bc

What Happens in Vegas, Stays in Vegas

book_age0+
6.3K
FOLLOW
68.7K
READ
one-night stand
opposites attract
playboy
goodgirl
others
boss
drama
comedy
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Nang magising si Lila, pakiramdam niya ay mabibiyak ang kanyang ulo dahil sa sobrang sakit. Nang subukang tumayo, saka lang niya naramdaman na hindi lang pala ang ulo ang masakit sa kanya kundi ang buong katawan.

Pinilit ni Lila na imulat ang mga mata. The first thing she saw was the unfamiliar ceiling. Nang yukuin ang sarili, saka lang niya napansin na makapal na kumot lang ang nakatakip sa kanyang katawan. Pagkatapos, naramdaman niya ang paggalaw ng kung ano sa tabi niya.

Unti-unting ibinaling ni Lila ang ulo sa katabi and what she saw immediately made her heart stop beating. Lying beside her was a man. A very naked sleeping man. Ano ba ang nangyari? She got drunk and had a one-night stand with a total stranger?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
PARANG binabayo ang ulo ni Lila. It hurts and it throbs. Pakiramdam niya ay mabibiyak na 'yon dahil sa sobrang sakit. Nang subukan niyang tumayo ay saka lang niya naramdaman na hindi lang pala ang ulo ang masakit kundi pati ang buong katawan niya. Daig pa niya ang na-hazing ng isang fraternity dahil sa nadarama. Pakiramdam niya ay makailang ulit siyang pinalo at pinagsususuntok.  Kahit mahirap ay iminulat niya ang mga mata, the first thing she saw was the unfamilliar ceiling. When she looked down at herself, saka lang niya napansin na tanging makapal ang kumot lamang ang tumataklob sa kahubdan niya. Ayaw man niya ay bigla siyang kunutuban ng masama. At noon niya naramdaman ang pag-galaw ng kung ano sa tabihan niya.  Unti-unti niyang ibinaling ang ulo sa tabihan and what she saw there immediately made her heart stop. Lying beside her was a man. A very naked sleeping man. Napabalikwas siya ng bangon at hindi na niya napigilan ang pagkawala ng malakas na tili. Dahil sa ginawa niya ay bigla na lang din napabangon ang lalaki at mas lalo pang nahantad sa kanya ang kahubdan nito.  Ipinikit niya ng mariin ang mga mata at ubod ng lakas itong itinulak sa kama. Pero kasabay nang pagtulak niya dito ay ang paghablot nito sa kumot that she was currently clutching tightly at her body. Naging dahilan 'yon para makasama niya ito pagbagsak mula sa kama. Nahulog ito sa sahig at siya naman ay sa ibabaw nito.  "What the f**k?" narinig niyang ungol nito. Tumingin ito sa kanya, the haze of sleepiness slowly disappearing from his eyes. Pagkatapos ay bigla na lang itong ngumiti ng nakakaloko sa kanya. "Well, this is certainly a beautiful view," wika nito na nakatingin sa dibdib niya na ngayon ay nakadikit sa dibdib nito.  Damang-dama niya ang pamumula ng buong mukha niya. She had never been so embarrassed in her whole life! Tatayo na sana siya when she felt something big poking her stomach. Hindi niya alam na posible pero mas lalo pa yata siyang namula. Muli ay hindi na naman niya napigilan ang pagkawala ng malakas na tili. Dali-dali siyang tumayo, dinampot ang kumot at itinapis 'yon sa katawan bago umakyat ng kama.  "Out! Get out! Whoever the hell you are, get out!" sigaw niya sa lalaki habang binabato ito ng unan at kung ano pang bagay na maabot ng kamay niya.  Nakatayo na ito at pilit na iniiwasan ang mga binabato niya. "Hey, stop!" Nang damputin niya ang lampshade ay bigla na lang itong dumamba sa kama at pinigilan ang kamay niya bago pa man niya 'yon maibato dito. "I told you to stop."  Nabitiwan niya ang hawak na lampshade, hindi dahil sa sinabi nito kundi dahil sa bagay na unang nakita ng mga mata niya nang lumapit ito. His 'thing' was still standing like some proud soldier in attention. Bago pa siya makapag-isip ay sinipa na niya ito ng malakas sa sikmura. He doubled-over at muli itong nahulog sa kama.   "s**t, what was that for?" umuubong wika nito habang sapo-sapo ang tiyan. "Are you trying to kill me?"  Mabilisan niyang inilibot ang paningin sa paligid ng silid at nang makita niya ang damit na isinuot niya kahapon pati na rin ang bra at panty na nakakalat sa sahig ay dagli siyang tumayo at dinampot ang mga 'yon. They were definitely inside some cheap motel. Hinanap ng mga mata niya ang banyo at nang makita ang isang makipot na pinto sa may sulok ay agad siyang lumapit do'n.  Nilingon niya ang lalaki. "Hey, asshole! Put your freaking pants on," wika niya dito bago tuluyang pumasok sa banyo.  Nanginginig na napadausdos si Lila ng upo. Sino ang lalaking 'yon at bakit magkasama sila dito sa motel na 'to? And they really just have to be both naked and sleeping in the same bed. Gustuhin man niya ay hindi niya pwedeng itanggi ang posibilidad na may nangyari sa kanila ng estranghero. Pinakiramdaman niya ang sarili. Yes, her head was throbbing, her body was aching, and she felt sore down her nether region. Gusto na niyang maiyak dahil isa lang ang pinapahiwatig no'n. But this isn't the time for tears, what she needed was to find answers.  Tumayo si Lila at nagsimula nang magbihis. Nang matapos ay lumapit siya sa sink at naghilamos. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin, brown eyes stared back at her. Namumutla siya and her natural curls were in a wild disarray na para bang ilang linggo na siyang hindi nagsusuklay. She looked totally wasted. 'Yon ba ang nangyari? She got drunk and did a one night stand with some total stranger?  Napatawa siya ng pagak. She went there in Las Vegas for her bridal shower but then she ended up being devirginized by some stranger just two weeks before her wedding. Great. That's just great! Ang lahat ng frustration at sakit na nadarama ay unti-unting napalitan ng matinding galit. Anger for the man outside. How dare he took advantage of her? Kung matino itong lalaki, he would not take advantage of her drunken state. But he did. At hinding-hindi niya 'yon mapapatawad.  Lalabas na sana siya para ibuhos sa lalaki ang lahat ng galit na nadarama nang mapatingin siya sa kamay. Isang bagay ang agad niyang napansin. Her engagement ring was gone and in its place was a fake gold band. What the hell? Lumabas na siya ng banyo, ang plano niyang pagkompronta sa lalaki ay nawala na sa isipan niya. All she could think of was finding her ring. She went to the bedside table and searched for it pero hindi niya 'yon makita. She turned to the bed pero napahinto siya kaagad when she saw the patch of blood on the bed cover. Lalo lang nung pinagtibay ang hinala niya.  "Are you done being crazy now?" narinig niyang tinig ng lalaki sa may likudan niya.  Lumingon siya dito at tiningnan ito ng masama. Pero ang plano niyang sasabihin ay naipit sa kanyang lalamunan nang makita na nakabihis na ito. He was wearing a tight-fiited shirt paired with blue jeans. Bakat na bakat sa suot nito ang malapad nitong dibdib. Because of her groggy and panicked state earlier ay ngayon lang siya nabigyan ng pagkakaton na matitigan ito. He has jet black hair that was a bit longer than necessary, a straight nose, squared jaws, pero ang talagang kapansin-pansin ay ang mga mata nito. A deep sea-green surrounded by thick eyelashes.  So he's pretty good-looking. Eh ano naman ngayon? Hindi porke't gwapo ang isang lalaki ay pwede na itong ma-excuse sa mga kasalanang nagawa nito. "Shut up! This is all your fault," singhal niya dito.  "Mine?"  "Yes, yours. Because you took advantage of me last night!"  "Whoa, stop there sweetheart. I don't take advantage of women. If something happened between us, I'm pretty sure you wanted it too."  Dinalawang-hakbang lamang niya ito at ubod ng lakas na inigkas ang mga kamay. Pero bago pa tumama ang palad niya sa pisngi nito ay napigilan na nito ang kamay niya. So she kicked his shin instead. "f**k you."  Muntikan na itong mapaupo but he stood his ground. "You're one crazy b***h, do you know that?"  "And you're a first grade asshole. I was so dead drunk last night that I can't even remember what happened. And you're telling me I wanted it?"  "Sorry to bust your bubbles but I, too, have no recollection of what happened last night."  "Do you seriously think I'd believe that?"  "And do you seriously think that I look like someone who needed his women drunk to get them to bed?"  No, he doesn't. He looks like someone who can have any woman he likes just by flicking his fingers. Pero hindi ibig sabihin no'n ay maniniwala na siya dito. Tumalikod siya dito bago pa niya maisipan na muli itong sipain. "Tangina naman. Bakit ba 'to nangyayari sa 'kin?" hindi na niya napigilang sabihin sa sariling wika.  "Pilipino ka?"   Marahas siyang napabaling dito. "Ikaw din?"   Bago pa ito makasagot ay bigla na lang nalaglag sa pagitan nila ang isang nakatiklop na papel. Mukhang nalaglag 'yon sa bulsa ng suot niyang skirt. Dinampot niya 'yon at binuklat. Muntikan niya uli 'yong mabitawan nang mabasa niya ang nakasulat sa header. 'Marriage Certificate'. The name of the bride was Lila Mendez and the name of the groom was--  "Please don't tell me your name is Nataniel Cordova."  "I go by Nate actually."  Mariin siyang napapikit. Daig pa niya ang pinatamaan ng sandamakmak na sibat ng mga oras na 'yon. "Oh God just kill me now." NAKATITIG lang si Lila sa marriage certificate na hawak-hawak. Nakaupo siya sa isa sa mga upuang nando'n dahil kapag patuloy siyang nanatiling nakatayo ay tiyak na bibigay lang ang tuhod niya. Her head was already throbbing because of the hangover at mas lalo lang 'yong sumasakit dahil sa papel na hawak-hawak. Just what the heck was this? Hindi pa nga niya magawang matanggap na nakipag-one night stand siya tapos meron na namang bagong pasabog na ganito? How the hell did this even happen?  "There must be some mistake," narinig niyang wika ni Nataniel, Nate, whatever his name is. Nang ipakita niya dito ang marriage certificate ay wala na itong tigil sa kakaparoo't-parito. "Kung may naganap mang kasal, imposibleng totoo 'yon. Bukod sa hindi natin maalala ang nangyari kagabi, I can't even remember meeting you."  Bahagya pa siyang nagulat nang marinig ang diretso nitong pagta-Tagalog. Muntikan na niyang makalimutan na isa nga pala itong Pilipinong gaya niya. Ni hindi niya naisip ang posibilad na 'yon dahil na rin sa itsura nito. Mukha kasing iba ang lahi nito dahil na rin sa kulay ng mga mata nito. And here she thought na mamumura niya ito sa sariling wika nang hindi nito malalaman.  But back to what he said, may punto naman ito. How can this certificate be true? Yes, this is Las Vegas. But unlike popular belief, you can't just get married on the spot here. Na tipong pupunta ka lang sa isang venue at sasabihin mo na magpapakasal kayo ng kasama mo and voila, kasal na kayo. May mga bagay pa rin na kailangang ikunsidera. At isa na do'n ang marriage license. If they were too drunk last night and out of their drunken stupor they decided to get married, does that mean kumuha rin sila ng marriage license? Nahilot niya ang sintido. Hindi na talaga niya alam kung ano ang iisipin.  Then bigla niyang naalala ang singsing na suot-suot. "Do you have a ring like this?" ipinakita niya dito ang singsing.  Tiningnan nito ang sariling kamay. "f**k," tanging nawika nito nang makita na kagaya niya ay meron din itong suot na singsing na kagayang-kagaya ng sa kanya. A fake gold wedding band.  "I don't want to be the one to say this, pero mukhang sa labis na kalasingan natin kagabi, we did get married." Walang mangyayari kung itatanggi pa niya 'yon, especially since the evidences were glaring at them right in the face.  "Hindi mo naman siguro 'to plinano para mapikot ako, right?"  Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito. Napatayo siya ng wala sa oras. "Did you seriously just ask me that question?"  "Hey, malay ko pa ba. A lot of women have wanted to trap me into marriage. Paano ako nakakasigurado na hindi ka kasama sa kanila?"  Tiningnan niya ito ng masama. She had never met someone so... so full of himself! Tinanggal niya ang suot na heels at binato 'yon dito. Nailagan naman nito 'yon na lalo lang niyang ikinainis. "Ang kapal din naman ng mukha mo. Anong tingin mo sa sarili mo, si Johnny Depp? O baka naman si Chris Evans?"  "Of course not. I'm definitely more good-looking than those guys," wika nito with a matching cocky grin.  Ngali-ngali naman niyang batuhin itong muli ng heels niya. Just how conceited can this guy get? "For your information, hindi ka gano'n kagwapuhan. Lamang ka lang ng ilang paligo kay Vic Sotto, but otherwise your face looks ordinary. So no, hindi kita pinikot. At saka bakit parang ikaw pa ang may ganang magduda d'yan? Eh kung tutuusin ako ang mas agrabyado sa sitwasyon na 'to."  "Why, porke't babae ka mas agrabyado ka na? Hindi ka lang pala sinungaling, you're also a sexist."  "Ako, sinungaling?"  "Oo. Dahil kahit na ano pang sabihin mo, alam ko na nagagwapuhan ka sa 'kin." Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang baba niya. "I can see it in your eyes, baby."  Inis na tinabig niya ang kamay nito. "You're delusional and a chauvanistic jerk."  Ngumiti lang ito ng malawak sa kanya. "Ganyan mo ba talaga dapat kausapin ang asawa mo?" Sa sinabi nito ay walang pagdadalawang-isip na sinipa niya ang paa nito. "Aw! Nakakarami ka na ah," reklamo nito habang nagtatatalong sapo-sapo ang paa.  "You're not my husband! I'm engaged and supposed to be married. But now I'm in this situation with you! My engagement ring is missing, I slept with you, and to put the cherry on top, we're married! Just be thankful that I'm still sane enough not to murder you."  "You're engaged?" wika nito na para bang 'yon lang ang narinig nito sa dami ng sinabi niya.  "Yes and I prefer for it to remain that way. So as much as I want to punch and kick the hell out of you right now, kailangan nating magtulungan para makaalis tayo sa sitwasyon na 'to." Nagpakawala siya ng malalim na hininga, pilit na pinapakawalan ang lahat ng inis at frustration na nadarama. "Now let's try to figure out what really happened to us last night. Anong huli mong naaalala?"  Bago pa ito makasagot ay sunud-sunod na katok sa pinto ang bumulabog sa kanila. Binuksan ni Nate ang pinto at agad na nagsalubong ang mga kilay niya when he opened the door to two uniformed cops.  "Ah do you need something?" tanong ni Nate sa mga ito.  Pinaglipat-lipat ng isa sa mga pulis ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Nate bago ibinalik ang tingin nito sa hawak-hawak nitong papel. Then the policeman looked back at them. "Lila Mendez? Nataniel Cordova?"  "That's us," aniya na lumapit na sa tabi ni Nate.  "The both of you are under arrest."  "What?" halos magkasabay na wika nila ni Nate.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Taz Ezra Westaria

read
105.7K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.8K
bc

A night with Mr. CEO

read
177.7K
bc

WAYNE CORDOVA

read
484.1K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook