CHAPTER FOUR

1840 Words
PANSAMANTALA munang lumabas ng simbahan si Lila. Naupo siya sa isang malapit na bench. They were having a break from their last wedding rehearsal. Kung siya lang ang masusunod ay hindi naman na kailangan ng ganito. After all, all they have to do was walk down the aisle. But her and Lucas' mothers insisted on it. Kaya naman every weekend for three weeks ay pumupunta sila dito sa simbahan na magiging venue ng kasal.  "Nandito ka lang pala, akala ko kung saan ka na pumunta," wika ng isang bagong tinig.  Lumingon siya at nakita si Lucas. He was wearing a blue polo shirt tucked in a gray slacks. Many would probably say that he's handsome, in that quiet, neat way. He was a doctor, a cardiologist to be exact. He was very successful at his chosen field. Any woman would be lucky to have him as a husband. Pero sa kabila no'n, she wasn't feeling very lucky right now.  "Nagpapahangin lang ako," nakangiting wika niya dito.  Naupo ito sa tabi niya. "Tatlong linggo na lang and we'll be married."  "Yes." Parang biglang nanikip ang dibdib niya sa isiping 'yon. "Are you sure about this, Luke?" Bumaling siya dito. "Do you really want to be married to me?"  Isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi nito. "'Wag kang magagalit, okay? But I'm not really sure myself."  Hindi niya napigillang tumawa. Luke can really be honest to a fault. Isa 'yon sa mga bagay na gusto niya dito. At least kahit paano alam niyang hindi siya nito lolokohin. "Me too, hindi rin ako sigurado. Hindi ko rin mapigilang isipin na isang malaking pagkakamali lang ang lahat ng 'to. That we're going straight to our death sentence. But despite feeling like that, we will still continue on with this wedding, won't we?"  "Dahil mga masunurin tayong mga bata," wika nito, kahit na sinabi nito 'yon ng may ngiti sa mga labi, she could still hear a faint hint of bitterness in his voice. "But Lila, I want you to know that I don't think that marrying you is like a death sentence. I do like you. At sa tingin ko, magkakasundo naman tayo bilang mag-asawa. After all, we've been friends for so many years and we do get along. I think everything will be fine."  Pero isang mababaw na pagkakaibigan lamang 'yon. Because through all the years that they've known each other, Lucas never really knew the real her. Ang tanging kilala lamang nito ay ang perpektong anak na pinapakita niya sa lahat ng tao. He doesn't even know about her temper outburst or how impatient she was or that she doesn't particularly enjoy being surrounded by many people. Hindi niya isinatinig ang iniisip at bagkus ay nginitian na lamang ang binata.  "Yes, everything will be fine," wika niya, more to herself than to him.  Maya-maya pa ay bumalik na sila sa loob ng simbahan. Pagkalipas ng dalawang oras na paulit-ulit na paglakakad sa aisle, natapos na rin ang rehearsal nila. Nag-uusap sila ni Lucas nang bigla na lang umabrisete sa kanya ang stepsister ni Lucas na si Gwen. Nando'n ito dahil isa ito sa mga abay. Tiningnan niya ito, she was a petite girl, hindi man lamang ito lumampas ng balikat niya.   "Hey, Lila, I have a gift for you," nakangiting wika nito sa kanya.  Hindi naman niya napigilang magtaka. She never really considered herself and Gwen close. Since nagpakasal ang tatay nito sa nanay ni Lucas may anim na taon na ang nakakaraan, they've always been just casual acquaintances. Pero nitong nakaraan ay napapansin niya that Gwen was putting a lot of effort into getting closer to her. Ang tanging naiisip niyang dahilan ay dahil sa malapit na silang ikasal ni Lucas and Gwen only wanted to get along well with her future sister-in-law.  "What gift?" tanong na lang niya.  "A bridal shower." Nang magsalubong ang kilay niya sa sinabi nito ay muli itong nagwika. "I mean, come on. Ikakasal ka na in two weeks and yet you still haven't had your bridal shower. That's just wrong. You think so too, right Luke?"  "Ah, I think if Lila doesn't want a bridal shower then it's fine," sagot ng binata.  "You're such a boor, Lucas," nakaismid na wika ni Gwen dito bago bumaling sa kanya. "I've already bought three tickets to Las Vegas. You, me, and Toby could all go there and just enjoy ourselves to death. What do you say?"  Bago pa siya makasagot at masabi dito na imposible ang iniisip nito ay bigla na lang lumapit sa kanila si Toby. "Parang narinig ko ang pangalan ko, ah."  "I'm thinking of giving Lila a bridal shower. In Las Vegas. And of course, kasama ka," wika ni Gwen kay Toby.  "All expense paid ba 'yan?" tanong ng kaibigan.  "Yup. Ako ang bahala sa lahat ng gastos natin. From travelling to hotel resevations, sagot ko lahat."  "Isn't that a bit overboard?" hindi na niya napigilang wika.  "It's fine. It's not really that much. Besides, I can afford it anyway."  Wala naman siyang duda do'n. Gwen's father came from a family of old money bukod pa do'n he also owned a big architectural firm. So spending money has never been a problem for Gwen.  "Well, Lila, if the girl wants to spend money for you, I say we go and oblige her," wika ni Toby.  "Come on, Lila. Kung si Tita Myrna ang iniisip mo, you don't have to worry, I'll handle it. So let's go to Vegas and have some fun, hmm?" wika ulit ni Gwen na sinabayan pa ng pangngiti.  "It's not really that bad of an idea," wika naman ni Lucas.  Napailing siya at halos pigilan niya ang sarili na mapabuntung-hininga. She really doesn't want to agree to this bridal shower thing. But heck, ano bang mawawala sa kanya kung papayag siya? It's better than idly waiting for the day of her wedding. "Okay, fine, I guess," nawika na lamang niya. IBINABA ni Lila ang maleta pagkapasok sa hotel room na tutuluyan. After their flight from Manila, they took a cab na magdadala sa kanila dito sa Ruthledge. Isa 'yon sa pinakasikat na hotel and casino dito sa Las Vegas. Naupo siya sa kama at inilibot ang mga mata sa paligid ng silid. She really went and go here in Las Vegas. Hindi siya makapaniwala na napapayag ni Gwen ang nanay niya. Buong akala pa naman niya ay tatanggi ito, being old fashion and all. Pasalampak siyang nahiga sa kama at hindi niya napansin na dinalaw na pala siya ng antok.  Naalimpungatan siya dahil sa sunud-sunod na katok sa pinto. Gusto pa sana niyang ipagpatuloy ang pagtulog pero mas lalo pang lumalakas ang pagkatok. Wala na siyang nagawa kundi tumayo at buksan ang pinto. Napagbuksan niya sina Toby at Gwen. Both looked like they were going to a party.  "Ba't hindi ka pa nakabihis?" tanong ni Gwen sa kanya pagkakita sa ayos niya.  "May pupuntahan ba tayo?"  "We're going to dinner and go straight to a bar, then we're going to end our night in the casino," enthusiastic na sagot nito.  Bumaling siya kay Toby who looked like a Victoria's Secret model in her slinky black dress. Ngumiti lamang ito sa kanya. "I think it would be fun."  Nagpakawala na lamang siya ng malalim na hininga. "Magbibihis lang ako."  "Tutulungan ka na namin," pagpiprisinta ni Gwen.  She wore a hanging blouse that perfectly hugged her body and a pleated skirt that fell a few inches above her knees. Ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na isuot ang mga damit na 'yon. She always chose to wear clothes that makes her look like a very respectable professor. That means no wearing clothes that shows unnecessary amount of skin. Hinayaan niyang nakalugay ang mahaba at alun-alon na buhok. Pagkatapos niyang magbihis ay nilagyan naman siya ng make-up ni Gwen. She rarely wore make-up kaya bahagya pa siyang nagulat nang makita ang itsura pagkatapos siyang make-up-an ng dalaga. She looked, well, good.  "Now that we're all posh and pretty, let's go and have the night of our lives," excited na wika ni Gwen.  Bumaba na sila para kumain sa restaurant ng hotel. The food was great na hindi na niya dapat ikinagulat considering how famous the establishment was. Kung hindi kasi siya nagkakamali ay kalinya nito ang Caesar's Palace at MGM, na dalawa sa nangungunang hotel and casino sa Las Vegas. Pagkatapos nilang kumain ay dumiretso na sila sa bar. Kanugnog 'yon ng casino kaya hindi na siya nagulat sa dami ng tao. Pero sa kabila ng dami ng tao ay nakahanap pa rin sila ng lamesang mauukopa.  "Anong gusto niyong drinks? Ako na ang bahalang om-order," wika ni Gwen.  "Margarita sa 'kin," sagot ni Toby.  "Anything is fine for me. Ikaw na lang ang bahala," aniya.  Naglakad na si Gwen patungo sa bar para kumuha ng maiinom nila.  "You know I never thought your future sister-in-law is this likeable," wika ni Toby na nakasunod ang tingin kay Gwen.  "Because she brought you here all expense paid?"  "Well, there is that. Also, hindi pa ko naiirita sa kanya for the past twenty-four hours. And that, alone, already says a lot."  Yes, it already says a lot since hindi si Toby ang tipo na madaling gumaan ang loob sa kahit na sinong tao lang. Maya-maya pa ay bumalik na si Gwen dala-dala ang mga inumin nila.   "Margarita for Toby and martini for you," wika nito na ibinaba na sa tapat nila ang mga inumin.  Kinuha niya 'yon dito at nagpasalamat. Hindi pa man niya nauubos ang inumin, pakiramdam niya ay tatlong bote ng beer na agad ang nainom niya dahil sa biglaang pagkahilo na naramdaman. Pero pinilit pa rin niyang ubusin ang iniinom at nang matapos ay lalo lamang siyang nahilo. Gano'n kalakas ba talaga ang tama ng martini? Hindi siya sigurado because she never had one before.  "Pupunta lang akong C.R," narinig niyang wika ni Toby. Bahagya na siyang nakatango dito.  "Ayos ka lang ba, Lila?" tanong sa kanya ni Gwen.  "Yeah, I'm fine," wala sa loob na wika niya.  "Then I'll get more drinks for us, okay?" Bago pa siya makasagot ay tumayo na ito at iniwan siya do'n.  Dalawang lalaki ang bigla na lang lumapit sa table nila. "Are you alone?" wika ng isa. "Do you mind if we join you?"  Hindi na siya nag-abala na tingnan ang mga ito. "I do mind, so scram," natagpuan na lamang niya ang sarili na sinasabi. It's like the filter inside her head just vanished. She felt free na para bang ayos lang kahit na anupamang gawin o sabihin niya.  "Come on, we can buy you drinks," wika pa ng isa.  Hindi ba makaintindi ang mga Kano na 'to? She felt her control over her mind slipping and slipping by the second. Inis na tiningnan niya ang mga ito. "f**k off."  "You heard the lady, f**k off," wika ng tinig ng isang lalaki.  Bumaling siya sa pinanggalingan ng bagong tinig and the first thing she saw was a pair of very beautiful sea-green eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD