BERNARD
Masarap...
Mainit sa pakiramdam...
Mas nakakabuhay ng kakaibang init sa katawan ang bawat galaw ng aking mga kamay habang pikit ko ang mga matang dinadama ito...
Ayaw kong idilat ang mga mata. Ayaw kong mawala ang imahe ng babaeng walang ibang ginawa kundi ang guluhin ang aking utak tuwing nakakaramdam ako ng ganitong libog.
I must get rid of this situation... anas ko sa aking utak.
Pagod na akong magsarili. Mayaman ako pero bakit nandito ako sa sariling kuwarto at pinapaligaya ang aking nag-iinit ng katawan.
Dahil sa isang mainit na panaginip, kasama ang babaeng nakamaskara habang gumigiling sa aking harapan, suot niya pa ang manipis na nighties habang patuloy akong inaakit sa kanyang sariling halimuyak at alindog ng katawan.
Tulirong-tuliro ako na tila ba wala na ako sa sarili. Ubos na ang tapang at lakas na mayroon ako at nandito ako, naghihintay ng makakain na ihahanda ng aking babaeng pusa...
"Kitten..." usal kong kapos na kapos sa hininga habang marahan kong tinataas-baba ang aking kamay sa aking katigasan. Sa sobrang tigas nito ay pakiramdam ko, ang higpit ng balat ko sa aking ari.
Kung tutuusin ay puwede akong magpabayad ng kahit sinong babae at paligayahin ako. Kahit ilan pa, pero iba ang gusto ng aking katawan. Iba ang gusto ng aking labi. Gusto ko ang babaeng iyon. Gusto ko siyang parusahan at iparamdam ang paghihirap na dinanas ko sa loob ng dalawang taon!
Binilisan ko ang pagsasalsal hanggang sa wakas ay nakamit ko ang kanina pa nagrurumentado sa aking puson.
I let out a lot of libido that made me gasp, not for joy, but at least, for a little satisfaction.
Inihiga ko ang sarili sa aking malambot na kama habang pinapakiramdaman ang nagingislot ko pang p*********i.
Now... how will I clean myself again? Naabutan na ako ng libog dito sa kuwarto at 'di na nakapunta sa banyo.
I should clean myself. All by myself!
Nakakahiya kung madadatnan ako ni Cres sa ganitong sitwasyon. Sobra na ang pabigat na pinaranas ko sa aking assistant at mahaba-mahaba na ring panahon na tinitiis niya ako.
I opened my eyes.
I was disappointed again. Ano ba ang inaasahan ko? Pagkamulat ko ng mga mata mula sa pag-ma-masturbate ay makikita ko na liwanag?
Idiot Bernard!
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at pinakiramdaman ang paligid.
Kapareho pa rin ang naaamoy at nararamdaman ko– ang pine scent sa buo kong kuwarto, ang malamig na aircondition na walang silbi sa init ng aking katawan kanina at ang nakabibinging katahimikan sa silid ko na walang ibang maririnig kundi ang malalalim kong buntong-hininga.
I remembered; I was at the edge of my bed, standing. Kaharap mismo nito ang pintuan ko palabas ng aking silid. The right side of my bed was the way going to may spacious balcony where you could see– I wish I could see - the infinity pool going down to the blue ocean of my own resort here in Samal. Hindi ko na alam kung may pinagbago pa ang resort na iyon pero matagal ko ng pinasarado ito simula nang nadisgrasya ako.
Ayaw ko na sanan tumungo rito ngunit kailangan kong i-dispose ang resort na ito. I can not manage it anymore, not because I was damn blind but I lost my desire of running the business. Marami lang akong maaalala kasama si Mary rito at ayaw kong malungkot ulit.
Humarap ako pakaliwa. Iyon ang papuntang banyo ko. Twenty steps, I would be in front of the door. But since I had been doing these for two f*****g years, I was able to memorize it, even without counting those damn steps.
Walang ibang gamit ang aking silid maliban sa malaki kong kama at isang maliit na sofa set.
Nagsimula akong maglakad at kinapa ang paligid. Nahawakan ko na ang sliding door papasok sa aking banyo.
My maids always make sure that there is no a single drop of water on the floor, unless if I am showering, or else, they must pack their things and go out in my house.
Hindi na ako ang dating Bernard na iniintindi ang lahat ng kamalian. The more I consider their mistakes, the more they will repeatedly doing it again. The more I trust someone, the more they will stab me behind. Nadala na ako.
Wala na akong pinapaniwalaan at pinagkakatiwalaan kun'di ang sarili ko na lamang. I should be more cautious and vigilant. I may have no sight but I have these strong senses– my touch, my smell and my instinct. Iyon lang ang mayroon ako ngayon.
Pina-slide ko ang pinto para makapasok ako sa loob ng banyo.
Malamig ang loob at amoy ng aking body wash na palagi kong ginagamit ang nanunuot sa ilong ko. Good thing, though. Ibig sabihin, ako lang ang nandito. No intruders, no one but only me.
Kinapa ko ang aking tabi at nahawakan ko ang marmol na sink kaya alam kong ilang hakbang ay makakapunta na ako sa loob ng aking bathtub.
I took off every piece of my clothes. Una ay ang pantalon kong nakabukas ang zipper at nakalabas ang medyo naninigas ko pang ari. Isinabay ko na rin ang aking panloob at saka ang aking t-shirt kaya hubo't hubad na akong naglakad patungo sa paliguan.
My knee bumped on the side of the bathtub and slowly raised my one leg.
I did every move step by step and gradually. Hindi katulad ng dati na lahat ng minuto ay madalian. Bawat segundo ay mahalaga at kailangang habulin.
Marami ang nagbago sa akin simula nang nawala ang aking paningin. Ninakawan ako ng oras, kaligayahan at pag-asa na magkabalikan kami ni Mary.
Isinandal ko ang aking likod sa ilalim ng rumaragasang tubig. Hinayaan ko ang lamig na balutin ako habang 'di mawala-wala sa isip ko ang nakamaskarang babae.
Those puffy eyes...
"Damn!"
Galit ako sa kanya pero bakit siya ang tanging naiwang dibuho sa aking utak sa kabila ng kadilimang bumabalot sa aking paligid. Bakit siya lang?
"W-what is this, Bernard?" rinig ko ang boses ni Mary na sumisigaw sa b****a ng silid ko.
Agad akong napabalikwas sa kinahihigaan at napagtanto ang lahat– hubo't hubad ako habang nakapatong sa sa katawan ko ang walang saplot na babae.
Sino siya?
Marahas kong hinawi ang kasama sa kama at isinuot ang boxer kong nakakalat sa sahig para takbuhin si Mary.
"Mary... let me explain," sabi kong nahawakan ang kanyang braso.
Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Masakit iyon pero alam kong kulang pa ang sampal na ginawa niya sa ginawa ko.
"Walang hiya ka, Bernard! Kung saan tayo ikakasal, ngayon ka pa nagloko? Pinagkatiwalaan kita!" sigaw niya sa mukha ko.
Puno na ng luha ang kanyang mga mata kaya labis akong nag-aalala.
"Let me explain, love..."
Isa na namang sampal ang lumagapak sa aking pisngi pero hinayaan ko lang siya.
I deserved this. I really deserved it!
Nadako ang mga mata ni Mary sa may kuwarto ko at lumabas doon ang babaeng nakasuot pa ng maskara, suot pa ang damit kong pinaghubaran kagabi.
"The hell are you!" Akmang susugurin ni Mary ang babae pero agad ko siyang pinigilan.
Ako ang huhuli sa babaeng iyon pero kailangan ko siyang makausap muna at ipaliwanag ang lahat.
"Pipigilan mo ako dahil diyan sa babae mo? At nagtakip ka pa ng mukha, hayop ka!" duro ni Mary rito.
Mahigpit kong niyakap ang kasintahan pero nagpupumiglas siya at desididong sugurin ang babae.
Sinamaan ko ito ng tingin at sinanyasan na umalis. Ayaw kong makapatay ang kasintahan ko o ako nang dahil sa kanya dahil sinira ng babaeng iyan ang buhay namin.
Kahit suot niya ang maskara ay kita ko ang takot kanyang mga mata, ang layo ng hitsura niya kagabi– mapusok, mapang-akit. Ngayon ay para siyang takot na pusa na mapuputulan ng buntot.
"Get out, damn it!" sigaw ko sa babae dahil nakatayo pa rin siya sa harapan namin.
Magpapasabunot yata!
Hinay-hinay siyang umatras papunta sa pintuan palabas pero napakawalan ko si Mary kaya agad niya itong tinakbo.
Mabilis na umalis ang babae at ako rin ay agad na hinawakan ang nobya.
"Bitiwan mo ako!" angil niya habang tinuturo ang nakamaskarang babae na tumatakbo habang sumusulyap sa amin.
"Bumalik ka! Hayop!"
Napaupo si Mary sa sahig kaya agad ko siyang inalo.
"Love, let me explain..."
"s**t, Bernard!"
Sinuntok-suntok niya ang dibdib ko at sinampal-sampal ang mukha pero niyakap ko siya nang mahigpit.
Nagkamali ako at sigurado ako na hindi ko kailanman ginusto ang lahat kagabi. Nadala lang ako sa tukso at... parang saglit akong nabaliw.
"W-Walang... hiya ka!" iyak niyang nanghihina dahil sa kakasuntok sa akin.
"Sorry... sorry..." hagulgol ko.
Walang katumbas ang sakit na idinulot ko sa aking mahal na babae.
Pinangakuan ko siyang magiging tapat ako pero bakit? Bakit sa ganitong sitwasyon pa? Ikakasal na kami bukas.
"IT can't be!" bulyaw ko nang sabihin ni Mom na umatras nang tuluyan si Mary sa kasal.
Ngayong hapon ang kasal namin at akala ko ay napatawad na niya ako. Nag-usap naman kami at naipaliwanag ko ang lahat pero bakit? Bakit siya umaayaw na ngayon?
"Sir Bernard..." tawag sa akin ng aking assistant na si Cres.
Nilingon ko siya at ibinigay ang papel na galing sa imbestigador na kinuha ko para hanapin ang babaeng iyon.
"Walang nakakakilala sa kanya. Ang sabi ng club na nagpadala at kinontak ng mga kaibigan mo ay ibang babae raw ang pinapunta nila pero bumalik ito dahil nag-cancel daw ang client. Isang panlilinlang po ang nangyari at alam kong may motibo ang babaeng iyon para sirain kayo at si Miss Mary."
Nailukot ko ang papel sa aking kamay at saka galit na itinapon ito.
"That woman!" Nanggagalaiti ako sa galit at papatayin ko siya sa kanyang ginawa, papahirapan hanggang sa umamin siya kung sino ang nag-utos sa kanya na gawin iyon.
"May nakitang pakiti ng droga sa condo ninyo, Sir Bernard at marahil, inihalo iyon sa inyong inumin. Baka... isa sa mga kasama ninyo ang kasabwat ng babae dahil iisa ang ininuman ninyong baso at pati ang nakasama ninyo sa... kama ay malamang, lulong sa droga."
Uminit bigla ang aking batok pati na rin ang aking mga mata.
May gustong sumira sa pagsasamahan namin ni Mary at nasa mga kaibigan ko lang ang traydor!
"s**t!"
"Kuya!" humihingal na tawag ni Kimberly, ang bunso at nag-iisa kong kapatid na babae. Sapo niya ang dibdib habang patakbong lumalapit sa amin.
"Kuya..."
"What happened, Kim?" tarantang tanong ni Mom.
"S-Si Ate... si Ate Mary, paalis na. Paalis papuntang airport!"
Agad akong napatayo sa inuupang couch at dali-daling lumabas ng condo.
Malapit lang ang bahay ni Mary rito sa hotel na inis-stay-yan namin kaya ilang minuto lang na takbo ay maaabutan ko pa siya.
Dali-dali akong sumakay ng kotse ko at pinaharurot ito ng takbo. Wala na akong pakialam kung minsan ay sumasapaw ako sa naunang mga sasakyan.
I need to catch up Mary. We need to get married. Mababaliw ako kung mawawala siya sa akin.
Sampung minuto lang ay naabot ko ang village nila at saktong nakita ko palabas sa gate ng kanilang lugar ang sasakyan niya kaya bumalik ako at mabilis siyang sinundan.
Tinawagan ko ang numero ni Mary pero hindi niya sinasagot hanggang sa nakailang tawag ako ay patay na ito.
Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko kayang mawala ang babaeng inalayan ko ng pag-ibig ko. We've been lover for over ten years and now? Dahil sa pagtatraydor ng isa sa mga kaibigan ko at ang hayop na babaeng iyon ay mawawalang parang bula ang mahal ko? Maglalaho ang pangarap kong magkaroon ng masayang pamilya kasama siya?
Inaamin kong malaki ang kasalanan ko at pinagsisisihan ko lahat. Pero nag-usap na kami. Naging okay kami ngunt bakit aalis siya?
Bakit siya umayaw sa kasal namin ngayon?
"Mary... please..." iyak ko habang sinusundan ang sasakyan niya.
Kahit ano'ng bilis ko ng takbo ay hindi ko sila maabutan dahil sa mga sasakyang minsan ay sumasapaw.
"s**t!" mura ko nang may truck na humarang sa daan.
Hindi dapat mawala sa mga mata ko ang sasakyan ni Mary kaya iniliko ko ang sasakyan sa kabilang lane kung saan ang mga paparating na mga kotse ang nakakasalubong ko.
Wala na akong pakialam, ang alam ko lang ay dapat kong maabutan si Mary.
Inapakan ko ang apakan ng gas hanggang sa naabutan ko ang isang truck kaya muli akong pumuslit sa kabilang lane. Ngunit sa 'di inaasahan ay may isang malaking dump truck ang aking nakasalubong hanggang sa biglang nagsalpukan ang aming mga sasakyan at... ang tanging naaalala ko lang ay ang pagkabasag ng salamin sa aking harapan, ang pagtalsik ng maliliit na salamin sa aking mga mata at ang pagtawag ko sa pangalan ni Mary... siya lang babaeng mamahalin ko at wala ng iba pa...