POV:Monte
Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng Lolo nya. Isang taon na silang hiwalay ni Almira Madrigal. Ang socialite na kasama ng kapatid nya nung mahulog ito sa building. Base sa imbestigasyon,hindi namalayan ni Montana na wala pang bubog ang dingding ng building na kinatatayuan nito. Sumandal daw ito doon base kay Almira. Magbestfriend ito kaya sabi nila walang foul play na naganap. Pero ang kutob nya ang malakas kaya hindi nya matanggap ang pagkawala ng kapatid. Dalawa na nga lang sila,iniwan pa sya nito. Pinatay ang mga magulang nila. Kayabtanging ang lolo na lang nila ang kasama nila sa buhay.
Gusto ng kanyang lolo na magpakasal na sila ni Almira. Hindi kasi nito alam na wala na sila. Ngayong umaga pagbaba nya narinig nyang nagpatimpla ito ng kape kay Ericka. Saka siya lumapit pag alis ng babae.
"Good morning lolo"umupo sya sa gilid nito.
"Oh,kumusta ang tulog mo dito sa sarili mong bahay?"
"Lolo naman..bumalik na nga ako parang ang sarcastic naman ng tanong nyo."
"Balat sibuyas"napatawa ang lolo niya sa sinabi nya sabay gulo sa buhok nya."Coffee?"
"Nagpapatimpla na kayo kay Ericka malamang may dala syang thermos."
"Kailan ba ang kasal nyo ni Almira?"
"Lo,ayoko pang magpakasal."
"Nasa ramang edad ka na Monte,gusto ko bago ako mawala sa mundo,may mga batabg patakbo takbo dito."
"Eh kung mambubtis na lang po kaya ako?"biro niya.
"Aba ay lokong bata to"hinampas ng lolo nya ang kanyang kamay"masama yan."
"Sus biro lang eh."
"Si Almira ang gusto ko. Matagal mo na syang nobya since college,at nasa prominenteng pamilya. Kaya mas magiging okay kung pakakasalan mo na sya. Maganda pa yun at siguradong magaganda ang lahi nyo."
"Naku po. Lolo naman ano kami aso at magpapalahian?"
"Pilosopo ka talaga Monte. Baka ganyan ka sa opisina. Paano ka gagalangin ng mga nasasakupan mo kung ganyan ka?"
"Sa inyo lang ako ganito. Dahil kayo lang naman ang pwede kong lambingin."
Simula mawala ang kapatid,naging mailap na sya sa mga tao. Kay Ericka pure business lang din ang pinag uusapan nila.
Madami naman ngang connection ang pamilya ni Almira. Iba talaga pag mga pulitiko. Pero hindi pa sya handang mag asawa at lalong hindi si Almira ang gusto nyang mapangasawa. Hanggang ngayon inaalam nya pa rin ang totoong nangyari sa kapatid. At ramdam nyang may kinalaman si Almira dito.
Natigil ang usapan nila nung marinig nila ang tunog ng takong ni Ericka. Napalingon silang maglolo dito. Nagtataka siya kung bakit ganito ang isinusuot ng babaeng ito. Masyadong mahaba ang palda na parang ang sikip sikip. Laging nakapolo at nakataas ang buhok. Nakocurious tuloy sya kung gaano kahaba ang buhok nito.
Tahimik lang itong klase ng tao. Kaya siguro hindi trip kaibiganin ng kapatid. Hindi nya nakitang naguusap ang dalawa unless may itatanong si Montana. Pero parang nagbago naman ito. Madalas nyang nakikitang nakangiti pag nasa opisina. Naputol ang pagmumuni muni nya ng tawagin siya ng Señor.
"Magkakape ka ba Monte?kanina ka pa tinatanong ni Ericka,"tinatapik siya ng matanda.
"Ah..ah yes..yes please"sagot nya. Tumgingin siya sa ibang direksiyon. Nahalata kaya nyang tinititigan ko siya?Nakakahiya baka isipin nya manyak ako.
"May creamer po ba?"tanong ng babae.
"Half teaspoon lang,"sagot nya.
Dumating ang mga pagkain. Nagulat sila sa dami. Pati si Ericka parang hindi makapaniwala.
"Ah,Señor may bisita po ba tayo?"tanong ni Ericka.
"Wala hija,unang araw mo dito kaya ipinahanda ko ang paborito mong pagkain. Sigurado ako hindi ka nakakapagluto ng ganyan sa bahay mo."nakangiting wika ng Señor.
"Naku,baka naman po tumaba ako ng sobra dito.."
"Okay lang yun,maganda ka pa rin naman kahit tumaba ka pa."
Nagkatawanan ang dalawa habang siya ay nakamasid lang. Kung hindi nya ito kilala at hindi nya kilala ang lolo nya iisipin nyang mag ama talaga ito. At baka naniwala na sya sa mga tsismis na naririnig nya. Ngunit kilala nya ang kanyang lolo,mahal na mahal nito ang lola nya. Kaya nung mamatay ito,halos hindi na nila nakikita ang lolo nya sa bahay dahil pagkagaling sa trabaho,sa sementeryo ito dumidiretso.
"Oh,apo,kumain ka na.. bakit parang natutulala ka ata?"
"Wala po lo.. sige po kain na tayo.."kukuha na sana siya ng pagkain ng biglang magsalita si Ericka.
"Bless this food oh Lord,and thank you sa lahat ng biyaya..in Jesus name,Amen"
Medyo napahiya sya sa part na yun.. kaya hinayaan nya munang mauna ang dalawa sa pagkuha ng pagkain bago siya kumuha.
Masarap talaga ang lutong bahay. Ito ang isa niyang namiss. Pinilit sya ng lolo nya na bumalik ng bahay. Ayaw nya sana dahil maaalala nya lang ang nakababatang kapatid,ngunit naglalambing ang lolo nya,kaya na daw nya pala itong tiisin.
Napaisip din siya na matanda na nga naman ito kaya parang naghahanap na ng kalinga ng mahal sa buhay. Nag iisang anak ang mommy nya,ang daddy nya naman ay ulila na sa buhay kaya wala silang masyadong malalapit na kamag anak. May mga 2nd cousin siya pero hindi niya mga nakakasama dahil karamihan sa mga ito ay nag aabroad. Mga kaibigan nya lang ang nakakausap nya madalas.
Sarap na sarap sa pagkain ng hipon si Ericka. Kung wala itong panyo sa damit baka ang dumi nito ngayon. Tawa ito ng tawa dahil ang lolo nya ay ginaya ito. Nagkamay din.
"Saan mo natutunan ang ganitong table manners?"ranong ng Señor.
"Nag excortion po kami sa mga probinsiya noon. Lalo na yung malapit sa dagat. Masarap daw po magkamay ng sea foods pag kumakain."ngumiti pa ito.
"Monte,itry mo..Nakakatuwa naman ito."sabi ng lolo nya"mas masarap nga pag kinakamay."
"Busog na po ako lolo.. excuse me po"tumayo na siya.
"Oh sige,hintayin mo na lang si Ericka."bilin ng lolo nya.
"Naku wag na po Señor.. May kotse po ako"tanggi ng babae.
"Kapag ready ka na,nasa swing lang ako at nagpapahangin. Maaga pa naman.. Enjoy the food."nagpunas siya ng bibig.
Napapaisip siya,bakit marami na siyang napapansin sa babaeng ito. Hindi naman ito ang tipo nya. Maybe kakaiba pang talaga ito kaya napapatingin siya dito. Lumabas na siya ng kabahayan at nakita nya si Mang Turing na nag aayos ng kotse.
"Anong nangyari?"tanong nya sa matandang nakatalikod.
"Senyorito kayo po pala.. May leak po ang langis,kailangang dalhin sa casa.."