Story By pyarirish
author-avatar

pyarirish

ABOUTquote
as you've probably notice, this world is a cold-hearted place. if you're sweet, it swallows you right up. and if you're bitter, it spits you back out. reach me out on my social media accounts: email: manlylady80@gmail.com facebook: pyar irish colona twitter: milkyyyfries instagram: pyarirish wattpad: pyarirish
bc
Stubbornly Yours (tagalog)
Updated at Jun 4, 2021, 05:55
#xxxx #AllTheYoung #YugtoWritingContest #AllTheYoungGirlPower Have you ever seen vampire before? Sabi nila kagaya ng tao ang anyo ng mga ito, hindi normal ang temperatura at lamig ng kanilang katawan, maputla ang mga balat, takot na masinagan ng araw, may kakaibang lakas at bilis, at manlalamig ka raw kapag kausap mo sila dahil sa wala nilang kabuhay buhay na pagsasalita. Hindi rin daw tumitibok ang puso ng mga ito kaya naman maliban sa bampira ay tinagurian silang mga bangkay na naglalakad sa mundong ibabaw. Hindi mo aakalain na nakakasalubong mo na pala sila sa paglalakad, katabi na sa bus o jeep, kamag-anak, kaibigan at kung minsan ay 'yung taong pinakamamahal mo pa. Kung ako ang tatanungin ay may nakilala na akong bampira. Ibang iba ang bampirang nakilala ko. Maliban sa pandak siya ay napaka kulit niya, ang sarap tirisin na parang kuto! Napaka lakas pa ng boses na imbes manlamig ka ay maririndi ang tainga mo. Napaka gala pa habang tirik na tirik ang araw. Buhay na buhay ang bampirang nakilala ko. Hindi ko akalain na kasing edad ko lang siya dahil sa parang bata siyang mag isip. Oo, tandaan niyong sinabi kong bampira siya kahit mas mukha siyang nuno sa punso. "Hoy Dean! Nababasa ko nasa isip mo! Ako na naman iniisip mo ah? Sabi ko na nga ba't gusto mo ko e!" Narinig niyo ba 'yung unanong 'yon? Umpisahan niyo ng basahin ang istorya na ito kung madami pa kayong gusto malaman tungkol sa pinaka makulit na bampirang nakilala ko. ---
like