Chapter One

1758 Words
THE unusual noise brings Lucian’s mind to reality. He’d dreamt about wolves, living with him in a mountain. It’s a weird dream. Nasipat niya ang suot niyang relong pambisig. Alas-dose na pala ng tanghali. Tapos na ang klase nila. Naiwan siyang mag-isa sa laboratory. He’s already 26-year-old and still studying in his second year in medical school. He was taking a medicine course after graduating in BS Biology in the same school owned by his parents. Pinisil niya ang kanyang batok na nangangalay. Sinisikmura siya. Nalipasan na siya ng gutom. Wala naman siyang ganang kumain. May baon siyang lunch pero hindi niya kinain kaya ibinigay niya sa kanyang kaklase. Kinuha niya ang kanyang bag at saka tumayo. Nahihilo pa siya. May party sa bahay nila kagabi kaya hindi siya nakatulog nang maayos. Paglabas niya ng laboratory ay lalo siyang nahilo nang tamaan ng sinag ng araw ang kanyang mga mata. Hindi niya naibalanse ang kanyang katawan. Nakayuko siyang naglalakad sa hallway. Mamaya ay biglang may bumundol sa kanya. Nabiwatan niya ang kanyang cellphone. Mabuti may sumalo rito. “Ay! Sorry po!” bulalas ng boses babae. He raised his head. He saw an anxious face of a woman. As their eyes met for a second, he felt violent heat ran through his vein, hitting the location of his heart. Tumulin ang t***k ng kanyang puso. Iginiit niya na nagulat lamang siya dahil hindi pa lubusang nakababalik sa reyalidad ang kanyang isip. Nahihilo pa siya sa sobrang antok. “Pasensiya ka na, pogi. Nagmamadali kasi ako. May duty pa ako sa ospital, eh,” natatarantang sabi ng babae. Nanginginig ang mga kamay nito na may hawak sa kanyang cellphone. “Heto ang phone mo, oh. Sorry talaga, ha?” Hinawakan pa nito ang kamay niya saka inipit ang malapad niyang cellphone. Tumakbo na ito. He sighed and shook his head. He’s not comfortable talking to a stranger. He’s an introvert. Kaya siya nabansagang taong robot sa batch nila kasi magsasalita lang siya sa tuwing may magtatanong o kaya’y magre-recite sa klase. Nasanay na rin ang mga kaklase niya sa kanya. Wala siyang matatawag na best friend, lalong walang barkada. Mas komportable siya na mag-isa kaysa makihalubilo sa mga tao na hindi nakaiintindi sa kanya. Gusto niyang maging doktor pero ‘yong trabaho na hindi masyadong humaharap direkta sa pasyente. Kaya pinili niya na maging pathologist. Suportado naman siya ng kanyang mga magulang. Walang angal ang mga ito kahit ano ang gustuhin niyang gawin basta hindi makasasama sa kanya. Aware siya na hindi siya tunay na anak ng kanyang mga magulang. Kuwento ng mommy niya, may nag-iwan lang daw sa kanya sa labas ng bahay. Noong time na iyon, gusto talaga ng parents niya na dalhin siya sa ampunan. Pero dahil hindi magkaanak ang mag-asawa dahil naoperahan sa matris ang mommy niya, nagpasya ang mga ito na kupkupin siya. Noong walang dumating na mag-claim sa kanya, legal na siyang inampon ng mga ito. Dalawa lang ang subject ni Lucian sa hapon. May usapan sila ng mommy niya na magkikita sa ospital na pag-aari nila, ang Dela Rama Medical Center, malapit lang ito sa Dela Rama Medical School. The school also offered pre-medical courses and other related to medicine. Nagtungo siya sa sopital lulan ng kanyang Jaguar, bagong kotse na binili ng daddy niya para sa kanya. Alas tres na noon ng hapon. Hindi kaagad siya nakapasok dahil may dalawang ambulansyang humarang sa entrance. Iginilid lang niya ang kotse at tumalilis. Madalas siya roon sa ospital kaya kilala na rin siya ng mga empleyado. His mother inherited the hospital and the school from her parent who was both a doctor. But his mother chose to study business management. While his father was a lawyer and a governor. They were infamous personalities in the country. Dahil kilala ang mga magulang niya, kilala rin siya ng mga tao. Pero mas gusto niyang maging pribado kaya hindi siya sumasama sa mga events na pinupuntahan ng parents niya. Wala rin siyang interest sa social media, especially hanging out with his other relatives. Malaki ang pamilya ng parents niya at lahat may mga business at professional. Ang gusto lang niya sa pamilya ng mga ito, tanggap siya nang buo at itinuring na totoong kaanak. Pero may pagkakataon na nag-aasam pa rin siya na makilala ang totoo niyang mga magulang. Pagpasok niya sa ospital ay nagtungo kaagad siya sa opisina ng mommy niya. Naroon ito sa tuwing hapon hanggang gabi. Kapag umaga naman ay nasa hotel ito na pag-aari rin nito. Saktong pagpasok niya ng opisina ay katatapos lang ng ginang sa kausap nitong doktor, si Dr. Ismael Libran. “Hello, Lucian! You look stunning, huh!” masiglang bati sa kanya ng doktor. Isa ito sa professor nila sa school pero noong first-year lang niya ito naging guro. “Thanks, Dr. Libran!” kaswal na ganti niya. Tinapik nito ang balikat niya. “Ang bilis ng panahon. Dati ay paslit ka pa na kasa-kasama ng mommy mo rito sa ospital. Sooner, you will work here with us. I can’t wait for it.” Tipid siyang ngumiti at hindi na nagsalita. Umalis na lamang ang ginoo. Abala ang kanyang ina sa binabasa nitong papeles. Lumuklok siya sa katapat nitong silya. “Can I go home early, mom?” he asked her. Pinapunta siya nito roon upang magpatulong sa paperwork nito. Sinasanay siya nito na yakapin ang responsibilidad habang maaga. “Okay. Hindi naman marami ang ipapagawa ko sa ‘yo. Para naman makapag-review ka pa ng homework mo,” ani ni Miranda. “I had done my homework. I just want to take a rest,” aniya. Matamang tumitig sa kanya ang ginang. “Don’t say you’re going to paint again.” He gasped. Miranda knows that he loves the arts. Nature’s view was his reference to create a masterpiece more attractive. It’s his way to express those emotions that he could resist or show to other people. Sinusuportahan naman siya ng parents niya. Ang mommy pa niya ang bumibili ng arts material at ipinagmamalaki siya sa mga kaibigan nito. “You know where I feel comfortable, mom,” wika niya. “How about unwinding with your cousin? Nash asked me about you. You hadn’t answered his calls. You had missed his twenty-fifth birthday last Sunday.” Bumuntong-hininga siya. Ayaw talaga niya’ng pumupunta sa mga party lalo kung birthday na kadalasan ay maingay at may naglalasing. Napakasensitibo niya sa maingay na lugar, mabilis siyang mairita. Mas gugustuhin pa niyang mag-stay sa school at magbasa ng libro sa library. “Alam na ni Nash ang dahilan ko,” sabi niya lang. Ginagap ng ginang ang kanyang kamay. Matiim siyang tumitig dito. “I know you, Lucian. Sometimes, I can’t help but feel worried about you. You’re not even sharing your problem whatever is it.” “Mom, wala akong problema. Huwag n’yo na lang akong intindihin, okay?” Pilit siyang ngumiti. “Okay. Magmeryenda ka muna. May pinahanda akong snack mo sa canteen. Kunin mo or doon ka na mag-snack.” Tumayo naman siya at iniwan ang ina. Wala siyang ganang kumain pero kailangan dahil mag-aalala na naman ang kanyang ina kapag hindi niya ginalaw ang pagkaing pinahanda nito. Tahimik ang pasilyo patungo sa canteen. Pagdating sa dulo ay napako ang paningin niya sa babaeng nagma-mop ng sahig. Nakasuot ito ng bughaw na utility uniform. Nakapulupot ang mahaba nitong buhok na inipon sa tuktok at binalot ng hairnet. Naka-side view ito sa kanya. Habang palapit siya rito ay unti-unti itong nagiging pamilyar sa kanya. Nang humarap ito ay saka siya nakombinsi na ito ang babaeng bumangga sa kanya sa school. Estudyante ito rin ito malamang, o working student. Malayo pa lang ay sinalubong siya nito ng napakatamis na ngiti. She’s jolly and friendly. He’s not sure if she knows that he was the future owner of the hospital. Mukhang hindi. Maaring baguhan pa ito sa ospital. “Hello po!” puno ng confidence na bati nito sa kanya. Kinawayan pa siya. “Namumukhaan kita, sir! Student ka rin sa Dela Rama, ‘di ba po?” magalang na sabi nito, nakangiti pa rin. He didn’t talk. Nilagpasan lang niya ito. Napahinto siya nang harangin siya nito. Sinipat niya ito na nakasimangot. “Basa pa ho ang sahig sa canteen. Wala munang papasok. May nagsuka kasi kaya pinalinis maigi. Ang food po ay makukuha sa extension ng canteen doon sa kabilang pasilyo,” anito at itinuro ang pasilyo sa kaliwa. “Thanks,” sabi lang niya saka ito tinalikuran. “Ay sir!” pigil nito. Huminto siya ngunit hindi ito nilingon. Nagsisimula na siyang mairita. “Sorry pala ulit. Naalala ko na, ikaw ‘yong nabangga ko kanina sa school. Nagmamadali ako kasi ala-una ang duty ko rito sa ospital. Katatapos lang ng morning class ko kanina.” Ang daldal nito. Wala naman siyang pakialam sa pinagsasabi nito. “Forget it,” sabi lang niya saka nagpatuloy sa paglalakad. “Salamat, sir!” pahabol nito. Pilit niya itong iwinawaglit sa kanyang isipan pero tila umuugong pa rin sa pandinig niya ang matinis nitong tinig. Pagdating sa extension ng canteen na may maliit na bintana. Kinuha kaagad niya ang pagkain na ibinilin ng kanyang ina. Dinala niya ito sa opisina at doon kumain. Dalawang tuna sandwich lang naman ito at fruit salad. Maawain sa mga mahihirap ang mommy niya. Katunayan, ang laki ang discount na binibigay nito sa mga mahihirap na nag-aaral sa Dela Rama. May offer din itong scholarship at part-time job para sa mga estudyante na kailangan ng dagdag panggastos sa pag-aaral. Malamang, isa sa scholar ng school ang babae na makulit na iyon. Nakapatong sa lamesa ng mommy niya ang kanyang snack at inumin na pineapple juice in can. Kabubukas lang niya sa inumin nang mahagip ito ng kamay ng mommy niya. Kukunin sana nito ang stump pad na katabi ng plato niya. Natapon sa sahig ang lata. “My God! Sorry, hijo!” bulalas ng ginang. Napatayo ito. Tumayo rin siya at pinulot ang lata pero natapon na ang laman. “It’s my fault, mom. Hindi dapat ako rito kumain,” aniya. Iyon lang kasi ang lamesa na mayroong space. Ang isang lamesa sa gilid ng bintana ay puno ng mga naka-folder na papeles. Wala namang mesita sa tapat ng couch. “It’s okay, I’ll call the utility personnel.” Dinampot kaagad nito ang receiver ng telepono at nag-dial. “I need a cleaner here ASAP,” anito sa kausap. Itinapon na lamang niya ang basyong lata at muling umupo. Hindi na niya naubos ang kaniyang snack.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD