Katahimikan. Natulala na lang ako. Anong ginawa ko? Bumalik lang ako sa reyalidad nang bigla akong kindatan at ngitian ng malaki ni Kobie. Napakagat ako sa labi ko at tumingin sa paligid ko, lahat sila ay nakatingin sa akin. Pumikit ako. Patay. Yumuko ako at kinuha ang bag ko, nagmamadali akong bumaba ng bleacher. s**t, nakakahiya, ano bang ginagawa ko? Nakarinig ako ng mga bulungan na ayaw kong marinig. "Sino ba siya?" Ramdam ko 'yong pagsulyap-sulyap nila sa akin. "Siya iyong valed noong grade 10 kami." The hell! Sira na ba iyong iniingatan kong reputasyon? "Kaklase mo?" "Kabatch ko." "XIANNE!" narinig ko pa si Kylie na tinawag ako pero hindi na ako lumingon. Bakit ko ba kasi ginawa iyon? Am I out of my mind? Seriously. This is embarrassing. Paglabas ko ng court, pumunta aga

