POV:Ericka Nakakahiya ang ginawa nya kay Monte. Inaatake siya ng konsensiya. Bakit kasi mapagbintang siya masyado. Baka isipin ng lalaki,assuming siya. Sinilip nya ito,nakatalukbong pa rin ng kumot. Minabuti nyang pumuwesto na lang sa gilid,mas nakakahiya kung gigisingin pa niya si Nanay Perlita. Pinatay niya ang ilaw sa headboard at lampara sa gilid nya. Si Monte ay ayaw ng sobrang dilim kapag natitulog kaya hindi nya na pinatay ang lamparang nasa gilid nito. Humiga na siya at nagkumot bago pumihit sa kanyang kaliwa kung saan nakaharap siya sa side table. Dala na marahil ng nainom na alak,mabilis siyang dinalaw ng antok. Wala na siyang namalayan hanggang mag umaga. Ang sarap ng tulog niya. Mag uunat sana siya ngunit naramdaman nyang nakayakap siya sa isang katawan. Pati bigat ng braso

