SANDY
"Nandito na naman!" asar kong bulalas sa sarili nang nakita kong kinakamayan ako ng mga kaibigan kong mga lasinggera. Kung saan sila tumanda ay roon din naging pakawala!
Ayaw ko silang puntahan o lapitan pero nakita na nila ako kaya mahirap na ang umiwas dahil hindi talaga nila ako titigilan hangga't hindi nakukuha ang mga gusto nila.
"No free drinks ngayon. Mainit ang ulo ni Madam!" sabi ko pa sa kanila sabay lapag ng menu para makapili sila ng bibilhin at hindi maghihintay ng free drinks tuwing alas dose ng madaling-araw.
"Hindi naman kami nandito para sa free drinks, ah!" alma ni Janine sabay pakita ng pera niya sa wallet.
Yabang! Saan naman kaya 'to nakadelihensiya? Alam ko kasi ay tatlong buwan na itong hindi na pumapasok sa paaralan na pinagtuturuan dahil jinowa ang labing-anim na taong estudyante. Kaya 'yan, tanggal!
"Eh, ano ang ginagawa ninyo rito? Nagdadasal?" patuyang tanong ko sabay tukod ng siko sa mataas nilang lamesa na hanggang dibdib ko at ipinatong ang dalang tray roon.
"Hay! Ano ba 'tong si Tiyang Sandy!"
"Hoy!" saway ko kay Rejean na pinanlakihan siya ng mga mata kahit medyo dim ang ilaw ng club. Nagsisisi tuloy ako bakit ko kinuwento sa kanila ang sinabi ng drayber ng traysikel sa akin no'ng napagkamalan akong tiyahin ni Teacher Ricky nang nakaraang araw. Ayan, iyan na ang parating tawag nila sa akin.
Ang lakas ng tawa ng mga baliw kaya mas lalo akong naaasar sa kanila. Kung bakit ba kasi naging kaibigan ko ang mga ito! Kung hindi ka uutangan o papalibre, mang-aasar naman.
"Ano ba ang patutunguhan, ha? Magiging tiyahin ka rin, magiging lola, papunta ka na nga!" Isa pa itong si Mary Ann, sarap bunutan ng bolbol para tumahimik.
"Teka, ha? Kung hindi free drinks ang gusto ninyo, eh, ano?" tanong kong nakapameywang sa kanilang lima. Hindi pa ito kumpleto pero parang kalbaryo na sa akin tuwing nandito sa club, napapagalitan pa ako ng manager minsan dahil sa kanila.
Inginuso ng pilya kong pinsan na si Adie ang gawi sa may gitna ng club. May umpukan ng mga kalalakihan ang nandoon na nakatingin sa lamesa namin. Those men are not appropriate for their ages! Goodness, mga dese pa yata ang mga ito, eh!
"Hoy, kayo ha? Ang babata pa niyan! Baka kung ikama ninyo iyan ay ma-stroke pa kayo. Akala n'yo naman ay 'di na mga lampas sa kalendaryo ang mga edad ninyo!"
"Oops, twenty-nine pa ako ngayon, Ate Sandy, bukas pa ako magti-thirty kaya 'di pa lampas!"
Pinandilatan ko ng mga mata ang pinsan dahil kahit kailan, 'di napipirmi sa isang relasyon.
"So, what? Aanhin ang gurang kung 'di naman makakiyod. Pareho pang sasakit mga likod namin." Si Aibhee na kaedad ko lang din.
"Truelala, depende na lang kung AFAM, take note, AFAM na malaki ang nota at may malaking offer! Katulad nito..." Binuksan ni Mary ang cellphone at ipinakita ang convo nila ng isang foreigner na nagpapakitaan ng mga maseselan na na bahagi ng katawan.
Ang AFAM niya ay nag-send ng bayag, siya naman ay dede na 'di ko alam kung paano masasakto ang bra sa sobrang laki.
"For boobs, twenty kya," yabang pa niya na ang ibig sabihin ay twenty thousand ang presyo.
"Boobs mo ba iyan?" tanong ko dahil ang laki ng dede ng nasa picture at imposible kay Mary.
"Hindi... ano ang ipapakita ko? Ang boobs na ito na parang n****e lang ang akin? Siyempre, aanhin si Google, eh, may pornhub pa. Mind ba, mind..." aniya sabay turo ng sentido niya kaya napairap ako. Sayang! Mula kay Mama Mary pa galing ang pangalan niya pero sa kalandian, malala pa kay Magdalena.
"Ganito lang, Tiyang, the bigger, the higher!"
Iiling-iling na lang ako at kinuha ang tray na nasa lamesa. Makaalis na nga lang, baka makita pa ako ng mahadera kong manager at masabonan na naman ako.
"Oh, aalis ka na?" tanong ni Janine sabay hawak sa siko ko.
"Oo, ah! Nagtatrabaho ako rito at hindi makikipag-chikahan sa inyo."
"Teka, anim sila, oh, at mukhang type ka ng naka-jacket," turo ni Janine sa mga lalaking nilalandi nila.
Kita ko ang pagtaas ng baso ng naka-itim na jacket na lalaki. Ngumiti pa ito kaya mas lalo akong napasimangot.
"Ayaw ko ng bagets! Ang liit ng t**i niyan!"
Dinig ko ang halakhakan ng lima kaya natatawa na lang akong tumalikod sa kanila. Muli ko pa silang sinulyapan at ang mga gaga, wala talagang pagka-dalagang pilipina, sila pa ang lumipat ng lamesa kung saan nandoon ang mga lalaki!
Once na magkasarapan ang mga iyan, sa kama ang hantungan! Amen na lang sa kanila. Sana all na lang nadidiligan.
"Tss!"
Ayaw ko naman kasi ng mga lalaking sino-sino na lang para lang makatikim ng kung ano'ng langit. May edad na ako at gusto ko ring maranasang mahalin. Wala namang masama kung pangarapin nang gano'n, 'di ba?
"Kete! Kete!"
Inikot ko ang mga biluga at pagod na hinarap ang manager kong nagmumukha ng pusakal. Eh, bakit ba naman kasi pusa ang theme ng club na ito kaya lahat ng mga tinatawag niya sa amin ay mga pangalan ng pusa. Ako, si Kitty raw, pero dahil iba ang pananalita ng matandang ito ay naging kete na.
"Oh, Madam?"
"Kete, nandito na naman ang VIP customer ko ngayon, gusto ko serban mo, ha dahil wala si Mengmeng. Malaki ang bigay niyon kaya ayusin mo ang trabaho," paalala pa niya.
Palagi ko na lang naririnig ang VIP na ito. Hindi nga lang ako ang na-assign na mag-serve sa kanya kaya hindi ko kailanman nakikita ito. Palagi rin siyang nasa balcony ng club sa taas at nanonood ng mga nagpo-pole dancing o stripper minsan.
"Sige po, Madam."
Muli kong isinuot ang maskara ko na animo'y pusa. Ganito kami parati tuwing may mga VIP na nandito, dapat ay nakamaskara daw at ikinukubli namin ang mga mukha o mga pangalan namin. Hindi rin kami puwedeng makipag-table sa kanila kahit na pakiusapan kami, maliban na lang sa mga nagsasayaw o mga strippers.
Tiningala ko ang paningin sa balcony at mula rito ay nakikita ko ang isang lalaking nakaupo at tila nagmamasid sa paligid. Nakasuot siya ng itim na leather jacket at may suot na itim na baseball cap.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa awra ng lalaki, mukha kasi siyang familiar. Hindi ko lang masiyadong naaaninag dahil nga sa medyo madilim ang club at nakasombrero pa.
"Sige na, Kete, ah! Pinapahintay mo ang VIP natin!" sigaw ni Madam Lola.
"Ays!" Lihim kong pinandilatan ang gurang na iyon! Kung 'di ko lang talaga kailangan ng extra income para sa mga anak kong nasa probinsiya ay hindi ako magtitiis dito. Kaso lang ay kahit ano'ng angal ko ay nananatili pa rin ako at sampung taon na! Rito na yata ako tatanda at mag-a-apply ng senior citizen card.
Inakyat ko ang hagdanan patungo sa balcony kung saan naghihintay na ang VIP client namin. Ang pinagtataka ko lang, VIP siya pero wala siyang dalang mga tao at sabi ni Emma, a.k.a Mingming, noong mga nakaraang gabi ay bata pa raw ang VIP na ito.
Siya lang mag-isa ang nakaupo sa lamesa niya at walang kasama. Wala ring ibang customers dito sa taas dahil kung nandito siya, wala ni dapat isa ang nakikiupo. Nirentahan niya talaga ang buong balcony at siguradong mayaman ito.
Tumukhim pa ako para mapansin niya dahil nakatalikod siya sa akin pero dahil sa lakas ng tugtog sa loob ay alam kong imposible.
Akma kong ibubuka ang bibig nang bigla siyang magsalita, "As always."
As always? Ano iyon?
"Uhm... Sir? Ano po iyon? Kasi... ba-"
"Luhod."
Ano raw? Luhod? Luluhod ba ako? Iyon ang pagkakadinig ko sa kanya. Luhod. Malabo ngunit... ganoon talaga ang pumasok sa tainga ko.
Magsasalita na sana ako nang bigla niyang ibinuka ang mga hita kaya nanlaki ang aking mga mata. Dios ko!
Luluhod ako sa nakabukang... ibig sabihin...
"Ay! Hindi iyan puwede! Bad iyan, Sir! Nandito ako ako para magtrabaho at hindi mag-aano! Kung gusto n'yo po ay mag-arkila kayo ng babaeng luluhod sa inyo at... k-kuan... waitress lang ako rito at hindi kung sino lang na luluhod tapos..." Napatingin ako sa gitna niya nang iniusog ang upuan at humarap sa akin.
Hindi ko matingnan ang mukha niya dahil naka-pokus ang mga mata ko gitna!
Dios ko habaging Maria! Hindi ko alam kung ano ang ang nasa ilalim ng pantalon na iyan pero bakit ang umbok!
"M-maghahanap n-na l-lang ako ng ibang magsisil-"
"Low-hood, Miss. Low yet hoody beverages. Ano ba ang iniisip mo?"
"H-ha?"
Low-hood ba? Iyong mga low alcohol containing beverages pero mga antik na inumin? Colt 45? Olde English? Iyon ba?
"Aren't you the same waitress?" tanong niya na nakaharap sa akin kaya napatingin ako sa kanyang mukha. Dahil sa nakatalikod siya sa ilaw ay tanging ang ilong niya lang na matangos at ang labi niyang hugis puso ang nakikita ko, hindi klaro ang mga mata niya lalo na't nakasombrero siya. Sa half feature pa lang ng mukha ng lalaking ito na nade-describe ko ay mukhang mestizo.
"H-hindi po. S-sorry, Sir..." agad kong hingi ng tawad dahil baka magsumbong ito kay Madam. Yari na naman ako!
Gumalaw ang mga labi niya at ngumising hindi nakikita ang mga ngipin. "You are thinking that..."
"Naku, Sir, misunderstanding lang po. P-pasensiya na po... h-huwag n'yo lang akong-"
"Kete!"
Afatay! Makiketelan talaga ako ng sahod nito kung magsusumbong ang lalaking ito.
Kagat ang mga labi kong nakatungo sa customer namin na sana ay huwag siyang magsumbong. Kailangan ko pa naman ngayon ang pera.
"Uhm, Ser, kumusta po? Es my wetres payn? Good? Good?" Imwenestra pa ng matanda ang hinalalaki sa harapan nito pero 'di naman pinapansin at tila hindi siya tinitingnan.
Tss! Ginawa pang AFAM ang VIP namin. English pa more! Marunong namang magtagalog iyan.
Suminghot ang kliyente at saka hinarap ang mukha sa akin. Nakakatakot naman ang lalaking ito, mukhang leader ng mga hooligan o mafia sa awra. Pero kung probinsiyano na pa-Coco Martin, AFAM version naman. Puwede na rin...
Hindi nagsalita ang kliyente kaya medyo nanginig ako sa takot. At bakit ba hindi ko inalam iyong Low-hood? Dapat inaalam ko iyon!
"She's..." Pakiramdam ko ay nakatitig siya sa akin kaya iniyuko ko ang ulo. Lagot na!
Sinamaan ako ng tingin ni Madam Lola kaya mas lalo akong nanlumo. Salary deduction talaga ito!
"She's fine. I want her... and please... siya na ang mag-se-serve sa akin tuwing pumupunta ako. I want Kitty to be my personal waitress from now on..."
Hindi ko alam bakit bigla akong ni-request ng lalaking ito. Wala pa nga akong ginagawa? Promoted na?
"Kitty, right?" Napakurap ako at agad na tumango.
Hindi ko nakikita ang mga mata niya pero alam kong nakatitig siya sa akin kaya napalunok ako at pilit na inaayos ang tayo. Dios ko, kung ganito ang masisilbihan ko gabi-gabi pakiramdan ko ay sasakit ang tuhod ko parati, hindi sa edad ko, kundi sa takot at nginig.
"Kitty, right?" ulit niya kaya nagtataka akong tumango. Ang laki na nga ng tango ko, hindi pa kontento sa sagot.
Humugot siya nang hininga at gumalaw-galaw ang gulung-gulungan.
"I don't want to repeat my question."
Nagtataka akong lumingon kay Madam Lola pero pati siya ay nalilito. Ano ba ang tanong niya?
"Sir? Repeat the question again?"
"s**t!" mura niya kaya naitaas ko ang kilay.
Lechugas! Ano ba ang tanong niya?
"Kitty, right?" puno ng diin niyang ulit sa tanong niya kaya tumango ako. Grabe, 'di niya ba ako nakikita?
"Again... Kitty--"
"Oo nga, eh! Ang sakit na ng leeg ko kakatango. Ano ba ang sagot na gusto--" Mabilis akong kinurot sa tagiliran ni Madam kaya napigtad ako sa sakit.
"Uhm... y-yes. Ako si Kitty... at your service..." bawi ko.
Tss! Gusto kong mapairap sa asar. Sus! Kung 'di lang VIP ay baka natarayan ko na ito.
Tumahimik ang lalaki at saka muling ibinuka ang mga hita sa aming harapan at isinandal ang mga siko sa arm rest ng inuupan. Ang arogante niya tingnan kaya nakakainis.
"Kitty, low-hood.."