"Xia..." Hindi ko siya hinarap. Nanatili akong nakatalukbong sa kumot dito sa kama ko habang nakahiga. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama ko. "Xia, kumain ka na. 'Di ka gagaling n'yan, eh." Kanina pa siya rito sa kwarto ko. Si Code. Sa totoo lang, medyo naiinis na ako sa kanya. I mean, sa lahat. Naiinis ako sa mundo. Hindi ko na alam kung anong dapat gawin o sabihin ko sa kanya para umalis siya rito. Ayoko lang na may nararamdaman akong presensya ng tao sa paligid ko. "Get out." I coldly said. Hindi ba nila ako maintindihan? Hindi kasi nila alam 'yung nararamdaman ko. They didn't know the pain that I am feeling right now. Damn this pain. "Kumain ka na para kapag gumaling ka na makapasok ka na. Malapit na 'yung entrance exam sa mga universities. Nahuhuli ka na sa mga lessons." Umu

