POV: Monte Nasorpresa siya sa ipinakitang lakas ng kanyang lolo. Iba talagang magbigay ng kasiyahan ang mga bata. Masaya siya at dinala ni Almira ang anak nila para makita ng lolo nya. "Salamat sa pang unawa Almira.." hinawakan niya ito sa balikat. "Wala yun" hinawakan nito ang kamay niya "para kay lolo.." "Sandali lang tatawagan ko lang si Ericka.." kinuha niya sa bulsa ang cellphone at idinial ang number ng asawa. The number you have dialed is incorrect 'Huh? paanong incorrect eh magkatxt lang kami kanina.' tanong niya sa isip. Sinubukan niya ulit. The number you have dialed is incorrect 'Paanong mangyayaring incorrect? magkatext nga kami kanina. Sira kaya ang cellphone ko? Mamaya na nga lang. Ang mahalaga gising na si lolo..' Bumalik siya sa kanyang lolo. Maluha luha ito. Maya

