POV: Monte Excited na siya. Bago nya iwan si Ericka kanina sinabihan nya itong susunduin at ipapakilala ng formal sa kanyang lolo bilang nobya nya. Marami ang umiikot sa isipan nya: Napagtagumpayan kaya ni Monicang maayusan si Ericka? Ano kaya ang outcome ng ginawa ni Monica? Yari talaga ang babaeng ito sa kanya pag hindi nito nagawa ang ipinapagawa nya. Ang laki ng siningil nitp sa kanya. Aanhin kaya nito ang pera?eh hindi naman ito naghihirap. Naitanong nya na lang sa sarili. Si Monica ay kaibigan nya pa simula grades school. Kasama ang pinsan nitong si Bernard,naging magbabarkada sila. Sadyang nag aral sila ng mabuti para magkakaklase silang tatlo lagi. Walang halong malisya ang kanilang friendship. Never niya naisip na magkaroon ng relasyon dito. May pagkaboyish naman talaga ito.

