Sa wakas ay hininto niya na rin ang kotse. Kanina pa kasi siya nagda-drive at sobrang nangangawit na ako rito kakaupo, siguro nasa mga 1 hour and 30 minutes na rin kaya sobrang saya ko na narito na kami. Sino ba naman kasing 'di mababagot sa sobrang tagal na biyahe? Or siguro hindi lang talaga ako sanay na gumagala. Nauna siyang lumabas ng kotse at saka umikot sa side ko, pinagbuksan niya pa ako ng pinto. "Trying to be gentleman, huh?" Natawa lang siya sa sinabi ko. "Where are we?" Tanong ko sa kanya, hinawakan niya lang 'yung kamay ko at hinila. Binati agad kami ng ilang staff at nginitian nang todo-todo. They even called Kobie as "master" and I don't know why. Yeah, it's a resort. "Hey, what are we doing here?" I asked him. Ano namang gagawin naman dito sa resort? Magbabakasyon? W

