Kabanata 1

2075 Words
SANDY Nangingiti akong sinusulyapan ang cellphone habang panay ang bukas ng ilaw nito dahil sa mga mensaheng pinapasa ng mga kaibigan ko sa akin. Naka-silent mode nga pero panay naman ang vibrate kaya nakaagaw pa rin ng atensiyon sa mga kasamahan kong guro. "Mukhang may inspirasyon na si Miss Sandy, ah!" tudyo sa akin ni Miss Maritess, isa ring pre-school teacher na katulad ko. Nakangiti akong umiling at itinaob ang phone. "Buksan mo na kaya iyan, Miss Sandy para mabasa mo ang inspirational message ng admirer mo," dagdag naman ni Teacher Alfred na isang grade two teacher. "Hindi na. At saka, hindi naman ito katulad ng mga iniisip ninyo. Mga kaibigan ko lang," sagot ko sa kanila sabay ayos ng mga gamit ko sa lamesa. "Kaibigan o ka-ibigan? Sus, 'Cher, huwag ka ng mahiya. Sa edad mo ba namang iyang ay wala pa rin? Imposible!" sabad ni Miss Maritess. Napalabi ako sa kaniyang sinabi. Grabe naman, pinaalala na naman nila na nawawala na talaga ako sa kalendaryo. "Okay na ako, okay? May mga anak na ako at 'di ko kailangan ng lalaking bubuo sa pagkatao ko," tugon ko pa ngunit parang nakatatawa pa pakinggan sa mga ito ang sinabi ko. "Sus! Paano na lang ang ating..." "Teacher Tess!" saway ni Mrs. Myrna, ang pinakamatandang guro sa amin at isang grade six teacher. Napa-peace sign ang makulit na si Miss Maritess kaya natawa ako sa kaniya. Masasabi ko ay okay na ako sa buhay na mayroon ako. Guro ako sa isang maliit at pribadong eskuwelahan 'pag umaga pero waitress naman ako 'pag gabi sa isang strip bar. Kailangan kong kumayod para sa may sakit kong anak na nasa probinsiya namin nakatira. Kailangan kong tugunan ang pangangailangan nina Josh at Benedict, lalo na nag-iipon ako para sa heart operation ng labing-pitong taong gulang ko na anak na si Josh. May binata na ako na anak. Bente-dos pa lang ako ay nabuntis na ako ng una kong kasintahan. Hindi niya ako napanindigan kaya itinaguyod ko ang may sakit na anak na mag-isa habang nag-aaral ako noon. Mahirap ang buhay ko noon lalo na't parati sa hospital si Josh. Labing pitong taon din ang lumipas at nabuntis ako sa pangalawa kong anak na si Benedict. Ang alam nina Nanay at Tatay ay magkapareho ng ama ang dalawa kong anak pero ang totoo ay hindi. Ang tatay naman ni Josh ay minsanan lang nagbibigay kaya sinasabi ko na lang sa mga magulang ko na may pinapadalang kaunti, na ang totoo ay kita ko sa pagwi-waitress ang pera. Ayaw kong isipin nila na talunan ako masiyado at nabuntis sa pangalawang beses na hindi man lang napanindigan ng mga ama ng mga anak ko. Mahirap pero kailangan kong kumayod. Kailangan ako ng dalawa kong mga anak. "Sige na mga teacher, uwi na ako dahil may pasok pa ako," paalam ko sa kanila sabay kuha ng bag ko sa lamesa. Agad na tumayo si Teacher Ricky at sumabay sa akin. "Sasabay na ako, Teacher Sandy," biglang sabi niya kaya naghiyawan ang lahat. Palagi kaming tinutukso ng mga kasama namin dahil may motibo ring pinapakita ang lalaking guro. Mabait at guwapo si Teacher Ricky. Singkit ang mata at halata sa hitsura ang pagka-mestizo. Pero ayaw ko ng mas bata pa sa akin. He was only twenty-two while I was already on my thirties! Thirty-nine to be exact. "Uhm..." "Sige na, 'Cher! Sus!" tudyo ni Miss Tess sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang tumango na lang din. Wala rin namang masama kung sasabay ang lalaking 'to. Hindi sa ayaw kong sumabay sa kanya. Gusto ko kasing buksan ang larawan na pinasa ng mga kaibigan ko at nakakahiya kung titingnan ko ito na nakatingin si Teacher Ricky. Sa bahay na nga lang! Pumara kami ng tricycle nang marating namin ang sakayan ng jeep. Tumabi pa talaga ang binatang guro sa akin sa harap kahit puno na roon dahil may pasaherong nakasakay ng una ay nakipagsiksikan pa siya. "Sa likod ka na, puno na rito, eh! 'Di naman nanakawin ang girlfriend mo," ani ng drayber na nakangisi pang tumingin sa akin. "Hindi niya po ako girlfriend," agad na sagot ko. "Ah sorry. Tama nga ang nasa isip, tiyahin ka niya." Awtomatikong napataas ang kilay ko sa tinuran ng drayber. "Aba!" Nasapo ko ang sariling dibdib at 'di makapaniwalang napatingin sa panot na drayber na 'to! Masiyado na ba akong matanda para maging tiyahin ni Teacher Ricky? Aalma na sana ako nang hinawakan ako ng kasamahang guro at inilingan na hayaan na lang. Mukha rin kasing nagbibiro si Manong dahil nakangisi pa siya sa akin. Whatever! May asim pa naman ako kahit papaano, 'no! Magkaiba kami ng rota ni Ricky kaya nang nasa sakayan na kami ng jeep ay nagpaalamanan na kami. Alam ko na may gusto siya sa akin pero iba ang awra niya. In short, 'di ko siya feel kaya kung ako sa kanya ay huwag na lang siyang manligaw dahil basted ang labas niya kung sakali. Hindi ako makapagpigil na buksan ang mensahe ng mga baliw kong kaibigan. Pinatay ko lang ang cellphone ko at may halos isang daan na silang mensahe sa akin? At hindi lang mensahe, mga larawan pa ng mga hubad na kalalakihan! Sumiksik ako sa may dulo ng jeep para 'di makita ng mga nakasakay na pasahero. Nakakahiya kung makita nila akong pinapantasyahan ng mga mata ang mga malalaki at mabubundok na juniors ng mga lalaking modelo na ewan ko ba saan nila nahalungkat. "Shit..." anas ko nang dumako ang tingin ko sa maugat na kaarian ng lalaking hubo't hubad. Biglang uminit ang buo kong katawan kaya agad ko ng isinarado ang messenger at pilit na ituon ang atensiyon sa daan. Traffic ngayon. Mausok pa at siksikan ang loob ng jeep kaya 'di ko tuloy maintindihan saan nanggagaling ang pagliliyab ng aking katawan. Ilang taon na ba ang nakalilipas simula no'ng may nangyari sa amin ng tatay ni Benedict? Two years ago? Not that long but I couldn't remember how it was happened. Tila panaginip ang gabing iyon na hindi ko kailan man naisip na mangyayari ang gano'ng kapangahas na pakikipagtalik sa isang lalaki. Looking at those photos was not a good idea. Mas lalo akong naging kuryuso pero mas pinapairal ko ang pagiging 'prim and proper' ko. "I-try mong mag-MOMOL. Mag-day off ka tapos hang-out tayo sa isang bar na maraming afam," suhesyon ni Gay Ann na kung makapagsalita, akala mo kay daling makipag-make out. Kinuha ko ang mga bote na nakalatag sa kanilang lamesa. Nasa trabaho na ako at nandito sila, nanggugulo na naman. "Hay, naku Sandy! Baka nalumutan na ang ilalim niyan!" ani pa ni Rejean na tinuro pa talaga ang hinaharap ko kaya agad kong tinampal ang kanyang kamay. "Baka makita ka ng manager ko, gaga!" saway ko sa kanya. Nadako ang aking mga mata sa nakikipaghalikan sa dulo ng couch na si Janine kasama ang boyfriend. Lahat kami ay may edad na, cougar na kumbaga pero ako yata ang mas matanda sa kanila at walang nobyo kaya ako ang parating nakikita. They are all single but they have someone if they want to express their wants, habang ako, wala. Nganga! "Alam mo pa ba ang feeling nang nalibogan, Ate Sandy?" tanong ni Genevieve sa akin. "O-Oo naman." "Sure?" nagdududang usal ni Ady, ang pinakapilya at sabihin na nating malikot ang utak pagdating sa gawaing pangkama. "Ady, papunta ka pa lang–" "Napag-iwanan ka na!" sabad niya na agad ko namang sinimangutan. "Try to watch porn videos, Sandy girl. Tapos, punta ka sa C.R., prepare mo ang nailcutter at boom! Oh, ah, oh, ah na!" dagdag ng isa pang malibog na si Aibhee. Iiling-iling kong kinuha ang tray at nginisihan sila. "I'm happy now, okay? 'Di ko kailangan ng mga steamy suggestions n'yo para maging masaya ako." Iyon lang at iniwan silang nagtatawanan. Hindi ko na sila pinansin at agad na tumungo sa counter para iabot ang mga nagamit na baso para mahugusan. Naisip ko bigla ang huling suhesyon nila. Why don't I try... self service? SUNOD-SUNOD ang mga mensahe na lumabas sa screen ng aking phone. Ang iba ay sa group chat namin, ang iba ay mga personal messages ng mga kaibigan ko. Alas diyes na at pauwi na ako galing sa bar na pinagtatrabahuan. Maluwang ang jeep ngayon pati na rin ang daan pero kita sa mga hitsura ng mga pasahero ang antok at pagod. May isang cute na batang nakangisi ang naka-thumbnail sa video na ipinasa ni Ady. Himala at walang kahalayan ang naisip ng gagang iyon. Nahaplos siguro ng mabait na anghel ang malanding puso niya kaya nagpasa ng magandang tingnan. Agad ko itong binuksan at halos maitapon ko ang panawagan nang isang malakas na ungol ng babae ang kumawala sa video habang nagkakabayo ito sa ibabaw ng lalaki. Confident pa akong hindi ito kalokohan kaya hindi ko na sinaylent ang phone. Hayop ka, Ady! Nagsitinginan pa ang mga pasahero sa akin kaya aligaga kong pinatay ang phone na halos gupukin ko na para tumigil. Walang hiyang Ady! Nadali na naman ako! Nakakahiya lalo na't may mga matatandang babae na iba ang tingin sa akin. Marahil iniisip nila na nanonood ako ng porn sa jeep. Dios ko! Masasakal ko talaga itong si Ady 'pag nakita ko. Muling tumunog ang phone ko at isa na namang mensahe ang nanggaling kay Genevieve. May larawan ng isang pipino ang pinasa niya. A cucumber? Aanhin ko ang cucumber? Ate, may pambalot kami ng pipino sa bag mo. Enjoy! Iyon ang kalakip na mensahe niya. Pambalot? Sa cucumber? May isa na namang mensahe galing kay Rejean. Kung hindi effective, gamitan mo ng sprinkle, Ate. Masarap 'yon! Wetty! "Mga sira-ulo, ano naman ang gusto nilang gawin ko?" anas ko sa sarili. Iiling-iling akong pinatay ang phone at pumara para bumaba nang nakita ko nang malapit na ako sa kanto ng tinutuluyan namin ng kinakapatid ko na boarding house. Sakto lamang sa amin iyon na ngayon ay nag-aaral sa kolehiyo at isa rin sa ginagastusan ko. Pagkapasok ko pa lang sa bahay ay inayos ko na ang mga gamit at nakita ko ang cucumber sa bulsa ng bag ko. Itinaas ko pa ito at napakurap na lamang. Sobrang haba nito, kalahati yata ng twelve inches ruler at... ang taba. Lumuwa rin sa bulsa ng bag ang isang pakete ng condom! Strawberry flavored pa. Nakahawak ng isa kong kamay ang cucumber habang ang pakete ng condom ang sa kabila kong kamay. Tinimbang-timbang ko pa ito at iniisip ano ang maaaring kinalaman ng condom sa pipino. Napasinghap na lamang ako dahil sa naisip. They want me to... "No!" bulalas ko at binitawan ang pipino. Kahangalan ang gawin iyan! At bakit nila naisip na gagawin ko ang magpasok ng pagkain sa loob ng p********e ko? Gano'n na ba ako katigang? Hindi nga ba, Sandy? sabi ng kabilang isip ko. Pero hindi! Never! Inabala ko na lang sarili sa paggawa ng maaring activities ko bukas sa school. Kung iisipin ko ang mga walang kuwenta na pinagsasabi ng mga barkada ko ay mas lalo akong mababaliw. Inaamin ko naman na minsan ay... nakakaramdam ako ng ano mang kakaiba sa katawan lalo na kung nakakakita ako ng kabultuhan ng mga lalaki. Pero guro ako at nakakawalang-respeto naman sa sarili kung gagawin ko iyon. Muling nag-pop up ang mensahe ni Ady. Isang video iyon. At alam kong porn na naman. Ayaw kong buksan. Ayaw kong mabigyan sila ng katumpakan na gagawin ko ang mga sinuhesyon nila sa akin. Pero hindi ko maiwasang makuryuso. Panay ang ilaw ng cellphone ko kaya papatayin ko na lang ito. Ayaw kong maging marupok! 4 Aakmang iswi-switch off ko na ito nang biglang tumambad ang pamilyar na larawan na ipinasa ni Ady. Hindi siya nakahubad. Balot ang katawan niya ng magarang business suit. Ang suplado ngunit guwapo niyang mukha ang mas nakakainit sa batok ko. "No need to take off his damn clothes!" mensahe ni Ady. Alam ko. Sino ba naman ang 'di malilibugan sa kakisigan ng kilalang batang milyonaryo at magaling na businessman sa bansa? Napatitig ako sa guwapong mukha ng lalaki. His definitive jaw with his prominent nose. Ang makakapal na kilay na kahit nagpang-abot ay para pa rin siyang diyos na bumaba sa saan mang langit nanggaling. And his half, full size of the lips. Oh! Sarap... Pati ako ay napapakagat-labi sa kakisigan ng lalaking ito. Sino ba ang hindi magpapantasya sa isang mayaman, guwapo at higit sa lahat, masarap... sa mata na si Bernard Buenaventura?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD