HFL5: ONE

415 Words
Ipinasak niya sa magkabila niyang tainga ang earphone at tahimik na pinakinggan ang awitin sa mp3 niya. Nasa dulo bahagi siya ng kanilang library na pag-aari ng kanya Mama Senneth na ngayon ay siya na ang nagmamanage. Bukod doon may isang iskul din siya pinatayo para sa mga bata na gusto mag-aral na walang anuman bayad. Pero paborito niya ang kinaroroonan niya. Kung saan pinaka-opisina ng kanya ina noon na ngayon siya na ang umuukopa. Nasa pinakasulok iyun sa likod ng abot-kisameng bookshelves. Wala nakakarating doon dahiL ayon sa mga haka-haka ng ibang kostyumer ay nangingilabot daw ang sinuman nakakarating ng pinakadulo ng library-sa kanyang opisina. Bumuga siya ng hangin. Tahimik niya pinakikinggan ang awitin habang hinihimas niya ang kulay puting pusa na nasa kandungan niya. Napamulat siya ng may bumundol sa may paanan niya at makitang naglalambing ang isa pang pusa na kulay puti din. Inabot niya ito at nagsilapitan na ang iba pang pusa na pulos kulag puti din. Ang mga anak ni Snow. Ilang taon na ng mula pumanaw ang ina ng mga pusa nila. Nagkasakit ito marahil sa katandaan na at nag-iwan ng siyam na anak. Nagsiakyatan na ang mga ito sa desk niya at doon magkakatabi na nahiga ang mga ito at dalawa naman sa kandungan niya. Nakakatuwang isipin na may kasama kang siyam na pusa nakakalibang. Hindi gala ang mga ito kaya wala pang nakakakita sa mga ito mula sa mga pumapasok sa library and bookshop nila. Muli niya ipinikit ang mga mata. Sa palagay niya makakatulog sila ng mga pusa ngayon araw. May Ilang oras na lang magsasara na sila. May oras pa naman para makaidlip. Kailangan niya makabawi dahil ilang araw pa lang mula ng matapos ang sumpa. Yeah,isang sumpa para sa kanila ang heat season na yun. Bilang isang lobo,sinong tao ang maniniwala na totoo sila? Ang itinakda sayo,maniniwala siya sayo,na isa kang lobo na nabubuhay sa mundong ito,anang ng kanya inner wolf. Bumuga siya ng hangin. Yeah,tulad ng kanya ama na isang tao na itinakda sa kanya Mama Senneth. Ang tanging nakakaalam sa totoong pagkatao nila ng kanya ina. Nagmulat siya muli ng mga mata. Nakatitig sa kawalan ang kulay silver niya mga mata. Magiging madali kaya na tanggapin siya ng babae itinakda sa kanya? Matatakot kaya ito sa kanya? Maraming tanong na naglalaro sa isip niya pero ayaw na niya isipin iyun. Wala siyang ibang gusto sa mundong ito kundi katahimikan lamang. Muli niya ipinikit ang mga mata. Matiwasay na nakikinig sa pinapakinggang awitin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD