Chapter 3: Sa Wakas May Naghihintay Na Rin Sa Pag-Uwi Niya

2226 Words
Matapos ang klase nila ng araw na iyon ay kaagad nang naghanda si Onyx para umalis. Kung dati-rati ay tumatambay pa siya sa classroom lalo na sa major class nila, ngayon ay hindi na. Tinatapos na lang ni Onyx ang mga hindi natatapos na school works sa bahay niya. Maaga pa lang ay ipinapaalam na niya iyon sa kanilang teacher. Mag-isa na lang si Onyx na uuwi ngayong araw dahil ang dalawa niyang kaibigan ay may kanya-kanyang date. Kung dati ay nakiki-join siya sa meet and greet na ginagawa ng mga ito, ngayon pass muna siya. Tahimik na ang buong paligid noong lumabas sa kanilang classroom si Onyx. At hindi pa siya nakakalayo nang may marinig siya na tumawag sa kanya. "Xixi!" "Onyx!" Nagtatakang lumingon ang dalaga. Hindi niya mapigilan ang pagkunot ng kanyang noo noong makitang mga kaklase niya ang dalawang babaeng tumatawag. Kilala niya ang dalawa, kaya nga lang, hindi niya naman ka-close ang mga ito. At may kasamang tatlong lalaking estudyante na hindi rin naman ka-close ng dalaga. "Hey, Xixi! Where are you going?" Tanong ng isang foreigner student sa wikang kinalakihan nito. At dahil sanay naman si Onyx makipag-usap sa wikang english, walang kahirap-hirap para sa kanya na kausapin ang british student. Nakasanayan ng mga ito na tawagin siyang Xixi dahil noong unang araw na nagpakilala silang lahat, iyon ang unang-unang natandaan ng mga ito sa kanya. Nagtanong kase ang kanilang guro kung ano ba ang nickname niya. At iyon ang kanyang sinabi. Ayon pa sa mga ito, mas madali daw tandaan ang Xixi kesa sa tunay na pangalan niyang Jeirah Onyx. "Sama ka muna sa amin," sabad naman ng lalaking French gamit ang native language nito. "May pupuntahan ka ba?" dagdag na tanong pa nito. Hindi problema sa dalaga ang intindihin ang sinasabi ng banyagang kaklase. Sa loob ng tatlong taong paninirahan ba naman niya sa bansang France ay unti-unti niya na ring nagamay at natutunan ang wikang French. "Home," tipid na sagot ng dalaga sa mga ito. Ilang araw na siyang umuuwi ng maaga after school dahil may bata na laging naghihintay sa kanyang pag-uwi. Nagkatinginan ang grupo dahil sa narinig na sagot ng dalaga. Napatingin pa sila sa kani-kanilang suot na relo. "Bakit ang aga naman yata? Sama ka na sa amin. Ang tagal mo ng hindi sumasama eh," paglalambing ng isa sa mga babae. Pero sa halip na mahalina si Onyx, parang kinilabutan pa siya lalo na noong inilingkis ng babae ang braso nito sa braso niya. Tuluyan ng huminto sa kanyang paglalakad si Onyx. Tiningnan niya ang babaeng 'naglalambing' sa kanya at pagkatapos ay ang mga kasama nito. Alam niya naman kung ano ang pakay ng lima. Kunwari ay kakaibiganin siya ng mga ito pero ang totoo, huhuthutan lang naman siya. Porke isa siyang schoolar, iniisip siguro ng mga nilalang na ito na madal siyang i-bully o pasunurin. Well, sorry for them. Nagkamali sila ng nilapitan. Hindi naman sa ayaw ni Onyx sa mga ito, kaya lang hindi niya gusto ang vibes na ibinibigay ng dalawang babae at tatlong lalaki na kasama nila. "I have someone waiting for me at home. Sorry, I'll decline for today," magalang na pagtanggi ng dalaga. Marahan niyang inalis ang kamay na nakakulong sa nakakapangilabot na panlilingkis ng kanyang kaklase. "Bye!" Kumaway pa siya sa mga ito. Noong makalayo na siya ng kaunti ay binilisan na ni Onyx ang paghakbang na kanyang ginagawa. Tinahak niya ang daan palabas sa campus at nagtungo sa isang kilalang Bakeshop. Good thing kakaunti na lang ang mga estudyante ng oras na iyon, halos walang nakapila kaya nagdiretso kaagad sa counter si Onyx. Umorder siya ng sampung cupcakes na iba-iba ang flavor. Kaagad naman iyong inilagay sa magandang box ng crew. Pagkatapos ay nag-order din ang dalaga ng tatlong coffee frappe para sa tatlong yaya ni Lily. Isang milk tea para kay Lily at isang strong coffee para sa sarili. Sobrang hilig niya sa kape. At para maramdaman niya ang kapangyarihan noon, kailangang matapang na kape ang inumin niya. Namana niya siguro iyon sa kanilang lola na sobrang hilig din sa kape. Palibhasa ay ito ang palagi niyang kasama noong bata pa lamang siya. Maaga siyang na-train sa kape. Napailing si Onyx nang maalala ang kanyang lola. Nami-miss na niya ang malambing na boses nito. Nang makatapos sa pagbili ay nagtungo na sa bus station ang dalaga at sumakay sa bus na dadaan sa condominium na tinitirhan niya. May sariling elevator ang dalawang malalaking condo unit sa last floor. Bukod pa ang sariling elevator nang may-ari ng penthouse. Hindi sila nakikipagsiksikan sa ibang occupants ng mismong condominium. Mabilis na pumasok sa elevator ang dalaga at automatic na tumaas iyon pagpindot niya sa up button. Sa hindi niya maintindihan na dahilan, excited na siyang umuuwi ngayon. Siguro dahil noon ay wala namang sumasalubong sa bawat pag-uwi niya, samantalang ngayon ay may isang bulilit nang patakbo lagi kung sumalubong sa kanya. Naka-ready na kaagad ang malawak na ngiti ni Onyx noong lumabas siya sa elevator. Inaasahan na ng dalaga na makikita ang batang tahimik na nakaupo sa isang mahabang mahogany chair. At hindi nga siya nagkamali. "I'm home!" nakangiting itinaas pa ng dalaga ang mga pasalubong na dala-dala niya. Umalingawngaw sa buong lugar ang tili ni Lily. . "Titaaaaaaa!" Sa sobrang tinis nang pagkakasigaw ng bata, hindi na nakapagtataka kung marinig iyon sa buong Siudad. Tumalon mula sa mahabang mahogany chair si Lily at patakbong sumalubong sa kanyang tita Xixi. Natatawang sinalubong ni Onyx ang batang patalon-talon pa. Ibinaba niya ang mga dala at sinalo ang maliit nitong katawan na lumilipad patungo sa kanya. At noon niya lang napansin, na medyo payat ito. Pero okay lang since malusog at active naman. Pati nga bibig, sobrang active sa kadaldalan eh. "How's your day?" Nang matapos ang kanilang yakapan ay tanong ng dalaga sa batang halos ayaw nang bumitaw mula sa pagkakayakap sa kanya. "Ma'am Xixi!!!" sigaw ng isa sa tatlong yaya. Excited na kinuha nito ang mga dala-dala ng dalaga. Noong mawala na ang mga nakalagay sa kanyang mga kamay ay tuluyan ng niyakap ni Onyx ng mahigpit ang batang nakakunyapit pa rin sa bewang niya. "Did you miss me?" tanong ni Onyx habang naglalakad. Binati ng dalaga ang dalawa pang yaya ni Lily noong sumilip siya sa kabilang unit na nakabukas ang pintuan. "Hi, Ma'am Xixi!" nakangiting bati ni Jonalyn. "Hello po Miss Xi!" magalang na bati naman ni Joan. "Punta kayo sa bahay. Magmemeryenda tayo," nakangiting sabi ni Onyx. Kaagad nagliwanag ang mukha ng dalawa. Magkasabay na binitawan nila ang kani-kanilang mga hawak. Itinabi ni Joan ang hawak na tambo at inilagay naman ni Jonalyn ang hawak na basahan sa isang tabi. "Kanina pa po talaga namin 'yan hinihintay eh!" masayang bulalas ni Jonalyn. "Yes! Yes! Meryenda! Meryenda!" parang batang sigaw naman ni Joan. Napailing na lang si Onyx. Biglang-bigla ay nagkaroon siya ng apat na inakay. At sa halip na mairita, mas natuwa pa ang dalaga dahil sa wakas ay makakausap na siya sa tuwing umuuwi galing sa school. May inuuwian siya ng pasalubong. Minsan naman kapag hindi na niya kayang magluto, may nagdadala na sa kanya ng nilutong pagkain. "Maupo ka muna. Wait mo mga ate mo ha, magbibihis lang ako," sabi ni Onyx kay Lily noong maibaba niya ito sa malambot na sofa. Tinapik niya ito ng mahina sa ulo. "Guys, may mga pangalan na ang mga inumin. Huwag niyong ipapaubos kay Lily ang malaking milk tea, ipaglagay niyo lang siya sa isang maliit na baso," "Okay Miss Xi!" "No problem Ma'am Xixi!" "Okay po!" "Teyt youw time, tita Danda. Ah, tan I watch tv?" Request ni Lily. Inalis ni Onyx ang tatlong botones sa itaas ng suot niyang long sleeve polo na uniform nila. Pagkatapos ay nagtungo siya sa tabi ng 32 inches led tv saka iyon isinaksak sa outlet. Ang gusto ng kanyang kuya noon ay bilhan siya ng mas malaking tv, kaya lang ay tumanggi ang dalaga dahil para sa kanya, ikabubulag niya ng maaga kapag malaking tv ang inilagay sa kanyang sala. Kaya naman habang tinitingnan niya ngayon ang batang at home na at home sa kanyang tahanan, lihim na nagpasalamat ang dalaga dahil naisip niyang hindi siya nagkamali sa pagpili ng size ng tv. Saktong-sakto lang ang size ng 32 inches na tv. Hindi iyon sobrang laki at hindi rin naman sobrang liit. Ilang linggo na ring naglalabas-masok si Lily sa kanyang tahanan. At kapag wala siyang pasok, siya naman ang nakatambay sa bahay ng mga ito. Kung paanong at home na at home ang bagets at tatlong yaya nito sa bahay niya, ganoon din ang dalaga sa bahay ng mga bagong ito. Nang maayos ang tv ay umakyat na sa itaas ng kwarto niya si Onyx para magpalit ng damit. Matapos magbihis ng komportableng pambahay, ay muli ng bumaba si Onyx sa malawak na sala ng kanyang condo. Makapal na pajama at malaking t-shirt ang isinuot ng dalaga. Dahil magd-december ay malamig palagi ang panahon sa Paris. Mahina sa lamig ang dalaga kaya naman palaging malalaking damit ang suot niya. Kung hindi man ay mga sweater. Mula sa mataas na hagdanan ay pinagmasdan ni Onyx ang mga taong masayang nagmemeryenda sa first floor ng unit niya. Sa totoo lang, kasya ang isang malaking pamilya sa tirahan niya. Ilang kaklase rin niya ang nag-request na baka pwedeng makitulog o makitira doon pero magalang na tinanggihan iyon ni Onyx. Kayang-kayang bayaran ng kanyang kuya ang bills niya monthly. Bakit siya hahanap ng sakit ng ulo o problema kapag nagkataon? Pagkatapos ng mga naranasan niya sa Pilipinas. Na-kidnap, na-holdap, naloko ng mga yaya na nag-aalaga sa kanya--hindi na nagtitiwala ng ganoon-ganoon lang ang dalaga sa mga nakikilala. Ang mga kapitbahay niyang ito, ay pina-imbestigahan niya sa kanyang pinsan na si Jin. At ayon dito, they're a high profile people. Walang mahanap na ibang impormasyon si Jin patungkol sa mga ito. Mapwera sa tatlong kasambahay na galing lahat sa Pilipinas at may maayos na family record, walang mahanap si Jin na impormasyon tungkol sa kung sino ang ama o ina ng batang ito na napaka-cute at napakadaldal. Hindi naman sa hindi siya naniniwala sa mga taong ito. Gusto lang makatiyak ng dalaga dahil siya lang din naman ang masasaktan sa bandang huli kapag natutunan na niyang mahalin at tanggapin sa buhay niya ang mga ito. Dahil madalang ang batang babae sa kanilang pamilya, may soft spot sa puso ng dalaga ang mga batang babae. Lalo na kapag nakikita niyang malambing at hindi maarte ang bata. Ayaw niya sa spoiled brat. Dahil para sa kanya, spoiled brat na siya. Hindi na bagay na may kasama siya na isa pang ganoon din ang pag-uugali. "Tita, this movie is so nice!" Tumingin ang dalaga sa pinapanuod ng bata. It's the Lord of The Ring. Luma na ang movie na iyon, pero sa tuwing pinapanuod ni Onyx, goosebumps pa rin. Ang series ng naturang movie ay isa sa mga collection at favorite ng dalaga. "That's my favorite. And Legolas is my husband," nakangiting sabi ko. Gulat na nabitawan ni Lily ang hawak na cupcakes. Mabuti na lang at nahulog iyon sa platong nasa tapat nito. "Nooooo! I wab him! He's mine. You tan have my dad, otay?!" Pinagtaasan ng kilay ni Onyx ang bata. Marunong din itong makiagaw? Kung noon ay kaagaw niya ang pinsang si Gabrianna kay Legolas na isang elf. Mukhang may nakita na naman siyang bagong karibal ngayon. "No way! He's my husband. Kung gusto ng daddy mo, pwede ko siyang maging kabit!" "Kabit?" curious na tanong ni Lily. Ang tatlo niyang yaya na sila Joan, Jonalyn at Maria ay napanganga naman. Tila iisang tao na natitigan nila si Onyx. "Bakit?" natatawang tanong ni Onyx. "Masyadong gwapo si Boss El para maging kabit, Ma'am Xi" ani Maria. Parang hindi ito makapaniwalang sa narinig mula kay Onyx. Hindi pangkabit ang alindog ng kanilang boss El, okay? "Ang tagal-tagal na niyang hinahanap si the one, tapos gagawin mo lang po siyang kabit Miss Xi?" Biglang nalungkot ang mukhang sabi ni Joan. "Ampeyr naman 'yun, Ma'am Xixi," hindi natutuwang bulalas ni Jonalyn Nakasimangot pa siya ng kaunti. Natatawang dinampot na lang ni Onyx ang kapeng barako na para sa kanya. "Arghhh! Ang tapang naman po ng amoy niyan!" Sabay-sabay bulalas ng tatlo. Napailing na lang si Onyx. Humigap siya ng kapeng umuusok pa. Ahhh. This is heaven! Kape lang sapat na! "Tita, what is tabet?" Curious na tanong naman ni Lily. Base sa reaksyon ng mga ate niya, hindi magandang word iyon kaya gusto niyang malaman kung ano ang ibig sabihin noon. "It's a bad word, you shouldn't say that carelessly," ani Onyx na medyo nagulat sa itinanong ng bata. Nawala sa isip niyang may bata nga pala silang kasama na mabilis maka-pick-up. "I'm sorry, I shouldn't say that in the first place, Baby," hinging paumanhin ng dalaga sa batang naitakip na lang ang kamay sa kanyang bibig. Hindi inaasahan ni Lily na bad word pala ang pinag-uusapan ng mga tao sa paligid niya. "Sowwy," hinging paumanhin ng bata na naka-puppy eyes pa. Nangingiting tinapik ni Onyx ang ulo ng batang nagpapa-cute. "It's not your fault. Ako ang nagsabi noon carelessly kaya, I'm sorry. Just don't say it again, okay?" Dahan-dahang tumango ang batang si Lily. Syempre susundin niya ang kanyang tita Xixi. Hindi siya papayag na magalit ito sa kanya dahil lang sa isang bad word!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD