Ellison:
Habang nakahiga ako, pinagiisipan kong maigi ang sinabi ni Mikee.
Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang dapat kong gawin.
Pero hindi ba dapat hindi ko din ito pinoproblema dahil una sa lahat wala naman sinasabi pa si Liam sakin, though sa mga kilos niya ramdam kong may pahiwatig na yon.
I think i need to clear some things with Liam para makampante na rin ako. Bahala na kung mapahiya ako dahil nagassume ako kesa naman ganito na gulong gulo na ang buong pagkatao ko.
Nolan:
Meron akong business trip at training sa Singapore next week kanina ko lang nalaman yun at hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Ellie dahil alam kong mappraning na naman yun. Sasabihin ko na sana kanina kaya lang nagdalawang isip ako.
Hindi ko din naman pwedeng tanggihan yun dahil kailangan yun sa company.
Habang nagiisip ako kung paano ko sasabihin kay Ellie ng maayos na may training abroad ako next week ng magdoor bell ang matalik kong kaibigan na si Chris.
"Anong kailangan mo?" Inis na tanong ko dito dahil anong oras na at pumunta pa siya dito.
"Brad, patulog muna ako dito at gusto ko muna umiwas kay Jen at nagaway na naman kami."
Si Jen ay ang partner ni Chris. Live-in ang dalawa kasi mas gusto nila ng ganung set up sa ngaun.
"Ano na naman ang ginawa mo?" Mapanghusga kong tanong sa kanya.
"Ulol! Wala akong ginawa. Tinotoyo lang ang isang yun."
"Gago ka ba! Totoyoin ba yun kung wala kang ginawa."
"Wala nga! Tara na lang uminom may dala akong pangpaantok."
Habang nagiinuman kami bigla na lang siyang nagtanong ng tungkol samin ni Ellie.
"Kamusta na kayo ni Ellie?"
"Ganun pa din brader. Walang pinagbago, away-bati pa rin." Sagot ko sa kanya.
"Brad, baka naman kasi may ginagawa ka na naman."
"Wala na gago. Praning lang talaga minsan si Ellie at naiintindihan ko naman yun kaya lang nakakasakal at nakakainis na kasi madalas."
"Pinagsabihan kasi kita noon, hindi ka nakinig. So anong plano mo? niyo?"
Napahinga ako ng malalim bago ituloy ang sasabihin ko sa kanya.
"Gusto na niya magpakasal."
Tumingin siya sakin ngumisi sabay iling.
"Gusto na niya magpakasal. Ang tanong gusto mo ba?" makahulugang tanong sakin ni Chris.
"Hindi ko alam. Ayoko pa hindi pa ako handa pero iniisip ko din ang gusto niya" Diretsong pagamin ko sa kanya.
"Nolan, hindi pwedeng dahil gusto lang ng isa sa inyo eh dapat ganun nga ang mangyari. Brader kasal ang pinaguusapan dito, kailangan pareho kayo ng gusto. And besides away-bati kayo ng away-bati, hindi niyo nga maayos yang relationship niyo gusto niyo pa magpakasal." Tinitigan niya muna ako bago ulit magsalita.
"Nolan, wala naman masama na magpakasal kayo ni Ellie ang tagal niyo na din pero yun eh kung pareho kayong gusto at handa na. Tsaka ayusin niyo muna yang sa inyo bago kayo magdesisyon na tumalon sa pagpapakasal."
Hindi ako sumagot dahil alam ko naman na tama siya at hindi pa naman talaga ako handa na magpakasal.
"Sabihin mo nga sakin Nolan, kaya ba ayaw mo magpakasal dahil hindi ka pa handa o dahil hindi mo nakikita si Ellie na magiging asawa mo?"
Natulala ako sa tanong ni Chris sakin. Ano nga ba ang sagot sa tanong niya.
Hindi ako makasagot kasi bukod sa nagulat ako sa tanong niya, napatanong na rin ako sa sarili ko kung ano nga ba.
"Brader, pagisipan mong maigi ang tinanong ko sayo. Wag mong paghintayin si Ellie sa wala. Hindi niya deserve na paasahin at pagdating sa huli iiwan sa ere."
Hindi pa rin ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin, tila ba umurong ang dila ko.
Napapailing na lang sakin si Chris ng mapansin niyang hindi ako makasagot sa kanya.
Pagkatapos namin maginom ni Chris ay pumasok na ako sa kwarto para matulog. Si Chris naman ay pumasok na sa guest room para makapagpahinga na din.
Siraulo talaga. Hindi talaga umuwi ang gago.
Hanggang ngaun iniisip ko pa rin kung paano sasabihin ang pagalis ko nextweek. One month din ako dun kaya nahihirapan akong magsabi sa kanya.
Bahala na bukas kailangan kong masabi na sa kanya dahil kapag tumagal pa lalo lang magagalit yun kapag nagsabi ako sa kanya kung kelan paalis na ako.
Ellison:
Kinabukasan habang nagdidinner kami sa condo ko ng magpaalam si Nolan na kailangan niyang lumipad papuntang Singapore.
"Hon, may business trip at training ako sa Singapore. one month ako dun."
"Ha? Kailan ang alis mo?"
" Sa Sunday na."
" Bakit ngaun mo lang sinabi sakin?" Inis kong tanong.
"Ngayon ko lang din kasi nalaman. Nakaplano na yun pero wala pang confirmation noon kaya hindi ko muna sinabi. Hindi ko din naman kasi alam na ganun kabilis ang alis namin paglabas ng confirmation."
"Sinong kasama mong aalis?"
"Si Mike. Kaming dalawa lang." Si Mike yung sumunod sa kanya na mataas ang posisyon sa trabaho nila at kilala ko din naman siya.
"Honey, one month lang naman yun. Wag kang magalala lagi akong magvideo call sayo para hindi ka magisip ng kung ano-ano ha."
"Ok. Wala naman akong magagawa trabaho mo yan eh."
"Wag kang gagawa ng kung ano-anong kalokohan dun ha." Pagmamaktol ko pang banta sa kanya.
Tumawa naman si Nolan sa sinabi ko.
"Promise honey. Magpapakabait ako dun. Tsaka si Mike naman ang kasama ko eh."
"Siguraduhin mo lang ha."
Tumango naman siya at nagcross my heart pa habang nakangiti.
Napailing na lang ako dahil para siyang bata pagkatapos ay natawa na din ako.
"Ihahatid kita sa airport sa Sunday. Anong oras ba ang flight mo?" Tanong ko sa kanya. Nagddrive din naman kasi ako at may sariling kotse pero dahil nga mas gusto niyang hatid sundo ako kaya hindi ako nakakapagdrive papasok sa office.
"Sige. 5pm ang flight ko so alis tayo ng 2pm. Alam mo naman ang airport dito satin." Sabi niya.
"Sige sige. Nagsabi ka na ba kina tita?"
"Tatawagan ko si mommy bukas."
Tumango na lang ako sa kanya.
"Hon, dito na lang ako matutulog ngaun. Na-miss kita eh." Sabay ngisi niya.
"Mukha mo! Alam ko yang ngiti na yan."
Tumawa naman siya ng malakas sa sinabi ko.
May nangyayari naman sa amin ni Nolan kahit noon pa, sa tagal naman namin na magkarelasyon sa tingin ko ay normal na rin naman yun sa panahon ngaun.
Inaamin ko na sa isip ko mas ok pa din na may mangyari pagkatapos ng kasal. Pero mahal ko eh kaya binigay ko at wala naman akong pinagsisihan doon.
Habang nagliligpit ako ng pinagkainan namin ni Nolan at si Nolan ay naliligo may narecieve akong message from Liam.
"I miss you" Yan ang nabasa ko kaya bigla akong kinabahan at sinilip kung naliligo pa din ba si Nolan.
"Baliw ka" yan ang reply ko Liam. Hindi kasi ako mapakali at hindi ko alam ang isasagot sa kanya.
"It's true namimiss na kita. What are you doing?"
"Nagliligpit ako ng pinagkainan namin ni Nolan."
"Nandyan siya?" Nagtaka ako sa tanong niya na parang may mali na nandito si Nolan sa condo ko.
"Yes."
After nun hindi na siya nagreply pa. Kaya nagkibit balikat na lang ako at tinuloy na ang paghuhugas ng pinagkainan namin. Pero sa isip ko gusto ko ulit imessage or tawagan si Liam.
Pero naisip ko baka magtanong naman si Nolan kung sino ang kausap ko kaya nilagay ko na lang sa silent mode and phone ko at itinabi na.
Pagpasok ko sa kwarto nakita ko si Nolan nagpapatuyo ng buhok at nakaboxer lang.
"Honey!" tawag niya sakin na may pilyong ngiti.
Inirapan ko siya at kinuha ang towel at pangtulog ko para makaligo na rin.
Paglabas ko ng bathroom nakita ko si Nolan na nakahiga at nanonood ng tv.
Nung napansin niya akong lumabas ng bathroom tumayo siya at hinila ako sa kama at hinalikan.