Kabanata 5

2518 Words
Nandito na ako sa school at pagpasok ko sa room, wala pa si Dean. Hayyy, asan kaya yun? Ang aga aga wala akong maasar! Pumunta na naman ako sa may likudan kung nasan ang upuan ko atsaka naupo. Tapos ngayon, makikita ko na naman si Jessica na papalapit sa upuan ko. Ano na namang kelangan ng bruhang toh? "Sinong hanap mo? Si Dean?" tanong niya. Nahalata ata nya. "Oo," tipid kong sagot. Ayaw ko talaga siyang kausap eh. "Uh, wag ka nang umasa pa!" sabi niyakaya napatingin ako sa kanya ng nagtataka. "Umaasa for what?" takhang tanong ko. "Kay Dean!" sigaw niya atsaka pa siya namewang. "Bakit? Patay na ba siya para di ko asahan na papasok pa siya?" nag aalala kong tanong. "Boba, wag ka nang umasa pa na mag kakagusto siya sayo and leave him alone," "Bakit? may sinabi ba ko na gusto ko siya?!" tanong ko. Minsan kung ano ano ding naiisip nentong si Jessica eh. "Uh!! Ang hirap mong kausap. Mag hanap ka nga nang kausap mo," sabi niya atsaka ko naman siya binigyan ng seryoso-ka-ba look. "Bakit ako? Eh ikaw yung lumapit sakin at di naman ako. Ikaw nga din ang kumausap sakin eh nananahimik lang ako dito," sabi ko atsaka ako naghalumbaba. "f**k!! f**k!! f**k!! URGH!!" nasabi na lang ni Jessica atsaka na siya umalis. At kasabay naman ng pag alis ni Jessica ang pagpasok ni Dean at Donna dito sa room. Omo!! Omo!! Nandito na siya. Pero teka? Bakit parang ang excited ko naman ata? Atsaka... Bakit nakashades si Dean? Maaraw ba sa room? May sore eyes ba sya? "Angas! Hoy Dean, wala nang araw. Nasa loob ka na nang room," sabi ko ng makalapit na siya dito sa tabi ko. Di niya naman lang ako pinansin at umupo na lang siya. Is he ignoring me? Wae? "Good Morning Class," sabi ni Ms. Fai atsaka na naman kami umayos ng upo. "May bago kayo ngayong kaklase. Mr. Fonce, please come in," dagdag pa ni Ms. Fai atsaka naman may pumasok na lalaki sa room. Pagpasok ng lalaki ay laking gulat ko ng makilala ko siya. I know him, siya yung lalaki sa Mall. Pagpuntang pagpunta niya sa unahan, nakatingin siya sakin pati si Dean nakatingin din sakin. Teka? Anong meron? Bakit sila nakatingin sakin? Nakita tuloy ako ni Dean na namumula, ang gwapo kasi ni... Sino nga ba sya?! Basta ang gwapo at cute nya. "She's blushing," sabi ni Dean kaya napatingin ako sa kanya nang masama. Bwiset, tinanggal ko naman yung shades niya at kinuha ko. "Hoy! Akin na yan!!" sigaw niya sakin pero hindi siya tumitingin sakin at nakayuko lang siyam "Ms. Yien and Mr. Wolter, manners!!" sabi ni Ms. Fai kaya napatigil kaming dalawa ni Dean. "Sorry Mam!" sabi ko. Tapos, aba di man lang nag sorry tong lalaksut na toh. "Hoy! Mag sorry ka kay Mam," utos ko sa kanya. "Wala yun sa Dictionary ko" sabi niya habang nakatalikod sakin. "Kahit na, bilisan mo," "No way, who are you to tell me what to do?" "Si Kira! Tanga! Kilala mo naman ako eh, nagtatanong ka pa. Kulet mo Dean ha!" sabi ko atsaka na naman niya ko hindi pinansin. Kinurot ko naman siya sa may tagiliran niya. "O-ouch! Ano ba!" galit niyang sabi. "Mag sorry ka kay mam," "NO!" sabi niya. Aba matigas ang ulo niya ahh, kaya nilaksan ko pa yung kurot ko. "MAM!! SORRRY!!" sigaw niya na rinig naman yun ni Mam. "Si Dean, nag SORRY?!" "Wee, di nga?" "Anong nakain nya?!" "Bumait na yata sya!!" "Yan!! Good Boy Unggoy!" sabi ko atsaka ko pinat yung ulo niya. Hehehehe ngayon ko lang napansin, may hawig siya sa gorilya. "Putang ina mo!" sabi niya pero nginitian ko lang siya. "Putang ina mo rin," sagot ko sa kanya. Nakatalikod parin siya sakin at nasakin parin yung shades niya. "Hi everyone. Im Sam Fonce. Nice meeting you all," sabi ni Sam na nasa unahan. Ahh, siya pala si Sam. Umupo na naman si Sam sa may harapan ni Dean na katabi ni Donna. "Hi Kulet!" sabi ni Sam sabay harap sakin. Teka? Kilala niya ba ko para tawagin akong KULET? FC din toh si Sam eh. Natawa naman bigla si Dean. "Hoy! Anong tinatawa tawa mo dyan Dean?!" irita kong tanong. "Nothing! Nevermind, just give me back my shades," sabi niya atsaka naman ako nakaisip ng magandang ideya. "Ayoko nga, just say first a long PLEASE. Like PLLLEEEAAASSEE," sabi ko habang nakapikit pa sa harap niya. "Uh!! PLLLEEEAAASSEE," bored niya lang na sabi na parang napilitan lang talaga siya. Nakakabwiset din talaga minsan toh si Dean eh, ayaw na lang makisakay sa gusto ko. "With puppy eyes and sexy voice," dagdag ko pa. "NO! Give it back to me!!" sabi niya. Kanina pa talaga ako nagtataka kay Dean eh? Bakit ba ayaw niya akong harapin? "Okay, but... Humarap ka muna sakin then say the magic word. (PLEASE)" sabi ko pa. Humarap naman siya, kaso nakayuko. "Hoy! Eye to eye tayo!" utos ko. "Ayoko nga!" angal naman niya. Buti na lang talaga hanggang ngayon walang nakakapansin samin noh? "Bahala ka dyan. Akin na lang toh!!" sabi ko sa kanya atsaka ko isinuot yung salamin niya. "Hahaha," bigla na lang na tawa si Sam kaya napatingin ulit ako sa knya. "Bakit ka natawa?" takha kong tanong "Para kasi kayong aso't pusa," sabi niya atsaka pa siya nagtakip ng bibig niya na akala mo tawang tawa talaga. Bigla naman akong napatingin kay Dean ng hawakan niya ang braso ko atsaka siya nakipag eye to eye sakin. "PLLLEEAASSEE," sabi ni Dean. Teka? Bakit ganun? Ang sexy ng boses niya... Ba--Bakit ganun?? "Pfft! Ahahaha! Anong nangyari sayo?!" tawa ko naman bigla. Pfft!! Hahahahaha may eyebugs siya. At dahil mabait akong nilalang. Ibinigay ko na naman yung shades ni Dean. Ang laki nang eyebug niya.. Hahaha.. PROMISE!! "Para nga tayong aso't pusa, ikaw yung asong bulldog na malaki yung itim sa mata at ako ang cute na pusa, hahaha," sabi ko atsaka pa ako nagbeautiful eyes. Ang cute ko diba? Para akong cute na maamong pusa. "Di ka naman CUTE eh," biglang sigaw ni Sam at ipinagdiinan niya pa yung HINDI CUTE ahhh!! Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Wag ka ngang pakealamero, moment ko toh," sabi ko atsaka ko siya inirapan. "Sabi sayo! Panget ka eh," sabi ni Dean tapos bigla na lang ulit akong natawa ng makita ko na naman si Dean. Naalala ko kasi yung itim nya sa mata.. Haha!!! Di talaga bagay sa kanya!! Ahahaha!! "OKAY DEAN!!" sigaw ko naman atsaka na ako umayos ng upo habang natatawa parin. Nag aadik si bessh. "Mr. Fonce! Mr. Wolter and Ms. Yien! what's funny in my class, baka gusto nyong i share samin?!" bigla na lang sabi ni Ms. Fai kaya npayingin kaming tatlo sa kanya. Bigla namang tumunog yung bell kaya nakaligtas kami dun!! Woo!! Lumabas na naman ako at sabay naman kami ni Donna pumunta ng canteen for lunch. "Hoy Donna, magkwento ka naman tungkol sa Papa mo. Ayaw magkwento ni Dean eh." sabi ko ng makaupo kami dito sa may bakanteng lamesa. Nacucurious talaga ako kung sini yng tatay nila? Ang gwapo at ganda kasi nila eh. Nagmana siguro sila sa tatay nila. "Iniwan na kami ni Papa pero di ko alam kung divorce na ba sila ni Mama," sabi ni Donna na parang galit? "Pano naman kayo naka pasok sa School na toh? scholar ba kayong dalawa?" tanong ko. Hindi pa nman siya masyadong galit eh. Kaya susulutin ko na yung pagtatanong. Ayaw kasi akong sagutin ni Dean eh. "Hindi naman, nag deal kasi sina Mama at Papa na kahit maghiwalay na sila pero Ama parin ang turing namin sa kanya at anak niya parin kami. Kaya pinag aral kami ni Papa dito, siya ang may ari nang Campus na toh. No Choice si Mama kaya pinag aral na din kami dito. Si Dean naman, galit na galit kay Papa dahil hiniwalayan na lang ni Papa si Mama na di namin malaman ang dahilan, ang alam nga namin ni Dean ay mahal na mahal ni Papa si Mama," kwento ni Donna. Ang sad sad naman. Nacurious tuloy ako bigla sa Papa nila. Bakit kaya sila iniwan? Bakit kaya? Kriminal kaya yung Tatay nila at ayaw nung tatay nila na madamy pa sila? "Teka Donna, diba kambal naman kayo ni Dean, eh bakit Noona ang tawag niya sayo?" naitanong ko na lang bigla. Nacurious din kasi ako tungkol diyan eh. "Sa totoo, mas matanda si Dean ng 4 na taon sakin. Di kami kambal. Tumigil siya sa pag aaral at nasaktuhan naman na magka grade pa kami nang nagkaroon si Mama nang pampaaral samin ni Dean. Kaya Noona/ate ang tawag niya sakin at dahil lagi ako ang nasusunod at parang mas mature daw ako kesa sa kanya, eh mas mukha nga yung gurang sakin," sabi ni Donna. Bugla na namang tumayo si Donna sa pagkakaupo niya tsaka naglakad doon sa may bilihan. +++ Uwian na ngaton at nakita ko si Sam paglabas ko ng room. Teka? Wala si Dean eh, si Sam na lang kukulitin ko! "Kira, samahan mo naman ako," sabi ni Sam kaya nagulat ako at napatingin sa kanya. Teka? Alam niya bang sinusundan ko siya? Astig!! "Saan naman?" takha kong tanong. "Basta, Tara na!" sabi niya atsaka niya ako biglang hinila. Te--teka?? Di pa kaya ako Na-Oo?? Grabe siya, makahila wagas. di naman ako makawala sa pagkakahawak niya, ang higpit kaya!! Huhuhu! Para naman akong mawawala bigla kapag binitawan niya ko. +++ Kanina pa kami naglalakad. San niya ba ko dadalhin? Hayyy, teka? Nasan na ba kami? "San ba talaga tayo pupunta?" tanong ko. "Taena naman, ang sakit ng daliri ko. May sugat," sabi ni Sam kaya napatigil ako at napatingin naman ako sa daliri niya na nagsusugat daw. Napatigil ako at parang kakaibang feeling ang nararamdaman ko..m Anong nagyayari sakin? Parang nauuhaw ulit ako, kinuha ko agad yung daliri ni Sam at sinipsip yung dugo. Te--Teka? Ano bang ginagawa ko? "YUCK! Ang pait!!" masuka suka kong sabi. "Bakit mo sinipsip?" nakataas kilay niyang tanonh. "Hi---hindi ko alam. Sabi nang utak ko eh," sabi ko pero nawala naman medyo yung uhaw ko. Teka? Nag aadik na ba ko ng hindi ko alam? "Namumutla ka," sabi ni Sam atsaka ko siya tinignan ng nagtataka. "Nauuhaw na naman kasi ako," nanghihina kong sabi. "Oh eto!" sabi ni Sam sabay abot sakin nung tumbler niya. Ininom ko naman agad yun kasi nga uhaw na uhaw na ko, ang sarap. Mas masarap pa sa tubig toh! Etong inumin lang na toh ang nakapawi nang uhaw ko. Eto ang hinahanap ko na inumin? Teka? Ano ba toh? Bakit... ang bango? Parang mas lalo akong ginaganahang uminom ng ganito? SAM POV. Nakatingin lang ako ngayon sa kanya habang nakangiti ng nakakaloko. Tama ang hinala ko, she's a vampire. Mapapaitan talaga siya sa dugo ko kasi Bampira din ako. Siya na nga ang hinahanap ko, ang Vampire Princess. Dugo yung laman ng tumbler ko na ipinainom ko sa kanya. Grabe, uhaw na uhaw suya. naubos nya ngang lahat eh. I pity her, she didn't ever drink blood for almost 17 years?? She was a unique vampire. I didn't ever heard about vampire who can't and can resist not drinking blood? Sa bagay, may gabay naman siya ng hari at reyna kaya alam nilang safe talaga siya. But... Di pa niya alam kung ano siya at kung sino talaga siya. Ako lang ang makakatulong sa kanya. Nakakatuwa. Inihatid ko pa siya hanggang bahay nila at pumunta agad ako sa bayan para ibalita kay ama na nahanap ko na ang prinsesa. "Ama, nahanap ko na siya sa wakas," sabi ko ng makita ko si Ama sa may sala kung saan mag isa siyang naglalaro ng chest. Hindi ko alam, pero ang proud proud ko sa sarili ko. "Mabuti, patayin mo na agad siya sa lalong madaling panahon," utos agad ni Ama. "Masusunod po ama," pag sang ayon ko naman agad at umalis na ko, di ko muna siya papatayin. let's play muna... ... my princess. DEAN POV. I am really a damn person. I wish na sana hindi na lang talaga ako pumasok kanina sa school. Putek, bakit nga ba kasi ako may eyebug? Eh kasi... routine ko na toh. Kapag... alam mo na. Kapag may na-KISS akong person or girl... I can't help my self to sleep. And that's why kaya ako puyat at malaki ang eyebugs ko. Isang gabi lang naman akong hindi natulog buong magdamag pero ang laki ng eyebugs ko. Teka... Ang unfair talaga eh!! Ano bang pake ko kung may nahalikan ako or what? Bakit ba ang big deal nun lagi kapag usapang matutulog na ko? Nakakakaasar talaga eh. "Nak, okay ka lang ba?" biglang tanong ni Mama na nasa tabi ko kaya naoatingin ako sa kanya. Nasa ospital parin siya. "Opo ma, matulog ka na lang diyan Ma," sabi ko kasi magtatanong na naman siya ng kung ano ano kasi alam niyang lutang ako. "Nak, Lovelife ba?! wag ka na kasi anak masungit sa mga babae. Tatandang binata ka nyan eh, walang mag aalaga sayo," sabi pa ni Mama. Sabi sa inyo eh, may lahi din tong MAKULET si mama eh. Pigilan niyo ko!! Papatulugin ko talaga ng mahabang panahon tong nanay ko? Dejoke lang po!! "Ma naman, darating din yun balang araw. Mag aral muna ko at tutuparin ang mga pangarap ko," sabi ko. Bwiset sana tigilan na niya "Mukha ngang nandyan na eh,"sabi ni Mama kaya napatingin ako sa kanya ng nagtataka. Hindi ko talaga gusto yung iniisip ni Mama kapag natatakot ako sa mga ngiti niya eh. Excited na excited na siyang magkaapo. Toh talaga si Mama, kala mo mamamatay na bukas eh. "Ma naman!! Asan naman yung Ms. Right na para sakin?" tanong ko. "Nasa isip mo, kanina ka pa anak lutang dyan. Kamusta na? Natotorpe ka ba nak sa babaeng yan? Iniisip mo ba kung paano mo liligawan?" tanong ni Mama. "Hay naku ma, imposibleng siya ang magugustuhan ko. Kabaliktaran siya sa mga gusto kong babae. Atsaka, ako? Anak niyo Torpe? Naku ma!! Hindi ako torpe!!" sabi ko pa. "Hayyy. Anak, basta kung saan ka masaya. Yan ang lagi mong tatandaan. Dun ka sa way na hindi ka masasaktan, yan lang ang gusto ko para sayo at kay Donna. Lumaki kayong masaya at bumuo ng masayang pamilya," sabi ni Mama atsaka na siya umayos ng higa niya at pumikit para matulog. Ang drama kahit kelan ng nanay ko. Biglang nagvibrate yung cellphone ko sa bulsa kaya kinuha ko agad yun. From: 09********* HI DEAN!! May gusto lang sana akong itanong sayo... Te--Teka? Si Kira ba toh? Kelangan ko ng magpalit ng SIM CARD =_____= To: 09********* Hoy babaeng ipinaglihi sa ewan! Paano mo nakuha number ko? From: 09********* Ahhh, kay Donna!! So... Dean. What do you think about Love? Tanong niya... Love? What do i think? Love hu? Love talks!! Tsss... To: 09********* Try to count the stars in the sky and you'll know it. From: 09********* Omyghad DEAN!!? O__O so it means, it's INFINITE?? To: 09********* Nope... It's just waste of time. [CONTINUE...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD