Chapter 2: BFF

1741 Words
Hindi s'ya nakikipagkaibigan sa bata pero ng mga sandaling iyon ay naisip ni Onyx na bakit naman hindi? "Sure!" Walang paligoy-ligoy n'yang sinagot ang tanong ng bibong bata. "Yay! Tan a vitit you whenver you'we hewe?" Excited na tanong pa ni Lily. Nakakatuwang tingnan ang mga mata nitong tila kumikislap habang nakatitig sa kanya. Kaya naman tuluyan nang nalusaw ang anumang agam-agam sa puso ni Onyx. She's always alone anyway. Ano namang masama kung magkaroon s'ya ng bisita sa tuwing uuwi s'ya sa kanyang malungkot at malamig na bahay? "Sure, sure," mas mabuti ng may bumibisita sa kanya pagkakagaling n'ya sa University. Magkaroon man lang s'ya ng stress reliever. Sa tatlong taon na pamamalagi n'ya sa Paris, nalulungkot din naman ang dalaga sa tuwing uuwing tahimik na bahay ang dadatnan. Aba, hindi na s'ya lugi sa bisita n'ya. "Itta pwomise, otay?" Itinaas pa ng bata ang pinky finger nito. Seryosong-seryoso ito kaya naman hindi magawa ng dalagang sirain ang magandang mood. Mabilis n'yang inabot ang kanyang hinliliit at inilingkis iyon sa hinliliit nang cute na cute na bata. Pinagsalikop ni Lily ang mga daliri nila tanda ng kanilang pangako sa isa't-isa. "It's a promise," Onyx said and smiled genuinely. This kid is just so cute! "You want to----" napahinto sa pagsasalita si Onyx noong marinig ang sunod-sunod na pag-doorbell sa labas ng unit n'ya. "I think someone's here looking for you," ani Onyx. Wala namang notice mula sa pamilya n'ya na naiwanan sa Pilipinas na bibisitahin s'ya ng mga ito kaya imposibleng para sa kanya ang katok na iyon. Wala rin s'yang inoorder na pagkain dahil mas sanay s'yang nagluluto ng sariling pagkain. Linggo-linggo ay may katiwalang nagdadala sa kanya ng mga sariwang gulay, isda, karne ng baka, karne ng baboy at karne ng manok para sa isang linggo n'yang stock. At sa linggo pa darating ang katiwalang iyon. Tumayo s'ya mula sa kinauupuan at sinilip kung sino ang nag-doorbell sa surveillance monitor. Tatlong babae na nakasuot ng maid uniform ang nasa labas. Punong-puno nang pag-aalala ang mukha ng tatlo. "Do you know them?" Yumuko si Onyx para tingnan ang batang nakasunod na din kaagad sa kanya. Nakikitingin din ito sa monitor. Bahagyang kumunot ang noo ng bata noong makita ang itsura ng tatlong nilalang sa labas ng unit. "Tsk. A teep on tewwing them na huwag mag-wowwy ta atin eh. They'we tow tulet" sabi pa ng bata habang iniiling-iling ang kanyang munting ulo. "So kilala mo nga sila?" Ulit na tanong ni Onyx. Ang matatanda pa ang naging makulet? Nakakalokang bata. Pero hindi muna binuksan ng dalaga ang pintuan hangga't hindi siya nakakasiguro na kilala nga ito ng kanyang cute na bisita. "Yup. They'we my ate. Ang tutulet, a told them to wook fow me afteeh an hour. Why don't they litten to me?" Tanong ng bata saka pinamewangan ang mga ate n'ya na nasa loob ng monitor. "Ahab to do now, bff," anang bata sa tono na biglang nalungkot sa gagawing pag-uwi. Mabibilis ang mga hakbang na tinungo nito ang pintuan. Bff? This cute little girl called her bff? Nangingiting sumunod si Onyx sa kanyang munting bisita. Ngayon lang may tumawag sa kanya ng bff at take note, sa lahat ng pwedeng tumawag noon sa kanya ay itong bata pa na mag-aapat na taon pa lang. "Mag-aalala tila ta atin at mag-iiyatan na naman tila wike atif they wost me powebew," stress na sambit ng batang si Lily. Mas lalong na in love si Onyx sa ka-conyo-han ng bagets kahit na bulol na bulol itong magsalita. Naiintindihan niya naman ang sinasabi nito kaya walang problema. "My password is xxxx08. So yeah, mas maganda talagang umuwi ka na para hindi na mag-alala at mag-iyakan ang mga ate mo. Mas maganda pa rin syempre diba na hindi nila iniisip that they'd lost you forever?" nakangiting tanong ni Onyx. Lumingon ang batang si Lily. Nanlalaki ang mga mata nito. Hindi marahil nito inaasahan na sasabihin ng dalaga ang password ng sariling unit. At bukod pa doon, hindi rin ito nahirapan sa pag-unawa sa mga sinasabi niya. "Ahm, I pwomise that I wii not entew youw houte without you!" masayang bulalas ng bata. Tumango si Onyx. This kid is well behaved. At isa pa, kahit na pumasok ito ng hindi n'ya alam wala namang mawawala sa loob ng bahay n'ya bukod sa mga gamit na dinatnan na niya doon. "That's good. You're not familiar with this place that's why you shouldn't enter without me," nakangiting sabi ng dalaga pero sa seryosong boses. "I gave you the password for emergency purposes only. And besides, maalala mo ba?" "You jutt ted that itt xxxx08 oww awe you jutt tetting me?" Napatitig si Onyx sa bata. Hindi n'ya inaasahan na matatandaan kaagad nito ang sinabi n'yang mga numero. "You're good!" "Of tourse. To? it's youw weal pattwowd?" Tumango-tango ang dalaga bilang tugon sa tanong ng bata. "You don't have to wowwy. A wii not tell enwhan and a wii not entew youw houte without you ow without youw pewmitton," Natatawang ginusot ni Onyx ang buhok ng bata. Siya mismo ang nagbukas ng pintuan. Kaagad na kinuha ng tatlong yaya ang bata na chill na chill lang ang itsura. "Naku! Ikaw talaga na bata ka!" anang pinakamatangkad sa lahat. Hinila nito si Lily at pinasadahan ng tingin ang buong katawan Kitang-kita sa mga mukha nila ang labis na pag-aalala. "Pasensya na po kayo sa alaga namin. Pasensya na po," sabi naman ng isa. Nakayuko ito habang humihingi ng pasensya kay Onyx. "Lily! Ikaw talagaaa! Makakalbo ako sa'yo!" bulalas ng pangatlo. Halos sabay-sabay na nagbigay ng kani-kanilang saloobin ang mga nag-aalaga sa bata na sa tingin ni Onyx ay hindi nalalayo ang edad sa kanya. "Pasensya na po Ma'am. Naiinip na po kase ang batang ito sa bahay namin kaya nangapitbahay po," Ngumiti lang si Onyx. "It's fine. She's well-behaved naman. Ahm, ako nga pala si Jeirah Onyx. Pwede n'yo akong tawagin saan man sa pangalang iyon," pagpapakilala ng dalaga sa tatlong Pilipina. Sabay-sabay na tumingin sa babaneg nagsalita ng tagalog ang tatlo. Hindi sila makapaniwala na Pinoy pala ang kanilang kapitbahay. Noon lang din nila ito natitigan sa malapitan. Mula noong dumating sila dito sa Paris ay ito lang ang palagi nilang nakikita. Ilang beses na nilang gustong kausapin ito pero nauunahan silang tatlo ng hiya. Kaya naman para silang na-star struck ng mga sandaling iyon habang tinititigan ang dalagang nagpakilala sa kanila. Napakunot-noo si Onyx noong bigla na lang suminghap ang tatlo na para bang nakakita ng kagulat-gulat na nilalang. "Ahm? Bakit? Sorry, kagagaling ko lang sa University. Ang dami naming ginawa kaya hindi pa ako nakakapag-ayos. Mukha na ba akong aswang?" Dali-daling inayos ng dalaga ang buhok n'yang hindi na yata nasuklay maghapon. Hindi na rin s'ya nakapagpulbo o liptint man lang. Kaya siguro ganoon na lang ang reaksyon ng mga yaya ni Lily. Baka nakakakilabot na ang itsura niya. "M-mukhang aswang?" Tanong ng babae na siyang pinakamatangkad sa lahat. "Kung mukha kang aswang magmumuka kaming halimaw sa banga," mabilis na sabi ng pinakamaputi sa tatlo. "Akala ko may bumabang dyosa eh," kitang-kita ang paghanga sa mga matang sambit naman ng isa sa tatlo. Napa-face palm na lang si Onyx dahil sa narinig. Bigla naman tuloy nahiya ang kagandahan niya! Ang buong akala niya ay mukha na s'yang haggard dahil sa sobrang ka-busy-han n'ya sa runway competition na ginawa nila sa school. Hindi n'ya akalain na sa paningin ng tatlong ito ay ang ganda-ganda n'ya pa rin. "Ehem," napatikhim na lang ang dalaga para mabawasan ang pagka-awkward na nararamdaman n'ya. Pinilit n'ya ring pigilan ang panginginit ng buong mukha n'ya. Kapag mga foreigner ang pumupuri sa dalaga, kaya n'yang tanggapin na parang wala lang ang bawat papuring ibinabato sa kanya pero habang kaharap n'ya ang mga Pilipinong ito, hindi n'ya maintindihan kung bakit parang kinikilig s'ya. "Ahm, salamat sa papuri," nahihiyang anas ni Onyx. Aminado ang dalagang makapal ang pagmumukha niya pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon. "Ahm, Miss, salamat po sa pagbabantay dito kay Lily. Pasensya na po kung naabala po kayo ng medyo makulit na batang ito. Ako nga pala po si Jonalyn. Ito ang pinsan kong si Joan at ang kaibigan kong si Maria," "Hi!" nakangiting kumaway si Onyx sa mga ito "Hindi po namin inaasahan na Pilipino ka rin pala Miss Onyx. Sa wakas may makakausap na rin kami ng hindi kami nagno-nose bleed," nakangising wika ng babaeng ipinakilala bilang si Joan. "Tama. Tama. Ah, hindi ka naman po kinulit ng alaga namin para maging asawa ng daddy n'ya?" tanong naman ng babaeng ipinakilala bilang si Maria. Marahang isinuklay ni Onyx ang kanang kamay sa kanyang alunang buhok. Well, paano n'ya ba sasabihin na ganoon nga ang naging pag-uusap nila? "Inalok ka po ba n'ya Miss Onyx?" Napatitig si Onyx sa nagtanong na si Jonalyn. Tila sinusuri s'ya nito ng mabuti sa paraan na lang nang pagtitig na ginagawa nito sa kanya. Kaya naman bilang sagot, marahang tumango ang dalaga. "Pero ikaw ang kauna-unahang inalok n'ya Miss Onyx. Haha," natatawang sabi ni Jonalyn. "Pagpasensyahan mo na po ang alaga namin. Simula po noong makita ka ng batang ito, ikaw na lang palagi ang lumalabas sa bibig n'ya. Sinasabi nga namin sa kanya na sa malayo lang kayo maganda, hahaha, sorry po, pero habang tinititigan ko kayo ngayon, parang gusto kong maghukay at ilibing ng buhay ang sarili ko. Napakaganda mo po!" nahihiyang sabi ng napaka-honest na si Maria. Tuluyan ng namula ang mukha ng dalaga. Hindi s'ya sanay na garapalang binibigyan ng papuri habang tinititigan pa ng wagas na wagas. "S-salamat sa papuri pero hindi ko pa naman kailangan ng asawa kaya naman tinggihan ko ang offer ng alaga n'yo," mabilis na sagot ni Onyx. "Normal lang po na tumanggi kayo Miss Onyx. Mas magtataka po kami kung pumayag kayo kaagad-agad sa offer ng alaga naming ito. Ay teka lang, naghapunan ka na po ba? Sumabay ka na po sa amin kumain. Pambawi man kang sa pang-aabala nitong alaga namin," sabi ni Joan. Kaagad na hinila ni Lily si Onyx papunta sa may pintuan ng unit nila. T-teka lang! Bakit may hilahan ng nangyayari? Sandali nga lang. Paanong ang pag-aalok ng batang ito ng kanyang sariling ama ay nauwi sa... pag-aalok ng hapunan? "W-wait lang! K-kuma---" "Huwag ka na pong mahiya," "Masarap po ang adobong baboy ni Ate Maria," "Let's go! Let's go!" "Eat with utt tita Danda!" With four people pushing her behind, ano pa ang magagawa ni Onyx?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD