bc

Marrying My Boss

book_age18+
512
FOLLOW
5.3K
READ
forbidden
contract marriage
HE
heir/heiress
lighthearted
mystery
loser
office/work place
secrets
like
intro-logo
Blurb

Malinaw ang usapan nila ni Monte na sa papel lang sila ikakasal. No special attachments,no connections. Dahil ang lalaki ay ipinipilit ipakasal sa isang babaeng pinaghihinalaan nitong dahilan ng pagkamatay ng kapatid. Isang magandang pag ganap ito,subalit may isang hiniling ang matandang San Miguel,isang apo. Paano nila ito magagawa gayong ang lalaki ay may kinahuhumalingan ng babae?. Siya naman ay hindi maiwasan ang damdamin na nagbubukas ng pinto para sa lalaki. Susundin nya ba ang utos ng damdamin,o ang katinuan ng pag iisip?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
POV: Ericka Umikot muna siya sa salamin,sinipat ang sarili. Tamang tama na ang hitsura nya para sa araw na iyon. Isa siyang Executive secretary ng president. Matagal tagal na rin,simula makagraduate siya. Pagtupad ito sa habilin ng mga magulang bago mawala sa mundo. Dating kanang kamay ni Señor San Miguel ang kanyang ama. Ang ina naman ay sekretarya ng Señor. Naaksidente ang mga ito,kasama ang Señor na sa kasalukuyan ay lumpo. Ito lamang ang tanging nakaligtas sa naganap na trahedya. Nawalan ng preno ang sinasakyan ng mga ito,na sa tingin nila ay sinadya. Dahil masyadong maingat ang kanyang ama sa sasakyan. Simula noon,ang Señor na ang nagpaaral sa kanya. Inilagay siya sa boarding school. Ang huling habilin ng mga magulang ay maging masunurin sa kanila at maging mabuting tao. Kasabay ng kanyang pagtatapos sa kolehiyo ay siyang pagpapalit ng management at nalipat kay Monte ang pamamahala. Ang panganay na apo ng Señor San Miguel. May magandang offer sa kanya ang ibang company dahil sa maganda niyang credentials,subalit mas pinili pa rin niyang maging tauhan ng San Miguel dahil na rin sa utang na loob. Noong una,ang akala nya ay personal assistant siya ng Señor,ngunit nagbago ang guhit ng kapalaran nya ng mismong si Monte ang pumili sa kanya. Ewan ba niya kung bakit,marahil dahil bata pa lang sya ay crush nya na itong talaga. Paghanga lang naman dahil sa angkin nitong kagwapuhan. Ipinagtatanggol din siya nito noon sa mga bully sa school. Maedad lang ito ng tatlong taon sa kanya at sa iisang school sila nag aral. Lagi siyang tinatawag na popper fish,dahil na rin sa sungking ngipin at bilog na pangangatawan. Isang ikot pa sa salamin ang ginawa niya. Makikita sa hitsura niya ang isang istriktong babae. Minabuti niyang lumabas na. Tumutunog sa hagdanan ang bawat paghakbang niya. Dumiretso siya sa kusina. "Kayo po pala Miss Ericka. Pasensiya na po at hindi namin napalitan ang cover ng kama nyo. Hindi ko po kasi alam na dito na ulit kayo mamamalagi,"paliwanag ni Nanang Perlita. "Nagulat din po ako ng sunduin ako ni Sir Monte kagabi. Sabi po kasi nya mas okay na magkasama kami sa iisang bubong para mas madali ko daw po syang matanong or madali niya akong matanong. Besides sabi nya naman po dito naman ako talaga nakatira..noon" "Siguro kras mo pa rin po si sir no?"tudyo ng matanda. "Kayo talaga nay maissue ha.. pure trabaho po ito." "Ericka.."maya maya ay narinig nilang tawag ng matandang San Miguel. "Kayo po pala sir,"ngumiti siya at nilapitan ang matanda upang magmano."ako na pong magtutulak sa wheelchair nyo." Dinala niya ang matanda sa gitnang upuan ng lamesa. Sumenyas naman siya kay Nanay Perlita na maghain. "Kumusta ka na hija?"tanong nito. "Mabuti naman po. Ito,gumaganda na..hahaha"napatawa sila ng matanda sa biro nya. "Mali naman ang term mo eh,hindi gumaganda,lalong gumaganda dapat." "Kayo talaga puro biro.."napangiti sya"kumusta na po kayo?" "Ito,natuwa ako na dito ka na ulit uuwi para may makausap naman ako na matino. Laging umaalis si Monte,abala sa trabaho. Nabigla ata na siya na talaga ang mamamahala sa kumpanya at hindi na ako talaga makikialam." "Pwede naman po sana na hindi ako dito manatili,pero makulit po si sir eh." "Ako ang nakiusap sa kanya na pabalikin ka dito." Bigla siyang nalungkot. Akala nya ay si Monte ang may gustong bumalik sya. Sa bahay,wala namang pakiramdam ang lalaki sa nararamdaman ng ibang tao. "Masaya na po sana ako sa bahay ko señor,sige kayo pakakainin nyo na naman ako dito. Marami kaya akong kumain." "Okay lang hija,sanay na ako sayo na madami kang kumain hahaha"sagot ng Señor. "Coffee po?" "Yes please.. And yung timpla mo ha. Nananawa na ko sa timpla ni Perlita,walang consistency." Saglit niyang iniwan ang matanda. Pagpasok niya sa dirty kitchen na malapit sa lababo,naulinigan niya ang isang matandang kasambahay at si Leona,bagong kawaksi. "Oo,bali balita dito na anak ng señor ang babaeng yan."sabi ng matanda na sa tono ay naiinggit. "Talaga po?sabi nung iba kabit daw yan ng señor."sagot ni Leona. "Yung ina nyan ang kabit ng señor,kaya laging kasama. Hindi naman nakatapos kinuhang sekretarya. May hitsura naman kasi ang ina nyan." "Si sir Monte naman po ang amo nya ngayon di ba?" "Gusto nyang akitin yun para yumaman din sya." "Malandi pala sya?" "Oo,to....." "Ehem.."hindi na naituloy ng dalawa ang usapan. Nagulat sila dito. "Ka..kanina ka pa ba dyan Ericka?"namukhaan nya si Manang Lorie. Kasabay itong nagtrabaho ng kanyang ina,ngunit likas na matalino ang mama nya kaya ginawang secretary ng Señor. Matagal ng pinag uusapan na kabit ang kanyang ina,subalit hindi na nila pinapatulan pa ang ganitong issue. Para sa mga magulang at sa señor,mababaw ang kwentong ganon. Kaya siguro hanggang ngayon,ganun pa rin ang isip ng mga ito. Mainit talaga ang mata nito sa kanya. At pakiramdam nya pinaplastic lang sya nito. "Hindi naman po..kararating ko lang,"nginitian nya lang ang mga ito. Kinuha nya ang pantimplang kape. "Ako na po Miss Ericka,"sabi ni Leona. "Wag nyo na akong tawaging Miss.. parepareho naman tayong sinasahuran dito."sagot nya. "Magagalit po ang señor"nakayukong wika ni Leona. "Si Manang Lorie nga Ericka lang ang tawag sakin,kaya okay lang na yun na lang din ang itawag mo sakin. Pwede namang ate na lang para mas makampante ka sa akin,dahil dito na ulit ako titira." "Ha?babalik ka na dito?"tanong ni Manang Lorie. "Opo,bakit,ayaw nyo ba?"humarap sya sa mga ito. "Ah..eh hindi naman. Masaya akong bumalik ka na." "Sige po,dadalahin ko lang ito sa señor. Gusto kasi nun ang timpla kong kape." Sa kanyang pagtalikod,nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang pagbubulungan ng dalawa. Basta magkaoras siya kakausapin na niya ang mga ito. Nananahimik na ang kanyang mga magulang ay ginugulo pa ng mga taong walang magawa sa buhay. Kung pwede nya lang pabangunin ang mga ito at ipamukha sa mga kasambahay na ito kung ano ang totoo ay ginawa na niya. Nadatnan niya ang Señor kasama si Monte na parang may pinag uusapang seryosong bagay. Napalingon ang mga ito sa kanya dahil sa taguktok ng kanyang estelleto sa kahoy na sahig. Madilim ang mukha ng lalaki,senyales na ayaw nito ang sinasabi ng Señor.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook