DEAN'S POV. Gabi na, pumunta muna kaming lahat sa kani kanilang tent habang yung iba naman ay umalis para mag-gala gala. Nandito naman ako ngayon nakahiga at nagcecellphone. Tinitignan ko yung dalawang picture namin ni Kira na magkasama---yung unang picture namin ay nung naging MVP kaming dalawa tapos yung pangalawang picture ay nung kinoronahan naman siyang Bloody Queen. Madami pa kong picture dito---I mean picture ni Kira almost ang nasa cellphone ko. Wala lang, nakuha ko sa f*******: niya. Nakakatuwa kasi siyang tignan. Kung titignan mo si Kira napakaamo nang mukha niya at mukhang ang bait bait. Aakalain mong tahimik lang siya at mahinhing babae. Pero pag nakilala mo na siya... naku, parang masisiraan ka na nang bait dahil sa kakulitan niya. Habang tinitignan ko yung picture ni Kir

