POV: Ericka Natetense siya kaya panay ang salin nya ng wine sa kanyang kopita. "Ericka,"bulong ni Monica"nagpapakalasing ka ba?" "Hindi naman,kinakabahan kasi ako,"sagot nya"iniisip ko kung ready na talaga akong mag asawa." "Hello?girl 29 ka na ano ka ba?" "Ewan ko ba.. Siguro excitement lang tong nararamdaman ko." "Wag kang mag alala. Mabuting tao si Monte,saka tanggap ka ni lolo." "Oh,anong pinagbubulungan nyo dyan?"sita ni Bernard. Nasa dulo sila ni Monica kaya hindi sila dinig ng mga kasama. "Tinatanong ko si Ericka kung ilang...."hindi na naituloy ni Monica ang sasabihin dahil naibiga nya ang wine,dinalahik siya ng ubo. "Okay ka lang?"lumapit si señor sa kanila kasunod sina Monte. "Kukuha akong tubig"paalam ni Bernard. "O--okay lang po ako.. Nasamid lang po,"sagot nyang nal

