HFL5: TWO

429 Words
Naiinis na napahilamos sa mukha si Valerie,nababanas siya dahiL sa kinakaharap niyang problema. Katatapos lang na kausapin siya ng boss nilang babae sa publishing house na pinagtatrabuhan niya. Gusto nito gumawa siya ng romantic love story. Hell! Hindi nga niya iyun forte eh! Hindi niya tipo ang ganun mga storya kasi ayaw niya umasa ang mga readers nila na may forever talaga na kung tutuusin sa libro lang talaga meron! Saka paano siya makakabuo ng ganun kwento eh ang alam niya gawin ay kwentong misteryo at fantasy. She love wolf story! Kaya naman marami na siya naisulat na kwentong lobo kaya naman nakilala din siya bilang magaling na manunulat sa ganun genre. Pero,romantic story? Ugh! Paano siya makakapagsulat nun kung siya nga single mula ng pinanganak siya kaya saan siya huhugot ng nakakakilabot na kasweetan ng mga bida na isusulat niya. Marahas na napabuga siya ng hangin. "Ano gurl ? Ayos ka lang?" sita sa kanya ng isang writer din. Nakasimangot na umiling siya rito. "Pinagagawan ako ni boss madam ng romantic story,"aniya. " eh di maganda bagong challenge sayo,"tugon nito. Umismid siya. "Sa tingin mo makakagawa ako? Wala akong ibang alam na isulat kundi tungkol sa mga lobo lang! Saka saan ako Kukuha ng inspirasyon para makapagsulat ng romantic story!" nakaismid niya saad. "Eh di manuod ka ng mga romantic movies o di kaya ng fifty shades trilogy! Iyun maganda yun! Try mo gurl!"suhestyon nito. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Fifty Shades? Erotic movies yun,inday!" aniya. "Eh ano? Romantic din kaya yun! Ang hot pa ng gumanap na Christian Grey!" kinikilig nitong saad. Napailing na lang siya. Matino naman ang suhestyon nito kaso nga lang hindi talaga niya kaya gumawa ng ganun storya sa ngayon. Siguro kapag nagkaboypren na siya baka makagawa na siya. Marahas siya napabuga ng hangin. Ano na gagawin niya ngayon? Paano siya magsisimula ?! Nagvibrate ang phone niya na nasa ibabaw ng desk niya. Dinampot niya iyun at binasa ang mensahe na pinadala ng kaibigan. Sis! Punta ka dito ang daming libro tungkol sa mga lobo! Agad siya nabuhayan ng loob ng mabasa ang salitang lobo. Nakalagay din doon ang address na sinasabi ng kaibigan. Agad na pinagdadampot niya ang mga gamit niya. "Oh Alis ka na ?!" untag ng kausap niya kanina. "Oo may mga lobo daw na nakita si Carla!" naeexcite niya saad at mabilis na iniwan ito na tanging pag-iling na lang ang naging tugon. Sana may totoong lobo! Kung meron man handa niya ialay ang kanya buhay makakita lang siya ng lobo na katulad ni Jacob sa pelikulang twilight!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD