CHAPTER TWO

2300 Words
LILA WAS fuming, no, she was even beyond that. She was boiling with rage. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganito katinding galit. She was sitting in a jail cell. A jail cell! She was handcuffed, dragged to a police car, her picture and fingerpints taken, and now she's sitting here in a jail cell like some common criminal. Buong akala pa naman niya ay wala nang mas lalala pa sa pagpapakasal sa isang estranghero. But her ending up here makes her want to think otherwise.  They were charged with theft. Apparently, sa sobrang kalasingan nila kagabi hindi lang pagpapakasal ang nagawa nila, nagnakaw din sila ng isang mamahaling kotse. They were caught doing the act by the surveilance camera of Ruthledge's, ang hotel and casino kung saan siya nag-e-stay. Then from there sinundan ng mga pulis ang trail nila hanggang sa makarating ang mga ito sa motel kung saan sila nagising ni Nate.   There was no way to get out of the charge, dahil bukod sa surveilance tapes, the cops found the car they've stolen at the motel's parking lot. And the car just really have to be a Lamborghini. To make matters worse than it already was, basag ang salamin ng kotse and there was also a dent on its bumper. Kahit siguro pagsama-samahin niya ang lahat ng sweldo niya ng buong taon ay hindi pa rin sasapat 'yon para mabayaran ang damage na nagawa sa kotse.  Nag-angat siya ng mukha nang bumukas ang kulungan at ipinasok ng isa sa mga pulis si Nate. Tumawag ito ng abogado kaya pansamantala muna itong inilabas kanina ng mga pulis. While she can't even call anyone. Ang tanging kasama niya nang pumunta siya dito sa Las Vegas ay ang best friend niya at ang stepsister ng mapapangasawa niya. Paano niya tatawagan ang mga ito without telling them that she accidentally married someone? She can't ask them to bail her out nang hindi ipinapaliwanag sa mga ito kung paano siya napunta sa ganitong klaseng sitwasyon. They must be out of their wit's end looking for her right now.  Sa isiping 'yon ay lalo pang nadoble ang galit na nararamdaman niya. Hindi rin nakakatulong na parang binibiyak pa rin ang ulo niya sa sobrang sakit. At isa lang ang kaya niyang gawin ng mga oras na 'yon, ibuhos ang lahat ng galit na nadarama sa iisang tao.  "'Wag kang mag-alala, I already called someone to fix this," wika ni Nate. Nang hindi siya sumagot ay lumapit ito sa kanya. "Hey, ayos ka lang ba?"  Tumayo siya at itinulak ito. "Do I look like I'm fine?"  "I told you, someone will come and fix this."  "Fix? You think this can be fix? Then give me back my engagement ring, or better yet give me back my virginity!"   She knew she was making a scene pero wala na siyang pakialam. What would be the point of reigning in her own temper outburst? She already hit rock bottom. All the years she tried to be the perfect daughter were now slowly disappearing down the drain. At kasalanan 'yong lahat ng lalaking ito.  "Well, I can buy a perfect replica of your ring. And as for your virginity, there's already a process that can restore women's hymen. I could recomend you to a good doctor if you want," parang hindi man lang nakonsensiyang wika nito.  She literally heard something inside her snapped. Itinaas niya ang paa at ubod ng lakas itong sinipa sa sikmura. Napasinghap ito sa sakit, natumba at napaupo.   "s**t- that f*****g hurts! Balak mo ba talaga akong patayin?"  "You arrogant conceited bastard. Isang malaking biro lang ba para sa 'yo ang nangyayaring 'to? How could you even say that to me? I gave my first time you, a complete asshole, and I can't even remember how it happened. It's supposed to be my fiance, not you! Do you have any inkling as to how that feels? Of course you don't." There's a quick hitch in her voice, hindi niya napansin na umiiyak na pala siya. "I hate you. I- I hate you..."  "Lila--"  Itinaas nito ang kamay na para bang idadampi 'yon sa pisngi niya pero agad niya 'yong tinabig at tumalikod dito. Mahirap man ay pinilit niya ang sarili na tumigil sa pag-iyak. Excessive crying can only lead to an asthma attack and she can't have that. Huminga siya ng malalim at pinakawalan 'yon. Paulit-ulit niya 'yong ginawa hanggang sa tuluyan siyang tumigil sa pag-iyak. Pinahid niya ang luha na naglandas sa pisngi niya.  "I'm sorry. What I said was way out of line."  Hindi niya ito pinansin. She was just so tired. Ang tanging nais lang niya ay matapos na ang lahat ng ito. TANGHALING tapat na nang muling buksan ng isa sa mga police officer ang jail cell kung saan nando'n sina Lila. Maaari na daw silang umalis dahil naayos na ng abogado ni Nate ang lahat.   "Come on, Lila, we're getting out of this place."  Muntikan na niya itong sigawan, she didn't like the way he called her name so familiarly na para bang malapit silang magkaibigan. Pero mabilis din niyang napigilan ang sarili. She's through with all the shouting and fighting. Mas lalong hindi nila mareresolba ang problema kung lagi niyang paiiralin ang temper niya. Tumayo siya at naglakad palabas ng selda. Sumunod sila sa pulis patungo sa releasing area, pinirmahan nila ang mga dapat pirmahan para tuluyan na silang makalaya.  "Hey, have you already calmed down?" tanong ni Nate sa kanya matapos nilang pirmahan ang mga released paper.  "Nate!" biglang tawag ng isang tinig mula sa may likuran nila. Lumingon siya at nakita ang isang blond na lalaki na palapit sa kanila. "Ano na naman ba 'tong kalokohan na ginawa mo? Stealing a car? I thought you already got passed that stage."  Nagulat siya nang marinig ang pag-ta-Tagalog nito. Ang weird lang pakinggan, considering he looked every bit a foreigner. With all that blond mane and green eyes. Wait- green eyes? Pinaglipat niya ang tingin sa dalawang lalaki at nakita ang malaking pagkakahawig ng mga ito.  "Mahabang kwento and I doubt you'll even believe me," wika ni Nate dito. "Ah, ito nga pala si Lila. Lila, this is my brother, Sebastian. He's the lawyer who handled our release."  So they're brothers. Kaya naman pala magkahawig ang mga ito. Hindi na siya nagulat na ito ang abogado na tinutukoy ni Nate, he looked the part.  Hindi nito pinansin ang ginawang pagpapakilala ni Nate at patuloy na kinausap ang kapatid na para bang wala siya do'n. "The complainant already agreed to the settlement I gave him. Magpasalamat ka na hindi na siya magsasampa ng kaso." At saka pa lang ito bumaling sa kanya, pinasadahan siya nito ng tingin and a clear look of disapproval appeared on his face. "You're free to go. Makakaalis ka na."  Nagpanting naman ang teynga niya sa narinig. Of course he would be as irritating as his brother. "As much as I want to, your brother and I still has some unfinish business," nakangiti niyang wika dito but ice was dripping from her voice.  "She's right, Seb. May dapat pa kaming asikasuhin."  Bumaling siya kay Nate. "Aren't you going to tell your brother about that other problem? Malay mo magawan din niya 'yon ng paraan," nakangisi niyang wika dito.  "No, I think we can handle that other problem ourselves," nakangiti ring wika sa kanya ni Nate but his sea-green eyes were silently telling her to shut up.  "If you say so."  "Ano naman bang problema 'to?" tanong ni Sebastian.  "Don't worry, it's not that big of a deal," wika ni Nate. "Mauna na kami sa 'yo, Seb. Thanks again for getting us out."   Hindi na nito hinintay na makapagsalita ang kapatid at dagli na siya nitong hinigit palabas sa police station. Saka lang nito binitawan ang braso niya nang tuluyan na silang makalayo sa istasyon ng pulis.  "No big deal, huh," sarkastiko niyang wika.  "Are you mad? Seb will skin me alive kapag nalaman niya na nagpakasal ako sa 'yo while I'm drunk."  "Skin you alive, I'd like to see that."  "Galit ka pa rin ba dahil do'n sa mga sinabi ko kanina? I already apologized."  As if that would be enough. Nag-iinit lang ang ulo niya kapag naaalala niya 'yong mga sinabi nito. But she reigned her temper in. Wala sila lalong patutunguhan kung magbabangayan na naman sila. One of them should be mature enough to deal with the situation. Baka mamuti lang ang buhok niya kung ang lalaking ito lang ang aasahan niya.  "Let's just not talk about that and just focus our full attention to the problem at hand. First, kailangan nating hanapin 'yong lugar kung saan tayo nagpakasal, then we will file a divorce. But before we can do that, we need to trace back our step that lead us to that motel--" Napahinto siya. Trace back? Hindi ba at meron nang gumawa no'n? Yes, the police already did that. "Let's go back to the station. Tanungin natin 'yong dalawang pulis na humuli sa 'tin. They must have surveilance footage of how we ended up in that motel." Dahil kung wala ay tiyak na hindi sila matutunton ng mga ito doon sa motel.  Maglalakad na sana siya pabalik sa istasyon nang pigilan siya ni Nate. "Bukas na lang natin sila puntahan at kausapin." Nainis naman siya, bakit pa kailangang ipagpabukas kung pwede namang gawin ngayon? Bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya nito. "Bago ka magreklamo, hindi ko 'yon sinabi dahil ayaw kong makipag-cooperate sa 'yo o kung anuman. I just think it's better if the two of us rest first, clear our heads, bago tayo gumawa ng kung anu-ano pa mang hakbang."  May pagdududang tiningnan niya ito.  "Hey, I'm not trying to shrink out of my responsibility. I want out of this marriage as much as you do. But I can't really think properly right now when my head feels like it's splitting in two. So what do you think?"  Ayaw man niyang aminin pero may punto ang sinasabi nito. After all, para ding sasabog sa sakit ang ulo niya. Idagdag pa do'n ang labis na pananakit ng katawan niya. Now his idea seemed not so bad at all. Napabuntung-hininga na lamang siya. "Fine."  "Great. Saan ka nag-i-stay? Ihahatid na kita."  Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Paano mo 'ko ihahatid, may itinatago ka ba d'yang kotse?"  "No, but I have a wallet and we can take a cab," wika nito na ipinakita pa ang wallet sa kanya.  Nainis naman siya. He got to keep his wallet samantalang siya ay hindi man lang niya matandaan kung nasaan ang purse niya. Pero isinantabi niya muna ang pagkainis na 'yon dahil gusto na rin naman niyang makapaligo at makahiga sa malambot na kama. "I'm staying at Ruthledge."  Nakita niya ang bahagyang pagkagulat sa ekspresyon nito. "I'm also staying there. Must be fate, huh?"  Inismiran niya ito. "I'd rather call it bad luck."  Sa pagkagulat niya ay bigla na lang itong tumawa. A real, hearty laugh that brightened up his face. Dagli siyang tumalikod dito. No, she absolutely won't think that he's cute. "I'LL GO IN first. Maghintay ka muna dito ng sampung minuto bago ka pumasok sa loob," wika ni Lila kay Nate nang makababa na sila sa tapat ng Ruthledge.  "Does that mean hindi kita pwedeng ihatid sa kwarto mo?" tanong ni Nate.  "Absolutely not. Baka mamaya makita ka pa ng mga kasama ko. Kokontakin kita mamaya kung saan tayo magkikita bukas." Binigay kasi nito kanina sa kanya ang contact number nito. "Make sure to be there and don't you dare be late."  "Yes, ma'am."   Papasok na sana siya sa loob nang bigla na lang nitong hawakan ang braso niya. "What?"  He pulled her at bago pa siya makapag-react ay dumampi na ang labi nito sa labi niya. "See you tomorrow, Lila."  Because she was too stunned to move, nauna na itong pumasok sa loob ng hotel. Siya tuloy itong kinailangang maghintay ng sampung minuto bago pumasok sa loob. "That- that jerk!" Wala sa loob na itinaas niya ang kamay at idinampi ang daliri sa labi. It was still tingling from the brief contact. Naramdaman na lang niya ang pag-iinit ng pisngi niya. I hate that guy. I really hate him!  Pumasok na lang siya sa loob ng hotel at sumakay ng elevator patungo sa floor kung saan nando'n ang kwarto niya. Nasa tapat na siya ng pinto ng hotel room niya nang may biglang tumawag sa pangalan niya. Paglingon niya ay nakita niya ang matalik na kaibigan na si Toby. Muntikan na siyang matumba nang bigla siya nitong sugudin ng yakap.  "s**t, Lila, where have you been? Muntikan na kaming mag-report sa pulis dahil akala namin kung napano ka na. We thought you turned in early last night kaya bigla ka na lang nawala. But when I went to get you this morning you're not here. Then one of the staff of the casino gave me your purse earlier. Ano ba talagang nangyari?" sunud-sunod na wika nito, her hazel eyes full of worry.  Humiwalay siya dito. "I- I'll explain it to you later. Gusto ko lang magpahinga muna, kung okay lang?"  "Oo naman. But you have to tell me all, okay?" mapang-unawang wika nito. "I'll go and tell Gwen that you're here and you're safe."  She felt enormously guilty at the mention of her fiance's stepsister. "Salamat," wika na lang niya.  Pumasok siya sa kwarto at humiga sa kama. Isipin pa lang niya ang lahat ng nangyari ay gusto na niyang maiyak. Pero walang luhang lumalabas sa mga mata niya. All she could feel was the guilt. Dahil kahit hindi man niya sinasadya, she still betrayed Lucas.   "Oh Luke, what have I done?"  At hindi niya napigilang alalahanin kung saan nga ba nagsimula ang lahat ng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD