Sabado. Sabado ngayon, isa sa mga hindi ko gustong araw, o minsan ay gusto ko rin? Ewan, depende. Masaya kasi walang pasok at fortunately, hindi ko makikita si Kobie. Hindi rin masaya kasi boring, wala akong magawa kung hindi ang mahiga lang. Nandito pa rin ako sa kama ko at hindi pa rin bumabangon. Wala rin naman kasi akong gagawin, kaya nga ang boring. Nakatingin lang ako sa kisame at nag-iisip-isip ng mga bagay na pwedeng mangyari sa susunod na araw. Gusto kong manood pero wala naman akong maisip na magandang panoorin. This is why I hate Saturdays. But, since nang makilala ko si Kobie, I love Saturdays na. Kung pwede lang sana na araw ay araw at Sabado at Linggo na lang. Pero okay din naman, kasi nagkaroon ako ng kakompetensya sa classroom, life is boring if no one is competing. Pa

