POV:Ericka Isang buwan na simula nung mag usap sila ni Monte. Isang buwan na rin simula ng huli nyang makita ang Señor. Hindi na sya umuwi sa mansiyon ng mga ito,madami naman siyang gamit sa condo nya. Parang ang laki ng naging kasalanan nya ngayon. Hindi sumasagot ang señor sa mga tawag nya. Maging si Monte ay tanging sa tawag na lang nakikipag communicate sa kanya. Ano bang ginawa nya at nagkaganito ang tahimik nyang buhay? Napaluha na lang siya habang nagtatype sa computer. Bumagsak ang katawan nya kakatrabaho. Hanggang ngayon pinag iisipan nya pa rin ang alok ni Monte. Ang huling naging usapan nila... Sampung milyon Ericka,hindi pa kasama ang buwanang allowance mo sa akin na fifty thousand dahil asawa mo na ako. Ikaw ang hahawak ng pera ko,every year na magtatagal tayo,dagdag sampun

