Liam:
Masaya akong umuwi galing sa condo unit ni Ellie.
Ito na yung chance ko para maipakita at maiparamdam ng buo kay Ellie kung anong nararamdaman ko.
Alam kong mali dahil may boyfriend siya pero hindi ko talaga kayang pigilan ang sarili ko.
Mahal ko na si Ellie. Hindi ko alam paano nangyari at kailang nagsimula.
Basta ang alam ko lang mahal ko siya, mahal na mahal.
Kaya gagawin ko lahat para maipakita at maiparamdam sa kanya yun, kung sa huli ay hindi ako ang pipiliin niya, pipilitin kong tanggapin kahit masakit basta ginawa ko ang lahat para sa kanya.
Ellison:
Nakasakay na ako ngayon sa sasakyan ni Liam. Sa totoo lang pwede naman talaga akong maglakad at yun naman talaga ang plano ko nung nalaman kong aalis si Nolan.
Tahimik lang kaming dalawa habang nasa biyahe. Lumulutang pa din ang isip ko kaya hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng building kung nasaan ang office ko.
“We’re here Love.” Bigla akong napabalik sa ulirat ko nung narinig ko siyang nagsalita.
“Let’s have dinner later.”
Napatingin lang ako sa kanya at tumango na lang. Naisip ko kasi na maybe we should talk, dapat ko na sigurong ituloy ang pakikipagusap sa kanya ng masinsinan.
“Mauna na ako. Thank you, ingat ka sa pagdrive ha.”
Ngumiti naman siya at nagwave indicating na aalis na siya.
Papasok na ko ng building ng may tumapik sa balikat ko. At yun ay walang iba kundi si Mikee.
“Girl, bago kotse ni Nolan?” nagtataka naman akong tumingin sa kanya.
“Ha?”
“Yung naghatid sayo ibang kotse, bago yun?”
“Ah. Hindi si Nolan yun. Wala si Nolan may business trip sa Singapore.”
“Oh! So sino yung naghatid sayo?” Tanong niya sakin na may tinatagong ngisi.
“Si Liam.”
Tinignan niya ako na parang sinasabi na anong meron.
“Wag mo kong tignan ng ganyan. Sinabay lang niya ko since nalaman niyang walang maghahatid sakin dahil wala si Nolan at dahil magkalapit lang ang building ng tinitirahan namin kaya sinabay na niya ko.”
Hindi pa rin siya kumikibo at tinitignan lang ako na para bang naghahanap ng mali sa ekspresyon ng mukha ko.
“Kung ayaw mong maniwala, wag!”
“Wala naman akong sinasabing hindi ako naniniwala. Bakit defensive ka dyan?” Nakangising sagot ni Mikee.
“Heh! Bahala ka dyan.”
Imbis na makipagtalo pa sakin, bumunghalit ng tawa si Mikee. Tapos ay hinarap ako at nagsalita.
“Girl, masakit sa ulo yang ginagawa mo. Basta kapag kailangan mo ng kausap nandito lang ako.”
Pagkasabi nun ay dirediretso na siyang lumabas ng elevator. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa floor naming.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya sakin kanina. Anong ibig niyang sabihin.
Hay naku! Loka-loka talaga ang babaeng yun. Bahala siya, wala akong oras para isipin pa ang trip niya.
Mabilis na lumipas ang mga oras ngayong araw. Nakailang message si Nolan sakin naguupdate kung ano ng nangyayari sa kanila dun. Sinabi din niyang late daw siyang makakatawag sakin mamaya dahil yung mga kasamahan nilang Singaporean will treat them to dinner bilang pawelcome sa kanila which I understand naman.
Nagmessage na sakin si Liam na susunduin daw niya ko ng 6:30 then magdinner kami. Okay na din to para makapagusap na kami ng masinsinan.
Ayoko ng patagalin pa to dahil ayokong magkaron pa ng misunderstanding sa pagitan naming dalawa. Kahit papaano naman ay nagkapalagayang loob na kami ni Liam.
Hinihintay ko na lang na dumaan si Liam.
Saglit pa lang akong naghihintay ng tumigil ang kotse ni Liam sa harap ko.
“Saan mo gusto kumain?” Tanong niya.
“hmmm…kahit saan. Wala din akong maisip eh.”
“Punta tayong greenbelt then dun tayo mamili. Okay lang sayo?”
“Sige.” Simpleng sagot ko sa kanya.
We decided to eat at Pepper lunch. We placed our orders and chat while waiting for our food to be served.
Tahimik kaming kumakain. Nagpapakiramdaman, para bang alam naming pareho na may mangyayari or magbabago kapag may isang nagsalita samin.
Malapit na kaming matapos when I decided to talk. I let out a silent sigh. Kailangan ko ng kausapin siya, yun lang ang tumatakbo sa isip ko ng mga oras na yun.
“Ah Liam.” Pagisismula ko.
Tumingin naman siya sakin naghihintay ng sasabihin ko.
“Can I ask you something?”
“Sure.” Nakangiti niyang sagot sakin.
“I’m sorry but can I ask why do you keep calling me babe and this morning love. I tried to ignore it pero I can’t.”
“Are you bothered with me calling you babe and love?”
“Liam, please sabihin mo sakin ng diretso kung assuming lang ba ako na may gusto ka sakin.”
Tinitigan niya ko sa mga mata ko. Matagal tagal din bago siya nagdecide na sumagot.
“Yes! Gusto kita Ellie. I like you very much. Very much.” Diretsong sagot nito sakin.
“No! I am in-love with you Ellie.” Nagulat ako sa sinabi niya.
Hindi pwede mangyari yun. Hindi pa kami ganun katagal na magkakilala para masabi niyang in-love siya sakin.
Oh God! This is more complicated than I thought.
“Seryoso ka ba Liam?” tanong ko sa kanya.
Tinignan niya ko na parang sinasabi sakin na ‘do I look like I’m not serious.
“No! Liam, it’s not possible. Hindi mo pa ko ganun katagal na kakilala para sabihin na in-love ka sakin.” Pagdedeny ko sa sinabi niya.
Pero sa sarili ko, hindi din ako sigurado kung imposible nga bang mangyari yun.
“Why is it impossible?” kasabay ng nagtatanong na tingin nito sakin. “Just because hindi pa kita matagal na kakilala eh imposible ng mahalin kita.”
“Ellie, hindi natuturuan at napipili ang taong mamahalin ng puso at pagkatao ko.”
“Mahal kita Ellie.”
“Pero mali Liam. May boyfriend na ako. Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na sinasabi mo.”
“Ellie, masaya ka pa ba sa kanya?” I stiffened when I heard his question.
Masaya pa ba ako kay Nolan. Ano bang tamang sagot sa tanong niyang yun o mas tamang itanong na ano na nga ba ang nararamdaman ko para kay Nolan.
Ngumiti si Liam ng mapansin niyang hindi ako makasagot sa tanong niya.
“Hindi kita tatanungin kung mahal mo pa ba siya dahil gusto kong kusa mong marealize ang totoo mong nararamdaman. But I hope you can allow me to show you what I really feel about you. Hayaan mong ipakita at iparamdam ko sayo ang pagmamahal na sinasabi ko.”
“Hindi Liam. Mali! Ayoko na makasakit ng tao si Nolan man o ikaw. May boyfriend ako at hindi tama na ientertain kita at ang nararamdaman mo para sakin.”
“Let’s go. Ihahatid na kita.” Biglang sabi niya sakin.
Tapos na ba kami magusap. Tinanggap niya na ba ang desisyon ko?
Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Liam kaya sumunod na lang ako sa kanya.
Pero bakit habang tinatanggihan ko siya kanina ay may konting kirot sa puso ko na inayawan ko ang pagmamahal niya sakin.
May nararamdaman na din ba ako para sa kanya?
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa building ng condo ko. Nagpumilit siya ihatid ako sa unit ko, hindi na ako nakipagtalo pa kasi pakiramdam ko nasaktan ko siya kanina at nalulungkot ako.
Pinapasok ko siya sa unit ko.
“Gusto mong tubig?” Alok ko sa kanya.
Umiling siya at tinitignan lang ako. Nakipagtitigan ako sa kanya.
Hindi ko namalayan na unti-unti na pala siyang lumalapit sakin.
Nang tuluyan siyang makalapit sakin ay niyakap niya ako. Mahigpit na yakap pero may pagiingat at pagaalaga.
“I won’t take No for an answer Ellie. Mahal kita at hindi mo ako mapipigilan na iparamdam sayo yun.”
“Mali na kung mali ang relasyon na to pero walang mali sa nagmamahal. At mahal kita.”
“Wala tayong relasyon Liam. Pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo.”
Tinitigan niya ko at ngumiti.
“Wala pa. Pero sisiguruhin kong magiging akin ka Ellie. Sakin lang.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Ganun ba niya talaga ako kamahal para angkinin niya ako.
“Ellie, kahit ano pang mangyari nandito na tayo. May masasaktan at masasaktan na kaya ipaglalaban na kita.”
Nakatitig lang ako sa kanya at wala akong salitang mahanap para sabihin sa kanya.
“Sabihin mo sakin Ellie kung kahit konti ba wala kang nararamdaman din para sakin.”
Umiling ako. “I’m Sorry Liam. Pero wala.” Tila gusto kong pagsisihan yung sinabi ko sa kanya.
Nagtaka ako ng ngumiti siya sakin at nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at halikan sa labi.
Nanlaki ang mga mata ko ng maglapat ang mga labi namin at biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Magkadikit lang ang mga labi namin hindi siya gumagalaw. Pero unti-unti nararamdaman kong gumagalaw na ang mga labi niya gusto ko siyang itulak palayo pero ayaw ng katawan ko, ayaw gumalaw ng mga kamay ko.
Pinapalalim niya ang aming halik hanggang sa hindi ko na namalayan na tumutugon na ako pero bigla siyang tumigil at lumayo sakin.
Nakangiti niya kong tinignan.
“Now Ellie! With all honesty kahit ba konti wala kang nararamdaman para sakin?”
Nakatingin lang ako sa kanya, wala lumalabas na salita sa bibig ko. Naguguluhan na ako.
Yung utak at puso ko nagrurumble na.
“Ellie, answer me. Yung totoo. Don’t lie to me because I will know.”
“Liam…” yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko.
Nilapitan niya ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at ngumiti.
“I know my love. I know.”
“I will fight for you. I will wait for you until you are ready to let him go and be with me. Only me babe.”
Nakatulala lang ako sa kanya. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sakin.
Naestatwa na ako sa kinatatayuan ko hanggang sa magpaalam at umalis na si Liam.
Shit! Ellie you’re in big trouble!