Ellison:
I feel so guilty at hindi ko alam kung bakit. Nakasakay ako ngaun sa sasakyan ni Nolan and I feel too awkward at buti na lang hindi niya pa nahahalata.
I was with Liam the whole weekend at hindi alam ni Nolan yun, wala naman kaming ginagawang masama ni Liam pero why do I feel na nagtataksil ako sa kanya.
I know at hindi naman ako manhid para hindi maramdaman that Liam is treating me differently, hindi lang basta kaibigan ang trato niya sakin.
Pero bakit kahit gusto kong iwasan siya, hindi ko siya matangihan.
Naguguluhan na ako sa sarili ko.
Gusto kong isipin na natutuwa lang ako sa atensyon na binibigay sakin ni Liam dahil ito ang atensyon na hindi na naibibigay sakin ni Nolan.
Pero mali ang nararamdaman ko kahit ba tuwa lang yun at appreciation dahil alam ko ang nararamdaman ni Liam kaya niya ibinibigay sakin ang ganung atensyon.
Ayoko na sa huli ay may masaktan akong tao dahil lang sa hinahanap ko sa iba yung hindi na maibigay sakin ni Nolan.
Pero dapat ba akong magisip ng ganito kung si Liam ay wala naman sinasabi sakin. Maaaring may hinala ako sa feelings niya para sakin pero may possibility din naman na assuming lang ako.
“Honey, we’re here. Ok ka lang?”
Shit! Wala na ako sa sarili ko.
“Ah…oo naman, medyo inaantok pa kasi ako…sorry” Palusot kong sagot sa kanya.
“Puyat ka ba?”
“Hindi kasi ako agad nakatulog kagabi kaya para akong kulang sa tulog ngaun.”
“Ganun ba. Cge na pumasok ka na. I’ll pick you up later.”
“Ok. Magiingat ka sa pagdrive. I’ll see you later.”
“See you later. Bye”
**At lunch
“Hoy! Anong problema mo? Kanina ka pa tulala?” Nagtatakang tanong sakin ni Mikee
“May naintindihan ka ba sa lahat ng pinagsasabi ko o nagsayang lang ako ng laway?”
“Spill na te. Anong pinagdadaanan mo ha?”
Tinignan ko muna siya at huminga ng malalim. Nagdadalawang isip ako kung ikukwento ko ba sa kanya. Pero sigurado ako na kung meron taong makikinig at makakaintindi sakin si Mikee yun. At kung may mali nga akong ginagawa sigurado din akong si Mikee ang unang mangbabatok sakin para magisip ng tama.
Siguro nga kailangan ko siya ngaun.
“Ano na? Titignan mo na lang ako?” Naiinip na niyang tanong sakin.
“Mikee, alam mo naman kung anong nangyayari samin ni Nolan diba?”
Tumango lang siya at nakatingin lang sakin na parang sinasabi niya sakin na ituloy ko lang at makikinig siya.
“Nung nakaraan nagaway kami dahil nakialam ako sa phone niya, tinignan ko kung sinong nagmessage sa kanya. Nung nakita niya ang ginawa ko nagalit siya sakin. Aminado naman ako na paranoid ako madalas sa kanya. Pero hindi ko mapigilan.”
“Alam mo din naman na gusto ko ng magpakasal diba? Gusto ko ng magsimulang bumuo ng sarili kong pamilya.”
“Napagusapan niyo na ba ang tungkol dyan?” Tanong niya sakin.
“Oo. Pero hindi pa daw siya handa. At nung nagaway nga kami nasabi niya sakin na ayaw niya kong pakasalan dahil sa pagkaparanoid ko.”
Napailing si Mikee bago nagsalita.
“Ellie, may tiwala ka pa ba kay Nolan. I mean kaya mo pa bang ibigay ang buong tiwala mo sa kanya tulad ng dati?”
“Hindi ko alam Mikee. Hanggang ngaun kasi naiisip ko pa rin yung nangyari.”
“Ellie, sa ngaun hindi niyo issue ang pagmamahal. Kasi kung love lang mahal niyo pareho ang isa’t isa. Pero paano ang tiwala?”
“Ellie, hindi pwede na ang relasyon niyong dalawa puro pagmamahal lang kailangan niyo ng tiwala sa isa’t isa. Anong sense na nasa relationship kayo kung hindi ka naman kampante sa kanya. Gusto mo bang araw-araw nagdududa ka sa kanya. Ellie, nakakapagod yung ganun.”
“Gusto mong magpakasal na kayo pero bago yun kailangan mo munang siguruhin sa sarili mo na kaya mo ibigay sa kanya ang tiwala mo sa kanya. Ganun din ang respeto, nung nangbabae siya noon ibig sabihin hindi ganun kalaki ang respeto niya sayo o sa relationship niyo para maisip niya mangbabae. At kailangan kailangan niyong magkaron nun pareho para sa isat isa hindi lang puro pagmamahal.”
“Ellie, matagal ko na din kilala si Nolan. I have nothing against him kahit pa nangbabae siya noon. Pero do you really see yourself getting married to him, tapos araw-araw hindi ka kampante sa kanya. Hindi ka ba napapagod?”
“You can’t just get married dahil sa reason na gusto mo ng magkapamilya at handa ka na para doon. Pero kailangan mo din siguruhin na yung taong pakakasalan mo eh yung tamang tao at yung tao na kaya mong ibigay ang tiwala at respeto mo sa kanya ng buong buo at walang pagaalinlangan.”
Natahimik ako sa napakahaba niyang litanya sakin.
“Ellie, kaibigan mo ko hindi ako hahadlang kung gusto mo na magpakasal at magiging sobrang saya ko pa para sayo kung mangyayari yun dahil alam kong pangarap mo yun. Pero sa nakikita ko sayo hindi ka kampante sa relasyo niyo ni Nolan at hindi yun maganda.”
“Pagisipan mo Ellie. Ikaw lang ang makakaalam niyan.”
Tumango na lang ako sa kanya dahil alam ko na tama siya. Pano ako magpapakasal kung hindi ko nga alam kung anong nangyayari sa relationship namin ni Nolan.
“Hoy! Ano pa? Meron ka pang hindi sinasabi.” Muli niyang sabi sakin na may panguusig na tingin.
“I met someone. I met him several weeks ago, and I actually spend my weekend with him.”
“What??!!!” Nanlalaking mata na tingin sakin ni Mikee. “ Lintik ka Ellie, ano bang iniisip mo?! Anong nangyari sa inyo ng lalaki na yan? Ha?”
“Gaga ka! Walang nangyari. Nagmall lang kami, nagsimba at namasyal lang. OA mo kung ano-ano agad naisip mo” Sagot kong may halong inis sa kanya.
“Ikaw ang gaga Ellie, linawin mo kasi. Lintik ka akala ko ginaya mo na si Nolan.”
“Leche ka Mikee! Hindi ko gagawin yun…pero…”
“Pero?” may pagdududang tanong sakin ni Mikee.
“Pero kasi nararamdaman kong may gusto siya sakin.”
“Nararamdaman mo? May sinabi ba siya sayo?”
“Wala.” Sagot ko sa kanya.
“Wag kang asumera gaga ka. Magtanong ka. Ayusin mo yan, wag kang gumaya dun sa jowa mong salawahan ha.”
“Kung gusto mo ng bagong jowa. Makipaghiwalay ka muna ng maayos kay Nolan.”
“Ano ka ba Mikee, magkaibigan lang kami ni Liam. Pwede ngang tama ka rin na asumera lang ako no. Pero pakiramdam ko namamangka ako sa dalawang ilog kahit na magkaibigan lang kami ni Liam.” Pagamin ko sa kanya.
“So…Liam is the name ha. Sabihin mo nga sakin attracted ka ba sa Liam na yan?" Hindi ko siya masagot dahil hindi din ako sigurado sa sarili ko.
“Leche kang babae ka! Umayos ka ha! Nagkakagusto ka na sa kanya?”
Hindi pa rin ako sumasagot sa kanya. Hindi ko kasi alam ang isasagot. May gusto ba ako ka Liam.
Nagaassume nga lang ba ako sa feelings sakin ni Liam dahil ako ang may gusto dito.
“Hoy! Sasabunutan talaga kita. Ayusin mo nga yang sarili mo. Magisip ka ng tama. Hindi ko naman sinasabi na bawal kang magkagusto sa iba. Pero utang na loob wag kang mangangaliwa. Wag mong gayahin ang jowa mo.” Naiinis pang litanya nito sakin.
“Wala naman akong plano no. It’s just that I feel special sa mga pinapakita niya sakin. Hindi ko maiwasan magkaron ng attraction kahit konti. Gusto ko din naman siyang iwasan dahil nga kay Nolan pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa.” Pagamin ko kay Mikee.
“Alam mo Ellie, sa nangyarari sa inyo ni Nolan hindi naman talaga kita masisisi kung may mga ganyan kang nararamdaman. Pero habang maaga pa make sure na nagiisip ka ng tama dahil ayoko lang na pagdating sa dulo eh ikaw ang makawawa at magiiiyak dyan dahil may ginawa kang mali.”
“Matanda ka na Ellie, alam mo na ang ginagawa mo. Pagisipan mong lahat.”
“Alam ko Mikee. Alam ko. Kaya nga natatakot ako.”
Tumahimik na kami, dahil siguro nasabi na namin ang dapat namin sabihin sa isat isa. Nagkkwentuhan na lang kami ng kung ano-ano ng may biglang lumapit sa table namin. At mas nagulat ako ng nakita ko na si Liam yun.
“Hey Ellie” Bati niya sakin.
“Liam!”
“I’m here with some of my co-workers’ for lunch.” Sabi niya sakin.
“Oh ok. By the way. Liam this is Mikee, Mikee this is Liam.” Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.
Liam offered his hand to introduce himself to Mikee at tinaggap naman yun ni Mikee.
Since tapos na din naman kami maglunch ni Mikee, nagpaalam na ako sa kanya.
“We’ll go ahead Liam, tapos na din naman kami maglunch.”
“Sige. Ingat kayo ha.” Sagot niya sakin.
Nginitian ko siya. “Enjoy your lunch.”
“I will babe. You take care.” Sabay kiss niya sa pisngi ko na feeling ko nagblush ako ng bongga dahil sa ginawa niya at si Mikee ay nagulat din sa ginawa at tinawag nito sakin.
Napansin ko din na nakatingin yung group ng mga kasama niya samin. Lumabas na kami ni Mikee para bumalik sa office at kinakabahan ako sa kanya dahil alam kong magtatanong ito sakin.
“BABE!!!” “Akala ko ba friends lang kayo?”
“Oo nga friends lang kami. Hindi ko alam bakit niya ko tinawag na ganun.” Simpleng sagot ko sa kanya.
“Ellison! Sinasabi ko sayong babae ka ha. Ayusin mo yan. Linawin mo ang mga bagay bagay sa inyong tatlo ha.”
Inirapan ko lang siya at hindi na sumagot pa. Nakakaloka naman kasi si Liam.