bc

Stubbornly Yours (tagalog)

book_age16+
232
FOLLOW
1K
READ
princess
student
comedy
bxg
vampire
campus
highschool
childhood crush
first love
stubborn
like
intro-logo
Blurb

#xxxx #AllTheYoung #YugtoWritingContest #AllTheYoungGirlPower

Have you ever seen vampire before? Sabi nila kagaya ng tao ang anyo ng mga ito, hindi normal ang temperatura at lamig ng kanilang katawan, maputla ang mga balat, takot na masinagan ng araw, may kakaibang lakas at bilis, at manlalamig ka raw kapag kausap mo sila dahil sa wala nilang kabuhay buhay na pagsasalita. Hindi rin daw tumitibok ang puso ng mga ito kaya naman maliban sa bampira ay tinagurian silang mga bangkay na naglalakad sa mundong ibabaw.

Hindi mo aakalain na nakakasalubong mo na pala sila sa paglalakad, katabi na sa bus o jeep, kamag-anak, kaibigan at kung minsan ay 'yung taong pinakamamahal mo pa.

Kung ako ang tatanungin ay may nakilala na akong bampira. Ibang iba ang bampirang nakilala ko. Maliban sa pandak siya ay napaka kulit niya, ang sarap tirisin na parang kuto! Napaka lakas pa ng boses na imbes manlamig ka ay maririndi ang tainga mo. Napaka gala pa habang tirik na tirik ang araw. Buhay na buhay ang bampirang nakilala ko. Hindi ko akalain na kasing edad ko lang siya dahil sa parang bata siyang mag isip. Oo, tandaan niyong sinabi kong bampira siya kahit mas mukha siyang nuno sa punso.

"Hoy Dean! Nababasa ko nasa isip mo! Ako na naman iniisip mo ah? Sabi ko na nga ba't gusto mo ko e!"

Narinig niyo ba 'yung unanong 'yon? Umpisahan niyo ng basahin ang istorya na ito kung madami pa kayong gusto malaman tungkol sa pinaka makulit na bampirang nakilala ko.

---

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
NARIRINIG KO NA ANG TUNOG NG alarm clock na inirita ang tainga ko at hindi ako nagdalawang isip na bumangon agad. Nakangiti pa nga akong gumising kahit na naudlot ang aking tulog kasi late na kong natulog. Pero anong magagawa ko? Napakasaya ngayon ng araw ko. Bagong bahay at bagong buhay. Ilang taon na rin simula nang umalis ako rito sa Pilipinas. Kahit saang bansa pa ako pag aralin nina Mama mas gusto ko pa rin sa Pilipinas. Mabuti na nga lang at pumayag na sila ngayon sa hiling kong dito na mag-aral ngayong taon. Late enroll na nga lang ako kasi second sem na, pero okay lang naman siguro 'yon kasi sanay na naman ako mag adjust. Agad akong bumaba para mag agahan, naabutan kong naghahanda ang nag iisang maid dito sa bahay. "Good Morning pooo!" sigaw ko mula sa likudan niya. Matawa ako ng makita ang naging reaksyon niya, napatalon talaga siya dahil sa gulat pffft! Siguro pati puso niya tumalon. Kape pa. Nang makita niya ako ay mabilis siyang umalis at naupo na ako sa lamesa. HINDI KO ALAM KUNG ALIN ANG NAPASARAP, 'yung pagkain ko sa lamesa o 'yung pagligo ko habang kumakanta. Crap! Late na ako. Tapos ipinark ko pa 'yung kotse ko kaya ito, takbo-lakad ang ginagawa ko. Sana kasi pwede na lang magkotse sa hallway 'di ba para mabilis akong makarating sa--- "Ouch! WHAT THE F*CK?! ARE YOU F*CKING BLIND?" narinig kong sigaw nang nabangga ko. Tangina ang tanga naman no'n! Nakitang nagmamadali ako binangga pa ako! "Sorry! Nagmamadali kasi ako. Sorry talaga." Ako na ang nagpatawad para matapos na agad ang usapan kaya mabilis akong tumalikod para umalis. "DON'T F*CKING TURN YOUR BACK ON ME!" Napatigil ako sa paglalakad ng may humila sa'kin patalikod. Ay letche! Sino ba 'tong puro f*****g f*****g ang highlight sa sentence? "'Di ba sabi ko sorry?" nagtitimpi kong sabi. Late na talaga ako! "b***h," bulong ko dahil sa inis. Kala ko sa California lang ako makaka-encounter ng mga walang modong tao, dito rin pala. "Anong sinabi mo? Hindi ako b***h! Tandaan mo! Ako si Jessica!" maarte niyang sabi. Napairap lang ako. "Ang dami mong sinabi tapos wala akong pake?" Agang aga may gusto atang maangasan ko. Mabilis ko na lang siyang nilampasan dahil wala talaga akong oras para sa mga bullshit na mukhang kutong lupa. Naglalakad na ako pataas ng hagdan ng bigla akong matisod dahil sa katangahang pagmamadali. Huling step na lang oh? Napaka tanga pa. "Ah! Itim..." Napasinghap ako at dahan-dahan na lumingon sa pababang baitang sa likuran ko. May lalaki roon at may hawak na notebook na nasa baitang malapit sa akin. Nakita ko ang biglang pamumula ng mukha niya habang nakatingala sa--- OMG! Mabilis ding tumaas ang dugo ko sa mukha ng maalala ang posisyon namin. Nakatuwad ako ngayon sa huling baitang habang siya ay tapat na tapat sa puwetan ko at paniguradong kitang kita niya ang undies ko! "AHHHHH MANYAAAAAK!" kasabay ng pagsigaw ko ang pagsipa sa mukha niya. Mabilis siyang nakahawak sa hawakan ng hagdan sa may gilid kaya hindi naman siya nalaglag at nag pagulong-gulong. Mabilis din akong tumayo at nagtatakbo papataas sa pangatlong palapag. Bakit ba doon pa ang room ng una kong klase? Kainis! Nakakahiya talaga. "Ah! Itim..." Tae! Nagpapaulit ulit sa isip ko 'yung sinabi niya. Nakakahiya talaga! N-Nakita niya 'yung undies ko! Bakit kasi napaka liit ng palda sa school na 'to? Feeling ba nila nasa Korea sila? O kaya naman Japan? Bakit ganito 'yung palda huhuhu! Bakit hindi kasi ako nagsuot ng cycling? maaliwalas kasi kapag panty lang e! "Miss wait---" Naglalakad na ulit ako ng may mabigat na kamay na huwak sa balikat ko. Nagtayuan ang balahibo ko sa katawan at wala sa sariling humarap ako sa aking likudan at sinampal ang matangkad na lalaking nandoon. Napalakas ata ang sampal ko na nakaagaw sa atensyon ng mga estudyanteng nasa labas pa. Napatabingi ang ulo ng sinampal at parang saglit na tumigil ang oras. Ahhh tangina! Basta--- bigla na lang gumalaw 'yung kamay ko e huhuhu! Nakakatakot. At mas natakot ako ng malamang 'yung manyak kanina sa may hagdan ang sumunod sa'kin. OMG! I'm in trouble! Bago pa bumalik sa sarili niya 'yung lalaking sinampal ko ay mabilis ko ng nilisan ang lugar na iyon. Grabe! May interesado na agad sa'kin sa unang araw ko pa lang! "GOOD MORNING PO MA'AM, SORRY I'M LATE." "Mukhang may relo sa bahay niyo Miss Yien and yes you're 30 minutes late! By the way class, she's your new classmate. Come in and introduce your self here in front," utos ni Ma'am na agad ko namang sinunod. "Hi, I am Kira Mae Yien and I will be your new classmate. Please take care of me," nakangiti kong sabi sa unahan habang 'yung mga kaklase ko naman ang seseryoso, parang 'di sila natutuwa hehe putangina hindi rin nakakatuwang tignan mga pagmumukha niyo rito sa unahan. "Anyone who wants to ask something about Miss Yien? None? Okay, maupo ka na Miss Yien," sabi ni Ma'am saka na ako nag umpisang maglakad papuntang likudan. S'yempre sa may pinakalikod ako umupo para 'di ako mapansin pag nag iingay. Umayos ako ng upo, mag-uumpisa na sana ulit mag discuss si Ma'am ng may mga biglang pumasok sa room. Nawindang ako ng malamang 'yung lalaking manyak 'yung pumasok sa room kasabay 'yung babaeng tatanga tangang binangga ako kanina. Hehe nakakatuwa naman, kaklase ko pala sila--- ULOL! BAKIT KO SILA KAKLASE? PINAPARUSAHAN BA AKO NG MUNDO NGAYONG NAKUHA KO NG MAG ARAL SA PILIPINAS? Huminga ako ng malalim saka bumuga. Kalma ka lang Kira Mae Yien, paniguradong sinusubok ka lang ng buong milky way. Pero ang isa pang nakakagulat ay mas late sila sa'kin tapos hindi man lang sila pinansin ni Ma'am. Nakanguso akong pinanood silang naglalakad papunta sa mga upuan nila. So unfair! Ano ito? Special treatment? Hindi man lang sila sinita na late. Mga gangster wannabes ba sila sa school na ito? Saka mukhang big deal 'yung si Mr. p*****t kasi grabe 'yung bulungan nang sinampal ko siya kanina e. Mas mabilis pa sa virus kumalat 'yung nangyari ah? Parang wala pang limang minuto. At dahil hindi matahimik ang kuryosidad ko ay aking tinanong ang babaeng nasa harapan ko. "Miss sino ba 'yung lalaking 'yon na pumasok? Mukha big deal." Lumingon naman siya agad sa akin ng marinig ang tanong ko. "Dean Wolter. Kapatid ko," nakangiti niyang sabi. Napaawang ang aking labi ng pumasok sa aking isipan ang sinabi niya. Omyfcknghad! Sa lahat ng p'wedeng mapagtanungan ko doon pa sa kapatid! "Ako si Donna Wolter. Nice to meet you." "Hi hehehe--- AY BUTIKING KALABAW!" Pagtingin ko kasi sa gilid ko doon umupo si Mr. p*****t. Bigla akong kinilabutan ng maisip na naman 'yung paninilip niya sa'kin. Kainis! Nakakahiya sobra talaga! Napatingin ako sa kanya. Nakita ko yung pisngi niya namumula. Omyghad! Ganyan ba ko kalakas manampal? Hindi ko naman kasi sinasadya e. Nagulat lang kasi ako e bigla niya kong hinawakan pagkatapos niya kong silipan sa may hagdan. May nasungkit na agad akong puso pagpasok ko palang. Pinigilan ko ang aking pag ngiti habang iniisip 'yon, h-hindi naman ako masaya dahil may na-love at first sight sa'kin. "Kira oh!" tawag ni Donna saka siya may inabot sa'king na nakatuping papel. 'Nabalitan ko 'yung nangyari sa may corridor kanina lang at dahil d'yan kailangan mo na mag ingat. Siguradong nasa red list ka na ng mga babae niya.' Mga babae? Manyak na nga tapos babaero pa! S-Saka panty ko lang naman 'y-yung nakita niya bakit todo 'yung pag init ng mukha ko? Bigla kong naisip na kung paano na lang kung gumulong gulong pala siya kanina ro'n sa may hagdan tapos biglang nabali lahat ng buto niya tapos pati leeg niya bali, nakamulat ang mga mata niya at nakatirik habang nakalabas 'yung dila niya--- grabe pala 'yung ginawa ko, sinipa ko na nga siya sa mukha at muntik ng mamatay tapos sinampal ko pa siya na parang matatanggal na 'yung ulo niya. Mukhang interesado pa naman siya sa'kin. Dapat mas naging mabait ako, napakasama ko pala sa kanya. Siguradong nasaktan ko ang damdamin niya. Pero... nakita naman niya 'yung panty ko. Pero kailangan ko paring humingi ng tawad. "Hi Dean!" Nakangiti akong humarap sa kanya. "Ako nga pala si Kira, sorry sa pagsampal ko sa'yo kanina. P'wede ba tayong maging mag kaibigan?" dagdag ko. Kumurap kurap pa ko para cute pero nginisian niya lang ako. "Shameless," ramdam ko ang inis sa tono niya. Damn, nasaktan ko nga ang damdamin niya! Sa sobrang sakit hindi niya ko magawang tapunan ng tingin. Napansin ko ang paglabas ng teacher kanina sa harapan kaya nakakuha ako ng pagkakataong kausapin 'tong si Dean. Hinawakan ko yung braso niya at niyugyog ko siya nang niyugyog. "Please! Sige na please!" "P'wede ba? Tigil tigilan mo nga ako. Nagpapacute ka ba?" tanong niya. "Hindi ba halata?" nakanguso kong sabi. "Babae? Lasing ka ba?" Hindi ko siya pinansin saka itinabingi ang aking ulo at kumurap kurap ulit. "Sayang naman pagpapacute ko kung hindi mo tatanggapin yung apology ko, hindi ba?" turan ko habang nakanguso pa rin. Nang mapatingin na siya sa'kin ay muli ko siyang kinurap-kurapan. "Lubayan mo ko babae." "Bahala ka. Hindi kita titigilan," sabi ko at niyugyog ko pa siya nang niyugyog. Pansin kong may nakatingin na sa'min, well punta sila sa kalawakan tapos hanapin nila pake ko. "Oh my gosh! Anong ginagawa niya kay Dean?" tanong noong isang kaklase namin na nanonood sa ginagawa ko. Pffft! May pagkatanga rin pala yung section na 'to? Malamang niyuyugyog ko si Dean. "Hindi lang siya basta nasa red list." "Yeah, nasa black list siya panigurado!" "Look how desperate is she. I pity her." "Oh ano? Pagod ka na?" tanong niya ng tumigil na ako sa pagyugyog sa kanya. Nangalay na kasi ako e. Bigla namang ngumiti ng nakakaasar 'tong si Dean. "Tanggapin mo na kasi yung sorry ko." "Edi sana wala na lang pulis kung ganoon lang kadali lahat." Inihampas ko sa lamesa 'yung braso niya. Nakakainis na siya ah?! Sumandal ako at ipinagkrus ang aking braso. Pa-hard to get pa siya, ako na nga nagpapakumbaba humph! SABAY KAMI NI DONNA NAGBBREAK AT nandito na kami sa canteen. Yipeee! Close ko na agad ang pinaka magandang babae sa campus. "Ang sungit ng kapatid mo. Hindi halatang magkapatid kayo e," naiinis kong sabi. Napatigil saglit si Donna at pilit na ngumiti sa akin. "O-Oo nga e hehe, ganun talaga 'yon si Dean since birth," mahina siyang tumawa kahit halatang pinipilit niya lang. "Pero kahit ganun... mahal siya ng lahat at the point na everyone call him heather," dagdag niya saka sinipsip ang straw ng iniinom niyang pineapple juice. "Heather?" bulong ko at saktong nahagip ng aking mata si Dean na nakaupo sa lamesa sa may sulok at may kasamang dalawa pang lalaki. Humalumbaba ako habang nakatingin sa kanya na hindi kalayuan sa puwesto namin. Ngayon ko lang napansin ang magandang hugis ng mukha niya. Mapungay ang mga mata niya na kulay tsokolate, matangos ang ilong at... mukhang malambot ang mapula niyang labi. Napaigtad ako ng mahuli niya ang aking pagnanakaw ng tingin. Mabilis ko siyang nginitian at kinindatan. Umirap lang siya na parang asar na asar sa'kin. Pffft! Ganyan ba siya kiligin? So cute. TAPOS NA ANG BREAK TIME AT nasa may pinto na ako ng sunod kong klase at oh my gwad! Nahihilo ako sa nakikita ko. Sobra-sobra na ba ang pagmamahal ko sa lalaki at puro lalaki lang ang nakikita ko sa room na ito? Mali ba ako ng napasukan? Hindi e. Tama ang room! Oo mahina ako sa Science kaya nasa section 9 ako sa subject na ito pero--- bakit puro lalaki? Just how!? Natigil ang pag uusap usap nila ng pumasok ako at naglakad papunta sa bakanteng upuan sa may likuran. Shemay! Nasa akin ang tingin nilang lahat! Oh my universe! Ayaw ko ng mahabang buhok at baka matapilok ako! Huwag mo kong bigyan ng madaming stress! Hindi ko kakayanin ang madaming manliligaw! "Oh? Yo!" Napalingon ako sa aking gilid. Nangunot ang aking noo ng kilalanin ko ang aking katabi na pumansin sa'kin. "Y-Yo?" bati ko rin at nginitian niya ako. Ah! I remember him. Kasama siya ni Dean kanina doon sa may canteen noong break. "Justine." Inilahad niya ang kamay sa harap ko. Hinawakan ko 'yon at nahihiyang sumagot, "K-Kira." "Ah, oo yung nagpapacute kay Dean," natatawa niyang sabi ng mukhang makilala niya ko. Nginisian ko siya ng hilaw at hindi na siya pinansin. The heck? Ikinalat niya talaga 'yung ka-cute-tan ko? Ganun ba siya katuwang-tuwa dahil nag pa cute ako sa kanya at ipinagmalaki niya pa ko sa mga kaibigan niya? Oh my gosh? Ano ng gagawin ko? Sasagutin ko na ba si Dean kapag niligawan niya ko? Oh my! Oh my! Muli kong pinagmasdan ang buong room na papasukan ko tuwing klase ng Science sa loob ng ilang buwan. Napapatingala ako sa nakapaligid sa akin dahil sa sobrang tangkad nila tapos mga maskulado pa. Alien talaga ko rito e hehehe. Mabagal na tumakbo ang oras habang nagkaklase ang guro namin, hindi ko nga mabilang kung ilang beses akong humikab at kinukurot ang aking sarili. Pero gising na gising naman ako noong natapos na 'yung klase. Siguro dahil uwian na yipeee! Kaunti lang ang klase ko ngayong araw kaya pagkalabas ko ng room ay wala na akong gagawin. 'Yung iba may klase pa habang 'yung iba naman ay mukhang nasa club nila. Napaisip tuloy ako kung anong puwede kong salihan. Ayaw kong umuwi agad, gusto kong maglibang. DEAN POV. NAG PAPRAKTIS AKO NG SHOOTING NANG tawagin ako ni Coach. Napalunok ako ng makitang kasama niya si... sino nga ba 'yon? Kina ata 'yon? "Sir please isali niyo na ko, magaling ako sa basketball!" rinig kong pagmamakaawa niya habang papalapit ako sa kanila. Seryoso ba siya? Magba-basketball siya? Kabaliwan. "Hoy Kina, hindi 'to pwede sa'yo, babae ka kaya. Saka walang babaeng nagba-basketball dito. Magpaganda ka na lang," singit ko. Tumingin siya sa'kin ng masama kaya tinaasan ko siya ng isang kilay. "Hoy rin! For your information Kira at hindi Kina. At saka... BAKA MAS MAGALING PA AKO SA'YONG MAGBASKETBALL EH!" pag ngawa niya na parang kindergarten. Halos nakayuko na nga ako para lang tignan siya. "Just how shameless are you?" bulong ko. "Miss, hindi talaga p'wede," sabi ni tanda habang ito naman si Kira nagb-beautiful eyes pa--- este puppy eyes. Yes yes, mas mukha siyang asong ulol. "Minamaliit niyo ko ha!" sabi ni Kira saka niya inagaw 'yung bola sa'kin tapos mabilis na ibinato iyon sa may basketball ring. Napaawang ang labi ko ng mai-shoot niya ang bola mula rito sa p'westo namin. Lol? Nasa gitna kaya kami ng court? May kamay ba siya ni Midorima? Hindi siya nag dalawang isip na ibato 'yung kakaagaw niya lang na bola mula sa'kin tapos sa puwesto pa naming 'to. Nakanganga lang kami ni Coach habang 'yung ibang nagpapraktis din ay napatigil. "Oh ano?" pagbasag ni Kira sa katahimikan. "Pero---" naputol ang sinasabi ni Coach. "Please! Tignan niyo muna 'yung kakayahan ko, malay niyo ako pa ang magpapanalo nang team. Saka wala namang girls basketball dito at wala ring sinabi na lalaki lang puwede sa basketball na 'to. Tama ba ko Sir?" "Ano kasi---" Huta Tandang Coach, huwag kang bibigay sa asong ulol na Kira na 'to! Pigilan mo tanda! Huwag kang mahuhulog sa kabaliwan ng babaeng 'to! Saka ilang beses ba siya inire at sobrang kulet niya? Saan ba galing ang babaeng ito? May sayad ata e. Kanina bigla akong sinampal, well 'yung pagsipa sa hagdan naintindihan ko naman, ngayon naman gustong sumali sa basketball. "PLEASE!" "Si-Sige na nga," sabi ni Coach. Napasampal na lang ako sa noo ko. "Yehey!" "Coach! Tatawanan lang tayo ng ibang school. Hindi puwede ang kinder." pagtutol ko. "Humph! Porque napaka guwapo mo!" Napatigil ako sa kanyang sinabi at mabilis na nag init ang tainga at mukha ko. A-Ano bang iningangawa na naman niya? Alam k-ko namang guwapo ako pero--- ahem! Hindi naman ako masayang marinig 'y-yon mula sa kinder 'no! "Tara na!" Napabalik ako sa wisyo ng maramdamang pinalo niya ang puwetan ko. S-Shameless! She's suckh a shameless! "N-Nakapalda ka lang magpapractice?" taka kong tanong dahil napaka ikli ng palda niya tapos... bigla kong naalala na wala man lang siyang cycling. "Alangang naka panty ako! Tara na!" pamimilosopo niya. Napahawak ako sa tungki ng aking ilong. Damn, lagi kong naiisip 'yung itim niyang panty kanina. Bakit kaya sa harap ko pa siya tumuwad? Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hinihila na pala niya ako papalapit sa gilid nang court. Nababaliw na ata ako. Bakit ako nagpahila sa babaeng 'to? "Kasali ka?" tanong ni Joshua kay Kira. "Oo." Abot hanggang tenga ang ngiti niya. "Talaga Kira? Imposible!" sabi naman ni Justine. Mukhang magkakilala sila. "Hoy hoy hoy Justine, wag mo kong minamaliit, at nagtanong ka pa kung hindi ka rin maniniwala sa sagot ko," sabi niya. Para talaga siyang kinder, taas na taas lagi ang boses niya tapos payatot at ang liit pa. Kasali ba talaga siya sa team? Paniguradong saling nuno lang 'to dahil walang choice si tanda, mahina siya makipag usap sa mga babae e. Ah! Lightbulb! Napangisi ako habang nakatingin sa kanila. "Teka Kira, hinahamon mo ata si Justine?" paningit ko kahit mukhang hindi tama ang tanong ko sa usapan nila. "Parang ganun na nga," sabi ni Kira. Pinigil ko ang tawa ko dahil sa kabaliwan niya. Sigurado na ko, kailangan ng babaeng 'to ng mental. "Okay ako r'yan ah, payag ako. Ano Kira lalaban ka ba?" tanong ni Justine. "Okay!" "One on one. Half court." tanong ko. "Pero isasali niyo ko sa starting team pagnanalo ako," sabi niya habang pinapatalbog ang hawak niyang bola. "Deal," confident kong sagot habang malawak ang ngiti. Confident din naman si Kira na parang alam niyang mananalo talaga siya. Akala niya pa starter ang makakalaban niya? Pffft! "COACH! PAG NANALO AKO LABAN KAY JUSTINE ISASALI NIYO NA KO NA AKO SA STARTING PLAYER!" sigaw ni Kira kay Tandang Coach na hindi kalayuan sa'min. Nagulat naman si Tandang Coach at naupo para manuod ng laban. Tsk tsk tsk, she choose a wrong decision. Si Justine ata ang pangalawang magaling sa'min habng ako ang captain at ace. Nag umpisa na ang laban. Na kay Justine ang bola. Siguradong wala nang kawala si Kira, nasa kalaban ang bola e. Dumipensa si Justine, nakatalikod siya kay Kira at nasa likod naman niya si Kira. Nagkatinginan sila sa kaliwa at mabilis na natapik ni Kira ang bola sa kanan. Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala sa aking nakita. Si Kira naman ang nakadepensa at si Justine ang umaatake. Binantayan ni Justine si Kira. Isang turn over ni Kira ay mapapasok na niya ang bola sa ring pero alam ko namang alam din ni Justine ang gagawin ni Kira, huwag lang siyang magpakatanga. Ngayon ay nasa likod naman ni Kira si Justine. Sure akong alam na ni Justine kung papaano mag block sa turn over na 'yan. Bantay sarado na talaga ngayon si Kira at wala nang kawala. Umikot papuntang kanan si Kira kaya doon pumunta at humarang si Justine pero suwabeng umatras si Kira at tumalon at bago pa malaman ni Justine ang mga nangyayari ay na-shoot na ni Kira ang bola. Muling gumalaw si Justine ng marinig niya ang pagpito ko. Kinuha niya ang bola at muling dumipensa. Napatakip ako sa aking bibig. Hindi man ako makapaniwala pero totoong nangyayari 'to ngayon. Ayaw ko mang aminin pero magaling nga talaga si Kira. Wala siyang technique na ginagamit, hindi rin siya nandadaya. Walang espesyal sa mga galaw niya at iyon ang kakayahan niya. Kalmado siya, suwabe ang mga galaw at hindi siya nagdadalawang isip sa mga kilos niya. Palaging sigurado ang mga galaw at desisyon niya. Kaya sa huli ang score ay: 15-03 Siguradong kilala niyo na kung kanino 'yung 15. "Ang galing mo Kira!" sabi ni Joshua na parang close sila. "Yeah! Suwabe!" pag sang-ayon ni Justine na natalo ng kinder. "So paano ba 'yan. Kasali na ko sa starting players. Yipeee!" excited niyang sabi at tumigil pa siya sa harapan ko. Tinignan ko lamg siya at ganuon din siya hanggang biglang lumitaw si Tandang Coach. "Nice play. I welcome you again to Team Bolter, Kira. Kung may mga concerns and tanong ka tapos wala ako, kay Dean ka lumapit. He's the captain and mukhang napahanga mo rin siya kahit hindi niya sabihin." Ngumiti sa'min si tanda tapos umalis na ulit. "Mukhang may katapat na si Dean," sabi ni Mark na point guard namin. "Ulol! Mukhang mas magaling pa ako r'yan. Kinder." "Na spell mo na ba ang malalaking ASA?" Humarap sa akin si Kira habang sinasabi 'yon. "Bakit ako? E mas kailangan mong i-spell 'yon. Asa kang tatangkad ka pa," natatawa kong sabi. "Masyado na kong matalino para i-spell pa 'yon. baka nagpapalusot ka lang kasi hindi mo alam ang spell noon?!" nakangisi niyang wika. "Hindi ba ikaw 'yung tanga sa'tin?" "E ikaw naman 'yung walang alam sa'tin," inis niyang sabi. "Wait wait, sandali lang. Masyado kayong hot!" singit ni Justine. "SHUT THE f**k UP!" sabay naming sabi ni Kira at tinignan namin siya ng masama. "Okay fine! Fine! Easy lang! Sorry!" Umurong siya dahan-dahan habang nakataas ang magkabilang kamay. Tinalikuran ko sila at naglakad palabas ng court. Nginingisian pa nga ako noong unano na Kira na 'yon nang makita niya ang pag kainis ko. Dinidilaan pa ako psh! Kinder talaga. She's not just shameless... but also disgusting. [CONTINUE...]

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook