi pa sila magkakilala? Paano ito natutulog? Puno ng pagtataka ang magandang mukha ni Onyx nang tingnan niya ang tatlong yaya ni Lily. Hinahanap niya ang kasagutan sa mga ito pero nagyuko lang ang tatlo ng ulo. Nanatili lang na nakatayo ang apat at hindi na nagsalita pa. Sumusuko na lang ang dalaga sa pagtatanong. "Okay, I'll sleep with you. Makakatulog ka na ba noon?" tanong ni Onyx kay Lily mismo. Kaagad na nag-angat ng paningin ang bata. Maging ang mga yaya nito ay nangingislap din ang mga mata. "Okay lang ba sa inyo na doon ako matulog? Alam ba ng tatay nitong bata? Baka mapagkamalan akong akyat-bahay niyan ah," ani Onyx na kaagad namang kinontra ng tatlo. "Naku, hindi po Ma'am Xixi. Hindi po. Kinausap po namin ang daddy ni Miss Lily at pumayag po siya," "Saka ang ganda-ganda niyo naman pong akyat-bahay. Kapag po ikaw ang umakyat sa bahay namin Ma'am Xixi, naku, bibigyan pa po kita ng hagdanan," "Wala pong magtatangkang humuli sa'yo Ma'am Xixi!" Napailing na lang si Onyx sa mga pang-uutong ginagawa ng tatlo. Ang gusto lang naman niya ay makasiguro na walang mag-iisip ng masama sa pagi-stay na gagawin niya sa bahay ng mga ito. Ayaw ng dalaga ng issue. "Wait lang, may kukunin lang akong unan at notebook," ani Onyx na hindi na isinarado ang pintuan ng kanyang unit noong tumalikod siya. Nagtungo ang dalaga sa kanyang kwarto at dinampot ang hotdog niyang stitch ang design. Dinala niya rin ang kanyang cellphone at isang notebook. Ito ang unang pagkakataon na makikitulog ang dalaga sa ibang bahay sa loob ng tatlong taong paninirahan niya sa France. Dinala siya sa second floor ng tatlong yaya ni Lily at napataas na lang ang kilay ni Onyx nang makita kung gaano kalaki ang kwartong tutulugan nilang dalawa ng bata. "This is your room?" Nakataas ang kilay na tanong niya kay Lily na kaagad sumampa sa higaan. Seriously? Sa laki nitong kwarto, duda siyang pag-aari ito ng madaldal na bata. "Nope! It's dads!" Huminto sa paglalakad ang dalaga. Parang gusto niyang sinturunin ang bata. At bakit siya nito patutulugin sa kwarto na pag-aari ng ama nito, aber nga?! "My bed is too smaww, tita. We wiw fit thewe but nakabalukluk ka po. Kaya sweep po tayo hewe," anang bata sa tonong makatarungan. Hindi alintana kahit na bulol pa ito sa maraming salita. "Baluklok?" Nakataas ang kilay na tanong ni Onyx. Anong salita 'yun? "Like this," ibinaluktot ng bata ang kanyang katawan habang nakatagilid. Nakabaluktot? Pakiramdam ng dalaga ay nag-loading siya sa salitang 'yun. "Gets ko na. Kaya lang baby, hindi ba tayo malilintikan sa tatay mo kapag nalaman niyang may ibang hihiga dito sa kwarto niya?" Sa totoo lang, wala pang nakikitang picture man lang ng lalaki si Onyx. Puro pagmumukha lang ni Lily ang nakalagay sa bawat picture frame at portrait na nasa condo unit nila kaya walang ideya si Onyx sa itsura ng lalaking inirereto ng bata sa kanya. "Mama..lilin-what?" Nakangangang tanong ng bata na hindi masundan ang sinasabi ni Onyx. "Ahm, never mind. Wala lang 'yun. Kung hindi mo naintindihan, then that's it," Walang planong magleksyon ngayong gabi ang dalaga. Pagod na pagod ang buhay niya sa dami nilang activities na ginawa sa school. Dumagdag pa ang mga kaklase niyang panay ang aya sa labas. Para manahimik na lang ang mga ito ay pinagbigyan niya na. At tama nga ang kanyang hula na walang matinong patutunguhan ang plano ng mga ito. Dahil bukod sa gusto lang ng mga ito na magpalibre, kung ano-ano pa ang niri-request sa kanya. Hindi naman tanga ang dalaga para sundin ang mga ito o ibigay ang gusto ng mga ito. Kung inaakala ng lahat na madali siyang ma-bully, well, sorry. Hindi siya ipinanganak mula sa isang makapangyarihan at kilalang pamilya para lang utu-utuin ng iba. "Kailangan bang kantahan kita para makatulog ka o kamutin kita sa likod..?" Ganoon kase ang ginagawa ng kanyang mommy sa bunso niyang kapatid noong kaseng edad ito ni Lily. "Wead!" Read? "What book? Where's the book?" Mabilis na itinuro ng bagets ang makapal na libro ng Harry Potter. Matagal nang nai-publish ang librong iyon. Pero gustong-gusto niya rin na binabalik-balikan sa pagbabasa. "First book? Second?---" "Pwiwonew of Akkaban," Oh, this one. The Prisoner of Azkaban. Kinuha ni Onyx ang libro na gusto ng bata at sinimulan iyong basahin sa bata. Hindi niya inaasahan na sa edad nitong mag-aapat na taon ay pangmatatanda na ang mga gusto nito. Noong araw na nanuod ito sa bahay ng dalaga, inaaasahan ni Onyx na manunuod ito sa Disney Channel o Cartoon Network, pero ang pinanuod nito ay ang movie na nasa collection niya. Ilang araw itong nagpabalik-balik at nakitambay sa bahay niya para lang tapusin ang Lord of the Rings. Minsan nga ay iniiwanan na lang niya ang susi dito para kung gusto nitong manuod at papasok na lang. Naituro na rin niya sa tatlong yaya kung paano bubuksan, papatayin at isi-set up ang tv. Nang matapos ni Onyx ang tatlong chapter ay nakatulog na si Lily. At dahil alas diyes na din ng gabi, tinamad ng bumaba sa kama si Onyx. Paano kung sa kalagitnaan ng gabi ay magising ang bata at hanapin siya? Eh, di babalik na naman siya sa tabi nito? Mabuti na lang at nakatulog kaagad si Onyx. Maaga na naman siyang papasok kinabukasan kaya hindi na siya nagpuyat. Tinatablan na siya ng antok noong maramdaman ang pagyakap ng maliliit na braso sa hita niya. Hindi iyon pinansin ni Onyx. Pinabayaan niya ang bata at itunuloy na ang pagtulog. Pero makalipas ang isang oras, naramdaman na lang ng dalaga na hirap na hirap siyang huminga. At noong magmulat siya ng mga mata. Kaagad niyang nakita ang paa ng bata na nakasampa sa leeg niya. Goodness! Kung gaano ito kadaldal ay ganoon din pala ito kalikot matulog! Marahang inalis ni Onyx ang paa ng bata at muli na siyang bumalik sa pagtulog. Nasa kahimbingan na siya noong naramdaman na parang may sumasabunot sa buhok niya. At noong tingnan niya kung bakit, napa-face palm na lang ang dalaga sa senaryong nakita. Ang batang inilayo niya kanina ngayon ay nakadapa na sa ulunan niya! Nakadapa ito sa mga unan at sa buhok niya. Anak ng, dinaig pa nito ang ipo-ipong nawawala sa tamang direksyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD