CHAPTER 12

1806 Words
Ellison: Ngayon ang araw ng alis ni Nolan. Kahapon ko pa siya sinundo sa apartment niya at dito na siya natulog kagabi para daw magkasama kami bago siya umalis at para daw hindi na ako paikot-ikot today sa paghatid-sundo. One month din siya sa Singapore. Sana ay makayanan ko na hindi ako sinasaniban ng kapraningan. Alam ko naman na si Mike ang kasama niya at alam ko naman na mabait yun dahil sa totoo lang si Mike ang huling taong maiisip ko na may gagawin na kalokohan kaya kahit papaano ay kampante ako. It’s already past 2 p.m. at on the way na kami papuntang airport dahil 5 p.m. ang flight niya. Si Nolan ang nagdadrive dahil yun ang gusto niya kaya hinayaan ko na lang. Pagdating sa airport ay nagpark na kami ng sasakyan. Bawal kasi magtagal ang sasakyan sa harap ng entrance ng airport tapos kailangan pa niyang hintayin si Mike para sabay na silang pumasok at magcheck-in. Habang naghihintay kay Mike ay nakaakbay sakin si Nolan at nakayakap naman ako sa bewang nito ng magsalita ito. “Hon, magiingat ka pagpasok sa office at paguwi ha. Wag kang tutulala habang nagdadrive.” Natawa ako kasi ganito talaga siya kapraning kapag nagdadrive ako. Magaling naman akong driver pero ewan ko ba sa kanya. “Hon, kung tutuusin pwede naman akong maglakad from condo to office dahil kahit papaano ay malapit lang naman. And if ever magdadrive ako don’t worry magiingat ako. Wag ka masyadong magalala magaling kaya ako magdrive.” “Hon, I am just making sure na hindi ka maaaksidente. And besides I know na magaling ka magdrive kaya lang hindi lahat ng kasabay mo sa kalye magaling din magdrive. Kaya nagaalala ako sayo.” Napangiti na lang ako sa kanya. “Ok ok. Promise magiingat ako kapag magdadrive ako.” “Wag kang maglalakad papasok kapag sobrang init ha.” Bilin pa nito. “Kelan ba hindi naging mainit sa Pilipinas? So parang sinabi mo na din na lagi akong magdrive papasok at pauwi.” “Exactly!” Sagot naman nito na may kasamang ngisi. Inirapan ko na lang siya. “Ayan na si Mike!” nang makita niyang papalapit na si Mike samin. “Hi Mike!” bati ko dito. “Hi Ellie, talagang hinatid mo pa tong siraulo na to eh isang buwan lang naman yan mawawala.” Kaya nagtawanan kaming tatlo. “Syempre hinatid ko baka may iba pang maghatid.” Sagot ko sa kaniya na ikinatawa nung dalawa. “Oo nga naman. May point ka don.” Sagot nitong tumatawa pa din. “Oh, pano hon, papasok na kami. Magiingat ka sa pagdadrive ha.” “Oo nga! Wag kang OA magaling nga sabi ako magdrive.” Natatawa kong sabi kay Nolan na ikinatawa din niya. “Magiingat kayong dalawa dun ha. Magpakabait kayong dalawa.” Bilin ko sa kanila. “Yes boss!” sagot sakin ni Nolan “Ako pa ba?! Wag kang magalala babantayan ko tong Honey mo. Isusumbong ko sayo kapag may ginagawang kalokohan.” Nakangising banat pa ni Mike. Tumawa kaming tatlo dahil sa kalokohan ni Mike. “Sige bantayan mo yan at isumbong mo sakin at hahanapan kita ng girlfriend.” Biro ko kay Mike. “Deal!” sagot ni Mike sakin. “Siraulo ka!” sabi naman ni Nolan sabay tawa. “sige na hon. Magiingat ka. I love you” sabi ni Nolan sakin sabay yakap. Nagulat ako dahil for the longest time ngaun na lang siya ulit nagsabi ng I love you sakin. “Kayo din magiingat din kayo. Magmessage ka sakin pagdating niyo dun ha. I love you.” “Hintayin ko kayo makapasok bago ako umalis.” Sabi ko sa kanya pagbitaw namin sa yakap. Tumango naman siya at humalik na sa labi ko at pumila na sila papasok ng airport. Nang makapasok na sila sa airport ay bumalik na ako sa kotse ko at nagsend ako ng message sa kanya na uuwi na ako. Then nagreply siya na magiingat ako and magmessage ako kapag nakauwi na ako. Hindi na ako nagreply at nagsimula na ako magdrive pauwi. Paguwi ko sa condo nagmessage muna ako kay Nolan na nakauwi na ako pagkatapos ay pumunta ako sa kusina para maghanap ng makakain dahil nagugutom ako. After ng ilang minuto may tumatawag sa phone ko na akala ko si Nolan, but it was Liam. “Hello” “Hey Ellie! Nasa condo ka ba? can I visit. I’ll bring dinner.” “Ah..Liam kasi ano…” nagdadalawang isip kong sagot sa kanya. “Please! Sige na. Gusto ko lang may makasa magdinner. Please.” Pakiusap nito. “Ok sige.” “Do you want anything specific for dinner?” “hmmmm…Wala naman. Ok lang kahit ano.” “Ok sige. I’ll be there pagkabili ko ng dinner. See you.” Tapos ay binaba na niya ang tawag. Around 4:30 tumawag si Nolan para sabihin na boarding na sila at magmemessage na lang siya once dumating na sila sa Singapore or makapag check-in na sila sa hotel nila. Pagdating ng 6:30 medyo nakaramdam na ako ng gutom, hinihintay ko si Liam at sakto naman may nagdoorbell. “Pasok ka.” Paanyaya ko kay Liam at tumabi para makapasok siya. Nakita ko yung dala niyang mga paper bags at naisip ko na parang ang dami nun para samin dalawa. “Bakit parang ang dami mong dala?” Tanong ko sa kanya. “Hindi ko kasi alam kung anong gusto mong dinner so bumili ako ng iba-iba para may options tayo.” Natawa ako sa kanya at sa dami ng pagkain na dala niya. “Ubusin mo yan ha.” Banta ko sa kanya na ikinatawa niya. Shit! Napakagwapo naman nito tumawa sabi ko sa isip ko. Hinanda ko na ang mga dinnerware at ang pagkain dahil talagang nararamdaman ko na ang gutom. “Nagmessage ako sayo kanina, hindi ka nagreply.” Sabi niya sakin habang nireready namin ang mga pagkain. Tumingin ako sa kanya na inaalala kung may nabasa ba akong message from him at nung maalala ko na. “Yeah! Sorry nakalimutan ko ng magreply papunta kasi ako kanina sa airport kaya hindi ako nakareply sayo agad.” “Airport?” “Oo. Hinatid ko kasi si Nolan. May business trip kasi siya sa Singapore.” “Oh! Ok!” Tumingin ako sa kanya kasi parang may kakaibang dating yung sagot niya. “Gaano siya katagal dun?” Tanong niya pa “One month.” “Talaga?” “Oo. Bakit?” “Wala naman.” Nagkibit balikat na lang ako sa sagot niya. “Tara ng kumain. Nagugutom na ako eh.” Pag-aya ko sa kanya. Tumango siya at nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay nagkukwentuhan kaming dalawa. Sa totoo lang magaan kasama at kausap itong si Liam. Kung tutuusin nga kung wala lang kakaiba sa pinapakita niya sakin, hindi ako magdadalawang isip na pumayag sa mga invitation sakin na lumabas or kumain. ‘Hindi ba ikaw din naman may kakaibang feelings para sa kanya’ bulong ng tagong parte ng utak. Habang nagsasalita si Liam, nakatingin ako sa kanya. Talagang gwapo siya. Lalaking lalaki ang dating. Kahit sinong babaeng mapalapit dito ay siguradong mahuhulog sa kanya. Natagalan din kami sa pagkain ni Liam ng dinner dahil sa kadadaldal namin dalawa. Nagsisimula na akong maghugas ng may matanggap akong message from Nolan na nasa Singapore na sila at tatawag siya once nakasettle na sila sa hotel. Si Liam naman ay nanonood ng TV sa living room maya-maya daw siya uuwi at wala naman daw siyang gagawin sa bahay niya. “Paano ka papasok sa office bukas, wala maghahatid at sundo sayo?” tanong niya sakin ng makita niya akong papalapit sa living room. “Ano ka ba? Malapit lang naman dito ang office ko. Pwede akong maglakad or pwede din akong magdrive may kotse naman ako.” Sabi ko sa kanya. “Ako na lang ang maghahatid sundo sayo simula bukas.” Sabi niya. “Wag na. Ayoko makaabala pa sayo. Ang lapit lapit lang naman ng office ko dito no. Hindi ako mawawala. Grabe ka!” Biro ko pa sa kanya. “Hindi ka nakakaabala. Ok lang yun tutal magkalapit lang naman ang tirahan natin pati na ang building ng office natin. Kaya ok lang sakin.” Hindi na ako sumagot dahil halata naman na hindi siya magpapatalo. Siguro pagbibigyan ko na lang muna siya bukas pagkatapos ay kakausapin ko na lang siya ulit. Pagdating ng 10 p.m. ay nagpaalam na siya na uuwi at niremind ako na susunduin niya ako bukas. “I’ll see you tomorrow babe. Goodnight.” Yun ang huli niyang sinabi sakin bago siya tumalikod pasakay ng elevator. Hindi ko na lang pinansin ang pagtawag niya sakin ng babe. Nakasanayan ko na din siguro. Iniisip ko na lang na favorite endearment niya yun at tinatawag niya lahat ng ganun. Kahit na sa totoo lang may kakaibang hatid na kilig sa akin ang pagtawag niya sakin ng babe. ‘Ellison ayan ka na naman.’ Sita ko sa sarili ko. Kapapasok ko pa lang sa kwarto ko ng magring ang phone ko at tumatawag si Nolan. “Hello honey!” Masiglang bati ni Nolan sakin. “Hi! Nasa hotel na kayo?” tanong ko sa kanya. “Oo. Nandito na kami. Kumain ka na?” “Yup. Ikaw? Nagdinner ka na ba?” “Oo kanina sa airport. Hindi kasi kami nagenjoy ni Mike dun sa pagkain sa eroplano. Kaya kumain na muna kami sa airport bago kami pumunta dito sa hotel. Gutom na kasi kaming dalawa.” Tumawa ako sa sinabi niya. “Maigi naman at nakakain na kayo. Ayusin mong maigi yung mga gamit mo dyan ha. One month ka magstay dyan baka mamaya hagis ka lang ng hagis ng pinaghubaran mong damit ha.” May ugali kasi si Nolan minsan na kapag pagod galing trabaho ay wala ng pakialam sa mga gamit niya, yung mga damit niya kung saan saan na lang niya pinagbababato. “Opo. Aayusin ko po.” Natatawa niyang sagot sakin. “Honey, magaayos muna ako ng gamit ko tapos magpapahinga na din ako. Maaga kami ni Mike bukas. Magmessage na lang ako sayo bukas bago ako umalis ng hotel tsaka paguwi ko. Magpahinga ka na din maaga pa pasok mo bukas.” “Sige. Ayusin mo yang pagkakasalansan ng damit mo ha baka magusot-gusot yan. Kumain ka ng maayos dyan.” “Yes hon. Magingat ka sa pagdadrive ha.” “Opo. Magiingat po ako.” “Ok hon. Sige na goodnight.” “Goodnight.” Napabuntong hininga ako. Kung alam lang ni Nolan na may susundo sa akin bukas. “Hay naku Ellison! Ano bang ginagawa mo.” Inis kong bulong sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD