Napakamot na lang ako nang ulo pag upo ko sa kama nang magising ako atsaka nag unat at iminulat ang mga mata. Antok pa ko. Bwiset na alarm clock kasi. Ang aga aga nanggigising.
Napatingin naman ako sa gilid ng kama ko kung saan nakalagay ang maingay kong alarm clock atsaka ko siya pinukpok ng kamay ko para tumigil na siya sa kakaingay niya. Antok pa talaga ako hohoho.
Bumaba na ako nang kama atsaka dumiretso sa CR.
+++
Nandito na ako sa school at para akong ZOMBIE na naglalakad. Mala tanga lang ang peg ko ngayon. Nakayuko ako habang naglalakad dito sa hallway, buti na lang walang bumabangga sakin.
Teka! Bakit nga ba ko napuyat?
Ah! Oo tanda ko na, gabing gabi na kasi nun tapos nag YouTube ako, nanood pa ko ng LIVE SHOW performance kahapon ng BTS sa Mnet kaya ayun napuyat ako. Mga 2:00 or 1:00 na ata ko nakatulog?
Di ko na din kasi mapigilan manood ng kdrama!! Hayst!!! Lalong lalo na yung Vampire Flower!! Grabe, keneleg keleg ako kagabi---
Bigla akong natauhan ng bigla may tumakip sa bibig ko at hinila ako papunta sa loob ng isang classroom. Pinalo palo ko yung kamay niyang nakatakip sakin. Tapos binitawan niya na ako ng maisara na niya 'yung pinto. Tignan ko agad kung sino tong tarantadong nagdala sa akin dito.
"Hoy kulet? Bakit ka nga pala pumunta nang bahay kagabi?" tanong niya agad sakin. Wow ahh? Iyon pa yung natandaan niya kagabi imbes na magpasalamat kasi ako pa ang dahilan para gumaling ang nanay niya soon ahh? Putek, Wala kong ganang asarin siya ngayon.
"Ayaw mo kasi akong papuntahin kaya sinundan ko na lang kayo," matamlay kong sabi habang nakatingin lang sa sahig at nakayuko.
"Ang kulit mo talaga eh no, sa susunod. Magpapaalam ka muna sakin," irita niyang sabi. Naghikab naman ako atsaka nagpapikit pikit kasi inaantok pa ko. Hindi pa ba tapos si Dean? Gusto ko nang pumunta nang room eh, para makatulog muna ko.
"Kahit naman magpaalam ako sayo hindi mo naman ako papapuntahin eh..." bulong ko.
"May sinasabi ka ba?" tanong niya. "Ahhh... wala.. sabi ko inaantok na ko..."
"ANO!!!?" sigaw niya kaya nagulat ako at napatingin ng diretso sa kanya. "ANG SABI KO OKAY!!!" sigaw ko din. Putengene, nakakairita siya ahh.
"Wag ka na ulit pupunta sa bahay ha!" sabi niya atsaka naman ako natawa.
"Kanina sabi niya magpaalam daw ako sa kanya ngayon naman wag na daw akong pumunta sa bahay nila. Lupet din niya eh... Pero itutor mo pa ko!!" sabi ko.
"Sa bahay n'yo na lang,"
"Tapos lagi kang magmamadali kasi iniisip mo yung mama mo kung nakainom na ba nang gamot. Atleas kung sa bahay niyo na lang di ka na mag aalala pa at mababantayan mo pa ang mama mo,"
"Tsss..." sabi niya lang atsaka siya umiwas ng tingin sakin.
"Pst!"
"Ano?!" tanong niya atsaka niya ako sinamaan ng tingin. Nireregla ba siya? Mas malupet siyang mairita oras oras kesa sakin eh.
"Please..." sabi ko atsaka ko pa pinagdikit ang magkabila kong palad at nag pout sa harapan niya habang nakapikit ang mga mata ko. Ayaw ko talagang gawin toh eh, inaantok lang talaga ako.
"Next time!!" sabi niya
"Yehey!" nabuhay medyo yung dugo ko dun ah. Ibig sabihin, Next Time sa bahay na nila kami mag aaral. Hihihi!!
Ihuhug ko sana siya, pero nahawakan na niya yung ulo ko at inilayo. Nag pout naman ako tapos lumabas na siya sa room at iniwan ako. Sinundan ko naman agad siya palabas.
Nauna na siyang maglakad sa hallway. Hindi talaga to gentleman, hindi man lang ako hinintay.
"Uy! Pst! DEAN!!" sigaw ko pero inisnob lang ako.
"DEAN!" sigaw ko ulit pero tuloy parin siya sa paglalakad.
"DEAN!!!"
Grabe, wa pakels parin. Madapa ka sanang nilalang ka!!
Habang naglalakad ako, nakatingin na sakin yung mga studyante. Tapos nagbubulungan pa. Tumakbo na lang ako para abutan ko yung lalaking yun. URGH!!! Kainis, pinagod ako. Wala pa naman ako sa mode tumakbo =_______=
"HOY! HEATHER!!" sigaw ko ng makalapit na ko sa kanya. Tinignan ko naman siya at nakangiti siya ng malapad?
"Uy, ngumingiti siya," pang aasar ko, tapos tumawa pa siya nang malakas ng sabihin ko yun. Okay mas nakakatakot na siya sakin. May sayad ba siya?
"Hoy! Bakit ba?" inis kong tanong kasi ba naman eh. Para na siya baliw. Nakakapraning eh!!
"Kasi... Ano..." sabi ni Dean atsaka niya inilapit ang bibig niya sa tenga ko at bumulong. "Lagpas na tayo sa room," sabi niya atsaka ulit siya tumawa nang malakas.
"ANO?!" sigaw ko. Seriously Dean Wolter? kaya pala kanina pa kami naglalakad lagpas na pala kami. Aish!
"Bakit hindi mo agad sinabi!!?" inis kong tanong atsaka na naman kami naglalakad ngayon pabalik. Late na nga kami, mas lalo pa kaming malalate ehh!!
"Di ko din napansin eh," sabi niya Dean atsaka ko lang siya binigyan sinamaan ng tingin. Yan tayo eh!
Maya maya pa ay nakarating na naman kami ng room. Ang sama sama parin ni Jessica, ang sama sama nang tingin sakin.
Inggit ata pero punta muna siya sa China tapos hanapin niya pake ko.
"Hoy Donna, may pag uusapan tayo mamaya," sabi ko sa kanya nang mapadaan ako sa may upuan niya.
"Ano yun?" tanong niya ng nagtataka.
"Mamaya nga diba?" sabi ko atsaka na ako naupo sa upuan ko.
"Thank You Kira sabi ni Mama," sabi ni Donna atsaka pa siya humarap dito sa may pwesto ko. Napangiti ako, nakakatuwa kasi may natulungan ako.
"Sus, wala yun. Best Friend naman kita kaya okay lang yun," nakangiti kong sabi. Yan na naman siya. Nakangiti din siya. Maya maya pa ay dumating na naman si Ms. Fai.
Inaantok na naman ako. Pag inaantok pa naman ako ng todo, hindi ko mapigilang pumikit habang nakaharap sa harapan. Mukha pa namang tanga 'yung ganun.
"Hoy, makita ka ni Ms. Fai," biglang sabi ni Dean kaya medyo natautauhan ako
"Pake mo," inis kong sabi.
"Bala ka dyan," sabi niya naman.
"CONCERN?!" sigaw ko tapos bigla din akong napatakip ng bibig dahil baka marinig ako ni Ms. Fai.
"Tss," sabi niya lang. Tumahimik na lang naman ulit ako, wala talaga ako sa MOOD eh. Hindi ko alam kung inaantok ba ko pero kasi feeling sick ako ngayon. Bakit ganun?
Parang... ang lamig? May sinat ata ako.
Lunch Break na. Ang ibang estudyante ay nag uuwian habang ang iba naman ay dun na sa canteen nag lunch. Ako naman, naisipan kong pumunta sa Mall. Malapit lang naman kasi ang Mall dito. Yemern ke kese eh...
Maya maya, nanlalabo na yung paningin ko. Gutom na naman ako, malayo pa naman yung restaurant. Teka nasaan na ba ko? Hindi ko makita ng maayos ang paligid. Parang... naghahalo halo ang nakikita ko. Ang gulo... hanggang sa mapaupo na ako sa may sahig atsaka ako huminga ng malalim at ikinalma ang sarili ko. Mag-cocollapse na ata ako.
"Miss, okay ka lang ba?" biglang may humawak sa kaliwang balikat ko atsaka naman ako napatingin sa kanya.
"Malay ko... sa tingin mo?" Habol ko parin ang aking hininga.
"Ehh," sabi nung lalaki atsaka siya napakamot sa ulo niya. Madami ba siya kuto? Bakit ganun? Sino ba nagpauso ng kuto na yan? Bakit ba nabuhay ang mga kuto sa ulong ibabaw ng tao? Dapat sa mundong ibabaw sila diba? Puta? Ano bang mga naiisip ko?
"Gutom na ko e, mukhang di na ko aabot sa kahit saang fast food..." sabi ko atsaka ko itinaas ang aking kamay na parang may inaabot.
"Tabi mo lang oh?! Hindi ka ba nakain sa McDo?" Napatingin ako sa fast food na nasa tabi ko.
Oo nga naman hehehehe.
Pumasok kaming dalawa sa restaurant. Tapos siya na 'yung um-order. Baet.
Dumating na naman yung lalaki na may dalang tray. Unang lapag palang ng tray, inataki ko na yung dala niya.
"Hoy, kutsara pa lang yan!" sabi niya sakin. Pagtingin ko crap! Kutsara nga. Grabe, gutom much na ko. Eh kasi ba naman bakit siya may dalang tray eh kutsara lang pala ang laman =______=
Mabilis namang dumating 'yung order kaya naka attack na din ako. Grabe parang hindi naman ako nakakain nung umalis ako ng bahay?
"Pota, ilang araw ka di pinapakain sa inyo?" tanong nitong lalaking nasa harapan ko parin at hindi pa umaalis. Teka ano pa bang kailangan niya? Mangbubudol budol ba siya sakin? Nanakawan niya ba ko? Kukunin yung bag ko? Or what?
"Wala kang pake, gutom 'tong kinakausap mo," masungit kong sabi.
"Okay ka lang ba? Hindi ka ba pinapakain sa inyo?" natatawa niyang tanong atsaka ko lang naman siya sinamaan ng tingin at kumain ulit.
Nakatingin lang siya sakin habang nakain hanggang matapos ako. Di naman ako naiilang sa mga tingin niya. Eh kasi, bakit naman kailangan ko maiilang? E gutom ako e. At wala siyang magagawa kundi tumingin lang at manood kung paano ako kumain.
Maya maya ng matapos akong kumain ay sabay na naman kaming lumabas ng mall atsaka na kami nag paalam sa isa't isa. Umalis na din naman ako atsaka pumunta ng parking lot para sumakay sa ferrari ko.
Pagpasok ko ng ferrari ko, bigla akong napatigil saglit atsaka pinukpok ang ulo ko. Ano bayan, di ko pala na tanong yung pangalan nung nilalang na yun!! Ang gwapo pa naman tapos maputi, cute, baby face at... Basta Basta!! Gwapo!! Aish!!
+++
Nandito na naman ako sa school at ON THE WAY TO HELL na naman ako. Sa Section Nine, kung saan science na.
"Uy Kira," Paglingon ko, si Niel pala. Isa siya sa Basketball Team at kaklase ko din sa Science. Ang cute niyang nilalang reader!! Promise!!
"ANO?!" galit na tanong ko. Teka... bakit ba ko ganito? Galit ba talaga ako nung tinanong ko siya at hinarap? Teka... Nireregla na din ba ko? Omo!! Omo!!
"Bakit ka galit?" tanong ni Niel. Napakamot na lang ako nang ulo. Ang dami ko din sigurong kuto. Ang ikli nang oras na nagsama kami nung gwapong nilalang kanina sa mall, nahawaan na niya ko agad ng KUTO?
Lupet!!
"Wala, BAD MOOD lang ako," sabi ko atsaka na naman kami sabay ni Niel pumasok ng room.
Nanahimik na lang si Niel at umupo na naman ako sa likod kung saan katabi si Justine. Naghalumbaba na lang ako at tumingin sa mga kaklase kong abnormal at kung ano anong mga ginagawa.
"MIRACLE!" sigaw ni Justine na parang siyang umaakting sa theater. Nababaliw na din siya kagaya lang siya ni Dean, magtropa nga sila. Di ko siya pinansin atsaka ako bumuntong hininga ng malalim.
"Ang tahimik mo naman ngayon. Di ka makulit, maingay at di ka nangangasar. Anong nakain mo nung break?" nakangiting tanong ni Justine. Pumikit muna ko atsaka ikinalma ang sarili ko. Baka kasi masigawan ko din siya.
"Ammm... Kanin at chicken lang sa McDo. Kaya ayun, parang na BAD MOOD ako. At Pizza na din, dessert ko. At pwede ba manahimik ka muna din diyan kung ayaw mong RAYUTIN KITA!! I need peace!" sabi ko atsaka ako nag V-Sign sa magkabila kong kamay. Lumayo na sa pwesto ko si Justine atsaka siya nanahimik.
Ewan ko ba, ang tahimik ko nga ngayon. Bakit kaya?
Pagkatapos agad ng mga klase ko ay umuwi na agad si ako. Di ko na nga nakulit si Dean eh, atsaka hindi ko na nakita si Donna. Buti na lang walang praktis ng basketball ngayon.
Nagdadrive na naman ako ngayon pauwi at ang bilis ata ng takbo nang sasakyan ko? Bigla akong nakaramdam ng pagsakit ng ulo at pagkahilo.
Teka! Parang mababangga ako, di ko alam kung saan ba ko papunta. Parang kanina pa ko nag dadrive. Naghahalo halo na naman ang nakikita ko sa paligid.
"I'm... thirsty..."
That was just the two words that came out of my mouth. That was the words i was only thinking.
Uhaw na ko. Uhaw na uhaw. Parang meron akong gustong inumin na hindi ko naman alam kung ano. Ilang bote na din ng tubig ang nainom ko pero di parin okay.
Huminto muna ko at tumingin sa rear mirror ng ferrari ko.
Grabe, mukha ko ba talaga toh? Mukha na kong bangkay sa sobrang puti ko. Ano bang nagyayari sakin? Bakit ako nagkakaganto?
Nakaramdam ako ng lamig kaya pinatay ko agad ang aircon ng ferrari ko. Pero... nakapatay na yun.
Bakit... ang lamig parin?
Lumabas ako nang kotse ko nang hindi ko alam kung bakit... teka bakit ako lumabas? Oh, yeah, i just need... air.
Paglabas ko, nanghihina na ko. I can't stand still hanggang sa bumigay na ang mga tuhod ko at nalaglag na ako sa pagkakatayo ko.
Nakakaramdam ako ulit ng antok kaya unti unti kong ipinikit ang mga mata ko hanggang sa makarinig ako ng mga boses.
"KIRA?? KIRA!! anong nangyari sayo?"
"KIRA!!"
DEAN POV.
Naglalakad kami ngayon pauwi ni Donna. Bwiset kasi yung jeep na sinakyan namin nawalan ng gas, yan tuloy bumaba kami. Tapos wala ng jeep na dumaan kaya naglakad na lang kami.
Bigla namang may dumaang kotse, sobrang bilis magpaharurot ng Ferrari niya. Bwiset na kotse yun, kung magpaharurot wagas parang wala nang bukas.
Bigla namang huminto yung kotseng yun di kalayuan samin. Maya maya ng malapit na kami sa kotseng yun, biglang nagbukas ang pinto sa may driver seat atsaka doon lumabas yung driver.
Putang malupet!! Etong nilalang na babae lang na pala na toh yung driver ng bwiset na kotseng Ferrari na yan? Putengene, makakabangga kaya siya sa sobrang bilis niyang magpaandar.
"KIRA!!" sigaw ko ng biglang malaglag sa pagkakatayo si Kira 'tsaka ako tumakbo papalapit sa kanya habang si Donna naman ay sumunod sakin.
"KIRA?? KIRA!!! Anong nangyari sayo?" tanong ko pero imbes na sagutin niya ko ay pumikit na siya.
"KIRA!!!" sigaw ni Donna.
Tinignan ko naman ang buong katawn niya kung anong dahilan at bakit siya biglang nahimatay.
Wala naman siyang tama ng baril o saksak ng kutsilyo kaya mabubuhay pa tong nilalang na toh.
Pero ngayon ko lang napansin na ang lamig ng buong katawan niya. Para siyang... bangkay? May sakit ba siya? Fever or what?
Hayyy, kaya siguro kanina pa tahimik tong babaeng toh. Ano ba nangyari sa kanya?!
Ipinasok ko na naman si Kira sa may backseat sa ferrari niya kasama si Donna at ako naman ay pumunta sa may driver seat. Pinaandar ko na naman ang kotse atsaka na ko nagsimulang magdrive.
Pasalamat kang babae ka marunong akong magdrive.
"Dean Bilisan mo!!" natatarantang sabi ni Donna.
"Eto na nga eh. Ang tanga naman kasi niyang kaibigan mo. Nagpapaandar pa siya eh lagpas na nga siya sa bahay niya," sabi ko na lang. Pasalamat ka talaga Kira Mae Yien, alam ko din address mo.
"Bilisan mo na lang!!" sabi ni Donna kaya ayun, binilisan ko na lang. Nagmamadali?
"Wag niyo kong dalhin sa Ospital," bigla na lang banggit ni Kira na nasa may backseat at nakaunan ang ulo niya sa may hita ni Donna.
"Bakit?!" takhang tanong ni Donna.
"Gago ba kayo? Ipupunta niyo na ko sa bahay ko eh," sabi ni Kira. Tingnan niyo tong babaeng toh, siya na nga tinutulungan kami pa minumura. LAKAS.
Maya maya pa ay nakarating na naman kami sa bahay nila.
Pagpasok ko, bwiset ang laki naman nitong mansion nila. Asan ba kwarto nitong babaitang toh?
"Sir!! SIR! Ano pong nangyari kay Ms. Kira?" tanong nung babaeng bigla na lang lumapit sakin. Mukhang isa siyang maid.
"Hoy Dean, uuwi nako. Pupunta pa nga pala ako kay mama sa Ospital. Sige ingatan mo si Kira bye-bye!!" sabi ni Donna atsaka na siya tumakbo. Tatawagin at hahabulin ko pa sana siya eh kaso buhat ko tong babaeng toh kaya no choice, ako na magdadala ng babaeng toh sa kwarto.
"Sir, sa dulo po yung kwarto ni Ms. Kira," sabi nung Maid atsaka niya itinuro kung papaano makapunta dun.
"Pwedeng kayo na lang po ang magdala kay Kira sa kwarto niya? Aalis na din po kasi ako, nagmamadali ako eh!!" pagdadahilan ko.
"Sir, sorry po. Kasi tatlong maid lang po kami dito at may gagawin pa po kaming trabaho. Hindi ko din po kayang buhatin si Ms. Kira hanggang kwarto niya at Sir, paki alagaan na din po muna si Ms. Kira bago po kayo umalis,"
"Pero---"
"Sige Sir, SALAMAT!!" sabi nung maid atsaka na siya umalis ng sobrang bilis. Putek na yan? Bakit sa dinami dami ng pwedeng makasalubong sa daan at magdala dito sa mansion na toh kay Kira, BAKIT AKO PA? AKO TALAGA!!!??
Ano ba yan. Sa laking mansion, tatlong maid lang ang laman. Hindi naman halatang ayaw nila nang masyadong kasama sa bahay?
Mas maganda kaya kapag madami sa loob ng bahay, kasi parang ang lungkot ng isang bahay kapag kokonti lang kayo.
Naglalakad na naman ako papuntang dulo kung nasaan daw yung kwarto nitong si MS. KIRA.
Nakarating na ako sa may tapat ng pinto ng kwarto ni Kira. Binuksan ko na naman agad ang pinto at pagkabukas na pagkabukas ko ay kulang na lang ay mapatili ako na parang bakla dahil sa gulat ko ng biglang lumitaw ang pugot na ulo mula sa loob ng kwart ni Kira.
Bwiset na Kira toh, tinakot ako este ginulat. Kung may sakit ako sa puso baka nahimatay na din ako.
"Pfft!!"
Napatingin ako kay Kira ng makarinig ako ng nagpipigil nang tawa at siya nga yun. Putek, anong tinatawa tawa nitong babaeng toh? Gising na pala siya eh!! Natawa lang siya habang nakapikit.
"Gising ka na pala," cold kong sabi.
"Hindi ahh... sleep talking lang toh," sabi niya. Bumitaw na ako sa pagkakabuhat ko sa kanya atsaka naman siya nalaglag. Pero hindi ko naalala, nakayapos nga pala siya sa may leeg ko kaya pati ako napasama sa paglaglag niya sa sahig.
Nakapikit parin hanggang ngayon si Kira habang nakangiti na animo'y nananaginip ng sobrang ganda habang nakayapos parin sa may batok ko. Habang ako naman ay nakatuon ang magkabilang kamay sa may sahig at pinipigilang magdikit ang mga labi namin.
"Dean..." bulong niya habang nakapikit parin atsaka niya ako mas niyapos pa papalapit sa kanya kaya naglapat ng tuluyan ang mga labi namin.
Ilang segundo akong natigilan, napapikit din ako ng hindi ko alam. B-Bakit ganun? Ang bilis ng t***k ng puso ko. Ang lambot ng labi niya.
Shit! Lalaki din naman ako guys. Hindi ko mapigilang bumigay sa halik na toh.
"AHHHH!!!" sigaw ni Kira atsaka ako napamulat at nagulat ng bigla niya akong itinulak papalayo sa kanya.
WHAT THE f**k IS THAT? I'M NOT ENJOYING IT!! SOBRA SIYANG MAKATULAK AHH!!
Tinignan ko naman si Kira ng masama habang hanggang sa ngayon ay parang hindi siya makapaniwala sa nangyari.
Nakahawak siya sa labi niya na hanggang ngayon ay namumutla parin.
"Nauuhaw ako..." sabi niya atsaka ko siya tinignan ng seryoso-ka-ba look. Bwiset, nauuhaw lang pala kailangan pa nang halik?
Putek na yan, humanda ka sakin Kira kapag may nangyari sakin ngayong gabi ahh. Ikaw talaga may kasalanan. s**t, baka hindi ako makatulog.
Teka alam niya bang hinalikan ko siya? Pero teka? Hinalikan ko ba talaga siya? Ako ba ang nanghalik? Teka naghalikan ba kami? Diba Kiss lang yun at hindi KISSING? Oo nga. Halik lang.
Tumayo na naman ako atsaka ko siya tinignan. "Tumayo ka na diyan. Magpahinga ka na muna sa kama mo," utos ko. Tinry naman niyang tumayo, pero para siyang lumpo na hindi makatayo.
At dahil mabait akong nilalang sa mundong ibabaw na toh, binuhat ko na lang siya atsaka inihiga sa kama niya.
Nang naihiga ko na siya sa kama niya, hinubad ko ang sapatos niya atsaka ko siya kinumutan.
Bumaba naman muna ako at pumunta sa kusina nilang kasing laki lang ng bahay namin at kumuha nang isang pitchel at baso.
Bumalik na naman ako at ngayon ko lang napansin na pagpasok mo sa kwarto niya ay black and red ang theme. At mga Vampire Designs ang nakalagay.
"Mahilig ako sa mga bampira. Cool kasi sila," sabi ni Kira na nahalata atang nililibot ko ang mata ko sa kwarto niya.
"Tinatanong ko ba," naibulong ko na lang.
Tinawanan naman ako ni Kira atsaka ngumiti nang sobrang lapad. Natitimang na naman ba siya? Bakit siya natatawa?
Lumapit naman ako sa may kama niya atsaka umupo sa tabi ng malaki niyang kama. Nagulat naman ako ng bigla siyang mabilis na lumapit sakin atsaka niya biglang kinurot yung magkabilang pisngi ko.
"A-Aray!! ANO BANG GINAGAWA MO?" tanong ko.
"Ang Cute mo!!" nanggigigil niyang sabi atsaka na niya binitawan ang mga kawawa kong pisngi.
"I know that," mayabang kong sabi. Pero promise alam ko namang pag nakita niyo ako, ako lang ang pinaka cute na nilalang na makikilaka niyo
"Kamukha mo si Teacyon!!" sabi ni Kira at para akong nakakakita ng puso dun sa magkabilang mata niya. Tsk!! Inlove na siya niyan sakin... Tsk! Tsk! Tsk!
Napatingin naman ako bigla kay Kira ng nagtataka.
"Sino naman yun? Baka mas gwapo pa ko dun!!" sabi ko naman.
"Eh toh oh!!" sabi ni Kira atsaka niya inabot sakin ng cellphone niya.
"Teka?? Ako toh ahh!! Ikaw ahh!! May gusto ka pala sakin!!" sabi ko habang nakatingin sa wallpaper niya na kahawig ko nga.
"Gago! Yan si Taecyon," sabi niya atsaka naman ako napakamot sa ulo. Putang ina, na-gago na naman ako ng babaeng toh.
"Eh hindi naman toh si Taecyon eh!!" pangangasar ko pa.
"Siya nga yan. Maniwala ka sakin..." natatawa niyang sabi
"Kamukhang kamukha mo talaga sya," sabi niya. Edewew, wala akong pake. Mas gwapo parin ako. Tang ina mo.
"Nga pala. Hindi pala kayo mayaman?" tanong niya. Tang ina, hindi niya ba nakita?
"Nakita mo naman diba?"
"Nasan tatay mo?" tanong niya ulit.
"Stalker ba kita?"
"Stalker agad?! Pwede bang nagtatanong lang?!"
"Bakit? May gusto ka ba sakin?" tanong ko atsaka ko siya tinignan ko siya nang diretso sa mga mata n'ya.
"Pwedeng Oo at pwedeng Hindi," sagot naman niya atsaka siya tumingin sa itaas. Taena, ginugulo niya ba yung isip ko?
"Bilis, kwento ka naman tungkol sa buhay mo," sabi niya pa. Bwiset na babaeng toh!! Ano bang gagawin niya sa kwento ng buhay ko? Isusulat niya ba ako sa MMK?
"Eto, buhay parin ako. TAPOS!" sabi ko.
"Hindi yun. Pano ka nakapasok sa Bolter Academy? Diba di naman kayo mayaman, at mahal ang tution fee dun! Matalino ka ba? Scholar ka ba sa Academy?" sunod sunod niyang tanong. Hindi naman talaga siya makulet eh. Grabe, ayaw talaga akong tantanan, nanahimik na lang ako.
"Paano mo nga pala nalaman kung saan yung bahay ko?" tanong ni Kira kaya napatingin ako sa kanya at napatigil saglit.
"Diba nakapunta na ako dito? Nung tinutor kita," sabi ko. Tumabgo tango naman siya bilang pag sang ayon.
"Eh ikaw? Nasaan yung mama at papa mo?"
"Nasa, iba't ibang bansa sila," sabi niya atsaka niya inumpisahang gusut-gusutin yung kumot na nasa harapan niya. So it means na nalibot na nila ang buong mundo?
"Ikaw lang ang nandito?" takhang tanong ko.
"Oo atsaka yung mga maids,"
"Sa laking toh? baka na sayang lang pera niyo,"
"Nope, mga 1.4 M. lang naman ang nagastos namin. Atsaka eto lang naman ang bahay namin dito sa Pilipinas. May bahay pa kami sa LA, Korea, Chigaco--- Basta madami pa. Kung saan saan kasi kami pumupunta eh," sabi pa niya habang ako kulang na lang malaglag ang panga dahil sa mga pinagsasasabi niya.
"Ano? Nila-lang mo 'yung 1.4 M.?" Tanong ko. LANG?? MILLION YUN!! MILLION ANG PINAG UUSAPAN!!
"Oo naman. Mayaman naman kami!" sabi niya pa. Gaano ba sila kayaman? Bakit parang sobra sobrang yaman naman ata nila?
Grabe sila. Ang yaman pala talaga nila, jackpot pala tong babaitang toh! Oo nga, kotse pa nga lang mukhang bilyon na ang halaga.
"Nga pala. Uuwi na ko," sabi ko atsaka na ako napatayo sa kinauupuan ko at kinuha ang bag ko.
"O sige, ipahatid na lang kita Jhan," sabi ni Kira at kulang na lang ay magpigil ako ng tawa sa pinagsasasabi niya. Etchosera, wala nga siyang driver at wala atang kalalaki lalaki dito sa bahay na toh.
"Wag na, okay na ko. Pupunta pa din ako sa hospital. Sige na! Aalis na ko," sabi ko atsaka na ako naglakad papalabas ng kwarto niya.
Bago ko isara ang pinto ng kwarto niya ay napatingin pa ako kay Kira na nakangiti ng malapad.
I hate that smile of girls, diyan ako na fall eh... naaalala ko na naman yung kiss, BWISET!! Makaalis na nga! LINTEK NA YAN!
KIRA POV.
Pag alis ni Dean, nahiga na ako.
Yung 'Jhan' kaninang sinabi ko kay Dean e joke lang yun. Wala ngang driver dito sa bahay at walang lalaki.
Naalala ko na naman bigla si Dean.
Ang cute cute cute niya talaga. Lalo na pag naiinis s'ya at di n'ya ko pinapansin. Grabe talaga yang mga bad boy na yan. Bakit ba mga pinanganak na cold, pero HOT din ang dating.
Cold pero Hot? Aish! What am I thinking again?
But damn, I'm always happy that I didn't even notice when I'm at his side. I think, i started to like Dean.
[CONTINUE...]