Kabanata 14 (Bernard's POV)

1274 Words
I was stunned not by the question she asked. And this woman stupefied me for a moment by her sweet scent. An aroma that was so edible like a mix vanilla and sweet smell of flowers. Hindi ko matukoy kung ano, basta kakaiba... Ewan ko ba, parang pamilyar ang amoy ng pabango niya. Para bang nalanghap ko na iyon sa hindi ko matukoy na lugar na pinangyarihan... I could not see anything. Everything is dark. So dark... but my mind went out in a jiff and roamed in a seaside? Isang dalampasigan ang nakikita ko nang naamoy ang pabango ni Kitty. Bakit doon? "Ay lutang!" bigla niyang sabi kaya parang naglahong parang bula ang malabong imahe sa utak ko. Saglit akong natigilan at lumayo nang bahagya sa kanya dahil naiiba ang nararamdaman ko. Kakaibang... kiliti sa aking katawan. "Kailangan ko pa bang english-shin?" Hindi ako agad nakasagot sa kanya at tila prinoproseso pa ang lahat na sinabi niya. Nang nag-sink in sa akin lahat ay marahan akong tumango. "I mean... n-no need... I understood what you just said." "Hmmm? Sure? Kaya ko namang mag-english, Sir, eh! Huwag ka ng mahiya." Agad akong natawa sa kakulitan niya kaya nagkibit-balikat na lang ako. "Go, ahead..." "Hmmm... What can you do for the money? What can you trade to get more money?" Napangiti ako sa effort niyang mag-english. Okay, maayos naman. Naiintindihan. "Well... everything. Even life?" I heard her groan and I knew what she was thinking right now. I am cruel, I know. I want to refresh the question. It must be, what money can do to satisfy a person? That must be the question. Dahil kung sasagutin ko iyon, gagawin ko ang lahat, makita lang ang babaeng nagpahamak sa akin at nagbigay ng kadiliman sa buhay ko... "Ang sama mo naman." "Am I?" "Oo!' I shrugged and took my glass on the table. Naramdaman ko ang pagsalin niya ng alak sa aking baso kaya iniangat ko ito para simsimin. "Money is the root of evil, Kitty. And you can ruin a life just because of money..." Hindi ko mawari ang umuusbong na galit sa aking sistema nang naalala ang lahat. Wala sa sarili kong ikinuyom ang mga kamao nang naalala ang pusakal na babaeng iyon. Ang gabing iyon, akala ko ay magsasaya ako. Ang gabing inakala ko ay huling pagkakataon na magpaka-buhay binata na ako. Ngunit ang gabi pa lang iyon ang magiging dahilan ng pagkasira ng buhay ko... Hindi umimik si Kitty kaya hinagilap ko ang kamay niya. I was just guessing that her hand was on the table. I just wish. And I was not wrong, I touched her hand gently tapped it. Alam kong may dinadama siyang problema sa dibdib at gusto kong mapagaan iyon. Kung puwede. I am not a good listener nor adviser. Pero baka, ang presensiya ko ay sapat na, katulad ng nararamdaman ko ngayon sa kanya. At the very short time I spent my time with her, I felt so comfortable. Hindi ko alam, marahil ay 'di niya ako kilala at ako rin ay 'di siya kilala kaya nagkakagaan kami ng loob. Strangers telepathy, ika nga. Nasalihan lang ng emosyon kaya package na masiyado. Siya kaya, magaan ba rin ang loob niya sa akin? I hope so... "Kailangan bang maging masama para makakuha ng maraming pera?" I grinned and shook my head. "Kailangan mong maging tuso para linlangin ang isang tao gamit ang pera, Kitty. You don't know how money can work, can manipulate people. And if you really want to get a case of money. Do the work-around. Use your head sometimes, not your heart. Minsan nagiging mahina tayo dahil sa puso natin." At iyon ang ginawa ng babaeng iyon. Nagpalinlang siya sa mga kaibigan ko para sirain kami ni Mar. My heart froze at the time I lost my happiness. My time became dull when I lost my sight. And my conscience hid, wishing someone's death to get the sight I thought, I deserved. Ilang taon na akong naghihintay ng donor para sa cornea transplant na kakailanganin para makakita akong muli. Ilang beses akong nag-alok ng pera para sa mga pamilyang nahagilap naming namatayan pero wala kaming nakuhang positibo. They preseved the sight of a dead person? Kahit milyon pa ang gagastusin ko para sa paningin ko ay gagawin ko. Kung mayroon may ay 'di match para sa mata ko. I want to see the light again. And if I will have my vision, I could easily find those animals who made my life miserable. Gusto kong makita mismo ng mga mata ko paano sila magmakaawa sa akin at maghirap. Ipaparanas ko sa kanila ang pait nang mawalan ng paningin. "Nice advice, huh? Makakadesisyon ako agad..." Himig pang-uuyam ang sagot niya ngunit mas naituon ko ang atensiyon sa sinabi niya. "Desisyon? Ano'ng desisyon?" Malalim na bumuntong-hininga si Kitty kaya napabilang ulit ako. "Nine." "Ano'ng nine?" Ngumisi ako kahit hindi niya naman nakikita. "Ninth times of sighing." Saglit siyang natigilan at mahinang humalakhak. "Sorry..." "No, worries. Just sigh and sigh. Walang kaso kung mawalan ka ng hininga," biro ko kaya narinig ko ang paghampas niya sa lamesa. "Ang sama mo! Pero sa totoo lang, Sir, nalilito ako..." "Saan?" Narinig ko ang paghugot niya ng hininga kaya itinaas ko ang kamay at itinuro siya. "Please don't do the tenth times. For Pete's sake, Kitty!" "Tss!" Senenyasan ko siyang magpatuloy ngunit narinig ko ang paggalaw ng upuan, mukhang tumatayo na siya. "Never mind, Sir, werla ako sa mga lalalim n'yong advice. 'Di ko ma-gets ang iba kaya pag-iisipan ko muna." I just smiled and nodded. Itinaas ko na rin ang kamay at sinenyasan si Cres na aalis na kami. "I will go now, Kitty..." sabi ko sabay tayo. Nasa gilid ko na si Cres, base sa nalanghap kong amoy ng kanyang pabango. Akma na akong tatalikod nang naalala ko ang isa ring gumugulo sa isip ko. "Kitty..." "Yes, Sir?" Muli ko siyang hinarap at nginitian. "Call me, Bernie next time. Huwag kang masiyadong formal sa akin dahil sabi mo nga..." "Tropa lang kita," pagpapatuloy niya kaya ngumiti ako. "Thank you, Sir. Sana pagdating ng panahon, mapapakilala ko rin ang sarili ko sa iyo, 'di man bilang kaibigan, at least, katagayan!" Mahina akong humalakhak at tumango-tango. "I just wish also, that someday, Kitty, I can show off my face. And yours too..." When I already have my sight. Soon... Ayon kasi kay Cres na nakamaskara si Kitty ng pampusa, katulad ng iba. Obvious naman na mahilig sa pusa ang may-aring si Lola dahil lahat ng pangalan ng mga strippers at waitress niya ay puro pangalan ng mga kuting. "Bakit mo po ba tinatago ang mukha ninyo sa dilim?" tanong niya sa akin kaya napaisip ako. Bakit nga ba? Dahil hindi agad ako nagtitiwala. If they will know that I am Bernard Buenaventura, a blind businessman who is seeking for revenge to a stripper in this club, they might take advantage. Hindi sa lahat ng panahon ay magagamit ko ang pakiramdam ko. "And why do you need to hide your face to us?" pagbabalikwas ko ng sarili niyang tanong para makaiwas na sumagot. Sandaling natahimik si Kitty kaya nilagay ko sa bulsa ng aking pantalon ang aking isang kamay. "Dahil... protocol namin?" "Tsk! That's insane. You hide your face because you have secrets to be stashed." The tension between us arose as I said those words. Kahit ako ay umiinit ang batok sa sariling sinabi. Bakit ko nga ba ginagawa ito? Para makahanap ng hustisya sa nangyari sa akin. "Am I right, Kitty? Are you hiding any secret that's why you need to cover you beautiful face with that silly mask?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD