Chapter 1: Gumagalang Espiritu

1775 Words
Tahimik na naglakad si Onyx patungo sa pintuan ng kanyang condo unit. Tatlong taon na rin s'yang nakatira doon simula nang magdesisyon s'yang mag-aral at i-pursue ang kagustuhan n'yang maging fashion designer. That's why she decided to take up Bachelor of Fine Arts in Fashion Design here in Paris, France. Sumilip sa labas ng mataas na gusali ang dalaga. Nasa pinakataas na bahagi ng condominium ang unit n'ya kung saan naroon ang dalawang pinakamalawak na unit. Makikita doon kung gaano kaganda ang Paris lalo na sa gabi. Dahil may nagmamay-ari na sa Penthouse nitong naturang condominium, ito na lang ang nabili ng nakatatanda n'yang kapatid. Iniregalo ng kuya n'ya sa kanya ang unit noong malaman nitong sa Paris na s'ya mag-aaral at maninirahan ng matagal-tagal na panahon. "Bojouw Madmoswel!" Napakunot-noo ang dalaga at kaagad na huminto sa paglalakad. Hindi dahil nairita s'ya sa ginawang pagtawag sa kanya kundi dahil sa base ng tinig ng bulol na nagsasalita, alam ng dalaga na bata ang bumati sa kanya. Siya ba ang tinatawag na Mademoiselle sa bulol na paraan? O baka naman guni-guni niya lang? Para masiguro kung tama nga ang nasa isipan ay lumingon si Onyx sa pinanggalingan ng boses. At hindi nga nagkamali ang kanyang pandinig. Bata talaga ang bumati sa kanya. Kumurap-kurap ang dalaga. 20-20 naman ang vision n'ya kaya nakakasiguro s'yang bata nga ang nasa kabilang pintuan ng unit. May dala-dala pa itong teddy bear na kulay pink. Sa tatlong taon na pamamalagi niya sa naturang unit, ngayon lang niya nakita ang batang nakatitig ng matiim sa kanya ng mga sandaling iyon. Bakit may batang pakalat-kalat sa pinakataas na palapag nitong condominium? Anak ba ito ng may-ari ng kabilang unit? "Tyanak ba 'to? Bakit bulol? at ang gandang tiyanak naman?" mahinang bulong ng dalaga na narinig pala ng bata. "O pagala-galang espiritu?" dagdag na anas pa ng dalaga sa sarili. Nanlalaki ang mga mata ng batang babae. Kitang-kita ang saya sa mukha nito noong tumakbo palapit sa dalaga. Dahan-dahan namang umatras ang dalaga. 'Hey, hey, hey. Hindi ako esperitista okay?' "You speak tegeleg?!" Excited na tanong ng batang babae. Namimilog ang mga mata at kitang-kita ang saya sa maamo at maganda nitong mukha. "Oh, espiritu ka ba ng batang Pinoy na pagala-gala dito sa condominium?" excited rin na tanong ni Onyx. Excited siyang makakita ng multo o kaluluwang pagala-gala. Childhood dream niya ang maka-encounter ng isa. "Hehe," ang sarap sa tenga ng tawa ng bata "I'm not a wandewing spiwit! I'm Wiwy and I'm thwee yewht owd!" Imwenestra pa nito sa dalaga ang kanang kamay. Nakabukas ang tatlong daliri habang nakasarado naman ang dalawa pa. Saglit na natahimik si Onyx. Pilit niyang iniintindi ang bulol na pananalita ng bagets. "Oh, mas masaya sana kung espiritu ka nga. Atleast, maipagmamayabang ko sa amin na may talent ako sa pakikipag-usap sa mga espiritu," ani Onyx na sa tonong may bahid ng panghihinayang. At dahil nalaman ni Onyx na normal naman ang cute na cute na batang babae na nasa harapan n'ya kahit na bulol pa ito, tinalikuran n'ya na ito at nagtungo na sa unit n'ya. Wala s'yang panahon para mag-alaga ng bata. Masyado s'yang napagod sa ginawang evaluation sa kanila kanina buong maghapon sa university. Ang gusto na lang gawin ng dalaga ngayon ay ang humilata at matulog. "Saan ka nakatira?" Tanong ng dalaga sa batang mas nauuna pa sa kanya sa paglalakad. "Thewe!" Malakas at mabilis na sagot ng batang babae. Muntik ng mapatalon sa gulat si Onyx dahil sa boses ng bata na tila nakalulon ng microphone. Hindi naman sa pagiging oa, pero nabigla talaga s'ya dahil sa malakas na sigaw ng batang babae. Sinundan ni Onyx ng tingin ang kamay nitong nakaunat habang itinuturo ang kabilang unit. "Where's your parents? Bakit pakalat-kalat ka?" Kahit na ayaw sanang pansinin ni Onyx ang bata, hindi n'ya mapigilang ma-curious. Sobrang ganda nito at daldal. Bukod pa doon, hindi rin siya nito tinantanan. "No mommy. And daddy's oways bity at wowhk," kaswal na sagot ng bata. Nagkibit-balikat pa ito. "Ganoon ba? Bakit hindi mo na lang kaya ibenta ang daddy mo at bumili ka na lang ng bago?" Seryoso ang boses ni Onyx nang itanong iyon. Gusto niyang makita ang reaksyon na ibinigay pa ng bagets. "No! A tant do that. A wab daddy!" anito sa seryosong-seryoso na tinig. Hindi na ito inasar pa ng dalaga. Noong pumasok s'ya sa loob ng sariling unit ay mabilis ding sumunod papasok ang bata. Hindi n'ya maintindihan kung bakit parang close na close ang pakiramdam nito sa kanya. Ni hindi man lang ba naisip ng batang ito na baka kidnapper s'ya o isang masamang nilalang? "Wow! Youw houte ittow nice!" Puri pa ng bata. Hindi malaman kung saan nito unang ipapaling ang ulo. Inilibot ni Onyx ang paningin sa sarili n'yang unit. Ito ang unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon na may ibang taong pumasok sa loob ng unit n'ya bukod sa kanyang kapatid at mga magulang. Ito rin ang unang beses na may pumuri sa bahay n'ya. Hindi naman talaga s'ya ang nag-ayos noon. Ganoon na ang ayos ng condo unit noong dumating s'ya at dahil naging sobrang busy s'ya sa school, nakalimutan na n'yang ipaayos pa. Tutal maganda naman ang pagkakaayos although punong-puno ng pink ang kapaligiran, okay na rin altleast, refreshing. Lalong-lalo na ang cherry blossom designs sa pinaka-sala n'ya. Maging ang kulay ng pader at ang pinta ng mga cherry blossoms petal na dinadala ng hangin ay ang ganda ring pagmasdan. "Do you live with youw pawents?" Curious na tanong pa ng bata. "Nope. I'm alone," mabilis na sagot ni Onyx. Hindi rin naman maunawaan ng dalaga kung bakit hindi n'ya maipagtabuyan ang bata paalis to the point na sinasagot n'ya pa ang bawat inquiries nito. Parang nami-miss n'ya rin ang may makausap kaya naman pinapabayaan niya na lang na tumambay pa ito sa unit niya. Saka nakikita n'ya rin dito ang makulit n'yang inaanak na si Rin. Kaya siguro deep inside, ayaw n'yang umalis muna itong magandang bata. "You'we not feewing tad?" Now that the kid ask that question, parang bigla tuloy s'yang na-homesick. "You know am oways wooking at you when you do out and toming back hewe. You'we oways awone. A'm feewing tad fow you that's why a vitited you today," seryosong sabi pa ng bata. The child's big and clear eyes are looking straight into Onyx's eyes. Hindi nito alintana ang bulol nitong pananalita. Sa edad na tatlong taon, bulol pa rin magsalita ang bata. Usually kapag mga ganoong taon na ang bata lalo na ang mga batang babae, matatas na t dapat magsalita, hindi ba? Pero iba-iba naman talaga ang mga bata. Hindi na lang pinansin ng dalaga ang kapintasan nito. Wala naman siyang problema sa pag-iintindi dito dahil ang bunso niyang kapatid, ang tagal-tagal ding bulol noon. Halos limang taon na noong matutong magsalita ng tuwid ang kapatid niyang bunsong lalaki. At sa sobrang daldal ng batang intruder, hindi magdududa si Onyx kung sabihin man sa kanya na ipinaglihi ito ng sarili nitong ina kay Aling Marites or kung kamag-anak man nito si Aling Marites. "Tsitsismis ka lang no?" Nakataas ang kilay na tanong ni Onyx. Tinitigan n'ya ng matagal ang bata. Nagkatitigan sila. Ngumiti ng malawak ang bata. "Nope! A dutt think that you'we pwetty and maybe you want a tompanion as pwetty as you," Onyx mouth twitch. Naiintindihan niya ang bata kahit na pabulol-bulol ito sa mga salitang may 'c', 'k', at 'l'. Kung sino man ang magulang ng batang ito, gustong-gusto n'ya na talagang bigyan ng isang umaatikabong round of applause. Ibig ba nitong sabihin, magkasingganda sila? Hindi na tuloy mapigilan ni Onyx ang mapangiti ng malawak. Hindi na n'ya mapigilan ang sariling mahulog sa mga pang-uuto ng bubwit. "Hmm," naupo ng pa-indian seat si Onyx. Paharap sa bata. "Umamin ka. " Seryoso n'yang sabi. "Anak ka ba ng sindikato? Nagpunta ka ba dito para kidnapin ako?" Nakipagtitigan naman ang bata sa dalaga. The younger one look at the older one habang nakatabingi ang ulo. She's so cute while doing that. Hindi tuloy mapigilan ni Onyx ang mapahalakhak. This little lady is so funny and witty! "Tidnap? A'm doing to tidnap you?" maang na tanong ng bata na parang noon lang narinig ang salitang 'kidnap'. Nangingiting hinaplos ng dalaga ang kunot sa noo ng magandang bata. Kaninong anak ba 'to? She's so adorable! "Yeah. You might. In the first place, I'm so pretty," seryosong sabi ni Onyx. She's not bragging though. Maganda naman talaga s'ya. Naghahalo ang Pilipino-Spanish blood ng dalaga. Matangos ang tila inukit n'yang ilong, manipis ang mala-makopa n'yang mga labi. Namumungay ang bilugan at tila nangungusap n'yang mga mata at natural ang tila alagang salon na mga kilay n'yang makakapal at maganda ang korte. Itim ang kulay ng buhok nang dalaga pero ang ilalim ay pinakulayan n'ya ng pula, ganoon din ang laylayan noon. It enhance her fair complexion even more. "B-but. A don't want to tidnap you. A want you to be my mom!" Bulalas ng bata na muntik ng ikahulog ni Onyx sa kinauupuan n'ya. "Why? Where's your mom?" Napapakamot na lang sa ulong tanong ng dalaga. Pareho sigurong busy ang mga magulang nito kaya sa ibang tao naghahanap ng atensyon. "No mom. But ahab a hantsam dad. You wiwike him." excited na bulalas nito. Matiim na tinitigan ni Onyx ang bata. "Really? But I don't want a husband. What if, I adopt you na lang? I'm living here alone naman. I can cook, I can clean and maybe I'll learn how to take care you, so don't worry, " Nagyuko ng ulo ang bata. Kitang-kita ng dalaga noong biglang gumuhit ang lungkot sa mukha ni Lily. "You don't wike a hatban?" mahinang anas ng bata sa patanong na tono. "But A tannot abandon dad or elwte the othert will teyt him away. He don't know how to dudge a perton," umiling-iling pa ang bata na para bang kinakausap ang sarili n'ya. Naa-amuse na tinitigan ni Onyx ang bata. Her father doesn't know how to judge a person? And she's afraid that someone will take him away? Kahit saang anggulo n'ya tingnan, she's clearly a three or four years old kid! Pero bakit para s'yang matanda kung magsalita, even though she's bulol, ang lalim na ng mga alam niya. "If you tan't be my mom, tan you be my fwend?" nagtaas ng paningin ang bata at punong-puno ng pag-aasam ang inosente n'yang mga mata. Napangiti na lang si Onyx. Parang ang hirap namang tanggihan ng bagets na kaharap niya, lalo pa at naka-puppy eyes. Anyway, wala namang dahilan para tanggihan n'ya ang munting hiling ng magandang bata hindi ba? "Sure!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD