POV: Monte
Hindi siya mapakali habang nasa meeting. Inaalala nya si Ericka kasama si Almira. Napakabully na babae ng ex niya at si Ericka ay ang tipo ng babae na hindi lumalaban kahit inaapak apakan na.. Hindi sya makapagfocus sa kanilang meeting.
"Sir San Miguel,are you okay?"tanong ni Mr. Amado.
"Yeah.. I mean yes..yes i'm alright!"umayos siya ng pagkakaupo.
"Do you want to re schedule this meeting?"
Biglang lumiwanag ang kanyang mukha.
"Talaga tito?"paniniguro niya.
"Kilala kita Monte,alam ko kung may nabagabag sayo. Nakita ko si Almira kanina. Kaya akala ko ipapareschedule mo na ang meeting natin."
"Thank you po tito.. Babawi na lang po ako sa sunod,ralaga lang pong hindi ako mapakali..I will go."
"Go ahead hijo."
Nagmamadali siyang umalis ng conference room at halos liparin ang elevator. Ang tagal naman.. pinindot niya ng pinindot ang up..
Sa wakas bumukas ito. Pero maraming tao sa loob.
"Si sir.."bulungan ng mga tao sa elevator.
Lumabas ang tatlong lalaking naroon.
"Sir mauna na po kayo.."
"Salamat..."nagmamadali syang pumasok sa loob.
Parang kay bagal ng oras habang umaangat ang elevator... Inabot din ng ilang ilang minuto dahil may mga bumababa..
Pagbukas ng elevator nagmamadali siyang naglakad patungo sa pinto ng kanyang opisina.
"Sir.. narinig ko pong sumisigaw si Miss Madrigal.."sumbong ni Marie.
"Can i use your computer?"tanong nya.
"Yes sir.."tumayo ang babae.
"Pakikuha mo ako ng kape,salamat"alam na ni Marie na ang ibig sabihin nun ay iwanan nyang mag isa si Monte. Pinindot niya ang code ng cctv ng office. Sila lang ni Ericka ang maaaring magbukas nun.
Nakita niya ang dalawa sa lamesa ni Ericka. Nakaupo lang ito. Samantalang si Almira ay galit na galit.
I told him i was sick narinig niyang sabi ni Almira.
And? sagot naman ni Ericka.
Mukhang malaki na talaga ang nabago kay Ericka. Kailan pa kaya ito natutong lumaban? tanong niya sa sarili.
Baka ipinilit mi na namang tumira sa bahay nila tulad ng dati? Di ba feeling mo part ka ng pamilya? hindi pa rin nagpapatalo si Almira.
Yes.. ginawa ko talaga yan. Sagot ni Ericka.
Kita mo na. Galing na talaga sa bibig mo na aakitin mo si Monte!!!
Fyi Almira.. wala akong sinabing aakitin ko,ang sinabi ko lang ay plinano ko talagang makabalik sa bahay nila. Ang sarap kaya tumira doon,libre lahat.. Ikaw?makakatira ka kaya doon?
Natawa sya sa sinabi ni Ericka,natuto na itong mang asar ng tao. Alam nya kung saan pupuntiryahin si Almira. Bago pa magkasakitan ang dalawa,pinatay na niya ang camera at pumasok sa office nya. Kitang kita ng mata nya na itinulak ni Ericka si Almira na siya nitong ikinatumba.
"Almira!!"dali dali niyang pinuntahan ang babae."Ericka,anong ginawa mo?"
"Wala po"patay malisya nyang sagot.
"Baby.."ang arte arte ni Almira"tinulak nya ko,may itinatanong lang naman ako eh."
"Ano yun?"tinulungan nyang tumayo si Almira.
"Kinukumusta ko lang naman siya eh. Nagtatanong lang ako kung magkano ang salary nya kasi nalaman kong nag stay in na sya"may paawa effect pang sagot ni Almira.
"Huh..talaga ba Almira?"pagak na napatawa si Ericka."alam natin kung sino ang sinungaling dito,at alam kong hindi ako yun."
"Eh sino,ako?"itinuro pa ni Almira ang sarili.
"Ikaw may sabi nyan"nagkibit balikat pa si Ericka.
"Baby,dapat tanggalin mo na ang babaeng yan dito. Sabi nya sakin inaakit ka daw nya."sumbong ng babae.
"Nakakaakit ba ako sa paningin mo Almira?"tanong nito"Aba,hindi pa ako nag aayos nyan naiinsecure ka na agad.. What if mag effort pa ako di ba? baka nangisay ka na sa selos."
Napatawa siya sa sinabi nito. Marunong na talaga,hindi na kailangang ipagtanggol pa. Alam kung saan titirahin ang tao. Magaling na ring mang asar. Ngayon nya napatunayan na kayang hubugin ng panahon ang ugali ng tao.
Biglang kumatok si Marie,may dalang kape.
"Sir,coffee nyo po. Ito po pala ma'am ang ice coffee."iniabot nito kay Ericka ang mga dala.
"Thank you Miss Marie,"isinara ng sekretarya ang pinto. "Ito sir ang kape nyo,"inilapag sa lamesa ang kanyang kape.
"How about my ice coffee?"tanong ni Almira.
"None,"sagot ni Ericka"Sir,lalabas po muna ako andun pa daw po si sir Amado."
Hindi na hinintay ng babae ang sagot nya. Sa ilang taong pagtatrabaho nito sa kanila,ramdam nya ang gaan ng trabaho nya. Dahil halos lahat alam na nito,pirma na lang madalas ang ginagawa niya. Pag may mga aberya sa mga department nila,mabilis itong mag isip ng solusyon. Pati sa mga past problems nila ni Almira,minsan ito na ang gumagawa ng paraan. Pag nakakalimutan nya ang birthday ni Montana,may nakaready na itong regalo dahil alam na magtatampo ang kapatid. In short,kilalang kilala na siya nito.
"Hey,"nag snap pa si Almira"hindi mo man lang ako ipinagtanggol sa babaeng yun eh nakita mo ng itinulak ako."
"Alam kong ikaw ang nauna,"sagot nya.
"So,kinakampihan mo na naman sya ganon?"
"Wala akong kinakampihan,saka ano bang ginagawa mo dito?"pag iiba nya ng usapan.
"Monte please,"humawak ang babae sa leeg nya"hindi ko alam kung anong nangyayari sayo,simula nung mamatay si Montana,parang lumayo ka na sakin. Parang sinisisi mo ako sa pagkawala nya."
"Hindi naman"pasimple ntang inalis ang kamay nito sa kanya at pumunta sya sa sofa at naupo"naaalala ko lang ang kapatid ko,saka break na tayo di ba?"
"Ikaw lang ang nakipagbreak sakin,hindi naman ako pumayag,"umupo ito sa tabi nya"I miss you so much baby. Magsimula tayong muli. Buuin natin ang ating mga pangarap gaya ng dati."
"Almira,hanggang hindi ko nalalaman ang totoong nangyari kay Montana,hindi ako magiging okay. Ikaw ang huling kasama nya,hindi ko malaman kung paano syang nahulog doon."
"Sinabi ko na di ba?"sagot ng babae"akala nya may glass na ang wall,sumandal sya,kaya sya nahulog. Besrfriend ko sya,kaya kung masakit sayo,masakit din sakin ang nangyari sa kanya."
Tumahimik na lang sya at tumingin sa glass wall. May reflection ito kaya imposible talagang hindi malaman ng kapatid na wala pang salamin ang pader. Hindi naman ito lasing. Walang alcohol content ang katawan nito. Biglang tumunog ang telepono sa office. Wala si Ericka para sumagot. Tumayo siya at pinindot ang line na natunog,galing sa ground floor ang call.
"Yes?"tanong nya.
Sir boses ni Ericka andito po ang Señor,bababain nyo po ba o aakyat na lang sa penthouse?
Ang aga namn ni lolo..bakit kaya.
Sir? narinig nya ang boses ni Ericka.
"Sa penthouse na lang. Cancel my meeting with Mr. Diaz."sagot nya.
Right away sir. Naputol na ang call.
Nagtataka siya kung bakit ang aga ng lolo nya eh lunch naman ang usapan nila. Pinindot nya ang line 2.
"Marie,anong usapan nyo ni Ericka tungkol sa lunch namin ni lolo?"
Nagpaorder po si ma'am ng pagkain,darating na po with in 30minutes.
"Okay,thank you"inend nya na ang call.
"Pupunta na ba si lolo dito?"tanong ni Almira na lumapit sa kanya.
"Oo,bakit?"napakunot ang noo nya.
"Tinawagan ko sya. Sabi ko may good news ka."
"Anong good news?"
"We're getting married!"pumapalakpak nitong sabi.
Napasuklay na lang sya sa buhok. Kahit kailan talaga ang babaeng ito ay wala ng ginawa kundi gawing kumplikado ang lahat. Kailangan nyang mag isip ng magandang dahilan sa lolo nya,una,ayaw nya itong masaktan,pangalawa, ayaw nya pang magpakasal. At lalo't higit sa babaeng ito!!!!