Kabanata 3

3338 Words
Nandito na kami ngayon sa court at magkakasama. Halos handa na ang lahat para sa magiging laro namin mamaya. "Hoy! Boys, yung tinuro ko ha," pagpapaalala ko. "Yes boss!!" sabi nilang lahat. Nakakatuwa, boss daw nila ako HAHAHA. "Balita ko matatangkad daw kalaban natin?" sabi ni Jake. "Sus, wala yun. May teknik ako dyan," pa-easy easy ko lang na sabi. Inilagay ko ang aking dalawang kamay batok atsaka ngumisi. "Yan tayo eh," natatawang sabi sakin ni Justine atsaka ako inapiran. "Tss," "Oh? Nandito ka na pala," sabi ko ng biglang magsalita sa tabi ko si Dean. Kinuha ko ang bola sa aking tabi atsaka iyon nilaro laro. "Ay wala, nandoon ako sa pinto oh, kanina pa nakikinig sa inyo," pamimilosopo niya. "Tss," sabi ko. Inirapan lang ako ni Dean kasi ginagaya ko siya. Nakakatuwa talaga 'yung mukha niya. Pwede na siyang mag-clown whahahaha. "Tsss," sabi ko ulit. "Stop It!" irita niyang sigaw sakin. Pfft! Kahit talaga kelan patawa 'to si Dean. Ang sarap niyang asarin. "Tss." tinignan niya ko ng masama at parang sinasabi niya sa mga tingin niya na 'I'll kill you when you say that again,' "Tss," "Isa pa!" inis na niyang sabi. Isa pa daw e. "Tss," pang aasar ko pa. Di na niya ulit ako pinansin, mukhang inis na inis na siya sakin eh. Parang gusto na niya akong ibato kung saan whahahaha! "Tss," Halatang naaasar na talaga siya. Naglakad ako at pumunta sa harapan niya. Iniiwasan naman niya ako ng tingin habang nakatakip ang kanyang mga kamay sa tenga. "Tss," "SHUT THE f**k UP!!" sigaw ni Dean. Sabi sa inyo eh, naaasar na siya, hihihi. Napansin kong biglang tumahimik sa buong court dahil sa lakas ng sigaw niya na galit na talaga. "Tss," pahabol ko pa with Smile para sobra pa siyang maasar. "Hahahaha," biglang natawa si Justine. Parang kanina niya pa pinipigilan ang tawa niya. "Anong tinatawa tawa mo d'yan?" inis na sabi ni Dean. Di na nakasagot si Justine dahil mukhang natakot siya kay Dean. Halimaw kasi. "Naaasar ka na daw kasi. Hahaha," pang aasar ko pa. Ang sarap niyang asarin. Kitang kita ko kung paano siya magpigil ng galit, tumalikod na siya sa amin atsaka lumabas ng court at iniwan kami. Pagkaalis ni Dean ay naiwan kaming mga natira dito sa court at nagsitawanan. +++ Nagdagsaan na ang mga tao. At kanya kanyang slogan ang dala nila na may mga nakalagay na: 'Go! Jerico' 'For the win! Justine' 'LUV Dean' 'Go DEAN' 'YEAH Jake' 'WOho! Jerico' Pero mas madami talagang tagahanga si Dean. Hindi ko alam pero bigla akong nawalan ng gana. Kayo na may Fans. Huhu, wawa naman ako. Wala man lang nag checheer sakin. Ang bobongga ng fans nila, nakatarpulin pa talaga ang mga mukha ng kasama ko. Nilibot ko pa ang paningin ko at may nakita akong nakalagay na. 'GO KIRA!!!' Na nasa Bond Paper pa. Grabe, nag effort siya. Si Donna! Ang sweet niya talagang kaibigan. Jowain ko na kaya siya. "KAYA MO YAN KIRA! SUSUPORTAHAN KITA!" sigaw ni Donna na rinig ko naman dito sa pwesto ko. Ang bait bait naman ng frenny ko, happy na tuloy ulit si ako. Maya maya, dumating na ang iba pa at ang kalaban, ang Shave Academy. Oo nga, ang tatangkad nila. Mas matangkad pa sila kay Dean, mas matangkad din sila kay Jerico na pinakamatangkad samin. Nang makapag ayos na ang Shave Academy sa kabilang upuan ay nagsimula na naman din silang mag shooting. Kanina pa naman din kasi kami nagsshooting, nangangalay na nga ako eh. Pero kailangan mag warm up, baka magmukha akong tanga mamaya sa court. Biglang may lumapit saking tatlong lalaki na taga Shave Academy. Tumingala pa ako para lang magkatingin sa kanila. "So nagpapasok na pala ng babae ang Bolter? Ano namang gagawin mo dito sa court?" tanong ni Boy 1. Maitim ang balat niya, may bigote na at kalbo siya. "Ano ka ba Calvin! Sigurado namang pang upuan lang yan. Eh babae lang yan eh! Hahahaha!!" sabi naman ni Boy 2. Maputi naman ito hindi kagaya nung nauna na maitim, kalbo din siya. Almost ata ng nasa Shave Academy ay kalbo. Haha sabagau bagay sila sa school na 'yun. "Why is this cute girl here trying to play basketball?" tanong naman ni Boy 3. Tanned naman ang balat nito at kalbo. Hinawakan niya ang baba ko na hinawi ko naman atsaka ko sila sinamaan ng tingin. "Ho---" "ANONG PROBLEMA NIYO HA??" sabi ni Dean na bigla na lang sumulpot sa may gilid ko. Hindi na ko makapagsalita kasi ang sama sama ng tingin ni Dean dito sa tatlong lalaking kumausap sakin. "Hey, Little Boy!! We're just talking to this cutie," sabi ni Boy 2 atsaka niya pa pinat ang ulo ni Dean na parang minamaliit lang nila si Dean. Tsk! Feeling ko binabastos nila kami. Napatingin naman sakin si Boy 2 atsaka niya ako kinindatan at lumabas pa yung dila niya. Eww!!! "DEAN!!" sigaw ko ng biglang sinapak ni Dean yung lalaking mukhang manyak. Nilapitan ko si Dean atsaka siya hinila papalayo dun sa tatlo. Potek! Paano nasapak ni Dean 'yun e ang liit litt niya! Nang lumalayo na kami bigla namang tumawa yung si Boy 2 na sinapak ni Dean. Tangina dapat tinanggal na ni Dean 'yung ulo ng manyak na 'yun! "I SWEAR!! YOU WILL LOSE TO ME MEN!! AND I WILL GET THAT GIRL!!" sigaw ni Boy 2. Susugod pa sana ulit si Dean ng bigla na namang sumulpot sina Justine at Joshua atsaka pinigilan si Dean. "Dean," banggit ko atsaka ko siya tinignan ng nag-aalala. "Tss, binabastos ka na!! DAPAT KASI LUMALAYO KA NA!! Gusto mo pa yung hinahawakan ka!!" inis niyang sabi atsaka siya nagwalk out. Aba? Ako pa may kasalanan? Ano bang ginawa ko? +++ Umalingawngaw sa buong court ang malakas na pito at nag umpisa na nga ang laban. Kami ni Dean, Justine, Mark at Jerico ang nasa first line. Ibinato na naman ng referee yung bola, pero kahit gaano kataas na talon ang gawin ni Jerico ay hindi niya maabot ang bola kaya nakuha ng kalaban ang bola. Bwiset, nakabantay na naman kami ngayon nila Mark at Justine dun sa lalaking sobrang tangkad nga, Hindi nila maagaw ay mali! Di pala namin maagaw yung bola. Mabilis ang mga galawan nila. Nakatapat saakin ang kaliwang kamay noong may hawak ng bola at sa tingin ko, siya ang pinakamatangkad sa Shave Academy. Nakatapat parin sa dibdib ko ang kaliwang kamay niya kaya todo iwas din ako sa kanya, baka kasi mahawakan niya yung ano ko T____T "Hoy! Walang hawakan ng u***g!" biglang ko na lang naisigaw kasi naaasar na ko kakailag sa kamay niya. Napatingin