POV:Ericka Bali-balita na sa opisina ang tungkol sa kanila ni Monte. May mga nagtataas ng kilay at iniisip na isa siyang gold digger. Meron namang nagsasabi na alam na nilang sila din ang magkakatuluyan. Nakikita nya sa gilid ng kanyang mga mata ang usap usapan ng mga nakapaligid sa kanila. Tulad ng dati,sinalubong siya ng mga assistant nila sa may entrance ng building. Nakita niyang nagbubulungan ang nasa reception. May isa ditong makapal ang mukha na iparinig sa kanya ang sinasabi sa iba. Manager ito sa isa nilang department. "Hay naku,kaya kayo,humanap na lang kayo ng mayayamang lalaki na bubuhay sa inyo,tulad ng iba dyan!"parunggit nito sa kanya. Hindi na niya ito kayang tiisin. Huminga siya ng malalim,tapos ngumiti at binalikan ito. "What did you say?"tanong niya dito. "I said,

