"Uy Dean, pinapatawag ka ni Sir Kris," sabi sakin ni Joshua ng makalabas na kami ng room.
"Bakit daw?" nagtataka kong tanong atsaka kami sabay na naglakad.
"Ewan ko, tanga kung alam ko edi sinabi ko na sayo!" pamimilosopo niya.
"Tss! Sige!" Binatukan ko siya atsaka ako lumiko at pumunta sa Science Department.
Pagkarating ko duon ay pumasok ako sa Faculty room at pumunta sa lamesa ni Sir Kris na Science Teacher namin.
"Sir Bakit?" tanong ko agad.
"May ipapatutor ako sayo sa Science," sabi naman ni Sir Kris atsaka ako napasinghal.
"Tss, alam nyo naman sagot ko Sir. It's just wasting my time!" Napairap ako. Bakit kasi ako pa? Ba't kasi may mga bobo at tamad mag aral sa science.
"Sige na please!!!"
"Ay BAKULAW!!" gulat na sigaw ko kasi bigla na lang sumusulpot itong si Kira sa gilid ko.
"Ikaw tuturuan ko?" tanong ko.
"Oo, mahina ako sa Science eh," parang bata niyang sabi. Nagpapacute talaga 'tong babaeng 'to sakin e. Tsk! At ano? Tutor? Palusot niya! Baka nga gusto niya lang ako akitin.
"Bwiset, edi mag aral ka at bakit ako pa?"
"Ikaw gusto ko eh, at nasabi din nila na bobo ka sa Math, don't worry tuturuan din kita," nakangiti niya pang sabi. Tsss, kala mo naman tuturuan ko talaga siya.
"Teka? Sino namang nagsabi sayo na bobo ako sa Math?" taka kong tanong.
"Si.. Ano... Si Donna, Hehehehe," natutuwa niya pang sabi. Grabe... ibinuking ba talaga ako ni noona?
"Uy!! Ano na?? Deal?" tanong niya sakin atsaka niya ako siniko.
Ano ba?! Oo o hindi. Hindi naman ako masayadong bobo sa Math na katulad niyang Tanga sa Science.
"Sige na, sige na, please!!" pagmamakaawa niya pa atsaka pa siya nagpakurap kurap ng mata sa harapan ko. Ang sarap niyang tadiyakan!! Promise!! Nakakaasar yung pagmumukha niya!
"Stop acting dumb. Napaghahalata ka eh," sabi ko atsaka ko pinitik ang noo niya.
"Okay fine, I will now be your tutor in Science," sabi ko.
"Omo!! Omo!! THANK YOU THANK YOU!!" sabi niya atsaka niya ako niyakap ng mahigpit. Nandidiri ako sa nangyayari s**t!
"Te-Teka lang! May mga condition ako!! Wag mo kong YAYAKAPIN!!" inis kong sabi atsaka ko siya itinulak palayo sakin.
"Ako din dapat may condition!! WAG MO KONG PIPIGILAN AT WAG MO KONG SUSUNGITAN!!" sabi niya at ngayon ay umaakto naman siya na parang kinder student. Hanggang kelan ba matatapos 'to?
"Hu! Asa ka susundin ko yan,"
"At bakit hindi?"
"Alam niyo kayong dalawa ay umalis na. Tignan niyo ohh!! Late na kayo!!" sabi ni Sir Kris. Oo nga pala!! Crap!!
"Tara na Dean, sabay na tayo," nakangiti ng malapad si Kira at bumitin pa talaga sa braso ko. Walangya talaga tong babaeng to, mas makapal pa ang mukha sa isang Dictionary.
"Don't touch me," medyo naiirita ko ng sabi at lumayo ako sa kanya.
"Sungit nento!" Nag cross arms siya at masama ang tingin niya sa akin. Kung malait niya ako parang wala ako sa harap niya ah. Umiling na lang ako atsaka nauna ng maglakad.
Narinig ko pang minumura niya ako pero napangiti lang ako. Sobrang irita na niya ata sakin.
"Hoy narinig ko yun!"
"Then what??" nakataas kilay niyang tanong. Aba! Aba?? Sinasagot sagot niya ba ko?
Section 1 kami at classmate ko si Kira. Kahit bobo ako dito, dito nilagay ni papa schedule ko. Yes, he's the owner of this school but there's a long story at magkagalit kami ni Papa. Basta galit ako sa kanya, at secret ko nayun, malalaman niyo pa kaya nga secret. Basta Secret, malalaman nyo din. Masyado pang maaga para malaman niyo ang lahat.
+++
"Mr. Wolter and Ms. Yien, you two are 20 minutes late!" inis na sermon samin ni Ms. Zai, ang pinakamataray na teacher dito, tapos sa kinakatakutang subject ko pa siya nagtuturo, at yun ang MATH.
"Sorry Mam, kinausap lang kami ni Sir Kris eh," pagpapaliwanag ni Kira.
No Comment na lang si Ma'am at naupo na naman kami ni Kira sa likod. Napatingin ako sa mga classmate namin, sobrang sama ng tingin nila kay Kira. Napangisi tuloy ako.
Tapos itong walang hiyang babaeng to, ayun PATAY MALISYA, nakangiti pa. Siya ba naman ang makasabay ako papasok ng room, swerte niya. Siguradong pinapatay na si Kira sa mga isip ng mga babaeng to.
"Who can answer this?" tanong ni Mam Zai at napatingin naman ako sa blackboard.
Problem:
C= 5/9 (F−32)
A. A temperature increase of 1 degree Fahrenheit is equivalent to a temperature increase of 59 degree Celsius.
B. A temperature increase of 1 degree Celsius is equivalent to a temperature increase of 1.8 degrees Fahrenheit.
C. A temperature increase of 59 degree Fahrenheit is equivalent to a temperature increase of 1 degree Celsius.
"The equation above shows how temperature F, measured in degrees Fahrenheit, relates to a temperature C, measured in degrees Celsius. Based on the equation, which of the following must be true?" tanong ni ma'am sa lahat. Natahimik naman ang buong klase.
What the.. Hello! Matatalino sila tapos di nila masagot ang simpleng tanong na yan? Hoy mga Nerds labas! Section 1 pa naman.
Nakayuko lang ang lahat kasama na ako para hindi makasalubong ang tingin ni Ma'am Zia. Ayaw kong sumagot.
Mhhh... Teka... Teka... matalino ba talaga si Kira sa Math? Matesting nga!!
"Oy, babae!" tawag ko sa kanya.
"Ha? Bakit?" takha niyang tanong at tumingin pa siya sakin.
"Pag nasagot mo yang problem na yan. Magpapaturo na ko sayo at tuturuan din kita sa Science,"
"Deal! MA'AM AKO PO SASAGOT!" sigaw niya agad na ikinagulat ko. Okay lang ba talaga siya? Nagpipigil na lang ako ng tawa. Sure siya masasagot niya yan ha! Tingnan natin.
"Okay, come to the front, and explain your answer," saabi naman ni Ms. Zai
Naglakad na naman papunta sa unahan si Kira at nakangiti siya na parang 1 + 1 lang ang tanong na sasagutin nya. YABANG. Ang dami niyang isinulat pero wala akong naintindihan. Kaya ko naman 'to eh kasi malapit na sa science ang topic pero ewan ko, di ko din talaga alam 'yung sagot.
"Think of the equation as an equation for a line (y=mx+b) where in this case C= 5/9 (F−32) or C= 5/9F − 5/9 (32) You can see the slope of the graph is 5/9, which means that for an increase of 1 degree Fahrenheit, the increase is 5/9 of 1 degree Celsius."
{C= 5/9 (F)
C= 5/9 (1)= 5/9} solution niya sa blackboard.
"Therefore, statement A is true. This is the equivalent to saying that an increase of 1 degree Celsius is equal to an increase of 9/5 degrees Fahrenheit."
{C=5/9(F)
1= 5/9(F)
(F)= 9/5}
"Since 9/5 = 1.8, statement B is true. The only answer that has both statement A and statement B as true, but if you have time and want to be absolutely thorough, you can also check to see if statement C. An increase of 5/9 degree Fahrenheit is equal to a temperature increase of 1 degree Celseius is true."
{C= 5/9(F)
C= 5/9 (5/9)
C= 25/81 (which is ≠ 1)}
"An increase of 5/9 degree Fahrenheit leads to an increase of 25/81, not 1 degree, Celsius, and so Statement C is not true. The final answer is A and B."
"Good Job Ms. Yien," puri sa kanya ni Ms. Zai.
Ang dami niyang sinabi pero walang pumasok sa utak ko. Pati mga kaklase ko nganga dahil sa ginawa niya.
Ano bayan! Dapat pala di na ko nakipagpustahan. Hayaan mo na nga. Para tumalitalino din ako. Pero tuturuan ko naman siya.. Hay... Bwiset ka talaga KIRA.
"Class Dismiss!"
KIRA POV.
Paglabas ko, hinanap ko agad si Dean at nang makita ko na siya hinabol ko siya at bumitin ako sa kanya.
"Sabi sayo kaya ko yun eh!! Hihi!" pangangasar ko. Alam ko naman kasing duda siya sa kakayahan ko pero mabuti na lang advance 'yung lesson dun sa ibang bansa.
"Tsss... Nga pala mamaya may practice tayo nang basketball. May laban tayo bukas,"
"Nananalo ba kayo sa Basketball?"
"Hindi,"
"Don't worry, ipapanalo na natin yun," masaya kong sabi. At nginitian ko siya. Pero hindi niya man lang ako binawian din ng ngiti. Tss, hindi ba siya nangiti? Lagi na lang seryoso. Hay palibhasa masungit. TATANDANG BINATA TOH EH!!
NAG laban kami ngayon. Hinati namin ni Dean ang Team. Team ko laban sa Team niya. Haha, halatang bulok na mga moves niya. Kaya pala sila di nananalo.
10 - 06 na ang score. Syempre kami ang 10. Buti nga pina score ko pa sila. Haha, nakakatuwa kalaruin si Dean. Medyo malaki lang siya nang ilang inches something sakin.
Ako kanina pa pa-easy easy dito. Siya naman iritang irita na at masyadong seryoso. Kanina pa ko tawa nang tawa dito sa pwesto ko kapag nakikita ko siyang iritang irita na.
"Pfft! Hahahaha!"
"Hoy, kanina ka pa tawa nang tawa diyan!!" irita na namang sigaw sakin ni Dean. Sabi sa inyo eh, kanina pa ako natawa.
BOOM! Nag slum Dunk si Dean! Kabog!! GINALINGAN!!
"WALA NA!! WALA!! UWI NA TAYO GUYS! MAY NANALO NA!! Hahahaha!" natatawa kong sabi.
"Kaya mo ba yun?" pang aasar ni Dean
"Sus, gusto mo bang makakita nang taong nalipad?"
"Bakit? Ilalabas mo na ba ang pak pak ni satanas na itinatago mo lang? Haha," sabi ni Dean. Teka... Joke ba yun?? Di halata =_____=
Sige, tawa pa MORE!
Inagaw ko agad ang bola at umikot na sinabayan ko nang talon papuntang ring para mag slum Dunk.
Sakto lang ang layo ko para sa mataas kong talon at para maka.....
BOOM. Perfect DUNK!
0_O
Oh ano, nganga sila ngayon at nakatingin lang sakin.
"BOOM PANES!!" sigaw ko.
"A-Ang galing mo," manghang sabi ni Jake na center namin sa basketball.
"Pa-Pano yun? Ang galing," sabi naman ni Jerico.
"Sabi ko naman kasi sa inyo. Magaling ako,"
"YABANG," bulong ni Dean pero rinig ko naman.
"Hahaha," natatawa ko na lang na sabi.
"Baliw! Pati sarili niya, tinatawanan," dagdag pa ni Dean.
"Inggit ka lang,"
"Ba't naman ako maiingit?"
"Dahil kahit babae ako, mas magaling ako sayo," pang aasar ko pa.
"Sumosobra ka na ha!" inis na sabi ni Dean at aktong lalapitan na niya ako ng makapagpigil siya. Pfft, sobrang naiinis na. Bugnutin talaga HAHAHA.
"Wee, edi wow. Hahaha, uy naaasar na sIya uy, hahahaha,"
"Shut the f**k up!" sabi ni Dean atsaka na siya nagsimulang maglakad papalabas ng court. Grabe... nagwalk out na naman siya =______=
NASA bahay na kami ngayon at oo 'KAMI' means may kasama ako. Kasama ko ngayon si Dean. Diba Magpapatutor nga kasi ako.
"Hoy Kira, bilisan mo," sigaw sakin ni Dean na nakaupo sa may sofa dito sa sala.
"Bakit ka ba nag mamadali? Kung sa bahay niyo na lang kasi," sabi ko. Eh kasi kanina pa talaga siya nagmamadali eh. May date ba siya? Pwede bang sa ibang araw na lang
"NO!"
Oh tignan mo? Bawal daw!! May date nga!!
"Bakit ba?"
"Basta, bilisan mo," sabi niya atsaka na naman ako naupo sa tabi niya at nakinig sa mga pinagsasasabi niya. Nang matapos kami ng isang lesson, sabi ko yung iba sa next day na lang. Mukha nga talaga kasi siyang nagmamadali kasi ang bilis mag explain, wala nga akong naintindihan.
Bwiset na yan... parang hindi niya din ako tinuruan eh.
NAGLALAKAD ako ngayom dito sa hallway ng makasalubong ko sina Jake na ka-team mate namin sa basketball.
"Hoy Kira, yung laban mamaya," paalala niya.
"Oo naman," sagot ko atsaka na ulit ako naglakad.
"Ang landi," bulong ni Jessica atsaka siya humarang sa dinadaanan ko.
"Narinig ko yun. Alis! Dadaan ako," sabi ko.
"Ayoko nga," mataray niyang sabi at sinamaan niya ko nang tingin. Sa kanan niya ko dumaan, pero humarang ulit siya.
"Sayo to? Again?" nakataas kilay kong tanong.
"Yes!" maarte niyang sabi at tinitigan ko siya. Tumitig naman din siya.
"Nakakatuwa naman yang make up mo, parang dictionary. Sobrang kapal! Mukha ka tuloy bakla," nang aasar kong sabi at bigla naman niya akong sinalubong ng isang malakas na sampal.
Pero ng makarecover ako ay sinampal ko din siya. Di ako payag na sampal sampalin niya lang ako. Wala man lang siyang permisyo kung sasampalin nya ko. Atsaka... never pa kong nasasampal. Mga magulang ko nga hindi ako pinagbubuhatan ng kamay eh!!
"How dare you---"
"STOP IT," sigaw ni Donna na nasa likudan ni Jessica. Naglakad naman si Donna papunta sa tabi ko at tinignan niya si Jessica ng masama.
"Wag ka ngang sumali dito," mataray na sabi ni Jessica kay Donna
"Bakit naglalaro ba kayo?" takhang tanong ni Donna.
"Oo, sampalan. Gusto mo bang sumali Donna?" mapang asar kong tanong.
"Sige ba," sagot agad ni Donna.
Napatigil saglit si Jessica tsaka na siya umalis. Tsss, takot pala siya kay Noona este Donna eh!!
Sabay na naman kami ni Donna pumasok sa room. Mag classmate naman kami sa Filipino. Buti na lang wala pa si Ms. Fei. Nandito na din si Dean
"Good morning class,"
Ay, kalabaw. Bigla kasing sumulpot sa likod si Ms. Fei. Kasunod lang pala namin. Sakto lang pala dating namin.
tahimik lang kami ni Dean. what the heck, ang #Awkward naman. Ang boring pa.
"Uy Dean. Mamaya punta ko sa inyo,"
"No!!" sabi niya na parang galit pa.
"Bakit?"
"Basta,"
"Class Dismiss," pagpapaalam ni Ms. Fei atsaka na siya lumabas ng room. Umalis na naman agad ako palabas ng Room at nag iisip. Bakit ba ayaw niya kong papuntahin sa kanila? Dahil ba hindi hindi ko alam yung address nila? Mhhh, dahil ba nag aalala siya na baka maligaw ako? Ang bait naman ni Dean.
"Kira wait!!" rinig kong sigaw ni Donna kaya napatigil ako at inantay ko siya. At nang makalapit na siya ay tinanong ko naman siya.
"Bakit ayaw akong papuntahin ni Dean sa bahay niyo?" tanong ko agad. Halatang nagulat si Donna sa tanong ko at parang hindi siya mapakali?
"Kasi.. Ano.. Am... Sige na!! Mamaya na lang Kira ahh, natatae ako eh!!" sabi ni Donna atsaka siya tumakbo ng mabilis. Teka... siya yung nagpapahintay diba? Tapos ngayon iiwan niya ko. Gusto ko pa sana siyang pigilan at habulin pero sabi niya natatae nga pala daw siya. Ang sama ko naman diba kung hindi ko muna ipabalas yung tae niya sa kanya. Mhh, next time na lang.
Pero kasi... ang weird nila kapag sinasabi kong pupunta ako sa kanila.
Bakit? Ano ba yan! Siguro mga Engkanto sila. Ano bayang iniisip ko. Sa ganda at gwapo nila mga Engkanto? Mh.... Pwede na.
PAGTAPOS kong umattend ng Science Class nag palit na agad ako for basketball. Mga basketball player lahat ng nasa Section 9 kaya kasabay ko lang sila.
Itinali ko ng mataas ang buhok ko at nagpolbo. Fitted sakin yung damit ko tapos high sock ang suot ko at di naman lalagpas sa tuhod ko ang short.
Ang ganda nang kulay ng damit nila, black and white ang theme.
Lumabas na agad ako para makapagpraktis na din. di na ko nakaattend ng History, na excuse na naman ako pero nagtataka parin ang teacher ko kung daw bakit ako kasali sa basketball.
[CONTINUE...]