naman siya sakin at halatang nagulat pa dahil nakatutok nga ang kamay niya na dibdib ko. Napatigil naman siya saglit atsaka ibinaba ang kamay niya na pangharang sakin. "Good!! Thanks!" sabi ko atsaka ko inagaw ang bola sa kanya at tumakbo na ko sa kabilang court habang nag didrible. Nang makarating na ko sa kabilang court, ang dami na agad nakabantay. Ang bilis naman nilang makapunta lahat diyan? Dahil siguro sa mahahaba ang binti nila. Pinalibutan naman ako ngayon ng apat na lalaki. Malapit na talaga ako sa ring, isang bato ko lang nang bola posibleng mashoot ko o ma block nila. Ang tatangkad kasi nila. Harap, likod, kaliwa't kanan ko may harang. Bwiset Tumalon ako ng mataas at pumorma ako na parang mag-shoshoot ng bola pero di talaga ako nag shoot. Pagkatalon ng apat na yun nang sabay sabay, bigla akong bumaba at lumusot atsaka mabilis na lumapit sa ring atsaka nagshoot. Boom! Chakalaka ey! Boom chakalaka! Ang galing ko shet! Na-shoot ko, nakita mo ha! Nakita mo? Nakita niyo? Ako naka-shoot!! Nanahimik ang lahat. Wala man lang nag cheer. Ano bayan, wala ba talaga akong Fans? Hayyy, hindi ba sila masaya? Kami ang naka first shoot!! Imbes na i-cheer ako, nagbubulungan pa sila. "Wooo! Ang galing mo Kira!!" sigaw ni Donna dun sa gilid. Hehe, nandiyan pa pala si bes!! Napangiti na naman niya ko, ang sweet niya talaga. Atleas may No. 1 Fan Best Friend ako. Okay na yun sakin!! "Good job," sabi ni Mark ng makalapit siya sakin. Nagtuloy tuloy na naman ang laban hanggang sa nag Time Out muna. "Good Job guys!! Good Job, Good Job!" sabi ni Coach ng makalapit kami sa kanya. "Magaling, magaling. Mabibilis lang talaga sila gumalaw," dagdag pa ni Coach. Napatingin naman ako kina Dean at sa iba pa, at grabe!! Pare parehas lang kaming mga pagod at pawis. "Basta, ipagpatuloy niyo lang ang mga ginagawa niyo, and always pass the ball to Kira," dagdag pa ni Coach. "Eh, pano naman ako?" hinihingal na tanong ni Dean atsaka siya uminom ng tubig. "Ipasa niyo din kay Dean. Basta always sure ang shoot," "Yes Coach," sabi namin tsaka na kami nag punas ng mga pawis namin. Muli naming narinig ang tunog ng pito ng referee. Tumayo na naman kami at ng pumasok na din ang Shave Academy ay nagpalit sila ng isang player. Siya si Boy 2 yung sinapak ni Dean. Ang tangkad niya, akala ko kanina yung isa yung pinaka matangkad. Meron pa pala silang mas matangkad. Nag umpisa na naman ang laban at nasamin ang bola. Si Dean ang may hawak. Naku patay!! Yung si Kapre papalapit na kay Dean!! So si Kapre at Boy 2 ay iisa lang. "Dean, shoot na agad!!" sigaw ko. "Ano?" takhang tanong niya, ang ingay kasi nang mga tao. Wala na, naharangan na siya ni kapre. Pagshoot ni Dean, na block ni kapre. Hayyyy. Hanggang sa tumagal, inaabutan na kami, puro sila na lang eh, ayaw nila akong pasahan. Kaya nga PASS THE BALL TO KIRA diba? Dapat sakin lagi pinapasa. Puro na lang kay Dean, eh di nga makashoot kasi nakaharang si kapre. Puta, nag oone-on-one ba sila? Nag away parin sila? Hayyy, wala na. Tie na kami. 53 - 53 Last Quarter na to, for 2 minutes. Nasakin na ang bola, malapit na ko sa ring, isang bato ko na lang talaga mashoshoot ko na o maboblock nitong bwiset na kapreng 'to. Drible lang ako nang drible, siya focus sa pag drible ko sa kamay. "Wala ka nang kawala," bintang ni kapre, sinusumpa ba niya ko? Nakakatakot kasi siya ehh. Naku, 20 secs. Nalang, ang bilis naman kanina 2 mins. Pa ah?? Ganun na ba ko katagal lutang habang nagdidrible? Napangisi na lang ako atsaka tumalon ng nakataas ang bola. Tumalon din si Kapre. Oo, alam kong mabblock niya kapag nagshoot ako kaya nag-pass ako sa may likudan ko. Lumakas ang sigawan sa buong court ng na kay Dean na naman ang bola. Mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko. Nagkatinginan kami atsaka ako tumango sa kanya. Pero bago pa makagalaw si Dean, naharangan na siya ni Boy 1 at Boy 3. Pucha. Pati si Kapre nakiharang na din. Teka, three-on-one? Binabatayan nila si Dean ahh!! Nagdrible na naman si Dean atsaka siya lumusot dun kay Boy 3 pero hindi na nakalagaw sila Kapre, Boy 1 at 3 dahil hinarang at pinigil na sila nina Jerico, Justine, at Mark. "KIRA!!" sigaw ni Dean kaya natauhan ako at napatingin sa kanya. Ipinasa niya agad sakin ang bola at sakto naman na hinarang siya nung dalawa na taga Shave din. Ishinoot ko naman agad ang bola at ayun!! BEAT BUZZER!! Natahimik na naman ang lahat at nag bulungan, di ba sila masaya na sa wakas nanalo ang team sa school nila? "Ang galing mo Kira!!!" sabi ni Justine atsaka niya ginulo ang buhok ko. "WOHOO!!" sabi naman ni Jake na lumapit sakin at inapiran ako. Lumapit din sakin sina Jerico, Joshua, Mark At Justine at niyakap nila ako. Yes, it's a group hug. Yung mga babaeng nakatingin samin habang nagyayakapan kami nag bubulungan. Sabi ko nga. MAMATAY KAYO SA INGGIT!! "Nice one cutie," napaharap naman ako sa likudan ko at doon ay nakita ko si Kapre. Magpapasalamat sana ako ng bigla namang humarang sa harapan ko si Dean. "Back off dude!!" sabi ni Dean na ikinataka ko. Anong Back Off? Nababaliw na ba si Dean? Sabi sakin ni Kapre Nice daw, tapos sagot niya BACK OFF? atsaka DUDE?? Nice!! "You're so serious little boy. Bye bye!! And congrats!!" sabi naman ni Kapre atsaka siya tumingin sakin at kumaway. Kinawayan ko naman din siya atsaka na siya umalis. Wow, ang sportive nila ah! Hanggang ngayon, nababalot parin nang katahimikan ang court. Nag line up na naman kaming lima pati ang taga Shave Academy. Hello! Panalo tayo!!! At ako ang nagpapanalo. "Shave Academy Vs. Bolter Academy, with a 53-55 score. BOLTER ACADEMY WINS!!" sabi ng Emcee at ngayon nabuo ng sigawan at tilian ang buong court. Kelangan talaga sabihin pa nang iba bago maniwala na panalo kami? Hayyy. +++ Nagsiuwian na naman ang lahat pati si Donna kasabay si Dean. Di na ko nagpalit, sila Mark inaaya pa kong mag inuman eh di naman ako umiinom. Pero inaya niya din ako mag celebrate, kaso wala sa mood ko ngayon yan eh, next time na lang siguro. Susundan ko kasi si Dean ngayon. Shhh! Don't tell him, it's a secret. Patago akong sumusunod sa kanila ni Donna ngayon. Maya maya, pumasok sila sa eskinita, what the--- Ang baho, tutuloy pa ba ko? Hay bahala na nga. Sinundan ko parin sila, tapos napatigil sila sa isang bahay bahayan ay este maliit na bahay. Diyan ba sila nakatira? Sa ganda at gwapo nila? Pumasok ako sa gate nila, wow susyal bubong ng bahay ang Gate nila. Parang bubong ng bahay namin? Hehehe. Nang makapasok na naman ako sa may gate nila ay lumapit agad ako sa may binta atsaka sumilip. Nang mapasilip ako may nakita akong babaeng nakahiga sa upuang mahaba at nilapitan iyon ni Dean atsaka nagmano. "Ma, uminom ka na ba nang gamot mo?" tanong ni Dean. "*cough*cough* oo *cough*" sabi nung babaeng may katandaan na atsaka siya naupo sa may upuan. "Tsk! Tsk! Tsk! Mag luluto na ko Mama nang sardinas. Ikaw Noona mag saing ka na muna," utos ni Dean atsaka na naman siya dumiretso sa may kusina. "Okay," sagot naman ni Donna. Naglakad na naman ako ngayon papuntang bintana nang kusina. Nang biglang--- BOOGSH. Bwiset na yero, nalaglag. Nasanggi ko? Hehehe!! "Sino yan?" Sigaw ni Dean atsaka siya sumilip silip sa may bintana dito habang ako naman ay nagtago sa dilim at puno. "Meow," sabi ko atsaka ako napatakip sa bibig ko dahil natatawa ako sa sarili kong katangahan. Sige na sumakay ka. Pusa ako, gusto mo maging aso pa ko o ano. Basta sumakay ka sa katangahang naisip ko. "Pusa lang pala," sabi ni Dean atsaka na siya pumasok at dumiretso sa sala. Tumakbo na naman ko dahan dahan papuntang gate kasi baka makita pa ko ni Dean dito pag nagtagal pa ko--- "Ang laking pasaway na pusa mo naman," Napatigil ako sa paglalakad ko habang nakayuko at lumingon ako dahan dahan sa may pintuan kung saan nandun si Dean at naka cross arms. "Ahh.. Eh... Kasi... Ano... Hmmm... A E I O U..." sabi ko habang tumitingala at iniiwasan siyang tignan. Anong idadahilan ko? Nakakatakot naman kasi si Dean eh. "Ang kulit mo eh noh! Pati sa bahay ko sinusundan mo ko? Stalker ba kita?" tanong niya atsaka naman nanlaki ang mga mata ko. Stalker? So panget talaga tingin nila sakin. Kasi kung maganda ako, admirer ang itatawag nila sakin at di stalker. "Hindi ha! Ano... Kasi nga... Yung.. Ano---" "DEAN SI MAMA!" sigaw ni Donna mula sa loob ng bahay nila. "Anong nangyari?" natatarantang tanong ni Dean atsaka siya mabilis na pumasok sa bahay nila. "Inatake na naman si Mama," sabi ni Donna habang nasa mga hita niya ang nanay nilang nawalan ng malay. "Tara, dalhin natin sya sa Hospital," pagpprisinta ko. "Wala kaming pambayad. Ano ba? Mahirap lang kami. Nakita mo naman diba?" iritang sabi ni Dean. "A-Ako na bahala! Tara na," "Ayaw ko!" pagtutol ni Dean. Ang sama niya talaga kahit kelan. Nag aagaw buhay na yung nanay niya tapos tututol pa siya sa biyaya na ibibigay ko sa kanya. Palibhasa hindi niya ko kilala. "Anong gusto mo? Mamatay na yang nanay niyo o dadalhin natin siya sa Ospital?" "Tara na nga!" parang napilitang sagot ni Dean atsaka niya binuhat sa likudan ang nanay niya. Pumunta kaagad kami sa Ferrari kong nakapark di kalayuan sa bahay nina Dean. Sobrang lapit lang naman, mga 20 feet ang layo. Diba malapit? Mabilis kaagad kami nakarating sa ospital, sa bilis ko naman kasing mag drive. Dinala agad namin yung nanay nila sa Emergency Room at ayun, naghintay na kami sa labas. Habang sina Dean at Donna ay nag aalala sa nanay nilang nasa OR, ako naman ay iniisip ko parin kung bakit ayaw nila akong papuntahin sa bahay nila? Mhh, siguro ba dahil sa nanay nila na may sakit? Nag aalala ba sila na baka mahawa ako kasi may ubo yung nanay nila? Aish!! Hindi naman. Dahil ba sa mahirap sila? Nahihiya sila kasi mahirap lang sila? Eh? Why does it matter if they are poor? Hayyy... hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan. DEAN POV. Ano bayan, sigurado di na naman toh uminom ng gamot. Ang kulit kasi ni Mama kasing kulit ni Kira. Teka, speaking of Kira! Where is she? Hindi ko na namalayang nawala siya kasi si Mama lang ang laman ng isip ko ngayon. Lumabas na naman ang doctor atsaka namin siya nilapitan ni Donna. "Doc, anak po kami ng pasyente. Kamusta na po si Mama?" tanong ko. "Okay na naman siya, nagising na din siya. Pwede niyo na siyang puntahan sa loob," sabi ni Doc at pumasok na kami ni Donna sa loob. "Ma, di ka na naman uminom ng gamot mo. Ang kulit kulit mo!!" inis kong sabi ng lumapit ako sa kanya. "Ano ka ba anak! Nakalimutan ko lang uminom kasi nakatulog ako atsaka naglaba," sabi pa ni Mama. "Nga pala, sinong nagdala sakin dito? wala tayong pambayad," sabi ni Mama. Oo nga pala, nakalimutan ko ulit yung Kira na yun sa pag aalala ko kay mama. Nasan na nga ba yung babaeng yun? "Ahh, si Kira po ang nagdala sa inyo dito. Siya na din daw po bahala sa bayad," sabi ko naman. "Ah nasan siya? Papasalamatan ko siya. Baka... patay na siguro ako kapag hindi pa niya ko dinala dito sa ospital," sabi ni Mama. Oo nga... baka... Urgh!! "Ah, ako nang bahala Ma. Ako ng magsasabi," sabi ni Donna atsaka naman tumango si mama. "Ma, matulog ka na, bukas babalikan ka namin," sabi ko atsaka naman tumingin sakin si Mama nang nakangiti atsaka tumango. Pag labas ko, nakasalubong ko ulit si Doc. "Oh, kayo diba yung anak ng pasyente?" tanong samin ni Doc. Nagkatinginan kami ni Donna atsaka tumango ng sabay. "Opo, kami nga po," sabi ko. "Sabi ni Ms. Kira, siya na daw ang magpapaopera sa nanay niyo," sabi ni Doc na ikinataka ko. Ano si Kira? doktor? "Bakit?" takha kong tanong. "Kelangan yun ng nanay mo para tumagal pa ang buhay niya at lumusog at lumakas pa siya. At isa pa, mawawala na ang sakit niya kapag naoperahan na siya. In other words, gagaling na siya," "Ah sige po, siya naman ang bahala sa lahat ng bayarin eh, teka dok. Bakit Ms. Kira ang tawag mo sa babaeng yun?" "Sila kasi ang may ari nitong ospital. Sige Ijo, mauna na ko," paalam ni Doc atsaka na siya umalis. Anak nang trese... Ang yaman pala nang babaeng yun? BIGTIME!!! Pero... Putang ina nung babaeng yun?? Pumunta sa bahay ko? Ewan ko talaga kung patay na yung mga magulang nun dahil sa kakulitan niya eh. Buti natitiis siya ng mga kasama niya sa bahay. Tsss, siguro naman alam na niya kung bakit ayaw ko siyang papuntahin sa bahay? Puta, baka laitin ako bukas ng babaeng yun kasi alam na niya na mahirap kami. Ayaw ko pa naman ng may nakakaalam. Bale karamihan sa mga kaibigan at kakilala ko alam na mahirap kami. Hayyy!!! Hahayaan ko na nga yung babaeng yun. Wala naman akong pake dun. [CONTINUE...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD