Kanina pa kami lakad ng lakad, hindi ko nga alam kung nakaliang kanto na kami eh at di na nga namin alam kung nasaan na kami ngayon. Ewan ko kung mansyon ba talaga tong naratingan namin o haunted house? di ko na nilingon eh. Nakaupo lang kami sa tabi nang gate nang mansyon na toh. Hayyy, nakakapagod kaya.
Gabi na din, dito muna kami magpapalipas. Buti na lang wala nang sakit si Mama. Nagamot na siya at malakas na din ang kalusugan niya.
"URGH!!! kainis!! signal nasaan ka na?!"
napalingon na lang ako dun sa nagsalita kung sino ba yun. Natutulog na kasi sina Mama at Donna ang ingay ingay.
Si.. Si Kira...
Galit na galit siya sa cellphone niya, dinudutdot na nga niya eh. Namumutla parin siya hanggang ngayon. Bigla naman siyang napaupo at napahawak sa dibdib niya. Seryoso? anong nangyayari sa kanya?
"Ah!" bigla kong daing. Aray. ang sakit. Bwiset na bubog toh. Ha?! Bubog?! Putengene, good timing eh.
Nasugatan ako. Bigla namang napatingin sa kinalalagyan namin si Kira ng marinig niya ata yung daing ko.
"De-Dean?!" takha niyang tanong.
Tsk. nakakahiya tong pwesto ko. Nakaupo ako habang sina Donna At Mama na natutulog ay nakaunan sa hita ko. Seryoso? Pwede na ba akong tanggalan ng korona for being Heather? Hayyy. Humanda sakin tong babaeng toh kapag nalaman kong pinagkalat niyang nakita niya ako ngayong gabi, putangina hindi kita kilala!!
"Anong ginagawa niyo dyan?!" tanong niya. Tumayo naman siya sa pagkaka upo niya atsaka lumapit sa pwesto namin. Tangina layuan mo ko, nakakatakot ka.
KIRA'S POV.
Hay naku, bakit ba walang signal tong cellphone ko. Tatawagan ko sana sina Mama. Nanghihina na naman ako eh.
Lumabas ako sa bahay. Wala paring signal kaya lumabas na talaga ako nang gate.
"URGH!!! Kainis!! signal nasaan ka na ba?!" Dinutdot ko nang dinutdot yung cellphone ko. Naaasar na talaga ako. Bugnutin pa naman ako.
Napaupo na lang ako atsaka napahawak sa dibdib ko. Bakit... parang... humihinto na yung pagtibok ng puso ko? Mamamatay na ba ko?
Maya maya pa ay may naamoy ako at may narinig na "Ah!" ang sarap nung naaamoy ko... paglingon ko sa likod ko, nakita ko si.
"De-Dean?!"
Naka freez lang siya. Teka? Bakit sila nandiyan?
"Anong ginagawa niyo dyan?!" tanong ko sabay lumapit ako sa kanila. Nakahiga sina Donna at Tita sa hita ni Dean. Habang lumalapit ako sa kanila, napayuko naman si Dean. Bakit siya yumuko? Wag mong sabihin nakatulog na agad siya?
"Kira?!" bigla na lang nagising si Donna tapos bumangon na siya. Omo!! Beshy!!
"Dito ka ba nakatira?!" tanong ni Donna sabay turo sa bahay namin.
"Yes. Bakit kayo dyan natutulog. Tara, pasok kayo sa bahay," sabi ko atsaka tumayo.
"No!" pagpigil naman ni Dean habang nakayuko parin.
"Don't worry Dean. Hindi ko to ginagawa para sayo. Para to kay Donna, kaibigan ko naman siya kaya pwede ko siyang tulungan. Papasok kayo sa loob o papasok kayo sa loob?!"
"NO!" pagpupumilit ni Dean. Putengene din ng pwet niyo noh? Nakakainis siya.
"Wala sa choices yun. at baka mamaya mapaano si Tita Denis. Mag kasakit ulit yan," napatingin naman si Dean kay Tita na unti unti na ding nagigising. Nagdadalawang isip pa ata. Napahawak naman ulit ako sa may dibdib ko kung saan katapat ng puso ko. Bakit... parang... ang hirap huminga?
Di ko na kaya, umaatake na naman tong uhaw ko. Grabe, ilang pitchel ba kelangan ko?! Maliban sa nauuhaw ako.. para akong nahihirapang huminga...
Hanggang sa nalaman ko na lang na nakahiga na ako sa lupa habang tinatawag nina Donna ang pangalan ko.
+++
"Baka bukas pa siya magising," rinig kong sabi ni Donna.
"Oo nga. Tara na," Sabi naman ni Dean.
Iminulat ko ng kaunti ang mata ko at nakita kong nakatalikod na silang tatlo sakin at handa ng umalis. Bago sila makaalis, may nahawakan akong kamay. Di ko alam kung kanino, nakapikit pa kasi ako.
"Wait lang... wag muna kayong umalis..." matamlay ko paring sabi, pagmulat ko nang mga mata ko. kamay pala ni Dean ang hawak ko. Tapos nakita ko sina tita at Donna na parang kinikilig pa sa paghawak ko kay Dean. Aneung nengyeyere kina Tita at Donna? Para silang naiihi =_____=
"Dito na kayo matulog..." dagdag ko sabay bitaw kay Dean at umupo sa kama.
"No Thanks," sagot agad ni Dean. Putangina din nentong lalaking toh eh!! Ang sarap ihagis sa kanya nitong lamp shade na nasa tabi ko.
"Teka, bakit nga pala kayo sa labas ng bahay namin nakatambay?!"
"HOY! di kami nakatambay. at malay ba naming sa inyo nga pala toh," sabi naman ni Dean na mukhang naaasar na naman. Hehehe, bakit ang cute cute niyang maasar.
Teka... bakit ba niya laging tinatanggihan yung mga tulong na ibinibigay ko? Ang sama niya. Nag aalala lang naman ako eh.
"Wala na kasi kaming bahay..." malungkot na sabi ni Donna habang nakayuko siya. TIGNAN MO WALA NA SILANG BAHAY!!! TAPOS ETONG SI DEAN ANG SARAP DALHIN SA MANILA ZOO!! MAGKITA KITA SILA DUN NG MGA KAURI NIYANG UNGGOY!!
"You can stay here! tutal wala naman akong kasama dito sa bahay," Masaya kong sabi. Tangina malaking biyaya yung pagtira dito sa bahay ko!!
"Wala kang kasama dito ija?!" takang tanong ni Tita Denis. Omo, keneusep ako ni Tita. Ferst Teym toh!!
"Wala po, once a month lang po pumupunta dito sina Mama." sabi ko.
"NO!" biglang sigaw ni Dean. 'No' lang ba alam na english ni Dean? Nakakaurat na siya. Ihahampas ko na talaga tong lamp shade sa kanya.
"I don't need your opinion Dean. Tita Denis, sige na po. Bayad niyo na po sakin toh para sa pagpapagamot ko sa inyo," pagmamakaawa ko pa atsaka pa ako nagbeautiful eyes. WAG KAYO MAGANDA MATA KO!
Nagkatinginan naman silang tatlo ni Donna. Ayt? Nag uusap sila sa isip? Aliens?
"OKY! FINE!" biglang sigaw ni Dean, oh sya na may sabi. Hehehehe.
"YEHEY!!" masigla kong sabi, sabay yakap kay Dean na nakatayo sa tabi nang kama ko. Nang tignan ko sina Donna, nakangiti na naman ng wagas.
Hinawakan naman ni Dean ang ulo ko at itinulak papalayo sa kanya
"I told you na wag mo kong yayakapin," Cold na sabi ni Dean. Tangina mo.
"Tsss..." pang aasar ko
"Stop, you copying my line," Irita nyang sabi. Tang ina mo talaga sagad.
"Tss..." sinamaan niya naman ako nang tingin, ano bayan. Imbes na malusaw ako na tingin niya natatakot ako.
"EHEM!" biglang ubo ni Tita Denis, kaya napatingin na lang ako kay tita.
"Ammm... tita mag usap na lang po kayo kung sino ang kasama ko dito. Ang guest room po kasi ay dalawang tao lang ang kasya. Malaki naman po ang kama ko kaya pwede din po dito yung isa," paliwanag ko. Hehehehe, tumingin naman ako kay Donna na nakangiti atsaka pa niya ako kinindatan.
"Sige.. salamat Mam Kira," nagulat naman ako sa sinagot ni Tita. Omo, bakit MAM tawag niya sakin? Para namang nayayabangan ako sa sarili ko.
"Tita, don't call me that way. Just call me Kira," sabi ko atsaka naman ako nginitian lang ni Tita bilang sagot.
"Dalhin niyo na din po ang mga gamit niyo. You'll stay here for a while," sabi ko.
"Per---"
"No Buts!" sabi ko ng mukhang aangal pa ata si Tita.
"Okay,"
DEAN'S POV.
Langya. ang kulit talaga nang babaeng yun. Nakakabwiset. Ihagis ko yun sa antartica eh!!
Papunta na kami ngayon dun sa dulo kung nasaan daw yung guest room.
Edi sila na mayaman. Tanginang sagad nung babaeng yun, ayaw ko talaga ng buhay mayaman eh. Naaalala ko tatay kong bwiset.
Nasa may tapat na kami ng guest room at pagpasok namin, ang ganda nang kulay nung kwarto. Light Blue. ang linis.
Sina Mama at Donna naman ay nakahiga na agad sa kama.
"So, sinong kasama ni kulet dun?!" tanong ko. nagkatinginan muna sila ng sabay atsaka tumingin sakin na nakangiti pa habang nasa pinto palang ako.
"Te-teka---" natatakot kong sabi.
+++
Papunta na naman ako nang kwarto ni Kira. ano ba?! kakatok ba ko o kakatok ako?!
Putanginang sagad... nagagaya ko na si KIRA.
Minimini may ni mo?
YES or yes?!
ano ba?! no choice nga kasi. nakakainis naman kasi to sina Mama eh.
FLASHBACK
"Te-teka---"
"Anak, sige na. Ikaw na lang dun," sabi ni Mama.
"Bakit ako?! pwede namang si Donna na lang. kaibigan niya naman yun,"
"Sige na, si Donna na lang ang magbabantay sakin. si Kira na lang ang bantayan mo. baka mamaya kung ano na namang mangyari dun," sabi ni Mama na parang may point. PERO AYAW KO!!
"MA!!"
"Bilisan mo na!! alis! tsupi!" sabi ni Mama sabay tulak sakin palabas ng guest room at nilock pa talaga nila ang pinto.
END OF FLASHBACK
Kumatok na na naman ako.
*TOK*TOK*TOK*
"Saglit lang Donna!!" Hala akala niya ata si Donna ang kasama niya. Gusto ko sanang tumakbo na habang di pa binubuksan ni Kira kaso parang nakapako na ko eh. Ayaw talaga gumalaw ng mga paa ko. plsss naman makisama kayo. gumalaw kayo, kaso ayaw parin eh, kaya wala na ko nagawa. Tang ina sagad.
"Donn---DEAN?!" gulat niyang tanong, napayuko na lang naman ako.
"Ta-tara! pasok ka,"
sabi ko nga diba?! di parin ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Teka? Bakit para akong nastroke?
"Ano?! papasok ka o papasok ka?!" grabe talaga magtanong tong babaeng toh. Tangina sagad talaga.
"Hali ka na! nahihiya pa eh," sabay hila sakin. Nagulat naman ako kaya medyo napilipit yung paa ko kaya natumaba ako kasama si Kira.
Nakapatong na naman ako sa kanya. at magkatitigan kami ngayon.
"Ano?! gusto mo ganto tayo matulog?!" tanong niya bigla kaya naman akong natauhan at tumayo na. Tangina sabi na may pagnanasa sakin tong babaeng toh eh.
"BALIW!" sigaw ko. Delikado pala ako sa babaeng toh.
"Oh yan. nagsalita din," sabi niya. Teka? Akala niya hindi ako nagsasalita? dumiretso na lang ako dun Sa kama niya at nahiga na. Inaatok na ko eh.
"Naks! nauna pa talaga sa may ari ha."
"Inaantok na ko," Sabi ko.
"Pano ba yan. eh manonood pa ko nang TV,"
"Edi manood ka!! HANAPIN MO SA GOOGLE PAKE KO!!" sabi ko sabay takip ng kumot. Bwiset, bakit ba lagi na lang kumukulo dugo ko sa babaeng toh? Parang gusto kong pumatay kapag nakikita ko siya. Feeling ko nabbwiset agad buong araw ko kapag kasama ko siya.
Binuksan niya naman yung flat screen TV sa tapat ng kama niya. Tangina kaya ko nalaman na nabuksan yung TV kasi biglang tumunog kaya wag kayong magtaka.
Napasilip naman ako. Naka Sky cable. Bigla naman niyang inilipat yung chanel.
May channel bang M?! ang alam ko lang kasi GMA, ABS-CBN at TV5. Tangina saang planeta naka-connect yung TV nila?
*Korean Speaking on TV*
Naiintindihan ba niya yan?! Sinasabi ko na tama hinala ko... alien tong babaeng toh eh.
"Kala ko ba inaantok ka na?!" sabi ni Kira at napatingin ako sa kanya. Tinanggal ko na naman ang kumot na nakaharang sa mukha ko.
"Ang ingay ng TV eh!" pagkakaila ko. Naccurious talaga ako sa papanoodin niya sa Channel na M na toh eh, Mamaya p**n site toh bagong kaalaman.
"Ahhhh!!!" sigaw niya. Ang landi! Bakit ba siya sumisigaw? Kala mo naman inaano---?
"IKON!" sabi nung nasa TV. ano? Icon? Yun ba yung nasa cellphone? yung mga icons?
"Ahh IKON!!" sigaw ni Kira.
"HOY!" saway ko sa kanya. "Ano?!" tanong naman niya. Seryoso ba siya? Bakit ba siya nasigaw? Kala mo naman nakikita niya yung pagmumukha kong gwapo ko sa TV.
"Quiet! nanonood ako. Ano ba!" sabi ko.
" We gon get it pop it
we gon we gon get it pop it
igeon geunyang noraeniggan rideum ta
(Bounce) rideum ta
(Bounce) rideum ta
(Bounce) rideum ta
igeon geunyang noraeniggan rideum ta"
Tangina sabi na alien tong babaeng toh, ano bang lenguwahe yun? BOUNCE lang naintindihan ko.
"Ayan si B.I ang leader nila," sabi ni Kira. Putengene, sarap niyang sampalin ng mapa!! HANAPIN MO DUN PAKE KO KIRA MAE YIEN!! PUTAH NAKAKABWISET NA! ang daldal niya naman. Ayaw na lang manood. maya maya nung iba na yung lumabas na nagpeperform, nagsisisigaw ulit siya. Kelan ba sya TATAHIMIK?!
"Ahh! JINHWAN! Bias ko! Jinhwan,"
Seryoso? Ano yung BIAS? bawat na lang taong nalabas ipinapakilala niya sakin. Solo ko na nga eh.
Si Bobby, yung rapper na pangalawang Bias nya daw. Tapos yung member na sina Junhoe, B.I, Yunhyung, Donghyuk, at Jinhwan. Putah, mga tao din pala yun. Kala ko alien.
" igeon geunyang noraeniggan rideum ta,"
hay, natapos na din. Napatingin naman ako kay Kira, hinihingal siya habang nakahawak sa may dibdib niya. Yan napala nang masyadong OVER CHEER..
"Nauuhaw ako...." biglang niyang sabi.
"Dami mo kasing nakaing cheer sa iKON eh.. nabulunan ka na ba?!" hindi naman niya ako pinansin.
Ngayon ay namumutla na siya. Kakaiba dahil naging red yung mga mata niya.
"Dean, Nauuhaw talaga ako.. tubig,"
"Ako pa talaga ha, pasalamat ka may natatago pa kong bait sayo," pag dadabog ko. May utusan talaga eh noh!
Bumaba agad ako at kumuha nang isang pitchel at isang baso.
Pagpasok ko naman sa kwarto nya, sobrang putla na nya, parang BANGKAY! JOKE! pero seryoso, mukhang malapit na siyang mamatay. Sige na, mamatay ka na!! KUNIN MO NA TOH LORD!!
ibinigay ko naman agad yung baso na may tubig. Naubos naman niya agad yung isang punong baso?!
"Isa pa..." nilagyan ko naman ulit. Grabe naman sya, isang lunukan nya lang yung tubig.
"Isa pa!" sabi niya, di ko na nilagyan pa nang laman yung baso nya at binigay ko na lang yung malaking pitchel. Putah, paghumingi pa siya ihahagis ko na siya dun sa water dam.
Nakatitig lang ako sa kanya habang iniinom yung laman ng malaking pitchel
"Isa pa..."
tangina sagad.
"ANO?!" naubos na nga nya yung isang malaking pitchel tapos ISA PA?!
"Sabi ko... ISA PA!" sigaw niya.
"Pumunta ka na lang sa MAYNILAD. Dun kahit gaanong tubig ang gusto mo, oky lang. Dam na bayang tyan mo. Grabe ka makatubig ah!"
"BILIS!!" sigaw niya sabay tumingin sya sakin. Dark Red na yung mata nya. Wala na naman akong nagawa atsaka na lumabas ng kwarto niya at bumaba papuntang kusina. Pagbaba ko, may nakita akong lalaki sa kusina. wow, di na lang pala ako ang lalaki sa pamamahay na toh. Teka? Taga dito ba siya?
"Eto yung ipainom mo," sabi niya atsaka siya humarap sakin pero nakahoddy siya at nakayuko kaya hindi ko makita ang pagmumukha niya. Inaabot niya naman sakin yung itim na bote. Di ko naman malaman kung anong laman dahil sa itim nga yung bote.
"Ano toh?! LASON?!" taka kong tanong. Naninigurado lang. Hehehe, para sigurado ko na kapag mamamatay na ba ngayon yung babaeng yun.
"Try mo!!!"
"ULO!! di ako Tanga, teka sino ka ba?!" baka mamaya, magnanakaw pala tong lalaking toh makulong pa ko kasi mapagkamalan akong kasabwat.
"Wala ka na dun. Bilisan mo, nagagalit na sya,"
"PUTANG INA MO SAGAD DEAN!!!!"
Nai, nagwawala na sa taas yung halimaw.
Pagtaas ko, inaabot ko naman agad kay Kira yung itim na bote. Taena, pano kung lason nga yun?! patay ako nento eh. nagpauto kasi ako. Hayaan mo na nga, basta wala akong kinalaman diyan. Hindi ko kilala tong babaeng toh, pinilit niya lang kaming makitulog dito sa pamamahay niyang walang kalaman laman.
Nang maubos na naman niya yung nasa bote ay Medyo di na sya namumutla at mukhang sarap na sarap pa siya sa iniinom nya. pumunta na ko sa kabilang side nang kama para matulog.
(Now playing Coffee by BTS)
" Baby baby geudaeneun caramel macchiato
Yeojeonhi nae ipgaen geudae hyanggi dalkomhae
Baby baby tonight,"
Wah!! inaantok na ko. okay yung kanta, nakakaantok kahit nakakagago yung lyrics. Hindi ko maintindihan.
Si Kira ay nakahiga na din at kalamado na habang nanonood nung nakakaantok na kanta.
Kakaiba talaga mag PATAY MALISYA tong babaeng toh, parang wala talagang nangyari sa kanya.
hay naku... makatulog na nga.
ZzZzZzZzZzZz, Tang ina tulog na talaga ako wag kayong ano nananaginip na ko!!!
3RD PERSON POV.
"Nag uumpisa na ang mga sintomas. Magiging bampira na sya Nicole," sabi nang lalaking nagbigay kanina kay Dean ng itim na bote.
"Hayaan muna natin siyang magpakasaya sa Human Life niya... Natatakot ako na baka di nya matanggap Renz," sabi ni Nicole sabay tingin sa asawang si Renz.
Lumapit naman si Renz kay Nicole at niyakap ito.
"Di naman natin siya bibiglain, at diba lumaki siyang gustong gusto ang mga bampira?! kaya madali lang yun... maiintindihan naman natin siya kung hindi niya tanggap, wala naman syang magagawa."
"Sana matanggap niya Renz, sana. Siya lang ang pag asa nang bayan na magtatanggol sa kanila kay Dee," dagdag ni Nicole.
"Tayo muna ang pag asa nila habang hindi pa karapat dapat si Kira na maging prinsesa.... kaya natin toh, kaya natin si Dee, Nicole..." di na naman sumagot pa si Nicole at naniwala na lang sa sinabi nang asawa.
DEAN POV.
"Pst. wag kang maingay ma! ayaan muna natin silang matulog,"
Putah, sino yung narinig ko na yun? Atsaka... bakit parang ang bigat ng buong katawan ko?
"Oh sige, napicturan mo na ba?!"
"Oo ma!"
Bigla may nagflash na ilaw. Ano bayan! umaga na pala, minulat ko yung mata ko dahan dahan.
Di ako makagalaw, parang may nakabalot sakin. Parang may...
sabi na eh. nakadantay at nakayapos sakin si Kira. Yung braso niyang nakayakap sakin ay nakaipit sa braso ko. Putengene.
Nakita ko naman sina Mama at Donna na mukhang binabalisawsaw. Tangina, ano na namang iniisip ng mga toh?
Bigla na lang akong natauhan sa pwesto namin kaya napabalikwas ako nang bangon.. Bwiset na Kira toh! nangyayakap!
"RING!! RING!!"
"Ano ba.. ang ingay eh!" sigaw ni Kira, tapos sila Mama nakangiti parin hanggang ngayon.
"Ba't di nyo agad kami ginising?! kanina pa ba kayo dyan?!" tanong ko agad.
"Ahh Hindi! hindi! ka---"
"Kakapasok lang namin anak ng magising ka.. wala! wala kaming nakita," sabi ni Mama.
"GOOD!" Sabi ko sabay tumawa ulit sina Mama at Donna. Tangina, ginagago nila ako eh. Alam ko namang nakita nila.
Taena, bakit ba kasi siya yumakap tapos nakadantay pa. Ang likot niya namang matulog!!
"Ammm.... magluluto na ko, sige maghanda na kayo para pumasok," sabi ni Mama at umalis na kasama si Donna na tutulong din daw sa paghahanda nang agahan.
"HOY! KULET! GISING NA!!!"
"Ano ba! 30 minutes palang ako nakakatulog," sabi niya. Tangina niloloko niya ba ko?
"Anong oras ka ba nakatulog?!" di ko na kasi namalayan kung anong oras na siyang nakatulog. Nauna pa nga ako nakatulog sa kanya eh.
"Mga... 1:47," Inaantok niya pang sabi.
"Oh. mahaba na pala yang tulog mo. Tara na, bangon na dyan," sabi ko sabay hila sa kanya. Aba aba, hihiga pa! napayakap tuloy ako sa kanya, hihiga pa syia eh late na nga.
Bigla namang natawa ngahima si Kira. Takte, nababaliw na siya.
"Bakit ka naman dyan natawa?!"
"Sabi mo wag kitang yakapin.. gusto mo pala ikaw ang mag yakap sakin...... okay," matamlay parin nyang sabi habang nakangiti. Bigla ko na naman siya binitawan at nakaupo na sya habang nakayuko. Tang inumin mo!! MAMATAY KA NA!!
"Gising ka na pala.. tara na! late na tayo eh! may gana ka pa mang asar!"
"Haha... sige susunod na ko.." sabi niya.
KIRA'S POV.
Ano bayan. Ang aga aga naman. Wala pa sa kalahati nang paggising ko yung pagtulog ko
Dumiretso na ko sa banyo nang kwarto ko habang nagkakamot ng ulo. Inaantok pa kasi ako, nakakainis.
Pagpasok ko, umupo agad ako sa bowl habang nakapikit parin...
+++
"Hoy kulet! bilisan mo naman dyan sa CR!!" narinig kong sigaw ni Dean kaya natauhan ako. Hala! nakatulog pala ko dito habang nakaupo sa bowl.
"PUTANGINA PATAY KA NA BA DIYAN?"
"TANGINA MOMG UNGGOY KA ang ingay mo!!" sigaw ko naman sa kanya.
"Natutulog ka ba dyan?!"
"Ah... ano... hi-hindi.. hindi ah... ginising mo na nga ako kaya ayan, nagising ako dito na natutulog sa CR!"
"Ano?!" naku, buti di njya narinig. Utot naman kasi ako, kung anong mga pinagsasasabi ko. Takte, nakatulog pala ako ~T_T~
"Ah wala! ang sabi ko OO, teka. Palabas na ko," pagkakaila ko naman.
"Bilisan mo! nakabihis na kaya kami ni Noona, ikaw na lang hinihintay!"
WHAT?! ang bilis nman nila. Teka? Anong oras na ba simula nung makatulog ako?
"30 minutes na lang, magkaklase na. Kaya Bilisan mo na dyan!" sigaw niya. What?! ganun na ba ko katagal nakatulog?! kanina nang pumasok ako dito sa CR 6:30, tapos ang klase 8:00.
What the... 1 hour and 30 minutes ako natulog dito?! naligo na ko nang sobrang bilis at nagbihis na din.
Pagbaba ko, wala na si Dean. Si Donna na lang yung nandoon sa baba.
"Asaan si Dean?!"
"Umalis na eh. May pupuntahan daw siya,"
"Tara na!" sabi ko na nagmamadali na at lumabas na kami sabay pasok agad sa Ferrari ko.
Nagdrive na naman ako nang sobrang bilis, yung parang wala nang bukas kaya nakarating naman kami kaagad ni Donna sa tamang oras dun sa first class namin.
Pagpasok namin, wala dun si Dean. Teka, saan ba yun nagpunta? nag ditch class kaya siya?!
DEAN'S POV.
Putcha! ang hirap naman nento. Kanina pa ko hanap ng hanap ng trabaho para makaalis na agad kami dun sa pamamahay ni Kulet. Kung ano anong nakikita ko dun.
Red and dark red eyes, lalaking basta basta na lang sumusulpot. Tapos si Kulet na nainom yung isang malaking pitchel. At yung malala, kaninang umaga, nakayapos siya sakin at nakadantay pa!
Baka bukas niyan, ako na ang nakayapos sa kanya.
Naglalakad ako habang paypay paypay yung hawak kong resume ko.. Wohh!! ang init, masyado na tuloy akong HOT! napatigil muna ko, pagod na ko eh tapos ang init init pa.
Maya maya, may nakabangga sakin. Ang laki laki kong nilalang tapos babanggain ako? Tangina sagad.
"Tumabi ka nga may nadaan kung saan saan nakatulala!" aba, siya na nga bumangga ako pasisihin! Putangina mo. Pasalamat ka mabait akong nilalang ngayom kung hindi baka nasapak na kita.
Di na niya ko pinansin pagkasabi niya nun tapos naglakad na siya nang diretso. Uh! i just wasting my time to that stupid guy. Sayang yung pagpapahinga ko kung aawayin ko pa siya. Wala sa MODE ko yan ngayon! kaya naglakad na lang ulit ako.
"ANONG KELANGAN NIYO?!" narinig kong sigaw nung babae na nanggaling dun sa likudan ko. Lumingon naman agad ako dun sa sumisigaw.
Yung lalaking bumangga sakin kanina, ngayon at inaaagaw na yung bag nung magandang babae, mukhang mayaman.
Tumakbo naman agad ako. Anak ng Trese, mapapalaban na ko nento eh.
"WAG KA NANG PUMALAG!!" sabi nung lalaki habang hawak parin yung bag ng babae. Eh putangina naman pala nito ehm
"HOY! di mo ba alam?! babae yan! tanga ka ba o bakla?!" sabi ko dun sa lalaki nung nakalapit na ko.
"Ano ba?! ikaw yung tanga, wag kang mangelam nagnanakaw ako!"
Oh! yan diba?! umamin. Kakaiba talaga kapag gwapo ka! lahat nadudulas sayo!
"Eh sira ulo ka pala eh!" sabi ko sabay suntok sa kanya. Napabitaw naman siya dun sa bag nung babae.
Bigla may tatlo pang dumating. Tapos sinugod nila ako. Nailagan ko naman agad yung mga suntok nila at Nasapak ko nman agad sila isa isa. Di pa ako nagpaawat at inisa isa ko ulit silang bugbugin.
Grabe, ang hihina naman nila. Tumakbo naman yung mga ugok. Para silang mga asong tumatakbo haha nakakatuwa silang panoorin habang natakbo.
"Mga DUWAG!!" sabi ko sabay tumingin ako dun sa babae kanina na muntik ng manakawan. Ang bata pa nang mukha niya at ang ganda pa.
"Salamat Ijo," sabi nya sakin.
Ijo?! magkasing tanda nga lang ata kami eh.
"ahh... eh... wa-wala yun," nauutal tuloy ako, nahihiya ako sakanya eh. Ang ganda niya kasi. Bigla niya naman nakuha yung papel ko na nilagay ko muna sa lupa kanina.
"Ano to?!" cute niyang tanong. Tangina, anghel ba siya?
"Ah ano.... naghahanap kasi a-ako na-nang trabaho!" nahiya na talaga ako, napaiwas yung tingin ko sa kanya at napakamot na lang sa batok.
"Oh GOOD! do you want to apply to me?"
"Ah eh... si-sige Miss," nahihiya na naman ako. Nakakainis talaga, umayos ka nga Dean.
"Just call me Mrs. Yien,"
"Hu?! M-Mrs.?!" nanay na siya?! we di nga?! Joker din sya ha!
"Yes! im a Mother," tss... JOKE pa more Miss.
"Kung ayaw mo parin maniwala sakin. Just Call me Mam na lang,"
Sige, mas okay yun.
"Okay!" oh yan, di na ko nauutal.
"Come!" sabi niya sabay papunta siya papasok dun sa pinakamalaking building sa tabi lang namin. Dito ba ko magtatrabaho?! edi wow.
Pagpasok ko, napatingin naman ako sa mga tao sa paligid, mukhang ang cocold ng mga tao dito. Nakita na nga nilang dumaan si Mam eh wala man lang 'Good Morning's?!
"Wala talagang Batian ng Good Morning dito... pinagbawal ko yan," sabi niya.
Nababasa niya ba ang nasa isip ko?!
Hay.. maya maya nandoon na kami sa madilim niyang office. Black and white ang theme.. Nakatakip yung malaki njyang mga bintana nang mga malalaki ding kurtina. Wala kang makikitang isang ilaw sa office nya. Medyo may liwanag din kasi nagkakakitaan pa kami, pagpasok na pagpasok namin ay tinanggal na niya yung itim niya shades.
Mas lalo siyang gumanda, yung kulay ng mata niya ay pitch pink. Ang ganda niya talaga, kaso may asawa na... at may anak pa!
"Come Sit!"
ano ako?! Aso?!
"Don't worry. I don't respect you as a Dog," Nababasa niya ba talaga yung nasa utak ko?! umupo na ko dun sa tapat ng table nya.
"So ako nga pala si Nicole Yien," sabi niya.
"Ako po si Dean Wolter," Tss... mas matanda kasi sya sakin, nauna pa nga mag asawa sakin eh.
"So anong gusto mo?! Nurse o bodyguard ng anak ko?!"
"Ha?!" ignorante ka naman Dean, tinatanong ka ang sagot mo ay 'HA?!'
"Nurse o bodyguard ng anak ko?!" natatawa niyang tanong.
Pag nurse ka daw, malaki ang sweldo dun. Pano kaya pag bodyguard?!
"So, pag nurse ka. 7, 500 at pag bodyguard nang anak ko ay 10, 000 at monthly ang sweldo mo, every 18," paliwanag ni Mam. Aba ang saya naman palang maging bodyguard ng anak nya.
"I know you Choose to be bodyguard of my daughter. Ano payag ka?!"
tinatanong pa ba yan?!
"Oo sige. Este, Yes mam!" diba, hindi na kelangan pang tanungin kung papayag. Oo agad, grasya yan.
"But, give me a reason first para tanggapin kita at ang bata bata mo pa, di ka na ba nag aaral?! bakit ikaw ang nagtatrabaho?! wala ka na bang mga magulang?!" sunod sunod ha! grabe siya magtanong.
Kelangan pa ba nang reason para tanggapin ka sa isang JOB?
"Yes.. for me, i need a reason, kahit one thousands reasons pa yan. Kung may kwenta naman," sabi niya, nababasa talaga niya yung nasa utak ko... manghuhula ba sya?!
"Kasi ano po..... mahirap lang kami. ngayon wala na kaming bahay kasi pinalayas na kami, ayaw ko namang humingi nang tulong kay papa kasi matagal na din ng iwan nya kami nang basta basta. Ngayon naman ay nakatira kami dun sa bahay ng isang bwiset na babae na kaibigan ng kapatid ko. Mag isa lang din siya dun sa bahay nila kaya sumige na lang din kami na tumira muna dun panandalian. Yung suswelduhin ko naman po ay ipapambayad ko dun sa uupahan namin para makaalis na kami sa bahay nayun. Madami na din kasi kaming atraso sa babaitang yun. Pinagamot na niya si Mama at pinaoperahan tapos ngayon nanunuluyan kami sa kanila,"
".. gusto ko na din po kasing makaalis dun sa bahay na yun!" sabi ko, gusto ko na talaga umalis dun eh.
"Alright, gusto mo para mas mabantayan mo pa yung anak ko dun ka na lang tumira sa bahay namin, kayo nang pamilya mo panandalian. Wala din siyang kasama dun kasi aalis na din kami bukas ng papa niya. And tomorrow, i-meet mo kami sa restaurant na isesend ko sayo. Akina yung number mo para macontact mo ko pag may kailangan ka,"
"Oh sige po, pagkatapos ko na lang po i-meet yung anak niyo atsaka kami maglilipat dun sa bahay ng anak niyo," grabe, makakalayas na din ako sa Wakas dun sa pamamahay na yun.
Binigay ko na naman yung number ko sa kanya pati siya ay binigay na din niya sakin yung number niya.
"Nga pala, may pagkamakulet yung anak ko. pagpasensyahan mo na kung makulet, pasaway at nakakainis. sa totoo lang, wala pang tumatagal na bodyguard dun sa anak ko. Napapagod na nga kami nang papa niyang maghanap ng bodyguard eh. Pero sana tumagal ka.. goodluck!"
Bakit?! ano ba yung anak nya?! halimaw?
Kaya ko toh! hay, tapos lumabas na ko.
YES! may trabaho na ko. Aalis na kami sa bahay ng bwiset na yun. Mamamatay na ko dun, kung ano anong nakikita ko sa bahay na yun. Lalo na sa kakulitan ni Kira.
Pero napapaisip parin ako dun sa sinabi ni Mam. Wala pa daw tumatagal na bodyguard sa anak nya. Hay, don't mind it Dean. Sa ngayon muna ay may trabaho ka na at yun ang mahalaga.
[CONTINUE...]