Kabanata 4 (Sandy's POV)

1460 Words
Hanggang kailan ba ako tatayo rito at maghihintay ng o-order-rin ng lalaking 'to. Ibinigay ko na ang menu sa kanyang harapan pero ni tingin ay 'di niya ginawa. Nakatanaw lang siya sa kalayuan at mukhang hindi naman ang naglalambitin sa pole na mga babae ang tinitingnan ng taong ito. May sariling agenda ang isip. "Ano--" "Ano pala..." Pareho pa kaming natigilan nang sabay kaming nagsalita. "You first," paubaya niya. "No, sir, you first." Huminga siya nang malalim at saka saglit na iginalaw ang ulo ngunit hindi naman ako nilingon nang tuluyan. Nakukuryuso tuloy ako sa buong hitsura ng lalaki ito. Pakiramdam ko ay AFAM din 'to, nabihasa lang magtagalog sa tagal ng pananatili. Hindi mukhang pinoy, eh. Pero sa totoo lang, kahit mga amerikano na marunong na magtagalog at 'di ganito ka-fluent, kahit sa diction at accent. "Puwede..." anas ko sa sarili, na ang ibig sabihin, puwede rin namang AFAM siya. Pero puwedeng ring hindi. Hay! "Ano'ng puwede?" Tss! Ang talas naman ng pandinig ng lalaking 'to. Ang hina na nga ng pagkakasabi ko, narinig niya pa talaga? At ang lakas pa ng tugtog, ha? Grabe! "Uhm... puwede ikaw na ang mauna. Baka may sasabihin kang mahalagang bagay." Huminga siya nang malalim na hininga kaya naitaas ko na ang kilay. Ang daming oxygen ng lalaking 'to sa katawan at panay ang pagbunga ng hininga. "Ladies first..." Muli na naman akong napairap. Ang hirap maging customer nitong tukmol na 'to! "Client first, sir. That's the rule..." "There's no rule like that, Kitty. Go ahead, spit out what you want say... nagpapaubaya na ako." Napalabi na lang ako at pilit na ngumiti kahit 'di niya naman ako nakikita dahil nakatalikod siya. "Naku, sir! Hindi ka si Moira para magpaubaya. Ano po ba ang sasabihin n'yo?" Hindi gaanong maliwanag ang paligid pero kita ko ang paggalaw ng mga panga niya kaya sumuko na ako. Baka magsumbong pa ito kay Madam Lola at mabigyan ako ng detractor na score, salary deduction na naman. "Fine! Ano po ba ang o-order-rin ninyo? A-Ano'ng klaseng low-hood?" Hindi ko maiwasang iikot ang mga biluga ng aking mga mata sa huling salitang sinabi ko. Ang awkward. Saang diksunaryo niya ba nakuha ang salitang iyan? Tumukhim siya at ipinatong ang isang braso sa lamesa. Kita ko tuloy ang mamahaling relos niya sa kamay kaya alam kong hindi basta-basta ang lalaking 'to. Hindi ito be-baby-hin ni Madam Lola kung pucho-pucho lang. Pero ang bata niya pa tingnan para maging super yaman. Marahil ay mana o... galing sa sindikato? Mafia nga siguro 'to! "Ano rin ba ang ibig sabihin mong low-hood?" Napamulagat ako sa tanong niya. Dios ko naman! Nagbukas na naman ng isang latang uod ang lalaking 'to! Nakakahiya na nga, hihiyain po ako lalo. "K-Kasi..." "Do you think..." "Ay, sir, wala akong iniisip na ganyan. Huwag kang dirty-minded at mapupunta ka sa Green Paradise!" Sheyt! Bakit ko nasabi ang group chat ng mga malalanding may edad na katulad ko. "Green Paradise?" Tss! Napaka-usisero niya talaga! Lahat ng mga sinasabi ko, tinatanong! "Sir, ano po na ang o-order-rin ninyo?" pag-iiba ko para makalimutan na niya ang walang halagang topiko. "Answer my question, first." Leche! Ladies first pero ako pa rin ang magpapaubaya, Moira ang peg? "Ano'ng question? Sa dami ng tanong mo--" "Ano'ng klaseng low-hood ang iniisip mo kanina? Kitty, I don't want to keep on repeating my questions again, I hate that." Paki ko sa ayaw mo? Ang arogante ng unggoy na ito! Kung hindi lang mukhang mafia ito ay minura ko ng ang tukmol na 'to kahit pa VIP pa siya. Natatakot lang ako baka humugot 'to ng baril at mamatay pa akong wala sa oras. Dios ko! Ang goal na edad kong mamahinga ay nasa eighty pataas at hindi sa edad ko ngayon! "Naku, sir. Misunderstanding lang. Akala ko kasi... l-luhod... na... luhod... iyong... luluhod ka sa... basta luhod!" "Ang layo ng pronunciation, Kitty sa low-hood at luhod..." Hay! Bakit niya ba ine-exaggerate ang lahat? Malay ko ba, kung slang siyang magsalita? "Sir um-order ka na lang kaya? Maabutan ka ng free drinks, or... sinasadya mong umabot ng alas dose para..." Tinuro-turo ko pa siya sa may likod kahit 'di niya ako kita. Alam ko na ang tactic ng mokong na 'to. Pa-as if na mayaman pero pa-libre lang din. "I can pay all your beers here, Kitty. Even you..." Natigilan ako sa sinabi niya at napalunok. Ano ang ibig niyang sabihin na kaya niya akong bayaran? "What can you offer, then?" bigla niyang sabi. "Uhm... ano ang o-offer, sir?" kinakabahan kong tanong. Ninernerbiyos ako sa lalaking 'to. Ngayon ay mas malalim ang buntong hininga niya at itinukod na niya ng isang siko sa lamesa sabay hilot ng sentido niya. "Why are you so slow? What offer are you referring to?" Ano nga ba? Sa rami ng sinabi niya, nakakalito na rin. Matanda na ako at pati utak ko ay tumatanda na rin kaya mahirap nang mag-isip. "Ano nga ba?" "Beer! Drinks! Anything you can offer me to drink! Damn it..." Ay, galit? Ayusin niya kaya ang pagkakasabi nang magkaintindihan kami? Wrong delivery of statement could might lead to wrong meaning! Ay! Magaling ako sa essay kaya huwag niya akong anuhin! "Offer-ran kaya kita ng lambanog," bubulong-bulong ko na sabi dahil naaasar na ako. Sa susunod, ayaw ko ng magsilbi sa lalaking 'to. Madadagdagan ng two years ang edad ko! "Is that most expensive liquor here?" "Ang ano?" He moved the chair and stood up. Ngayon ko lang napagtanto na matangkad pala ang lalaking 'to at malaki ang katawan. Hapit na hapit pa sa kanya ang suot na jacket, lalong-lalo na ang likod. Wowowee talaga! "Ang lambanog. Do you have it here?" Napakagat ko ang labi dahil ako lang naman ang nakakarinig niyon, narinig niya pa? Grabe! "Sir, joke lang 'yon. Wala p-pong lambanog..." "You ruined my night, Kitty. I am here to enjoy and yet..." Iiling-iling siyang yumuko at nakapamulsa. Kinuha niya pa ang panawagan sa bulsa at inilagay sa tainga. "Let's go. Wala akong napala sa waitress na 'to," usap niya sa kabilang linya. Sheyt? Ako rin ay walang nagawang trabaho sa kanya. Kung sa ibang customer pa ako ay may tip na sana ako! Kaloka 'to. Nakatayo pa rin siya at 'di man lang ako tinitingnan o nililingon Sabagay, ano ba naman ang makikita niya sa akin, may edad na nakasuot ng maskarang pusa. Kalokohan! Ngunit sa totoo lang, kuryuso talaga ako sa pagmumukha ng lalaking ito. Ano ba ang hitsura niya? Siguro ay maganda lang ang ilong hanggang baba, pagdating pataas... never mind! Bigla akong natawa sa naisip. Kung ano-ano na lang talaga ang pumapasok sa utak ko. Baka sa sobrang pagod na ay inaaliw ko na lang ang sarili. "Sir..." Agad akong napalingon sa lalaking nagsalita sa aking likuran at nakatungo sa kliyente ko. Mayamaya ay gumalaw ang aroganteng VIP at mabilis na lumapit sa kanya ang lalaki na tila inaalalayan siya. Ano siya? Baldado? Ang laki ng katawan, polpol pa rin? Nasobrahan sa yaman, 'di na marunong maglakad? Nakahawak siya sa balikat ng lalaki nang bigla niyang itinaas ang isang kamay at sumenyas gamit ang hintuturo. Ano ang ginagawa niya? Nagpapara ng taxi sa loob ng bar? His assistant looked at me signaled me to come near to them. Itinuro ko pa ang sarili kaya agad na tumango ang lalaki. Ako naman na walang ideya ay tumalima na rin. Ang weirdm lang talaga. Ngunit hindi pa ako nakakatayo nang maayos nang bigla na lang siyang lumingon sa akin at ibinaba ang mukha sa gilid ng aking mukha. Sa sobrang gulat ko ay 'di ko alam ang gagawin at nabato na lamang sa kinatatayuan. Hindi ko mawari ang kaba sa aking puso sa mga sandaling dumampi ang init ng kanyang hininga sa aking balat... ang damping, napakapamilyar sa akin. Para bang, naamoy ko na ang hininga niya rati, 'di ko alam kung kailan o saan. His hefty breath froze me for a moment and at the time he opened his mouth, I was already lost to nowhere. Biglang nabingi ang aking tainga at tanging hininga niya lang ang aking naririnig. Everything was like a slow motion, even the way he opened his mouth and utter the words. "This is not the last time we will meet, Kitty..." Napalunok ako sa sinabi niya at gusto ko siyang tingnan ngunit may nagpipigil sa akin na huwag gumalaw. Nanatili lang akong nakadilat ang mga mata pero parang walang tinitingnan. "I'll give you the chance now, but next time, I don't want any mistake or else..." Else what? Hanggang isip ko lang ito dahil kinikilabutan ako sa mababa ngunit puno ng pagbabantang boses niyang pumapasok sa aking tainga. "I will make you kneel down... just the way you thought and put something hard in your rambunctious mouth!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD